bc

My Son’s Father (Tagalog) [COMPLETE]

book_age16+
1.4K
FOLLOW
5.9K
READ
drama
sweet
lighthearted
serious
loser
female lead
male lead
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Five years after Alejah left the country, bumalik siya kasama ang anak niya. At sa pagbabalik niya, nalaman din niyang ikakasal na ang lalaking minahal niya nang lubos —ang ama ng anak niya.

He is Jared Dylan Sanmiego. Her son’s father. But Jared doesn’t anything know that they’re have already a son.

Samantala, nang malaman ni Alejah na ikakasal na ang ama ng anak niya, she decided to keep a secret about her son. Ayaw na niyang guluhin ang ama ng anak niya dahil naisip niyang iyon ang mas tamang gawin. Ang hayaang itong makasal sa iba. Dahil sa una pa lang naman ay hindi siya nito minahal. Kung ano man ang nangyari sa kanila ay isang aksidente.

But an accident happened to her son. What Alejah will do? Tutuparin kaya niya ang sinabi niyang itatago niya ang sekreto tungkol sa anak niya? O sasabihin niya sa ama nito para mailigtas ang anak niya?

Language: Filipino

Status: On-Going

Author: itsmemaylsss

chap-preview
Free preview
SIMULA
“CALEB!” Isang matamis na ngiti ang kusang kumawala sa labi ko nang salubungin nang mahigpit na yakap ni Mommy si Caleb, ang munti kong anghel. Halata sa mukha ni Mommy ang pagkasabik na mayakap ang apo nito. “Oh, my God. Ang laki-laki mo na! Parang kailan lang,” my Mom said at sandali itong natahimik. Agad kong napansin ang pamumuo ng luha sa mga mata nito. Nailing na lang akong nangingiti. Si Mommy talaga. “At hindi lang ‘yun. Ang poging pogi mo pa.” dagdag nito mayamaya, sabay pisil sa magkabilang pisngi ni Caleb. Bahagya akong natawa. “How old are you again, baby?” “F-four.” Caleb answered. Ipinakita pa nito ang kamay. Mas lalo tuloy nanggigil si Mommy rito. Samantala si Caleb, halata ang pagkailang sa mukha nito. Siguro dahil ngayon lang niya nakita nang personal si Mommy kaya alam kong naninibago pa ito sa presensiya ni Mommy. Ilang sandali binalingan ako nito, “Mommy.” tawag nito saakin. Halata sa ekspresyon ng mukha nito ang panghihingi ng tulong. Wala akong nagawa kundi ang lumapit. Pagkalapit ko rito agad itong yumakap sa beywang ko kaya tumayo na rin si Mommy. I hugged my mom tightly, “I missed you, Mom.” “I miss you, too, honey.” Hindi ko napigilang igala ang tingin sa paligid ng bahay namin. Muling may lumabas na tipid na ngiti sa labi ko. It’s been five years... “How’s your flight, Alejah?” tanong ni Mommy. Matapos niya kaming salubungin sa harap ng bahay, niyaya na niya kaming pumasok sa loob. Pareho kaming nakaupo sa sofa, samantala si Caleb naman, busy sa paglalaro ng mga laruan nitong nakalatag sa carpet na nakangiti lang naming pinagmamasdan ni Mommy. Halatang aliw na aliw ito sa bata. Sa sobrang pagkaaliw, ngayon lang siya nagkaruon ng pagkakataong makapagtanong. Binalingan ko si Mommy, “Ayos lang po, Mom.” Sinulyapan niya si Caleb, “How about him? Nakatulog ba siya nang maayos sa byahe? At pasensiya ka na, ha? Hindi ko na kayo nasundo ni Caleb sa airport.” Ngumiti ako, “Okay lang po, Mommy. And Caleb is fine po. Halos hindi nga ‘yan nakatulog sa sobrang excitement, ‘e. Alam niyo na first time niyang nakasakay ng eroplano kaya aliw na aliw siya sa mga ulap.” Unti-unting napawi ang ngiti ko nang mapansin ko ang paninitig niya saakin. Isang tipid na ngiti ang lumabas sa labi niya pero may kakambal na lungkot ang emosyon ng mga mata nito. “I’m glad you're back, anak,” sabi niya nang ilang segundong paninitig saakin. Napansin ko ang muling pamumuo ng luha sa mga mata niya, “Until now, I still blaming myself about what happened to you. Hanggang ngayon pakiramdam ko napakapabaya kong ina...” Agad kong nilapitan si Mommy saka ko siya yinakap para i-comfort, “Ssshh, Mom. Wala ka pong kasalanan. At tsaka, tapos na ‘yun. Wala po akong pinagsisihan,” sinulyapan ko ang anak kong abala sa paglalaro at napangiti nang tipid, “Kahit kailan hinding-hindi ko po pagsisihan ang nangyari noon saakin. Mom, look, I have Caleb now kaya hinding-hindi po ako magsisisi.” Sa totoo lang, wala sana akong plano bumalik ng bansa. Sa limang taon ko kasing pananatili sa States kasama ng anak ko, naging masaya naman ako ruon. Because for me, my son is enough, sobra-sobra pa. Ito ang buhay ko. Mula nang dumating ito sa buhay ko, nagawa kong kalimutan ang mga masasakit na nangyari sa limang taong nakalipas. Naging masaya ako sa limang taon na ‘yun. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa Kanya dahil sa pagbigay Niya saakin ng isang napaguwapong anghel sa buhay ko. Habang pinapatahan ko si Mommy, biglang bumukas ang pinto ng bahay namin. Sabay kaming napabaling ni Mommy rito. Bahagya akong natigilan kasabay nang pamimilog ng mata ko sa pagkabigla nang makita ko ang taong pumasok mula rito. Dire-diretso lang ang lakad nito, hindi pa niya kami napapansin dahil nakayuko ito habang pinaglalaruan ang susi sa daliri nito habang sumisipol. Mayamaya’y nag-angat din ito ng mukha. Tumigil ito sa pagsipol at napansin ko ang gulat sa mukha nito nang magtagpo ang mga mata namin. Pero panandalian lang naman iyun dahil agad napalitan ng blankong ekspresyon ang mukha nito. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil doon. Kuya... I wanted to call him, hug him at tell him that I missed him pero natatakot akong baka kabaliktaran nito ang nararamdaman ko at natatakot ako na baka itulak na naman ako nito palayo kagaya nang nangyari noon. Gusto kong maiyak sa iisiping iyun. Napansin ko ang panandalian nitong pagsulyap sa anak kong abala sa paglalaro saka ito nagpatuloy sa paglalakad patungo sa ikalawang palapag ng bahay, patungo sa kwarto nito. Wala akong ibang magawa kundi ang sundan ito ng tingin. “Hey, Zyrel! Wala ka man lang bang sasabihin?” tawag ni Mommy sa kapatid kong mukhang hanggang ngayon hindi pa rin ako napapatawad dahil sa kasalanan ko rito, “Alejah is back. Bakit hindi mo man lang siya kamustahin?” “Hello, Mom!” sigaw nito mula sa ikalawang palapag ng bahay, “I'll just get my clothes.” walang ganang dagdag nito. Ni hindi man lang nito pinansin ang huling sinabi ni Mommy. Napabuga ng hangin si Mommy at bigo akong nitong hinarap, “I’m sorry, Alejah, but.. your brother is...” Ikinurap ko ang mata ko at bahagyang napatingala para pigilan ang pagpatak ng luha ko saka ko siya tipid na nginitian, “It’s okay, Mom. Ayos lang po talaga.” Pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Yinakap niya ako kaya hindi ko na napigilan ang emosyon ko. I couldn't help but cry on my mother’s shoulder, “Pasensya ka na sa kapatid mo, Alejah, masyadong ma-pride. But try to talk to him again. Alam ko namang hindi ka niyan matitiid, ‘e. You used to be his princess.” Tumango-tango ako sa sinabi ni Mommy habang patuloy sa pag-iyak saka ako napatingin sa taas kung saan nawala si Kuya. “Pwes, I won’t forgive you. Hinding-hindi kita mapapatawad hangga’t hindi mo sinasabi kung sino ang ama niyan. Magkakalimutan na rin tayo.” Napapikit ako nang maalala ko ang huling salitang binitawan nito saakin limang taon na ang nakakalipas. Hanggang ngayon ba, Kuya, hindi mo pa rin ako napapatawad? Hanggang ngayon galit ka pa rin? Paano ko siya kakausapin kung natatakot akong baka maulit ang nangyari? Natatakot akong muli niya akong itulak palayo. Akala ko noon maayos din ang lahat. Akala ko noon kasabay ng paglipas ng panahon, ang paglipas ng galit niya saakin. ‘Yun ang dahilan kung bakit kahit masaya na ako sa ibang bansa, ginawa ko ang hiling ni Mommy na umuwi kami kasi akala ko nakalimutan na niya ang nangyari. Akala ko tuluyan na nitong kinalimutan ang naging kasalanan ko rito. Pero puro lang pala ako akala. Nakakalungkot isiping mukhang hanggang ngayon hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari sa nakalipas na limang taon. Hindi pa rin niya ako napapatawad. “You can do it, Alejah.” Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo sa harap ng nakasaradong pinto ng kwarto ng kapatid ko. Tulad ng payo ni Mommy, susubukan ko siyang kausapin. Susubukan kong muling humingi ng tawad sa kanya, kahit ginawa ko na ito nuon. Sa pangsampung pagkakataon, muli akong huminga nang malalim para palakasin ang loob ko. Pero kanina ko pa iyun ginagawa ngunit hindi pa rin nawala ang magkahalong takot at kabang nararamdaman ko. Sa pangsampu ring pagkakataon, muli kong itinaas ang nakakuyom kong kamao. Handa na sana akong kumatok nang magsalita naman si Caleb na muntik ko nang nakalimutang nasa tabi ko. “Mom, what are you doing —” agad kong tinakpan ang bibig nito. And yup, he’s with me. Gusto ko siyang ipakilala kay Kuya. Umaasa rin ako na kapag nakita niya ang anak ko at makilala ito, baka sakaling lumambot ang puso niya. O kahit man lang ang anak ko, matanggap niya. Masaya na ako do’n. Nginitian ko ang anak kong kunot noong nakatingala sa saakin. Halata sa mukha nito ang pagtataka, “‘Wag ka na lang maingay, okay?” Tumango naman ito kahit halata pa rin sa mukha nito ang pagtataka. Mas lalo kong gustong mapangiti dahil sa kunot na kunot niyang noo. I was just seventeen when I got pregnant. Magkahalong emosyon ang naramdaman ko noon nang ipinagbubuntis ko si Caleb. Dumating sa puntong hindi ko alam kung anong gagawin ko Pero kailanman, hindi ko naisipang ipalaglag siya kahit ang bata ko pa para maging isang ina at kahit ito pa ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon naming magkapatid. Lalo na’t lumaki itong mabait at matalinong bata. Napawi lang ngiti ko nang maalala ang kapatid ko. Muli akong napatitig sa pinto ng kwarto nito at huminga nang malalim. Kaya mo ‘yan, Alejah. Muli kong itinaas ang nakakuyom kong kamao. Handa na sana akong kumatok nang siya namang pagbukas ng pinto ng kwarto nito. Bumungad sa harap ko ang kapatid kong tulad ko, halata rin sa mukha ang pagkagulat nang makita ako. Pero mukhang ito ang unang nakabawi sa pagkagulat dahil agad niya akong binigyan ng isang matalim na tingin. “What are you doing here?” halata rin sa tinig niya ang disgustong makita ako. “K-kuya, I'm just want to talk —” “I don’t want to talk to you.” putol nito sa iba ko pang sasabihin saka nito inalis ang atensyon saakin. Nilakihan nito ang awang ng pinto. Ganun na lang ang gulat ko nang makita ko ang dalawang maleta niya sa paanan niya. “K-Kuya, saan ka pupunta?” kinakabahan kong tanong sa kanya. Sa halip na sagutin niya ang tanong ko, hinawakan niya ang maleta at lumabas ng kwarto. Bahagya pa niyang binangga ang balikat ko pero binale-wala ko lang iyun. Agad ko siyang sinundan. Hanggang pareho na kaming nasa hagdanan. “Kuya!” I keep on calling him pero parang wala itong naririnig. Hanggang pareho na kaming nakarating sa sala kung nasaan si Mommy. Napatayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa nang makita kami. “Where are you going, Zyrel?” Mommy asked that made him stopped. “Sa condo na muna ako nang ilang araw, 'Ma.” “But we already talked about that, ‘di ba? Hinayaan kitang bumili ng sarili mong condo pero nagkasundo na tayong dito ka pa rin uuwi at matutulog. But what is this?” Hindi sumagot si Kuya. Pinaglalaruan lang niya ang dila niya patunay na bored na bored siya. Ni hindi rin niya sinusulyapan si Mommy. “Si Alejah ba ang dahilan?” Hindi ko napigilang mapalunok. Nadagdagan din ang kaba ko dahil sa pagpasok ni Mommy ng pangalan ko sa usapan. Pero mukhang walang balak sagutin ni Kuya ang tanong ni Mommy kaya frustrated na nasapo nito ang sariling noo. “Come on, Zyrel. It‘s been five years. Hindi ba pwedeng mag-move on ka na lang?” “Mom, I can’t!” muntik na akong mapaigtad nang sumagot nang pasigaw si Kuya habang diretsong nakatingin kay Mommy. Maging si Mommy mukhang hindi rin inaasahan ang pagtataas niya ng boses, “Sinubukan ko nang mag-move on at kalimutan ang nangyari pero hindi ko magawa. Araw-araw akong inuusig ng konsensya ko. Alam niyo ba ‘yung pakiramdam na ‘yung pinoprotektahan mong kapatid na mahal na mahal mo, isang araw malalaman ko na lang na mabubuntis nang kung sino? Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong kapatid!” Napalunok ako nang balingan niya at bigyan nang isang napakalamig na titig. “Nakalimutan mo na ang sinabi ko sa‘yo noon? Hindi kita tatanggapin ulit hanggang hindi mo sinasabi saakin kung sinong gagong lalaking nakabuntis sa‘yo.” Matapos niyang sabihin ang salitang iyun, tuluyan na siyang umalis ng bahay. Ni hindi na namin ito nagawang pigilan. Ni hindi ko namalayan kung ilang segundo o minuto na akong nakatulala lang habang patuloy na rumi-replay sa isipan ko ang huling salitang binitawan ni Kuya. Bumalik lang ang diwa ko nang maramdaman ko ang pagyakap ni Mommy saakin. Do’n ko na ring napagtantong umiiyak na pala ako. “I’m sorry for what happened, Alejah. Mahal na mahal ka lang talaga ng Kuya mo kaya ganun.” Napapikit ako kaya mas lalo ko naramdaman ang sunod-sunod na paglandas ng luha ko sa pisngi ko. Tumango-tango ako sa sinabi ni Mommy, “I know, Mom. I know.” Nakangiti si Mommy na muli akong hinarap pero kitang-kita ko pa rin sa mukha niya ang magkahalong pag-alala at awa para saakin, “Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya kung sino ang ama ni Caleb? Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung ba’t parang pinoprotektahan mo ang taong ‘yun. Sino ba talaga ang ama ng anak mo, Alejah?” Pakiramdam ko nanigas ang katawan ko sa suhestyon at tanong ni Mommy. Kasabay nun ang pagpasok sa isipan ko ng mukha ng lalaking iyun. I couldn't. Limang taon na rin ang nakakalipas. Tuluyan na akong naka-move on sa nangyari at pagpapakatanga ko noon. Kaya hindi ko na pwedeng gawin ang suhestyon ni Mommy. Ayaw ko nang maging komplikado ang lahat. Tama nang ako at ang best friend ko lang ang nakakaalam kung anong totoo. At higit sa lahat, ayaw kong makasira ang relasyon nito at ni Kuya. “Mommy, can I play there?” Ilang beses akong napakurap nang marinig ko ang boses ni Caleb saka ko siya tinungo. Kunot ang noo nitong nakaturo sa machine na may bola. Kapagkuwan, nginitian ko siya at tinanguan. “Okay, baby. ‘Wag ka lang lalayo, okay?” Tumango naman siya. Nang binitawan ko ang kamay niya agad siyang lumapit sa tinuro niyang laro. Nakangiti ko lang siyang pinagmamasdang mukhang nag-eenjoy sa paglalaro. Magdadalawang linggo na rin mula nang makabalik kami sa Pilipinas pero ngayon ko lang siyang naisipang ipasyal. Kahit hindi kasi siya nagrereklamo saakin, ramdam kong nabuburyo na siya sa bahay. Paano, wala siyang ibang nakakalaro, maliban kay Mommy. Hindi katulad noong nasa States pa kami, maraming kapwa bata siyang nakakalaro. At isa pa, may isang bagay akong iniiwasan. Napawi lang ang ngiti ko nang maalala ko si Kuya. Mula kasi nang umalis siya ng bahay, hindi na rin siya bumalik. Mukhang sa condo na niya nananalagi. Nakakalungkot isipin na mukhang iniiwasan niya talaga ako. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko na sana naisipang umuwi. Napangiti ako nang mapait. “Alejandra Mikaela Fuentes?” Nawala lang ang pag-iisip ko nang may tumawag sa buo kong pangalan. Agad akong napalingon sa pinanggagalingan ng boses na iyun. Bahagyang kumunot ang noo ko nang makita ang isang babaeng hindi pamilyar saakin pero nakangiti saakin na para bang magkakilala kami. Mas lumawak ang ngiti niya nang magtagpo ang mata namin. “Omg! Ikaw nga!” Malaki pa rin ang ngisi niyang lumakad papalapit saakin. Samantala, nanatili namang nakakunot ang noo ko sa pagtataka. Hindi ko siya kilala pero mukhang kilala niya ako. “Kamusta na?” nakangiting tanong niya saakin. Alanganing ngiti lang ang naisagot ko dahil hindi ko talaga siya maalala. Mukhang napansin din naman niya ang reaksyon ko kaya agad siyang nagpakilala. Natawa pa siya nang bahagya, “I’m Brenna Gonzaga. Don’t you remember me? Magkaklase tayo no’ng college.” Dahil sa sinabi niya, sandali kong inalala ang panahong nag-aaral pa ako. Aaminin kong hindi kasi talaga ako magaling sa memorization ng mukha ng mga tao. At bukod doon, maliban sa best friend ko, wala na akong ibang naging ka-close noong nag-aaral pa ako. Hindi nagtagal, natandaan ko na rin siya. Naging Miss na rin siya noon sa eskwelahang pinasukan namin noong panahong nag-aaral pa kami. At isa pa, siya rin ang palaging karibal ng best friend ko pagdating sa pagandahan at kasikatan. Kumbaga, campus crush sila. Nginitian ko siya, “Oo, natatandaan ko na. Sorry hindi agad kita naalala.” “Nah, it’s okay. Hindi naman kasi tayo close dati kaya siguro hindi mo ako naalala kaagad,” nakaramdam ako ng pagkailang nang pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hanggang sa makita ko ang amusement sa mukha niya nang muli niyang ibalik ang tingin sa mukha ko, “Grabe, akala ko nga nagkamali lang ako. Alam mo na, ibang-iba ka no’ng college palang tayo. Pero ngayon, grabe, you changed a lot! Ang ganda-ganda mo na!” “Thanks.” alanganin akong ngumiti rito. Hindi ito ang unang beses na nakarinig ako nang ganuong papuri. Si Shannon at si Mommy, ganun din ang sinabi. Pero para saakin, wala namang nagbago saakin. Para saakin, ako pa rin ang dating Alejah noon. Ang nararamdaman ko lang ‘ata ang nagbago. “But wait. I wonder kung bakit bigla ka na lang nawala no’ng —” “Mommy!” “Omg.” Kitang-kita ko sa mukha ni Brenna ang gulat habang nakatingin sa anak kong mukhang nagsawa na sa paglalaro at bigla na lang yumakap saakin. Binale-wala ko ang reaksyon ni Brenna. Nakangiti kong yinuko si Caleb. “Mommy, I'm starving. Can we go and eat now?” nakangusong sabi nitong ikinatawa ko nang bahagya. “Okay, baby.” ginulo ko pa nang bahagya ang buhok nito. Like what Caleb wants, dinala ko ito sa isang sikat na fast food chain. Nakangiti ko lang itong pinagmasdang sarap na sarap sa pagkain ng paborito nitong Spaghetti. May kumakalat pa ngang sause sa bibig nito na agad ko naman pinupunasan. Nawala lang sandali ang atensyon ko rito nang marinig ko ang sadyang pagtikhim ni Brenna kaya napabaling ako sa kanya. And yup, she’s with us. Ayaw ko namang maging bastos kaya inanyayahan ko siyang sumama saamin. Hindi naman siya nagdalawang isip na sumama. Halata pa rin sa mukha niya ang pagkabigla. Kanina ko pa napapansin ang pagsulyap niya kay Caleb. Kanina ko pa rin napapansing parang may gusto siyang itanong saakin. Mukhang nahihiya lang siyang isatinig ang kung ano mang bumabagabag sa kanya. Kapagkuwan, uminom muna ito ng tubig bago nagsalita, “God! Hindi pa rin ako kapaniwala na may anak ka na!” ngiti lang ang naging tugon ko sa sinabi niya. Hindi ko pa rin makalimutan ang reaksyon niya nang sabihin kong anak ko si Caleb. Her reaction was priceless. Halatang hindi niya inaasahan iyun, “So, that's the reason why you left five years ago? Because you were preggy?” Nagdalawang isip pa siya sa huling tanong. Siguro iniisip niyang mao-o-offend ako sa tanong na iyun. Pero sa halip na iyun ang maramdaman, nakangiti akong tumango. I’ll never be offended. Why would I? Tulad nang sinabi ko, Caleb was the best thing happened in my life. Kaya kahit kailan, hindi ko ikakahiya ang anak ko. Caleb is my miracle. My angel. “Yes, I was pregnant then.” hindi nawawala ang ngiti kong sagot dito. Nakita ko sa mga mata niyang marami pa siyang gustong itanong saakin. Handa naman akong sagutin lahat ng tanong niya. Maliban na lang kung — “Kung ganun...” nakita ko sa mukha nito ang pag-aalangan nito, “Who is the father of your son?” Handa naman akong sagutin lahat ng tanong niya. Maliban na lang sa tanong na iyung unti-unting nagpapawi ng ngiti ko. I can’t answer that question. I just couldn't. Mukha namang napansin niyang hindi ko masasagot ang tanong niya kaya awkward siyang tumawa. “Ha-ha! Naku pasensya ka na. Don't worry, you don't have to answer my question. Sorry for intrusion.” Tipid ko siyang nginitian kahit hindi pa ako nakakabawi sa tanong niya, “Okay lang.” “Grabe. Ang gwapo-gwapo ng anak mo,” mayamaya’y pag-iba niya ng usapan. Binalingan pa niya ang anak ko, “Hi, baby, what's your name?” “Michael Caleb Fuentes po.” Isang oras pa naming nakasama ang dating kong kaklaseng si Brenna. Kitang-kita ko ang pagkaaliw niya sa anak ko. Natatawa na lang ako nang makita ko ang pagsimangot ni Caleb dahil sa tuwing pipisilin ni Brenna ang pisngi nito sa sobrang pagkaaliw. Napansin ko ring iniwasan na niya ang magtanong tungkol sa ama ng anak ko kahit kitang-kita sa mukha niyang gustong-gusto niyang malaman. But I felt sorry because I can’t tell her. Makalipas pa ang ilang sandali, tuluyan na rin siyang nagpaalam saamin. Bago siya tuluyang umalis, inalok pa niya akong maging kaibigang agad ko naman tinanggap. “Mommy, she’s annoying. My cheeks hurts. She kept pinching my cheeks earlier. Do I look like stuffed toy?” Natawa na lang ako sa reklamo ni Caleb nang makalayo si Brenna mula sa kinatatayuan namin. Nakasimangot pa ito habang tinitingala ako, “That’s okay, baby. You’re so cute kasi that’s why.” nakangiti ko ring pinisil ang pisngi nito. Natawa ako nang marahan nang mas lalo itong sumimangot. “I’m not cute! Cute is for baby only, and I'm not a baby anymore! I’m turning five!” “No. For me, you’re still a baby. My baby.” pinisil ko ulit ang pisngi niya. “Mommy!” Nailing na lang akong natatawa. We're always like this. Lagi naming pinagtatalunan ang tungkol sa pagiging baby niya. Nang makauwi kami ng bahay matapos naming mamasyal, nadatnan si Mommy sa salas ng bahay. Abala ito sa pagbabasa ng dyaryo. Pero nang makita niya kami, agad niyang binitawan ang dyaryo at excited na nilapitan ang anak ko. Sinalubong pa nito nang mahigpit na yakap si Caleb. “Miss you, baby.” Nailing na lang akong nang nakangiti nang makita ko ang pagsimangot ni Caleb nang tawagan siya ni Mommy na baby. Pero natutuwa talaga akong makitang mahal na mahal ni Mommy ang anak ko. Nawala lang ang atensyon ko sa mag-lola nang may mapansin akong bagay na nakapatong sa coffee table. Isa iyung card na kulay violet. Kinuha ko iyun, “Mom, what’s this?” tanong ko kay Mommy habang tinitingnan ang laman nun. Hindi pa man nasasagot ni Mommy ang tanong ko, nanlaki ang mata ko kasabay ng pagsinghap ko sa gulat nang mapagtanto ko kung anong card iyun. It’s a wedding invitation! Sandali akong natigilan. Ni hindi na nag-sink in sa utak ko ang huling sinabi ni Mommy. “Oh! Remember Jared, honey? Your Kuya Zyrel’s friend. He is getting married!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook