"Hiram lang naman itong buhay ng isang tao, kahit anong oras babawiin na ito kaya wala tayong karapatan upang manghinayang, magalit sa Kanya at magtanong kung bakit agad tinapos ang buhay ng isang tao." Chapter 27 Murderer? KINABUKASAN, hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang nangyari sa akin kahapon at hindi ako makapaniwala. Hanggang ngayon iniisip ko kung totoo bang nakita ko si Ms. Dela Vega sa c.r o baka naman ilusyon ko lang iyon, ngunit kahit anong tanggi ko sa aking sarili nilalamon pa rin ako ng katotohanan. Pero bakit siya nagpakita sa akin? Anong ibig sabihin niyon? Nagmumulto ba siya sa buong campus? O sa akin lang? At bakit? Ito na naman ang mga nag-uumapaw na katanungan sa isip ko, mga katanungan na kahit kailan hindi ko masasagot at walang makasasagot. Kagabi sobrang aga

