KABANATA 9

3179 Words
Kabanata 9 Daddy My poor baby. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang pinagmamasdan ko ang anak kong puro bandage ang katawan at walang malay na nakahiga. Doctor assured me that Caleb will be fine, pero hindi ko pa rin mapigilang makaramdam ng pagkahabag lalo na’t nakikita ko ang anak ko sa ganitong kalagayan. Kung puwede lang ilipat lahat ng mga sugat at tahi niya sa katawan, ginawa ko na. Pinalis ko ang luhang lumandas sa pisngi ko bago ko hinawakan ang kamay niyang may benda rin, “Baby, wake up already. Mommy is here. I’m sorry. Hindi ka nabantayan ni Mommy. I’m sorry, baby.” Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya mabilis kong pinalis ang luha ko. Sunod kong narinig ang pamilyar na boses ni Shannon. “Alejah..” Nakangiti ko siyang binalingan. Napawi lang ang ngiti ko at nagulat ako nang makita ang mga hindi ko inaasahang taong makikita kong nasa likuran ni Shannon. Si Mommy ang unang lumapit saakin at binigyan agad ako nang mahigpit na yakap. “You made me worried.” narinig kong sabi ni Mommy pero nanatili ang mga mata ko sa dalawang taong nasa harapan ko. It’s JD’s mom and dad! Hindi ko mapigilang mapatingin pa sa likuran ng mga ito, nagbabakasakaling may iba pa silang kasama, pero wala. JD isn’t here. Napabuntong-hininga ako. Come on, Alejah. Naibigay na niya ang kailangan mo sa kanya kaya hindi na ‘yun magpapakita. Pero hindi man lang ba niya kakamustahin ang kalagayan ng... anak namin? Pasekreto kong ipinilig ang ulo ko sa kung anu-anong pumapasok sa isipan ko. Napahiwalay ng yakap saakin si Mommy nang biglang tumikhim ang Daddy ni Jared na kamukhang-kamukha niya. Magiging ang pagiging seryoso at supladong awra ni JD nakuha niya yata dito. "Ah anyway, honey,” si Mommy, “This is France and Isabelle Sanmiego. Jared's mom and dad," pagpakilala ni Mommy sa kanila bago ako nito iminuwestra sa mag-asawa, "This is my daughter and Caleb's mom, Alejah." Nag-aalangan akong ngumiti at tumango sa kanila, “H-hello po.” JD's mom smiled at me, “It’s nice meeting you, hija. I’m Jared’s mom.” naglahad pa ito ng kamay kaya wala akong nagawa kundi ang tanggapin ito. “Nice meeting you rin po.” Ganun din naman ang ginawa ng Daddy ni JD mayamaya. Nagtagal pa ang mommy at daddy ni JD sa kwartong kinaruruonan namin. Inaasahan kong aalis din sila kaagad matapos nilang magpakilala at tingnan ang kalagayan ng anak ko, pero hindi. Kaya naman, kanina pa ako pa-sekretong sinisiko ni Shannon habang pinapanuod naming nag-uusap si Mommy at ang mga magulang ni JD habang pinagmamasdan ng mga ito ang anak ko. “What do you think?” Kunot noo kong binalingan si Shannon, “Ha?” kanina pa siya may binulong-bulong saaking hindi ko naman makuha. Inikutan niya ako ng mata. Magsasalita pa sana ulit siya pero muli rin niyang naitikom ang bibig at may nginuso sa harapan ko. Kaya napabaling ako rito. Napalunok ako nang makitang nasa harapan ko na ang nakangiting mommy ni JD. "Can I talk to you in private, hija?" "Po?" nagulat ako sa tanong nito. Hanggang sa unti-unti akong makaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan pa namin, kahit may ideya na ako. Napabuntong-hininga ako at napatango nang muli kong maramdaman ang pasekretong paniniko ni Shannon sa tagiliran ko. Ngunit, hindi ko na mabilang kung ilang minuto ko nang kaharap ang mommy ni JD matapos naming napagdesisyonang dito sa hospital cafeteria mag-usap. Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin. Hindi ko rin alam kung ba’t hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang siya saakin na bahagya kong ikinailang. Para mabawas-bawasan ang kapag nararamdaman ko, tumikhim ako at nakapagdesisyon nang magsalita. "About what happened, Ma'am, I'm sorry. Hindi ko talaga gustong sirain ang kasal ni JD," Napalunok ako nang maalala ko ang galit na mga mata ni JD dahil sa paninira ko sa kasal niya. Pero hindi ko pinagsisihan iyun. I only did that to save my son. I sighed and continued, “Talagang kinailangan ko lang talagang gawin 'yun. I'm sorry. Kung kailangan kong magbayad ng danyos sa paninira ko sa kasal ng anak niyo, gagawin ko. Sabihin niyo lang po kung magkano.” Napatungo ako matapos kong magsalita. "I didn't mind that, hija,” Napaangat ako ng tingin sa pagsalita nito. Nagulat pa ako nang makita ko itong nakangiti. Ngayon ko lang nakilala ang mommy ni JD pero sa tingin ko isa ito sa mga personality ng mommy niya. Laging nakangiti. Magaan din ang awra nito, kabaligtaran ng awra ni JD at daddy nito. Tita Isabelle as well. "Cut that Ma'am,” she continued, “Call me Tita, hija, hindi ka na iba saamin. Ikaw ang ina ng unang apo ko so please, hija, skip the formalities.” Alam kong hindi ko na naitago ang gulat sa mukha ko dahil sa sinabi. Apo ko. Did she just say that? “And about the wedding, hija. Don’t mind it. Huwag mong iisiping pagbabayarin ka namin ng danyos sa ginawa mo. You don’t need to do that, hija. Alam kong ginawa mo lang iyun para mailigtas ang anak mo. Ang kasal, hija, puwede pang ulit-ulitin kahit ilang beses, pero ang buhay ng apo ko, isang beses lang.” Nanatili akong tahimik na nakikinig sa kanya. “I’ll be honest with you, hija. Inaamin kong nuong sumugod ka kanina sa simbahan, akala ko isa ka lang desperadang ex ni Jared na gustong pigilan ang kasal. Kaya nagalit ako sa’yo. But when I saw your child, I was surprised. Akala ko, nakatitig ako sa batang Jared,” Iniwasan kong mapapitlag nang hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. She smiled again, “Your son's really look like my Jared when he was kid. Kaya hindi na kailangang kumuha ng kahit anong mang test na magpapatunay kung anak nga ng anak ko ang anak mo, kasi sa mukha palang, sigurado na ako. Your son is a Sanmiego.” Hindi agad ako nakapagsalita. Tanging paglunok lang ang nagagawa ko. Nangangapa ng sasabihin. “Can I ask, hija?” I gulped before I nodded. Wala talaga akong makapang salita. "Naging kayo ba ng anak ko?" Nagulat ako sa tanong nito. Naging kami ba? No, Ma’am. Ako lang ‘yung may gusto sa anak niyo. Nagkaanak kami dahil sa pagiging desperada ko — Pinutol ko ang pag-iisip ko dahil ako lang naman ang nasasaktan sa mga pinag-iisip ko. “Ah nevermind my question, hija,” sabi nito mayamaya. Tumawa ito nang marahan, “Hindi mo kailangang sagutin iyun. Pasensiya ka na. Ang mahalaga, ang apo ko. Apo ko. Hindi ko alam. Pero masarap pala sa pandinig kapag nagmula iyun sa ina ng taong minahal mo noon. Matapos naming makipag-usap ni Tita Isabelle, sabay rin kaming bumalik sa hospital. Hiyang-hiya nga ako dahil halos tango, iling, oo, at hindi lang ang nasasagot ko sa mga katanungan pa niya kanina. Hindi ko talaga kasi alam kung paano siya patutunguhan. I feel awkward. Nang makabalik kami sa kwarto ni Caleb, nadatnan namin sina Mommy at Tito France na nag-uusap. Napatigil lang iyun nang dumating kami. Kaagad lumapit si Tita Isabelle sa mga ito. Samantala, lumapit naman ako kay Shannon na nakaupo sa tabi ng anak ko. “How’s my son, Shannon?” Tumayo siya para paupuin ang sa inuupuan niya kanina bago ako sinagot, “Wala pa rin. Tulog pa rin.” Bumuntong-hininga ako at awang-awang tinitigan ang tulog na tulog ko pang anak. Hinaplos ko ang braso nito. Wala namang sinabi ang doctor kung kailan siya magigising. Basta ang sinabi niya lang, hintayin lang namin siyang magising. “Eh ikaw?” mayamaya’y tanong ni Shannon, “Kamusta ang pag-uusap niyo ng mommy ni Jared?” dagdag nito sa mas mahinang boses. Bumuntong-hininga ako saka ko tiningala si Shannon. Magsasalita na sana ako nang marinig kong nagsalita si Tita Isabelle. "Where is your son, hon? Why he still not here?" "I don't know. I already called and texted him, but he’s not answering. Baka nandun kay Cyndie, sinusuyo niya." Nagkatinginan kami ni Shannon matapos nang sinabi ni Tito France. Shannon eyes narrowed. Inilingan at inikutan ko lang siya ng mata. I know what that look means. At wala na dapat akong naramdamang kahit ano. Wala akong karapatan at matagal na akong nakapagdesisyon. Mga alas syete 'y media na nang gabi nang sabay na nagpaalam sinabi Tito France and Tita Isabelle, ganun din si Mommy. Hindi pa rin nagigising si Caleb. Pero muli naming nakausap ang doctor nito kaya pinipilit kong magpakatatag. “We’ll back tomorrow, hija.” Tita Isabelle said. Nagbeso pa siya saakin. Ganun din naman si Tito France at Mommy. Napabuntong-hininga ako nang tuluyan nang makaalis ang tatlo. Pagsara ko ng pinto, agad tumuon ang malapusang mata ni Shannon saakin. “What?” Humalukipkip siya, “Lumiliit na naman ang mundo niyo ni Jared. At dahil lumiliit na ang mundo niyo, mukhang may aasa na naman.” Inilingan ko lang si Shannon at umupo sa tabi ng anak ko, “I don't know what are you talking about, Shannon.” “Alam mo, Alejah. Alam na alam mo. Alam na ng pamilya ni Jared na may anak kayo. And looks like they're fond of Caleb. At dahil duon, lagi nilang gustong makita ang apo nila. At ibig sabihin nun, lagi mong makikita ang ama ng anak mo. And what will happen next? You’ll fall for him, hard again.” “Shannon, stop,” matalim ko siyang binalingan ng tingin, “That’s not going to happen.” Sarkastiko siyang tumawa, “Not going to happen? Nakalimutan mo na ang sinabi mo saakin kanina? You still have feelings for him. At kung lagi mo na naman siyang makikita, pupusta ko love life ko, mahuhulog ka na naman sa kanya.” “I won’t let that happen. I’ll assure you that. And,” ibinalik ko ang tingin sa anak kong walang malay, “He has Cyndie.” “Hindi natuloy ang kasal dahil sa ginawa mo, baka nakakalimutan mo.” Marahas kong muling nilingon si Shannon, “I don’t get you. Kanina parang gusto mong makilala ng anak ko ang ama niya. Ngayon?” I finished my words by shaking my head. Bigla itong tumawa, “I’m just kidding, Alejah. Don’t take it seriously.” Nailing-iling na lang ako. “Pero ‘yung totoo. Sayang wala ako nung sumugod ka sa kasal ni Jared. Hindi ko ma-imagine ‘yung reaksyon ng mga tao nang ginawa mo iyun!” Halos maluha siya sa kakatawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi niya alam kung anong kahihiyan ang ginawa ko. Pero tulad ng sinabi ko, wala akong pinagsisihang nagawa ko iyun dahil kaligtasan ng buhay ng anak ko ang naging kapalit ng kahihiyang ginawa ko. Nakatulugan ko na lang ang pagbabantay kay Caleb. Naalimpungatan lang ako nang biglang bumukas ang pinto. Papungas-pungas akong napabaling dito. Napatayo ako nang makita kong pumasok si Kuya. Pero hindi ang madalim niyang mukha ang napuna ko. "K-Kuya, anong nangyari? Napaaway ka ba?" tanong ko nang mapansin ko ang pasa sa gilid ng labi nito. "Why are you still here?" sa halip ay tanong niya. "Ah, binabantayan ko —" "Go home," putol niya sa sasabihin ko, "Ako na ang magbabantay sa kanya." "Pero, Ku —" napatigil ako nang mas lalong sumama ang tingin niya saakin. "Kung gusto mo maging maayos ulit tayo, do what I said. Umuwi ka muna. Ako na ang bahala kay Caleb." Magsasalita pa sana ako pero agad ko ring naitikom ang bibig ko. Gusto ko mang suwayin ang utos niya pero ayaw ko namang mas lalong lumalim ang galit niya saakin. Napabuntong-hininga ako at tumango na lang. Muli kong nilingon si Caleb na wala pa ring malay. Marahan kong hinalikan ang noo nito saka ako muling tumayo nang maayos. "Take care of him, please, Kuya. And I'm sorry." Hindi na siya sumagot. Ni hindi niya ako binalingan. Nanatili lang nakatiim ang bagang niya. Muli akong bumuntong-hininga saka ko ginising si Shannon. Nagreklamo pa ito dahil nadisturbo ko raw ang tulog niya pero wala na rin siyang nagawa kundi ang samaan ng tingin ang kapatid ko bago kami lumabas. Kinabuksan maaga akong nagising. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos, agad akong tumungo sa kusina. Gusto ko kasing ipagluto si Caleb ng paborito niya. At the same time, hindi ako mapakali dahil hindi pa rin ako nakakatanggap ng tawag mula kay Kuya. He’s not even answering my messages. Kaya mindali ko ang pagluto ko. Habang nilalagay ko sa magkahiwalay na container ang pasta at sauce nito, biglang tumunog ang phone ko. Abot-abot ang tahip ng kaba sa dibdib ko nang makita ko ang pangalan ni Kuya sa creen ng phone ko. Kabado akong napabuntong-hininga saka ko sinagot ang tawag, "H-hello? Kuya how's Caleb?" Sa halip na boses ni Kuya ang marinig ko, pamilyar na iyak at boses ang narinig ko. "Mommy!" Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko at agad napaluha nang marinig ko ang boses ni Caleb. “I don’t know you! Please, I want my Mommy! I want to see my Mommy!” Naputol ang tawag mayamaya. Hinuna ko’y pinaalam at pinarinig lang ni Kuya saakin na gising na ang anak ko. At masaya ako. Sobrang saya ko. Nanginginig ang kamay kong tinapos ang ginagawa ko. Matapos iyun, agad na akong tumungo sa hospital. I texted Shannon, too. Masaya kong binalita na gising na ang anak ko. Nadatnan ko siya sa lobby ng hospital na hindi mapakali sa kahihintay saakin. Pero nang makita niya ako agad niya akong sinalubong. "God! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay! Tara na." Tumango ako. Sabay naming tinungo ang floor kung nasaan ang kwarto ni Caleb. Nang malapit na kami sa kwarto ni Caleb, pareho kaming nagulat ni Shannon nang makita namin kung sino ang nasa labas. Ang mga kaibigan ni Kuya at JD na palihim na nagsisikuhan habang nakatingin saamin ni Shannon. "Your son has been looking for you, Ale." Ares, if I remember, said. Nginiwian siya ng mga barkada niya pero sa huli tinawanan lang siya. Mayamaya, isa isa nila akong binati. Tumango at tipid ko lang silang nginitian. While Shannon just rolling her eyes at them na inismiran lang din naman ng mga kaibigan ni Kuya. Hindi na niya ito pinansin. Binuksan niya ang pinto para saakin pero natigilan ako dahil sa pagwawala ni Caleb at sa taong kaharap niya. "No! No! I hate you! I don't know you! Get out of here!" pagwawala ni Caleb habang hinahawi ang kamay ng taong pilit na humahawak sa kanyang nagpagulat saakin. "Mommy La, where is my mom? I want to see her and please ask them to leave. I don't know them." umiyak na naman siya. My son’s eyes are already swollen. Mukhang kanina pa ito umiiyak. "They're just want to talk to you, honey. At wag kang masyadong gumalaw, bago mapano ka. You're not fully healed." "But my mom taught me that I shouldn't talk to strangers, Mommy La. Please, ask them to leave." "But I'm your father." "No!" muling pagwawala ni Caleb. Ilang sandali mapatingin siya sa direksyon ko kaya mas lalo siyang umiyak, "Mommy!" umiiyak niyang tawag saakin. Halos gusto niyang lumapit saakin pero hindi niya magawa dahil sa nakabenda niyang paa at kamay. Napabaling sa direksyon ko ang mga taong nasa loob. Si Mommy, Mommy at Daddy ni JD. Nakita ko ang pag-iting ng panga ni JD bago ito umiwas ng tingin saakin. Tumayo ito at lumayo sa anak kong gusto niyang hawakan kani-kanina lang. “Mommy!” Bumalik lang ang diwa ko nang muli kong marinig ang tawag at iyak ni Caleb saakin. Pinalis ko ang luha ko saka siya nilapitan. Maingat ko siyang yinakap dahil sa mga tahi at sugat niya sa katawan. "Tahan na, baby. Mommy is already here so you should stop crying na because you'll get hurt if you won't stop," Dahil sa sinabi ko, unti-unti siyang tumahan. Hinarap ko siya at tipid ko siyang nginitian, "Are you okay?" "Hmmm," sagot niya na may pagtango pa, "Because you're already here." ngumiti siya kaya napangiti rin ako. Muli ko siyang yinakap. "Don't make me worry again, okay?" ramdam ko ang marahan niyang pagtango, "I'm glad you're already fine. I missed you." "I missed you and I love you, Mommy." Muntik ko nang makalimutan na may kasama nga pala kami. Hindi pa ako matatauhan kong hindi ko narinig ang pagtikhim ni Tito France. Napabaling ako sa kinaruruonan nila. Nakita ko ang malungkot na ngiti ni Tita Isabelle. Muli kong naibaling ang atensyon ko kay Caleb nang bahagya niyang hilahin ang damit ko para kunin ang atensyon ko. Nakitaan ko siya nang munting takot sa mukha niya habang nakatingin sa mga taong hindi niya kilala. "Mommy, who are they? They been saying that they are my Lola and Lolo and him.." tinuro niya si JD na nakahalukipkip sa gilid at madilim ang mukha. Iniwas ko ang tingin sa kanya, "He also said that he's my Daddy. Is that true, Mommy?" "A-ah..." Hindi ako makapagsalita. Nangangapa ako ng sasabihin. Isa pa, kinakabahan ako lalo na't ramdam na ramdam ko ang madilim na titig ni JD saakin mula sa likuran ko. Damn. Naramdaman ko ang marahang paghawak ni Mommy sa braso ko, "Go, honey. Tell him the truth. Naawa na ako kay Tita Isabelle mo. Gustong-gusto niyang hawakan si Caleb pero hindi niya magawa dahil sa pagwawala nito. Ayaw kasi niyang magpahawak sa kanila." bulong saakin ni Mommy. “What’s the truth, Mommy La?” Caleb asked Mommy curiously. My mom just smiled nodded at him. Napabaling ako kay Tita Isabelle na malungkot pa rin ang ngiti. Napabuntong-hininga ako at muling bumaling kay Caleb. Umupo ako sa upuang nasa tabi niya na inuupuan ni JD kanina. "Totoo ‘yun, baby,” tinuro ko si Tita Isabelle at Tito France, “Siya ang Lola Isabelle at Lolo France mo." Bumilog ang mata niya, "You have two Mommy and Daddy?" Mahina akong natawa, "No, that's not what I mean. They are.." napawi ang ngiti ko nang ma-realize ko kung sino ang susunod kong ipakilala sa kanya. Napalunok ako, "S-sila ang Mommy at Daddy ng D-Daddy mo, baby." muli akong napalunok sa huling sinabi ko. Napatingin si Caleb sa direksyon ni JD na halos hindi ko magawang lingunin. "He's my Daddy?" I just nodded. Nagulat ako nang biglang nagbago ang gulat niyang ekspresyon. Biglang nagsalubong ang kilay niya, "I hate him!" Narinig ko ang pagsinghap ni Tita Isabelle dahil sa sinigaw ni Caleb. Maging ako nagulat dahil hindi ko inaasahan na isisigaw niya 'yun. "W-why, baby?" Suplado siyang sumagot, "Tita Ninang told me before that my real Dad hurt you, Mom, that's why I hate him!" Nagulat ako sa sinabi niya. Nang makabawi ako, palihim kong sinamaan ng tingin si Shannon. Nakangisi lang siya na parang wala lang. Nailing na lang ako. Damn. Bakit niya sinabi ang bagay na 'yun sa anak ko? Naramdaman ko ang masamang tingin ni JD saakin. Hindi ko napigilang tumingin sa direksyon niya pero agad ko ring binawi ang tingin ko sa kanya nang mapagtanto kong tama nga ako. Ang sama ng tingin niya saakin at hindi lang 'yun, nakita ko pa ang pag-igting ng panga niya. Dammit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD