CHAPTER 08

1960 Words
"Death is near..." CHAPTER 08 Mors Prope Est LUMIPAS ang mga araw naging abala na kami sa kani-kaniyang gawain. May quiz kami next week kaya todo review kami, hindi pa rin lumilipat sina Miracle at Sasha sa unit ko dahil tinatamad pa raw sila. Naging normal naman ang mga nagdaang araw, nag-aasaran at pikunan pa rin sila pero mas naging malapit na kami sa isa't-isa. Buong akala ko ngayon ang birthday ni Lewis kaso nagkamali raw siya ng tingin sa kalendaryo, nakapagtataka dahil imposible namang makalimutan niya ang birthday niya. Naging sanay na rin ako sa unit kong mag-isa at paminsan-minsang kinakausap si Jeah at pati na rin ang ibang kafloor ko. "Zaf, kumain ka na ba?" Napahinto ako sa pagsusulat ng notes ko nang bigla akong tanungin ni Lewis na nasa tabi ko. Ibinaba ko ang ballpen sa ibabaw ng papel saka siya tinignan. "Hindi pa." Napatango siya habang nakatingin sa akin. "Mukhang wala yata tayong Prof, yayain kaya natin silang kumain?" "Huwag na. Maghintay pa tayo baka may dumating." Hindi na siya nagsalita at tinuloy ko na lang ang pagsusulat. May mga notes akong hindi naisulat kaya kailangan ko pang komopya. Ganoon din sina Miracle, Sasha at Kael itong si Lewis lang talaga ang masipag sa amin. Buti na lang at mukhang walang Prof dahil halos kalahating oras na yata kaming naghihintay ang iba naming blockmates lumabas na ng classroom. Sa susunod na linggo birthday na ni Lewis hindi ko pa alam kung ano ang ireregalo ko sa kanya. Kahit na minsan hindi kami nagkaiintindihan, kami lang dalawa ang malapit sa isa't-isa at ang ikinatatakutan ko parang nahuhulog na ang loob ko sa kanya. "Ang hirap magsulat!" Dinig kong sigaw ni Kael. "Mas mahirap kung wala kang notes!" Pang-aasar naman nitong si Lewis. Natawa na lang ako at muling bumalik sa pagsusulat. Itinuon ko lang ang atensyon ko sa ginagawa ko at hindi na lang sila pinansin. Habang tumatagal nangangawit na ang kamay ko, pero binaliwala ko ito dahil malapit naman na akong matapos sa pangatlong chapter. Sandali kong binitawan ang ballpen ko at bahagyang napasandal sa kinauupuan ko. Maingat kong ginalaw ang ulo ko dahil nangawit ito mula sa pagkakayuko medyo nakararamdam na ako ng antok pero nilalabanan ko ito. Sandali kong pinikit nang mariin ang mga mata ko saka huminga nang malalim at muling dumilat. Hinawakan ko ulit ang ballpen ko at nagsimulang magsulat. Hindi ko na pinapansin ang mga nasa paligid ko lalo kong sineryoso ang isinusulat ko. "Zaf." Awtomatikong napatigil ako sa pagsusulat at dahan-dahang inangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko. Bumungad sa akin ang isa kong blockmate na babae. "Bakit?" Hindi kami close nito at parang ngayon lang yata niya ako pinansin. Sandali niya akong tinitigan at ganoon din ako sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba itong nakikita ko na parang ang dilim ng tingin niya sa akin at nanlilisik ang mga mata niya hanggang sa unti-unting napapaangat ang magkabilang dulo ng kanyang labi. "Mors prope est." Bulong niya nang nakangisi. Bigla ko na lang naramdaman na parang may dumaloy ang malamig na hangin mula sa paa ko papunta sa ulo ko... Nakakakilabot. "Czarima, a-ayos k-a lang?" Nararamdaman kong nanginginig na ang labi ko sa sobrang kilabot at kaba ko. Pasimple akong tumingin sa paligid ko at nakita kong normal lang ang ginagawa ng ibang blockmates ko na para bang hindi nila kami nakikita. Gusto kong tawagin sila Lewis pero hindi ko maibigkas ang pangalan nila, walang kahit anong tono ang lumalabas sa bibig ko. Nararamdaman ko nang unti-unting bumibilis ang pagtibok ng puso ko... Muli akong tumingin kay Czarima na nananatili lang nakangisi sa harap ko. "Mors prope est." Muli na naman niyang bigkas. Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang bigla siyang lalong lumapit sa akin. "Mors prope est." Paulit-ulit niyang bigkas habang mas lalong lumalawak ang pagngiti niya. "MORS PROPE EST!!!" Bigla akong napasandal sa kinauupuan ko habang humuhugot nang malalim na paghinga. "MORS PROPE EST!!!!" Halos mabingi na ako sa sobrang lakas ng sigaw niya at sinundan pa ito ng nakakikilabot na pagtawa. Agad akong napatakip sa tainga ko gamit ang dalawang kamay ko habang nananatili lang nakatitig sa kanya. Kanina pa ako sigaw nang sigaw ngunit walang kahit anong boses ang lumalabas sa bibig ko! Nanlilisik ang mga mata niya at sobrang talim nito na halos para na akong hinihiwa ng mga titig niya. Simple ko sanang hahablotin ang braso ni Lewis na nasa tabi ko pero hindi ko kayang hawakan ang braso niya para bang may nakaharang sa pagitan naming dalawa. Nakatitig lang ako kay Czarima at pilit nilalabanan ang takot na nararamdaman ko. "A-anong nangyayari s-a iyo?" Hindi ko maintindihan kung bakit kapag kakausapin ko siya nagkakaroon ng tono ang pananalita ko. Umiling siya habang dahan-dahang may dinudukot sa bulsa ng palda niya. Napansin kong napasinghap siya at bahagyang tumawa. Wala akong magawa kundi ang panoorin lang siya. "C-za-ri-ma..." Sunod-sunod akong napapabuntong-hininga nang makita kong may hawak siyang balisong sa kanang kamay niya na nanggaling sa bulsa ng palda niya. Umayos siya nang bahagya sa pagkakatayo at inayos ang balisong upang lumabas ang tulis nito. Muli ko na naman nakita ang nakakatakot na pagngisi niya. Dahan-dahan akong umiling sa harap niya nang unti-unti siyang yumuyuko papunta sa aking mukha. Hinilig niya ang ulo niya sa akin at halos isang dangkal na lang ang pagitan ng mukha namin. Mas lalo siyang napangisi nang mapansin niyang halos mangiyak-ngiyak na ako sa takot. Sa mga mata pa lang niya para na akong pinapatay, idagdag pa ang pagngisi niyang nakalalason ng katauhan. Bakit ganito? Ano ba ang nangyayari ngayon!? "Mors prope est." Bigla akong napapikit nang maramdaman ko ang malamig na tansong dumadampi sa kaliwang pisngi ko. Nararamdaman ko na ang matalim na hiwa nitong dumadaplis sa balat ko. "T-tama na..." Nanginginig kong bigkas habang iminumulat muli ang mga mata ko pero napansin kong mas lalong tumalim ang pagtitig niya sa akin. "Mors prope est... Mors prope est... Mors prope est... Mors proe est!" Sunod-sunod niyang bigkas habang lalong lumalakas. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, paulit-ulit lang siya na para bang wala siya sa kanyang sariling ulirat. Bigla akong napasinghap nang maramdaman kong mas lalong bumabaon ang matalim ng balisong sa pisngi ko habang binibigkas niya pa rin ang salitang 'Mors prope est' Hindi na ako nagdalawang-isip pa, maingat kong hinawakan ang braso niyang may hawak na balisong. Nag-igting agad ang bagang niya at biglang nanlaki ang mga mata. Simple siyang tumingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya at pilit ko itong inilalayo. Hindi siya nagpatalo, buong lakas niyang hiniwa ang pisngi ko. Sandali akong napapikit sa sakit at naramdaman ko ang pag-agos ng dugo mula roon. Hindi ko pinansin ang sakit, muli akong dumilat at nakita kong nakaupo siya sa isang upuan na nasa harap ko. Marahan kong hinawakan ang pisngi kong hiniwa niya at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo ko. Hindi ko maintindihan ang sistema ng katawan ko, para bang bigla itong nagkaroon ng sariling pag-iisip na kusa na lang gumagalaw. Naglakad ako papunta sa kanya habang titig na titig kami sa isa't-isa. Parang sinaniban ang classmate kong ito, ang anghel niyang mukha napalitan ng demonyang aura. "Mors prope est." Usal na naman niya pero hindi ko na iyon pinansin. Hindi ko na namalayang nasa harapan na pala niya ako at ang ikinagulat ko nasa kanang kamay ko na ang balisong na hawak niya kanina! "Mors prope est." Mas lalong kumabog sa kaba ang dibdib ko... "Isa, magtago ka na." Agad kong inilibot ang tingin ko sa buong paligid. Pilit hinahagilap ang tinig na iyon. "Dalawa, hahanapin kita." Mariin kong hinawakan ang balisong na nasa kamay ko habang hinahanap ng aking tainga kung saan nanggagaling ang boses na iyon. "Tatlo, tumakbo ka na." Mas lalong bumibilis ang paghugot ko ng paghinga... Dahil ang tinig na iyon papalapit nang papalapit sa aking tainga. "Apat, susundan kita." "Mors prope est..." Bigla akong napatingin kay Czarima na nakaupo lang sa harap ko. Bumungad na naman sa akin ang pagngisi niya... Sa hindi malamang dahilan dahan-dahan kong inangat ang kanang kamay kong may hawak na balisong at unti-unting lalong lumapit sa kanya. Sa pagkakataong ito nararamdaman kong kusang umaangat ang magkabilang dulo ng labi ko. "MORS PROPE EST!!!!" Sa pagsigaw niya kasabay 'non ang pagsaksak ko ng balisong sa dibdib niya. Hindi ko kontrolado ang katawan ko pakiwari ko may sariling pag-iisip ito. Sa bawat pagsaksak ko ng balisong sa dibdib niya ay bawat pagtalsik naman ng dugo na nagmumula roon at patuloy lang siya sa pagbanggit ng 'Mors prope est' kahit hirap na hirap na siya pinipilit pa rin niyang bigkasin ang mga salitang iyan kahit dugo na ang lumalabas sa bibig niya. Hindi ko na mabilang kung ilang saksak na ang ginawa ko sa kanya nararamdaman ko na ang mga dugong nasa mukha ko pababa mula sa labi ko at halos malasahan ko na ito. Sa bawat pagtusok ng balisong sa dibdib niya nararamdaman ko ang mga butong natatamaan nito. Sandali akong napatigil sa ginagawa ko, bahagyang pinunasan ang dugong aagos pababa sa labi ko at sandaling pinagmasdan ang dibdib niya. Wasak-wasak na ang uniporme niya at halos naliligo na siya sa sarili niyang dugo. Napansin kong medyo wakwak na ang dibdib niya at halos nasisilip ko na ang mga laman niya na nagmumula roon. Hilaw akong napangisi at bahagyang yumuko sa kanya. Idinampi ko sa pisngi niya ang balisong na hawak kong nababalutan na ng sariling niyang dugo. Napailing ako sa sarili ko at unti-unting binabaon ang pinakadulong tulis ng balisong na ito. Nararamdaman ko nang unti-unti iyon bumabaon sa balat niya kasabay nang unti-unting pagragasa ng dugo sa pisngi niya. Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang balisong at mas lalong lumalakas ang pagsirit ng dugo niya. Napangiwi ako nang maramdaman kong bumaon na pala ito nang tuluyan sa pisngi niya. Mabilis kong binuka ang bibig niya gamit ang isa kong kamay at nakita ko sa bunganga niya na tumagos doon ang balisong na nakasapak sa pisngi niya. Mas lalong lumawak ang pagngisi ko at binitawan ang balisong na nananatili lang nakabaon sa pisngi niya. Umayos ako nang pagkakatayo at humugot nang malalim na paghinga. Sandali ko siyang pinagmasdan na halos hindi makilala ang buo niyang mukha at hanggang dibdib niya. "Pinatay mo siya!" Bigla akong natauhan nang may sumigaw sa paligid ko. Agad akong tumingin kung sino iyon at laking gulat kong nakapalibot sa amin ang lahat ng blockmates ko. "PINATAY MO SIYA!!" Napatakip ako sa aking tainga at muling tumingin kay Czarima na nasa harap ko. Nararamdaman ko ng nangangatog ang tuhod ko at halos bumaliktad ang sikmura ko sa nakikita ko... Hindi... Hindi ako ang may gawa nito... "Mors prope est.." "Mors prope est..." "MORS PROPE EST!" "AAAHHH!!" "AAAHHHH!!!" "Zaf! Gising! Binabangungot ka!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD