"Caleb!"
Pinagpapawisan at habol hininga akong nagising dahil sa masamang panaginip. Kahit panaginip lang 'yun, ramdam ko pa rin ang panunubig ng mata ko lalo na't tungkol kay Caleb ang napanaginipan ko.
He died in my dream!
Mas dumoble ang kaba ko nang makita kong wala siya sa tabi ko.
"Oh my God! Caleb!" agad akong bumaba ng kama. "Caleb, nasaan ka?"
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto kaya agad akong napabaling dito. Nakita ko ang pagpasok ni Demy na bakas sa mukha ang pagtataka, napansin siguro ang pagkataranta ko. But I ignored her expression. Mabilis ko siyang nilapitan. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang napanaginipan ko.
"Demy, where is Caleb?"
"Ma'am, b-bakit po kayo umiiyak?"
"Just answer my question! Where is he? Nasaan ang anak ko?"
Mukhang nagulat si Demy sa pagkataranta ko. Napakamot siya sa ulo. Bumuga ako ng hininga at hindi ko na siya hinintay na makapagsalita, mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto. Narinig ko pa ang pagtawag ni Demy sa pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin.
“Caleb!” tawag ko nang makarating ako sa salas ng bahay, pero hindi ko siya nadatnan duon.
“Ma’am..” nag-aalangang tawag saakin ni Demy mula sa likuran kaya mabilis ko siyang hinarap.
“Where’s my son, Demy?”
Nag-aalangan niyang tinuro ang dining room, “Nandun po —”
Hindi ko na siya hinintay na matapos ang pagsasalita niya. Mabilis kong tinungo ang dining room. Pagdating ko ruon, papasok na sana ako pero hindi rin natuloy nang makitang hindi lang ang anak ko ang nasa loob.
He’s with my brother.
Tatlong linggo na rin mula nung umalis siya sa bahay dahil saakin kaya ngayon ko lang ulit siya nakita. I didn’t expect it. Pero mas hindi ko ini-expect na makita kong nakikipag-usap siya sa anak kong masaya namang nagkukwento sa kanya.
“How did you know about me?” my brother asked my son. Nasa kabisera ito, samantala si Caleb, nasa gilid nito.
“Mom always talks about you. She even shows your picture on me and told me how much she loves you.”
Ilang sandali pa bago nakapagsalita si Kuya. Napatitig siya sa anak ko at napakurap, “Your mom did that?”
“Opo. But, Tito. Was it true that your mad at my mom? Did she do something wrong that made you upset?”
Napakurap lang si Kuya at hindi nakasagot kaya nagpatuloy si Caleb.
“Tito, can you forgive my mom? Because I hate seeing her sad. I don't want to see her cry. I always want to be her happy because I love my mom, Tito..”
Napangiti ako sa matapos kong marinig ang sinabi ni Caleb. And it’s true that I always talk about Kuya. How he became a brother to me and how close we are before. Even though he’s so mad at me because of what happened, ayaw ko namang maging hindi pamilyar si Caleb sa kanya.
I missed him and I want us to be okay again. But for now I’m contented to see him talking to my son.
Kaya sa halip na disturbuhin ang dalawa, bumuga ako ng hininga saka ko sila tinalikuran. Bumalik ako sa kwarto para makaligo na muna.
Matapos kong maligo, nadatnan ko si Caleb sa kwarto na abala sa tablet habang nasa ibabaw ng kama. Napansin kong mukhang katatapos lang din itong maligo. Nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang bahagi niya. Siguro pinaliguan ito ni Demy habang naliligo ako sa bathroom kanina.
“Hey..” pagkuha ko ng atensyon dito.
Agad naman itong bumaling saakin. Binitawan nito ang tablet niya at lumapit saakin. Kaagad itong lumambitin sa leeg ko at hinalikan ako sa pisngi na ikinangiti ko.
“Good morning, Mommy.”
I chuckled, “Good morning, too,” sabi ko saka ko siya inilapag sa kama, “Where’s Yaya Demy?”
“Nasa baba po para timplahan ako ng milk.”
Ipinagkibit balikat ko na lang iyun saka ako lumapit sa closet para kuhanan siya ng damit. At habang binibihisan ko si Caleb, bigla kong naalala ang eksenang naabutan ko sa dining room kanina.
“Kamusta ang kuwentuhan niyo ni Tito Zee kanina?” I can't help but ask, “Sinungitan ka ba niya?”
“That was I thought, Mommy. I thought he was going to yell at me when I bumped into him earlier but he didn't. He just stared at me and remained silent until he started asking me random questions. I think Tito Zee is not bad at all, Mommy.”
Natawa ako nang marahan, “He’s not bad. He’s just kinda...”
“Suplado?”
Muli akong natawa sa dinugtong niya, “Oo. He's kinda like that. Just like you.”
Biglang nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko, “I’m not suplado, Mommy. I’m sweet.”
“Yeah. You're sweet... and suplado,” mas lalong nagsalubong ang kilay niya kaya natawa ako.
Ayaw na ayaw niya talagang sinasabihan ko siya ng ‘suplado’. Pero totoo naman kasi. Bata palang nakikita ko na ang kahihinatnan ng paglaki ni Caleb. Hindi ko nga alam kung saan niya minana ang ugaling niyang iyun. Siguro kay Kuya o ‘di naman kaya...
I shook my head because of that thought. Don’t go there, Alejah.
Akmang aangal pa si Caleb dahil sa sinabi ko nang yakapin ko siya, “But even though you are suplado I still love you and no one can change it.”
Nawala ang pagsalubong ng kilay niya dahil sa sinabi ko. Ngumiti siya saka siya naglalambing na yumakap saakin pabalik.
“I love you more, Mommy.”
Nasa ganuong posisyon kami nang biglang pumasok si Demy, dala-dala nito ang gatas kaya agad humiwalay si Caleb saakin para lumapit kay Demy at kunin ang gatas.
“Thanks, Yaya!”
Nailing na lang ako nang muli itong sumampa sa kama para maglaro sa tablet niya. Nawala lang ang atensyon ko sa anak ko at napatingin kay Demy nang magsalita 'to.
"Ma'am, nandiyan na po pala kayo. Si Sir po kasi, gusto raw niya po kayo makausap. Nandun po siya sa garden niyo. Hinihintay po kayo."
Nagulat ako. He wants to talk to me? Pero bakit?
Kinakabahan man pero lakas loob akong nagdesisyon na harapin si Kuya.
Hindi ko alam kung makailang beses na akong napabuntong-hininga habang tinatanaw siyang naghihintay saakin sa garden tulad ng sinabi saakin ni Demy. Nakatalikod siya sa banda ko kaya hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya. Kinakabahan ako sa kakaisip kung anong pag-uusapan namin. He still mad at me, right? Kaya hindi ko alam kung bakit naisipan niya akong kausapin.
Muli akong bumuntong-hininga saka ako lakas loob na unti-unting humakbang papalapit sa kinaruruonan niya. Hanggang sa tuluyan na akong makalapit sa likuran niya.
Pumikit ako nang mariin sa huminga nang malalim. Ilang sandali pa bago ko muling minulat ang mga mata ko at lakas loob kong kinuha ang atensyon niya.
"Kuya..."
Agad siyang humarap saakin. Napalunok ako habang nakatingin sa walang expression ng mukha niya pero kahit na ganun, lakas loob pa rin akong nagsalita.
"D-Demy told me.. G-gusto mo raw akong m-makausap?" I stuttered.
He didn't reply. He just looking at me like he's studying my face, expressionless. kaya naisip ko na baka pinagtitripan lang ako ni Demy. O 'di naman kaya nagkamali lang ng dinig si Demy at si Mommy talaga ang gustong makausap ni Kuya.
Para mabawas-bawasan ang pagka-akward at kaba ko, pinilit kong tumawa. Kaya lang mas lalo 'ata akong kinabahan sa tawa ko dahil hindi man lang nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya kaya tumikhim ako sa sobrang kaba at awkwardness na nararamdaman.
"S-sige. Baka nagkamali lang si Demy. I'm sorry."
Matapos kong sabihin 'yun agad akong tumalikod. Mariin akong napapikit. Minumura ko pa si Demy sa isipan ko. Lalakad na sana ako nang magsalita si Kuya.
"Wait,"
Sa gulat ko agad akong napalingon sa kanya. Ngayon hindi na siya makatingin nang tuwid saakin. Ilang sandali pa bago niya ako muling tiningnan. Kung kanina, wala akong nakikitang ekspresyon sa mukha niya, ngayon meron na. "Gusto ko mag-usap tayo."
Napalunok ako, "A-anong pag-uusapan natin, K-kuya?"
"I want to apologize."
Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. Hindi kapaniwala sa narinig.
Bahagya siyang natawa, "I just realized that I am too overacting to prolong my anger towards you. Mama was right. Hindi dapat ako nagalit sa'yo dahil kung sino man ang mas nahirapan saating dalawa, ikaw 'yun."
Hindi ko mapigilang maluha sa sinabi niya dahil sa halo-halong emosyon. Tuwa, saya, pagsisisi at galak.
"I'm sorry kung nagalit ako sa'yo. I was just hurt. Mahal na mahal kita, 'e, alam mo ‘yun. You used to be my princess. I'm sorry if I became hard on you."
"No, Kuya,” sa wakas nagawa ko ring magsalita. Pinalis ko ang luha kong sunod-sunod na nagpapatakan sa pisngi ko, “Wala kang kasalanan. Naging mabuti kang kapatid saakin. Alam ko ring nagalit ka saakin dahil mahal mo ako and you're just being protective Kuya to me kaya ako dapat ang humingi ng tawad. I'm sorry kung nabigo kita. I’m sorry dahil hindi ako nakinig sa’yo. I'm sorry for being stubborn. And I’m sorry, dahil wala akong pinagsisihan sa nagawa ko. Hindi ko pinagsisihan na nagkaruon ako ng Caleb. Kung may pinagsisihan man ako, ‘yun ay naging binigo kita.” I cried.
"You already forgiven, Princess." he smiled. Ang ngiting miss na miss ko na kaya mas lalo akong napaiyak sa halo-halong emosyon.
I didn't expect this but damn, I am so happy! Tell me, am I dreaming?
"C-can I hug you, Kuya?" nagdadalawang isip kong tanong.
Sa halip na sumagot siya, nakangiti niyang ibinuka ang braso niya, naghihintay sa yakap ko. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya at yinakap siya nang mahigpit.
"I missed you, Kuya. I really do. And I miss doing this to you, Kuya." I admit.
"I miss you doing this to me, too, Princess."
I smiled, "I miss being called Princess din, Kuya."
"I miss calling you by that, too, Princess. I miss you, Princess."
'Yung ngiti ko biglang naging tawa. I really miss him, too, so damn much and I'm really happy na natupad 'yung matagal ko nang ipinagdarasal. Wala na akong mahihiling pa. I have Caleb now at nagkabati na kami ni Kuya. Sapat na ‘yun saakin. Higit pa sa sapat.
Kinagabihan, gulat na gulat si Mommy nang malaman niyang bati na kami ni Kuya. Nadatnan niya kasi kami ni Kuya na tuwang-tuwa sa panunuod kay Caleb na naglalaro ng Just Dance with his Yaya Demy. Kaya nang sinabi ni Kuya na okay na kami, ayun si Mommy, naiyak sa sobrang tuwa hanggang sa nagdesisyon kaming kumain sa labas tulad nang madalas gawin namin nuon.
“I’m really glad that you two are already okay now.” si Mommy.
“Thanks to this little man beside me,” sabi ni Kuya sabay tingin sa katabi niyang si Caleb na napatingala rin sa kanya, nagtataka.
“Why, Tito?”
Kuya Zyrel chuckled. He even messed up Caleb’s hair, “Nothing. You just made me realize things. At pasalamat lang talaga ang Mommy mo at gwapo ka kundi...” he finished his words by smirking at me. I laughed in too much happiness.
Humaba pa ang gabi namin at hindi na yata matapos-tapos ang kaligayahan nararamdaman ko.
Masaya rin akong hindi na inungkat ni Kuya ang nakaraan. He didn't ask anything about what happened in the past. Maging ang pagtanong tungkol sa ama ni Caleb hindi na niya ginawa. Mukhang maging ito, iniiwasan na ring balikan 'yun. Kita ko rin kung gaano siya kaaliw kay Caleb. Halos hindi na nga niya ito hinihiwalay sa kanya, 'e.
Mabilis lumipas ang araw, hanggang namalayan ko na lang ang araw na pagdating ni Shannon sa Pilipinas. Pagkagising ko hindi ko nadatnan si Caleb sa tabi ko. Sa halip na matakot ako, napangiti ako. Ilang araw nang ganito si Kuya, lagi niyang ninanakaw ang anak ko rito sa kwarto ko. He's being clingy to my son.
Mag-iisang buwan na rin pala mula nang magkabati kami ni Kuya.
Pagdating ko sa baba, tama nga ang hinala ko. Nadatnan ko sila na kumakain sa dining room. Nakangiti ko silang pinagmasdan. Ang cute nila nilang pagmasdan.
Napatayo lang ako nang maayos nang mapatingin saakin si Kuya. Bumaling siya ulit kay Caleb. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong may binulong si Kuya sa anak ko.
"Mommy!"
Bumaba siya sa kinauupuan niya at tumakbo papalapit saakin. Agad ko naman siyang binuhat. Ipinulupot niya ang braso sa leeg ko saka niya ako hinalikan.
"Good morning, Mommy."
I smiled, "Good morning din, baby."
"Mommy, can I and Tito Zee go to the park later?"
Kumunot ang noo ko bago bumaling kay Kuya. Tumikhim siya bago nagsalita, "Naisip ko kasi lagi na lang siya narito sa bahay kaya gusto ko siyang ipasyal. If you want, you can come with us."
Umiling ako, "Hindi ako puwede, Kuya. May lakad kasi ako."
Siya na naman ang kumunot ang noo saakin, "Saan ka pupunta?"
"Ngayon kasi ang dating ni Shannon. Susunduin ko siya sa airport kaya hindi ako pwedeng sumama sa inyo."
"You mean, pumapayag kang ipasyal si Caleb?"
Ngumiti ako saka tumango bago bumaling kay Caleb, "Kaya, baby, 'wag matigas ang ulo, okay? Be good to you Tito Zee habang walang Mommy. Gustong sumama ni Mommy pero hindi talaga ako puwede. Kailangan sunduin ni Mommy si Tita Ninang, 'e."
"Okay, Mommy. I promise, I'll be a good boy."
Napangiti ako sa sinabi niya na may pagtaas pa na kamay. Hinalikan ko siya dahil sa panggigigil ko sa kanya.
Sumabay muna ako sa pag-aalmusal sa kanila bago ako bumalik sa kwarto. Mauuna kasi akong aalis sa kanila kaya kailangan kong mag-asekaso.
Matapos kong maligo, magbihis at mag-ayos, bumaba na rin ako ulit. Nadatnan ko ang magtito na naglalaro sa may salas ng bahay. Napatigil lang sila nang mapansin nila ako. Patakbong lumapit saakin si Caleb.
"Aalis na si Mommy. Keep your promise, okay?"
Yumakap siya saakin, "Yes, Mommy. I'm going to miss you."
"Awww,” I kissed him cheek, “I'm going to miss you, too, baby."
He’s always like that. Hindi kasi siya sanay na hindi kami magkasama sa isang lakad. Ako rin naman. Sa tuwing lalakad kasi ako, hindi siya pwedeng iwan pero ayaw ko namang sirain ang moment nila ni Kuya. Hindi ko naman gustong ipagkait siya kay Kuya.
Kalaunan, tuluyan na akong umalis sa bahay at tumungong airport. Mahigit kalahating oras din ang hinintay ko bago ko naaninagan ang best friend kong may tulak-tulak na luggage.
I can't help but admire her. Ang tangkad-tangkad niya. Mas lalo siyang tumangkad dahil sa stilettos niyang suot. Kitang-kita rin ang maputi niyang binti dahil sa suot niyang leather shorts at white long sleeves. Tapos may butterfly sunglasses pa siyang suot and fedora hat. Noon pa man, hindi ko masisisi kung maraming humahanga sa kanya. Pero bukod sa pagiging mapili nito, may kasungitan at kasupladahan din ito kaya walang tumatagal sa panliligaw sa kanya. Halos lahat ng manliligaw nito nuon, umaatras. Hindi ko na ron mabilang noon kung ilang lalaki na ang na-basted niya noon noon. Shannon is my opposite.
Natawa ako nang makita ko ang iritasyon sa mukha niya nang alisin niya ang butterfly sunglasses.
"Shocks. It’s so hot here in the Philippines!" reklamo niya nang tuluyan na siyang makalapit saakin. Pinapaypayan pa nito ang sarili niya gamit ang bakanteng kamay.
"Nasanay ka lang sa New York kaya ganun." natatawa kong sabi.
She rolled her eyes, "Yeah, right," biglang napalitan ng pagkagalak ang mukha niya. Nagulat ako nang bigla niya akong yinakap, "Pero seryoso, best friend, na-miss kita."
I rolled my eyes, "Anim na buwan lang kaya tayong hindi nagkita, Shannon.”
Inirapan niya rin ako nang muli niya akong harapin, "Matagal din kaya 'yung anim na buwan and wait... Where is my inaanak?" tanong niya nang mapansing wala si Caleb sa tabi ko.
"He's with Kuya."
Bahagyang nanlaki ang mata niya sa gulat, "Wait, what?"
I smiled, "Okay na kami ni Kuya. Pinatawad na niya ako."
"What? Pano nangyari?"
"Mahabang kwento. Halika na nga."
Dahil hindi pa siya natatauhan, kinuha ko ang bagahe niya at naunang lumakad. Narinig ko na lang ang sigaw niya na ikinatawa ko.
"Hoy! Ang daya mo! Why didn't you tell me!?"
"Welcome back, my friend." sa halip na sagot ko.