KABANATA 1

4196 Words
“HEY!” Ilang beses akong napakurap dahil sa boses ng matalik kong kaibigang si Shannon. Kitang-kita ko mula sa screen ng laptop ko ang pagkunot ng noo niya. My best friend looks confused. Mayamaya’y inikutan pa ako nito ng mata. “You're spacing out!” Shannon said, “Duh! Kanina pa ako dada nang dada rito pero hindi ka naman pala nakikinig.” Bumuga pa siya ng hininga kaya nakita ko kung paano umusok ang bibig niya. Dala na rin siguro nang sobrang lamig ng klima sa bansa kung saan siya naruruon. Nasa ibang bansa kasi ito. She’s now a licensed nurse in New York. Tipid akong napangiti kapagkuwan, "Pasensya na. May iniisip lang ako." She rolled her eyes again, "What are you thinking, then?" Sa halip na sagutin ko ang tanong niya, hindi ko siya napigilang titigan. "Oh come on! Alam kong maganda ako pero 'wag mo naman akong titigan nang ganyan!" sabi niya nang mapansin niya ang paninitig ko sa kanya. Nailing na lang ako. Hindi naman kasi iyun ang dahilan. Huminga muna ako nang malalim saka lakas loob kong tinanong sa kanya ang kanina ko pa gustong itanong at dahilan din ng pagkatulala ko. "You know?" Napakunot ang noo niya, "Anong alam ko?" Muli akong huminga nang malalim, "He is getting married." She blinked twice. Hanggang sa unti-unting lumaki ang mata niya sa gulat nang mapagtanto kung anong ibig kong sabihin. Hindi ko lang nga alam kung nagulat siya dahil alam ko na o nagulat siya dahil sa balita kong ikakasal na ang tinutukoy kong taong kakilala niya rin. Kahit hindi ko naman kasi pangalanan ang taong tinutukoy ko, alam kong may ideya na siya. She knew me too well. Of course, she’s my best friend. Mayamaya, napangiti siya nang alanganin, "K-kung ganun... alam mo na?" tipid siyang ngumiti, "Huhu. I'm sorry if I didn't tell you. I was just scared. Natatakot ako na kung malaman mo, masasaktan ka na —" "I already moved on, Shannon." putol ko sa iba pa niyang sasabihin. Sandali siyang napatunganga sa mukha ko. Tinatantiya nito ang ekspresyon ng mukha ko. Kapagkuwan, unti-unti niya akong tinaasan ng kilay. Binigyan pa niya ako nang mapanuring tingin, halatang hindi naniniwala sa sinabi ko. "Talaga lang, ha? Hindi ko na maalala no'n kung ilang beses mo na rin ‘yang sinabi saakin no’ng high school tayo hanggang sa mag-kolehiyo at bigla ka na lang... Boom! In love ka pa rin sa mokong na 'yun!" Shannon rolled her eyes. Tipid ko siyang nginitian, "That’s the old me, Shannon. This time, totoo na 'to. Talagang naka-move on na ako. It's been five years and I have Caleb now. Simula nang dumating siya sa buhay ko nakuntento na ako sa buhay ko. He's enough. Sobra-sobra pa." Unti-unting nawala ang mapanuri niyang tingin saakin dahil sa sinabi ko, "Talaga?" I nodded. Huminga siya nang malalim, "Mabuti naman. Actually, sasabihin ko na sana sa’yo nung matanggap ko ang wedding invitation nila pero ayun.. I'm afraid that you’ll just get hurt." "Okay lang," sabi ko kahit ang totoo, nagulat akong malaman mula sa kanyang may natanggap din siyang invitation para sa kasal. Paano nangyari ‘yun? They’re not even close back then. Kung sa bagay, ilang taon na rin ang nakakalipas at hindi na ako magtataka kung bakit walang naikwento si Shannon. Sa limang taong nawala ako rito, iniiwasan ni Shannon mabanggit ang pangalan niya. "So, 'yan ang dahilan kung bakit ka uuwi next month?" "Of course not!" malakas niyang sagot na muntik ko nang ikatawa, "I'm going back there because I missed our bonding and of course baby Caleb, hindi dahil a-attend ako ng kasal ng buwesit na lalaking 'yun! Duh! Pinunit ko na ang wedding invitation nila kasi naiinis ako. Hindi ko maatim na um-attend ng kasal ng lalaking nanakit sa best friend ko, 'no! Never! Baka ano pa ang maisipan ko kapag um-attend ako ng kasal nila!" Ipinag-cross pa niya ang braso sa dibdib niya. Halata rin sa mukha niya ang pagkairita. Hindi ko mapigilang mapangiti. I’m really glad that I have a best friend like her. Kahit ang tigas ng ulo ko, lalo na noon, hindi pa rin niya ako pinabayaan at iniwan. Dahil sa naisip ko, bigla tuloy nag-flash back sa isipan ko ang ilang alaala ng nakaraan. Kung paano ako sinamahan ni Shannon sa tuwing natutuwa, kinikilig at nasasaktan dahil sa lalaking iyun. And it’s happened five years ago. "Huli ka!" Napasinghap ako sa gulat sa biglaang pagsulpot ni Shannon sa likuran ko. Nataranta ako nang bigla niyang kunin ang DSLR camera na hawak ko lang kanina. "Shannon!" Hindi niya ako pinansin. Kunot noo niyang sinusuri ang mga kuha ko sa camera. Hanggang sa dismayado na lang siyang nailing-iling na muli niya akong binalingan matapos niyang tingnan ang mga kuha ko sa camera ko. Itinuko ko ang siko ko sa mesa saka ko ipinatong ang baba ko sa likod ng palad ko. Umupo naman sa harapan ko si Shannon saka niya inilapag sa harapan ko ang DSLR ko. Muli niya akong inilingan, hindi pa rin nawawala ang pagkadismaya na ekspresyong makikita ko sa mukha nito. She tsked three times as she shook her head, “I knew it! You’re still —" "Shannon, please." putol ko sa sasabihin sa iba pa niyang sasabihin. Shannon shrugged, "Why would I?" inirapan pa ako nito, "Akala ko ba naka-move on ka na? May pa 'naka-move on na ako, Shannon kaya please stop.' ka pang nalalaman tapos.." Sa halip na ituloy pa ang sasabihin, inikutan na lang niya ako ng mata. Napahinga ako nang malalim at inabot ang DSLR ko. Hindi ko napigilang tingnan ang mga kuha ko. Hanggang sa isang tipid na ngiti ang kumawala sa labi ko nang makita ko ang magagandang kuha ko. Kuha ng lalaking gusto ko. Hindi. Mahal ko. Kanina ko pa siya kinukuhanan ng litrato. Stolen shots. Alam kong kahibangan ang ginagawa ko at nagmumukha na akong stalker sa ginagawa ko, pero I can’t help it. Hindi ko mapigilang kuhanan siya ng litrato lalo na tuwing nakangiti at nakatawa siya. Pasalamat na lang ako dahil never pa niya akong nahuling kinukuhanan ko siya ng litrato. Huminga ako nang malalim kapagkuwan, "Anong magagawa ko? Kahit anong pilit ko sa sarili kong kalimutan siya, hindi ko kaya. Patuloy at patuloy siyang pumapasok sa isipan ko." wala sa sarili kong sabi habang patuloy na tinitingnan ang mga kuha ko sa camerang iniregalo pa saakin ni Kuya noong sixteenth birthday ko. "But —" Bigo akong napabuga ng hininga saka ko muling ibinaling ang atensyon kay Shannon. Tuluyan na ring nawala ang ngiti sa labi ko dahil alam ko na ang sasabihin niya. "Alam ko. Alam kong hindi niya ako magugustuhan kahit kailan. Alam kong hindi ako ang tipo niyang babae. Alam ko," I sighed, "Alam ko 'yun, Shannon. Alam na alam ko." Ni-off ko ang DSLR. Nakita ko naman sa mukha ni Shannon ang pag-alala but I smiled to assure her that I’m just fine. Pero ang ngiting ginawa ko nagmukhang pilit hanggang sa tuluyan na itong napawi dahil nakita ko naman sa mukha niyang hindi siya mapapaniwala ng ngiti ko. She really knew me very well. Alam ko namang hindi ako magugustuhan ng lalaking napupusuan ko kahit kailan. Kapatid lang ng kaibigan nito ang trato nito saakin. Napangiti ako nang mapait nang marinig ko nung nakaraang araw mula sa isa sa mga kaklase kong babae na may nililigawan na raw itong maganda. That was Cyndie. "Okay na 'to. Alejah, fighting!" Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salaming nasa harapan ko, sa room ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang ginawa iyun. Narinig ko kasi mula kay Kuya Zyrel na pupunta raw sa bahay namin ang kaibigan nito. Walang iba kundi ang crush kong si JD! Kahit hindi naman ako ang dahilan ng pagpunta nito sa bahay namin, hindi ko pa rin mapigilang hindi ma-excite. Kaya nagsuot pa ako nang magarang damit para magmukha akong okay sa paningin nito kahit hindi ko alam kung papansinin na niya ako. Nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell mula sa gate ng bahay, napasinghap ako at biglang nataranta. Huminga muna ako nang malalim at sa huling pagkakataon, muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Inilagay ko pa ang ilang takas ng buhok ko sa likod ng tainga ko bago lumabas ng kwarto ko. Kabadong-kabado ako habang pababa ng hagdan kaya panay ang pisil ko sa mga daliri ko sa kamay. Ganito naman lagi. Basta tungkol sa kanya, kinakabahan talaga ako, lalo na kapag kaharap ko na siya. Wearing a paired black jersey shirt and shorts, and blue and black campus styger shoes, JD entred our house. ‘Saktong nasa kalagitnaan na ako ng hagdanan kaya napatigil ako at hindi ko napigilang pagmasdan kung gaano siya kagwapo at kapresko ngayon. Lumipad ang tingin ni JD saakin kaya bigla akong nataranta at mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya. Tulad nang dati, hindi ko kayang makipagtitigan nang matagal sa kanya kaya agad kong iniwas ang tingin sa kanya. Nagkunwari kong chini-check kung may alikabok sa hawakan ng hagdanan. Inis na inis ako at gustong-gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa naging asta ko. Ganito naman lagi. Hindi ko siya makayanang tingnan nang matagal. "Alejah, hi! Good morning." Palihim akong napapikit. Damn. The way he call my name. Diyos ko. Nababaliw na nga talaga yata ako. Lakas loob ko siyang tiningnan kahit halos marinig ko na ang sariling t***k ng puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Pero alam kong magmumukha lang akong ewan kapag iignorahin ko siya. "H-hi. Morning." balik kong bati sa kanya. Halos maramdaman ko na ang panginginig ng sarili kong tuhod nang tuluyan na akong makababa ng hagdan at makaharap siya nang tuluyan. Nakakahiya talaga. Sa tuwing kaharap at kausap ko talaga siya, nauutal at halos manginig ako. Lalo na ngayong kaharap ko na siya. Kulang na lang himatayin ako sa sobrang kabang nararamdaman. Palihim akong nagpapasalamat na mabuti na lang at parang hindi naman niya pinapansin ang pagkautal ko. O baka iniisip niyang ganito na talaga ako. "Where's your brother?" halos mapasinghap ako nang muli kong marinig ang boses nito. "A-ah. In his room. B-baka naliligo." palihim kong nakagat ang ibabang labi dahil sa pagkautal ko. Damn! Seriously, Alejah? Umayos ka nga! Bigla niya akong nginitian kaya lumabas ang maputi at pantay niyang ngipin. Parang gusto kong himatayin. Napatulala ako. My crush just... just smiled at me. Omg! Calm down, Alejah. Huwag kang tanga. "Ganun ba? Sige, pupuntahan ko na lang siya," lalakad na sana siya pero hindi rin natuloy nang mukhang may mapansin siya. Napalunok ako nang bigla niya akong pasadahan ng tingin habang bahagyang nakakunot ang noo. "May pupuntahan ka ba? Bihis na bihis ka ah. Ngayon lang kita nakitang nagsuot nang ganyan. You look pretty in your dress, by the way." You look pretty in your dress, by the way. You look pretty in your dress, by the way. Hindi ko mabilang kung makailang beses pang nagpaulit-ulit ang salitang iyun sa isipan ko. Napatulala ako hanggang sa unti-unti ko na lang maramdaman ang pag-init ng pisngi kong gustong-gusto kong itago sa kanya. Mas lalo ko pang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko nang bahagya pa niyang guluhin ang buhok ko.. nang... nang nakangiti! "Sanmiego!" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses ng kapatid ko mula sa ikalawang palapag ng bahay. Agad ko siyang nilingon. Halatang katatapos lang niyang maligo dahil sa basa pa niyang buhok na pinupunasan niya ng towel. 'Tapos may towel din na nakasampay sa balikat niya. Nakasuot din ito ng magkapares na jersey na pareho at kakulay ng jersey ni JD. I think they're going to play basketball. Mayamaya’y binalingan ako ni Kuya. Kapansin-pansin ang pagpasada niya ng tingin sa katawan ko. Hanggang sa mapansin ko ang unti-unting pagsalubong ng kilay niya bago muling ibinalik ang tingin saakin. "Where are you going, Alejah? Ba't bihis na bihis ka?" kunot noong tanong niya saakin, "Kakatagpuin mo ba 'yung lalaking nirereto sa'yo ni Shannon?" "What?” gulantang kong sabi, “Kuya!" Agad kong binalingan si JD. Napansin kong nawala ang ngiti niya at bahagya pang nagsalubong ang kilay. Mayamaya pa’y umiwas siya ng tingin. Mas lalo akong nataranta. 'Naku, JD. 'Wag kang maniwala kay Kuya. Hindi ko nga alam pinagsasabi niya, 'e.' gusto kong isatinig iyun pero hindi ko magawa. Binalingan ko na lang muli si Kuya at hindi ko na napigilan ang sarili kong samaan siya ng tingin. "Kuya naman! Hindi ko alam sinasabi mo! I’m not dating anyone!" si JD lang gusto kong i-date, duh! Umingos lang siya, "Don't fool me, Alejah. I heard you and your friend, Shannon, talking about the guy yesterday. Sinasabi ko sa‘yo, Alejah. 'Wag ka munang makipag-date! Masyado ka pang bata!" "Hindi na ako bata!" balik kong sigaw sa kanya. "You're just seventeen, Alejah!" Natahimik ako at hindi na nakapagsalita pa kahit gustong-gusto pa siyang sagutin. Pasalamat na lang talaga siya at malaki ang respeto ko sa kanya bilang nakakatanda kong kapatid. Nakakainis. Lagi na lang niyang pinapamukha saaking bata pa ako. Eh sa hindi na nga ako bata. Kainis! Nawala lang sandali ang pagkainis ko sa kapatid ko nang maalala ko si JD. Dahil sa inis na nararamdaman ko kay Kuya, nakalimutan kong nasa tabi ko nga pala siya. Hiyang-hiya akong napabaling sa kanya. I blinked when I saw a glimpse of smile. Umiwas lang siya ng tingin saakin nang kunin ni Kuya ang atensyon niya. "Sanmiego, sumunod ka,” sabi ni Kuya rito saka bumaling saakin, matalim ang tingin, “Alejah, ah. Huwag na huwag mong kakalimutan ang sinabi ko. Bawal ka pang mag-boyfriend. Patay talaga saakin ang lalaking idi-date mo at malalagot talaga saakin ‘yang kaibigan mo!" Hindi ko na nagawang sagutin ang sinabi ni Kuya dahil bukod sa hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya, nanatili ang atensyon ko kay JD na nasa kay Kuya namang pabalik na sa kwarto nito ang atensyon niya. Nakita kong susunod na rin sana siya kay Kuya pero mukhang may nakalimutan pa siya. Napalunok nang bigla niya akong balingan. "Narinig mo 'yun, Alejah? 'Wag ka munang mag-boyfriend. Bata ka pa." Matapos niyang sabihin ang salitang iyun, pinisil pa niya ang baba ko bago tuluyang sumunod kay Kuya. Naiwan akong nakatunganga dahil sa huling sinabi nito. "Nakakainis!" Tawa nang tawa si Shannon nang ikwenento ko sa kanya ang nangyari. Ang sinabi ni Kuya at any huling sinabi ni JD. "Lagi na lang niyang pinapamukha saakin na bata pa ako! Duh! Hindi na ako bata. First year college na kaya ako. Ayan tuloy, pati si JD, tingin saakin bata na rin." Mangiyak-ngiyak ako sa inis lalo na nang muli kong maalala ang sinabi ni JD saakin. Bata ka pa. Naiinis kong naitabon ang mga palad ko sa mukha ko habang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang sinabi ni JD. Nang may naalala ako, inalis ko ang palad sa mukha ko at hindi ko napigilang bigyan nang matalim na tingin si Shannon na tawa pa rin nang tawa. "Ikaw kasi, e’! Kung hindi mo kasi binanggit saakin 'yung nirereto mo saaking lalaki, hindi 'yun maririnig ni Kuya. Ano na lang iisipin saakin ni JD? Na ang landi kong babae? Na —" napahinto lang ako sa pagsasalita nang biglang tampalin ni Shannon ang noo kong ikinadaing ko nang mahina. "Ang oa mo, ah." inikutan niya ako ng mata, "Ikaw na nga 'tong tinutulungang makalimutan ang JD —" "Hmm!" putol ko sa iba pa niyang sasabihin, "Don't call him that way. Ako lang pwedeng tumawag sa kanya nang ganyan." Napangiwi lang siya sa sinabi ko pero binale-wala ko lang iyun. Sa lahat kasi talaga, ako lang ang tumatawag nang ganun kay JD. Halos lahat, tinatawag siyang Jared, minsan Dylan. Ako lang ang tumatawag na JD sa kaya. Ako lang ang naiiba kaya simula noon, gusto kong ako na rin lang ang pwedeng tumawag nang ganun sa kanya. "Adik ka talaga." Malapad na ngiti lang ang naging tugon ko kay Shannon na mas lalo niyang ikinangiwi pero binale-wala ko lang iyun. Unti-unti lang napawi ang ngiti ko nang may matamaan ang mata ko sa pinto ng cafeteria ng University. Kasabay nun ang sunod-sunod na bulungang narinig ko mula sa mga katabing mesa. "Omg. So totoo nga ang rumor na nagdi-date na sila?" "God. I envy but I'll support them. Look. They're look good together. Ang swerte ni Jared kay Cyndie." "Nah! Baliktad ka naman. Si Cyndie 'yung ma-swerte kay Jared, duh!" Iba-iba pang bulungan ang narinig ko sa katabing mesa. Tuluyan nang napawi ang masayang mood ko. Masakit pero tulad ng ibang estudyante, hindi ko rin mapigilang sundan ng tingin si JD kasama si Cyndie na kapapasok lang ng cafeteria. Nakangiti ito, ganun din naman si Cyndie na nagpipigil lang ng ngiti at namumula pa ang pisngi. Tila walang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanila at pinag-uusapan sila. Nang makahanap sila ng pwesto, nakita ko pa kung paano igiya ng isang upuan si Cyndie ni JD. Hinintay muna ni JD makaupo si Cyndie. May kung anong binulong pa si Cyndie sa kanya na ikinatango lang niya bago niya iniwan si Cyndie para tumungo sa buffet para bumili siguro ng makakain nila. "Haaayyy!" nagawa ko lang iiwas ang tingin sa kanila dahil sa paghikab ni Shannon kaya muli kong naibalik ang tingin rito, "He-he I'm already full. Tara na?" Isang tango lang ang naging tugon ko sa kanya. Alam ko naman ginawa lang niya iyun para maiwas ko ang tingin kay JD at Cyndie. Halata sa mukha niya ang magkahalong inis at simpatya. At nagpapasalamat ako sa kanya para doon. Dahil kung hindi niya ginawa ang pekeng paghikab niya, baka tuluyan na akong mapaiyak sa sakit na nararamdaman. Umalis kami ni Shannon ng cafeteria na mabigat ang dibdib at nang hindi na nilingon si JD dahil baka kapag ginawa ko iyun, tuluyan na talaga akong maiyak. "Oh, Alejah. Anong kailangan mo?" tanong ng kapatid ko matapos niya akong pagbuksan ng pinto ng kwarto niya. Halata pa sa mukha niyang kagagaling lang niya sa mahimbing na tulog na mukhang nadisturbo ko pa ‘ata. Gulo-gulo pa ang buhok nito at humihikab-hikab pa. "A-ah.." Hindi ko alam kung paano ko itatanong ang gusto kong itanong sa kanya. Kinakabahan ako dahil baka maghinala siya saakin. But I have no choice. "A-ah, may itatanong lang sana ako." sabi ko nang halos hindi makatingin nang diretso sa kanya. "What is it?" "Ahm. S-si JD... at Cyndie na ba?" lakas loob kong tanong kay Kuya. Napalunok pa ako sa sobrang kaba matapos kong itanong iyun. Unti-unti namang kumunot ang noo ni Kuya. "You mean Sanmiego?" marahan akong tumango, "I don't know. Wala namang nababanggit saamin si Sanmiego. Pero siguro. Alam kasi naming magbabarkada na matagal nang may gusto si Sanmiego kay Cyndie. At kung sila na, hindi ko alam," sabi niya, "Bakit mo nga pala naitanong?" dagdag na tanong niya na bahagya kong ikinagulat. Ilang segundo pa bago ako nakahanap ng salita, "A-ah, wala lang. U-usap-usapan kasi sa eskwelahan na sila na. Gusto ko lang sanang kompirmahin sa'yo," pinilit ko pang ngumiti dahil hindi pa rin nawawala sa mukha niya ang pagtataka sa tanong ko, "Sige, Kuya. Sorry sa abala. Matutulog na ako. Goodnight!" Hinagkan ko pa siya sa pisngi bago ko siya tinalikuran. Pagtalikod na pagtalikod ko, napapikit ako at nakagat ko ang ibabang labi ko. Pigil na pigil ko ang iyak ko habang naglalakad pabalik sa silid ko dahil sa sinabi ni Kuya tungkol sa matagal nang pagkagusto ni JD kay Cyndie. Ngumiti ako nang mapait. Mukhang wala na nga talaga akong pag-asa sa kanya. Nagpapatawa ka ba, Alejah? Una palang wala ka nang pag-asa, ikaw lang ‘tong umaasa. Lumipas ang ilang araw. Mas lalong nadurog ang puso ko nang ma-kompirma kong official na ngang mag-on sina JD at Cyndie. Bukod saakin, marami rin ang na-broken hearted. Siyempre, hindi lang naman ako ang nakakagusto sa kanya. Marami kami. "Bakit ganun? Ang sakit pa rin?" Ilang araw na rin akong palihim na umiiyak dahil dun. Nagpapasalamat na lang akong mukhang hindi naman iyun napapansin ni Kuya, ganun din ni Mommy. Hindi naman ito ang unang beses na na-link si JD sa isang babae kaya dapat masanay na ako sa nararamdaman na kong sakit every time na nali-link siya sa mga babae pero hindi ko pa rin talaga kaya. Laging ganito ang nararamdaman ko tuwing nagkakaruon siya ng girlfriend. "Alam ko namang wala akong panama kay Cyndie, ‘e. Pero masakit pa rin pala talaga." Naramdaman ko ang paghagod ni Shannon sa likuran ko, "Sabi ko naman sa'yo, e'. Kalimutan mo na ang lalaking 'yan. Wala naman siyang mabuting naidudulot sa'yo. Puro pasakit lang." "But I can’t. Sinubukan ko na pero patuloy pa rin niyang ginugulo ang isipan ko. Siya pa rin tinitibok nito,” sabay turo ko sa puso ko, “Siguro.." napangiti ko nang malungkot at napapikit, "Ganun ko na nga siya kamahal. Mahal na mahal ko si JD, Shannon." Hindi ko na napigilan, tuluyan na akong napahagulgol. Agad naman akong yinakap ni Shannon at hinayaan niya lang akong umiyak sa balikat niya. Kahit papaano, nagpapasalamat akong may nasasabihan ako ng hinaing ko. Siguro kung wala si Shannon, matagal na akong nabaliw. Kaya malaki ang papasalamat ko at may best friend akong kagaya ni Shannon na hindi ako iniiwan kahit gaano pa katigas ang ulo ko. "Mommy!" Tuluyan lang bumalik ang isip ko sa kasalukuyan dahil sa boses ng anak ko. Nakangiti akong bumaling sa pinto ng kwarto ko. Mas lalo akong napangiti nang makita ko siya kasama ang Yaya nitong si Demy. Mayamaya, patakbo siyang lumapit saakin. Nang makalapit siya, agad siyang sumampa sa kama at naglalambing na yumakap saakin. Agad ko rin naman siyang yinakap pabalik. "Caleb baby!" Napabaling lang ako sa screen ng laptop ko nang marinig niya ang boses ni Shannon. Dahil sa pag-alaala ko sa nakaraan, nakalimutan kong naka-on pa nga pala ang laptop. Nakita ko si Shannon na malaki ang ngiti nang makita si Caleb. Kumikinang-kinang pa ang mata niya habang nakatingin sa anak ko. "Hi to Tita Ninang, baby." I whispered to Caleb. "Hi, Tita Ninang." "I miss you, baby." "I miss you, too, Tita Ninang. Uwi ka na 'di na ako galit." Pareho kaming nagulat ni Shannon dahil sa huling sinabi ng anak ko. Kapagkuwan, pareho na lang naming ikinatawa iyun ni Shannon. "Where did you learn that?" natatawa kong tanong sa anak ko. Tinuro niya si Demy na abala sa pagtitimpla ng gatas sa tabi. “Yaya Demy taught me." napangiti nang alanganin ang Yaya niya sabay taas ng daliri nitong naka-peace sign. "It's okay, Demy. Mabuti na 'tong marami siyang matututunan." Muli lang akong napatingin sa screen ng laptop nang magsalita si Shannon, "Don't worry, baby Caleb. I'll be back soon. We'll see each other again na rin," sabi nito saka ito huminga nang malalim habang nakatitig sa anak ko, "Mabuti na lang at naging mabait 'yang anak mo. Mabuti na lang at hindi siya nagmana dun sa lintik niyang ama!" “Shannon!” agad kong pinandilatan ang kaibigan ko dahil sa sinabi niya. Mabilis kong nilingon si Demy na abala pa rin sa pagtimpla ng gatas. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang mukhang hindi naman nito narinig ang sinabi ni Shannon. Muli kong ibinalik ang tingin kay Shannon. Muli ko siyang pinandilatan pero inikutan lang niya ako ng matang ikinailing ko na lang. Kahit kailan talaga. Matagal pang nag-usap at nagkulitan si Shannon at Caleb sa Skype. Ni halos hindi na nga ako nito kinakausap. Shannon loves my son so much. Kahit hindi ko nga gaanong ini-spoil si Caleb, siya naman ang nang-s-spoil dito kaya sobrang lapit ng dalawa sa isa’t isa. Natatawa na lang ako kapag may nakakatawang bagay na itinuturo ang matalik kong kaibigan sa anak ko. Hindi nagtagal, tuluyan na rin siyang nagpaalam saamin dahil oras na ng trabaho niya. "Ba-bye, baby Caleb. See you soon. Mwah!" And when the screen of my laptop went black, I sighed. Binalingan ko si Caleb na abala na sa laruan nitong nakalatag sa kama. Napangiti ako nang tipid at marahang hinaplos ang buhok nito. Muling pumasok sa isip ko ang alaalang naalala ko kanina. I admit that every time I look at my son, naaalala ko ang ama nito rito. That’s JD. Yup, he’s the father of Caleb. JD is my first love since high school until college hanggang sa nangyari na lang ang nagpabago ng buhay ko. Pero mula nang dumating si Caleb sa buhay ko, para saakin, isa na lang si JD sa mga dahilan ng masakit at masayang alaala sa buhay ko noon. Ngayong naka-move on na ako, hiling ko na.. sana maging masaya na rin siya sa piling ng mapapangasawa niya. Nakangiti kong hinagkan si Caleb sa tuktok ng noo nito saka ko siya yinakap. “I love you, Caleb.” Bumaling siya saakin at ngumiti, “I love you, too, Mom.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD