“Code, kapag naaksidente ulit ako libre na ako rito, h—Aray!” daing ko nang pitikin ni Gio ang noo ko. “Huwag mo na kasing hangarin na masagasaan ka ulit, Sabrina.” tumatawang saad naman ni Code kaya tiningnan ko ng masama si Gio. Kaya pala pamilyar ang apliyedo ni Code dahil naalala kong nakita ko nga pala ang pangalan nitong hospital noong madaling na naglugaw kami ni Gio. Nalaman kong tama si Chase at si Code nga ang may ari ng hospital. Iyon lang naman ang sinabi ni Code at hindi na nagkwento pa tungkol sa pamilya niya. Ang taray nga ng lahi nitong siraulong ito, e. Half Pinoy at half Thai. “What?” kunot-noong tanong ni Gio dahil masama akong nakatingin sa kaniya. Kung hindi umuwi si Chase, paniguradong hindi niya mapipitik ang noo ko dahil lagi akong nakadikit kay Chase. “Wala,

