KABANATA 11

3951 Words
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Aaminin kong umasa pa rin ako sa kahihintay ng reply niya saakin kagabi pero ilang minuto at oras akong naghintay pero wala talaga. Hanggang sa hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog. Kaya kinabuksan, nagising na lang ako sa sinag ng araw na pumapasok sa loob ng kwarto ko. Kinukusot ko ang mata ko nang unti-unti akong bumangon. Agad akong tumingin sa tabi ko para tingnan si Caleb pero ganun na lang ang panlalaki ng mata ko nang makitang wala siya sa tabi ko! "Oh my God, Caleb!" Agad akong bumaba sa kama at patakbong lumabas sa kwarto. Dala na siguro ng nangyari kay Caleb kaya ganito na lang ang kaba at takot ko nang makitang wala siya sa tabi ko. "Caleb!" kinakabahan kong tawag habang lakad-takbo ang ginagawa ko sa hagdanan "Mommy!" Napahinto lang ako at kahit papaano, nabawas-bawasan ang takot at pag-aalalang nararamdaman ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Caleb. Tuluyang naglaho ang takot at pag-aalalang nararamdaman ko nang makita ko siya sa salas ng bahay. Agad ko siyang nilapitan at umupo sa harapan niya. "Hey. I was worried. Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo," I said. Napakunot ang noo ko kapagkuwan, "Paano ka nakalabas ng kwarto? Si Tito Zee mo ba ang kumuha sa'yo sa kwarto at nagbaba sa'yo rito?" alalang tanong ko. He shook his head, "No. Daddy did it!" Ang laki ng ngiti niya nang sabihin iyun. Ngayon ko lang napansing kakaiba ang mood niya kumpara kahapon at sa mga nagdaang araw. Pero hindi ang mood niya ang nagpakuha ng pansin ko. "W-what did you say? Your what?" "Mom, Daddy was here! He came, Mommy! He visited!" Halos magtatalon siya sa tuwa kung wala lang siyang iniindang sakit sa katawan, baka nagawa na niya iyun. Kapagkuwan, biglang lumungkot ang mukha niya. "But he left when Tito Zee came," muli sumigla ang mukha niya, "But it's okay. At least, I saw him! I'm so happy that we talked already. I apologized to him because of what I said and I already said I love him then he promised me that he'll visit me again when everything is okay." Tuwang-tuwa siya sa pagkukwento. Samantala ako hindi ko alam kung anong ekspresyon ng mukha ko ngayon habang nakatitig sa masayang mukha ng anak ko. Hindi pa rin ako kapaniwala na galing dito si JD. And did he... enter my room.. when I was asleep? Oh my God! Omg. Ano kaya 'yung ekspresyon ng mukha ko habang natutulog? Nakanganga ba? Tulo-laway ba ako? Oh my God, nakakahiya. Halos gusto kong lumubog sa kinauupuan habang iniisip ko kung anong hitsura ko nang pumasok si JD kanina habang tulog ako. "Tinanghali ka yata nang gising." Muntik na akong mabuwal sa kinauupuan sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Kuya mula sa likuran ko. Napatayo ako at agad akong humarap dito. Kapansin-pansin ang kaseryosohan ng mukha niya, which is hindi na dapat bago saakin. Pero kakaiba kasi ang tinging ibinibigay niya saakin. Parang may nagawa na naman akong mali at hindi niya nagustuhan. Nang maalala ko ang sinabi ni Caleb, lakas loob ko pa ring tinanong si Kuya kahit parang tatagos na sa kalamnan ko ang titig niya. "K-kuya, sabi ni Caleb, nanggaling daw si JD dito? Totoo ba?" "Yes. At bakit mo siya hinayaan na kunin ang anak mo sa mismong kwarto mo?" Umiling ako nang wala sa sarili. Hindi pa rin makapaniwala kahit may kompirmasyon na galing mismo sa kapatid ko. "I didn't know. I was sleeping." "Yeah yeah yeah. You were sleeping so you didn't know. Kung kinidnap na ng hayop na 'yun ang anak mo, hindi mo malalaman! Buti na nga lang at dumating ako!" "Kuya, JD won't do that. Caleb is his..." napalunok ako, "Son." dagdag ko sa mahinang boses. He tsked, "Bakit mo ba kinakampihan ang lalaking 'yun, ha? Don't tell me," ngumisi niya, ngising kakila-kilabot, na para bang may ideya na siya, "Mahal mo pa rin hanggang ngayon ang lalaking 'yan." I gulped. "Tell me, Alejah, do you still love that asshole, hmm?" Muli akong napalunok at hindi agad nakapagsalita. Nanatili siyang nakangisi saakin pero iba naman ang pinapakita ng mata niya. Para siyang ahas na pwedeng manuklaw sa anumang oras. "Mommy, Tito Zee," napatingin lang kaming dalawa kay Caleb nang bigla 'tong magsalita. My son looks confused, "Are you two fighting?" Agad akong umiling sa tanong niya. Tipid ko siyang nginitian, "No, baby, we're just talking." "But why does Tito Zee seem angry?" Muli akong umiling sa tanong niya, "No, baby, we're not fighting, okay? May pinag-uusapan lang kami. And have you forgotten what I said to you? 'Wag kang sumali sa usapan ng mas nakakatanda sa'yo dahil bad 'yun." He pouted, "I'm sorry, Mom. I just thought you two were fighting." "It's okay, baby. But will you promise me that you won't do that again, okay?" "Yes, Mom." Tipid ko siyang nginitian. Bumuntong-hininga ako at muling bumaling kay Kuya. Dismayado niya akong inilingan saka niya kami tinalikuran. Napabuga na lang ako ng hininga. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko mapagbabati ang dalawa dahil maging ako hindi ko alam kung paano ko kakausapin ang isa sa kanila. Hindi na naulit ang pagbisita ni JD kay Caleb sa mga sumunod na araw. Duda akong may kinalaman na naman si Kuya duon. Samantala, si Kuya hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kinakausap nang matino. Palagi niya akong sinusupladuhan. Pero okay na rin ito kesa sa noon na parang tratuhin niya akong invisible. Si Caleb naman, mula nang dinalaw siya ni JD without my knowing, bumalik na siya sa dati. Unti-unti na rin siyang nakakalakad. Sobrang saya ko sa recovery niya, ang bilis. "What kind of toys do you want me to buy for you, baby Caleb?" si Tita Isabelle na nasa screen ng laptop isang araw. Hanggang ngayon kasi nasa ibang bansa pa rin sila kaya kino-contact lang nila ako sa Skype para makausap nila si Caleb. "I already have a lot of toys, Lola Isa. My mom buys me every day so you don't need to buy a toy for me. You shouldn't waste your money." my son answered that made Tita Isabelle smile and giggle. "Aww. You are so really cute. By the way, where is your Mom? I want to talk to her. Tell her." "Okay po," then Caleb look at me, "Mommy, Lola Isa wants to talk to you." Tipid ko siyang nginitian, "Okay, baby. I'll talk to her kaya maglaro ka lang muna, okay?" Tumango naman siya at agad na lumapit sa laruan niyang nakakalat sa carpet. Bumuntong-hininga ako saka ko ibinaling ang mga mata ko sa screen ng laptop kung saan nakikita ko si Tita Isabelle na sinusundan ng tingin ang anak ko. Kapagkuwan, bumaling ito saakin. She smiled, "Kamusta ka na, hija?" "I'm fine, Tita." Ilang segundo pa siyang nakangiti lang na nakatingin saakin bago siya tumingin sa likuran ko kung saan kita si Caleb na abala sa paglalaro. "Caleb is a good and smart kid. Kahit mag-isa mo lang siyang inalagaan noon, napalaki mo siya nang maayos, hija, and thank you for that." Tanging tipid lang na ngiti ang nagawa ko. "By the way, hija. Baka next weekend uuwi na kami ng Tito France mo. I want to see my grandson but my son told me that he's not allowed to come there because of your brother," napalunok ako nang bigla niyang ipasok sa usapan si JD, "Nangangamba ako na baka pati kami pagbawalan ng Kuya mo. Kaya can you do me a favor, hija?" "A-ano po 'yun?" Napalunok ako habang hinihintay ang sasabihin ni Tita Isabelle kahit may hinala na ako. She sighed, "Will you bring baby Caleb to our house kapag dumating na kami?" Hindi agad ako nakasagot. Agad akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya. Pumasok sa isip ko ang mukha ng taong gusto kong iwasan pero at the same time, gusto ko rin namang makita. I silently cursed myself on that thought. Damn, Alejah. Bumalik lang ang diwa ko nang muling kunin ni Tita Isabelle ang atensyon ko, "Hija, are you okay?" Napakurap ako at napalunok, "P-po? Ah, opo." She nodded and sighed, "About my favor, hija, can you do that for me? Gusto ko lang makita ulit ang apo ko." Hirap na hirap akong napalunok, "I try, Tita. Kung hindi kami pipigilan ni Kuya -" "Please, hija." she begged. Kita ko sa mukha niya kung gaano niya kagusto na gawin ko ang gusto niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Kapagkuwan, wala akong nagawa kundi ang tumango na lang "Okay po, Tita." Dahil sa sinabi ko, napapalakpak pa siya at nakangiti nang malaki sa sobrang excitement. Nailing na lang ako habang nakangiti dahil para siyang bata na napagbigyan ang gusto niya. Sa kabila nun, hindi ko rin maiwasang kabahan. I admit na kahit kinakabahan ako sa muli naming paghaharap, inaabangan ko rin ang muli niyang pagbisita kay Caleb. Kahit pa, inaasahan ko ang panunumbat niya sa kasal niyang hindi natuloy. Isa iyun sa gusto kong gawin. Gusto kong pag-usapan ang nangyari sa kasal. Gusto kong humingi ng tawad. But I wonder. Okay na kaya sila ni Cyndie? Nakapag-usap na kaya sila? Naalala ko ang galit na galit na mukha ni Cyndie dahil sa pag-eeskandalo ko. Ipinilig ko ang ulo ko para mawaglit sa isipan ko ang kahihiyang nagawa ko. Dumating ang araw na pagdating nina Tita Isabelle galing ibang bansa kaya ito rin ang araw na kailangan kong dalhin si Caleb sa bahay nila, tulad ng pinangako ko. Pero hindi ko alam kung paano ko siya ilalabas nang hindi nagagalit si Kuya. Hindi niya kasi hinahayaang lumabas si Caleb, maging ako. Alam ko naman ang dahilan kung bakit hindi siya pumapayag. JD na naman. Kaya naman hindi ko alam kung anong irarason ko. Mas magagalit siya for sure kapag nalaman niyang sa bahay kami ng mga ito pupunta. "Mom, where are we going?" inosenteng tanong ng anak ko habang binibihisan ko siya. "We're going to your Lola Isabelle house, baby, kaya quite lang, huh? Don't tell Tito Zee about that. If he ask, just tell him na pupunta tayo sa park." Kumunot ang noo niya, "But you said before that lying is not good." "Yes, baby" then I smiled, "Pero sabi ko rin sa'yo nuon. May dalawang uri ang pagsisinungaling. May nakakabuti at may nakakasama." "And yours.. is?" "Nakakabuti. It's called white lie, baby. Mommy's going to lie so you can see your daddy. You want to see him right?" Nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko, "Yes, Mommy! I want to see my daddy! Are we going to see him now?" excited niyang tanong. "Yes, baby." Nagsisigaw siya sa sobrang excitement kaya agad ko siyang pinatahimik baka marinig siya ni Kuya at hindi pa kami matuloy. Nailing na lang ako. Ganyan niya ka-miss ang Daddy niya. I smiled. Ang sarap sa pakiramdam na tawagin siyang Daddy ng anak ko pero mapait din akong napangiti kapagkuwan dahil alam kong hanggang duon lang kami. We're just parents of Caleb, but we can't be together like the others.. dahil may Cyndie siya. At kahit wala naman sigurong Cyndie, hindi pa rin kami puwede. Dahil alam naman nating hindi niya ako kailanman tiningnan nang higit pa. Why am I thinking that thing, by the way? Matapos kong bihisan si Caleb, lumabas na rin kami ng kwarto. Tulad nang inaasahan, nadatnan namin si Kuya sa salas na abala sa pagbabasa ng diyaryo. Ibinaba niya iyun nang mapansin kami. Bahagyang tumaas ang kilay niya. "Where are you two going?" he asked. "We're going to see my-" bago pa matapos ni Caleb ang sasabihin, tinakpan ko na ang bibig niya. Marahas akong napabuntong-hininga. Sa sobrang excitement niya mukhang nakalimutan niya ang bilin ko sa kanya. Mabubuko kami nang hindi oras dito, 'e. Mabuti na lang at hindi binigyang pansin iyun ni Kuya. Saakin lang siya nakatingin, naghihintay ng kasagutan. Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita, "Kuya, ilang linggo na mula nang makalabas si Caleb sa hospital kaya gusto ko sana siya ilabas. Puwede bang payagan mo kami?" Hindi agad siya sumagot na parang pinag-iisipan ang sinabi ko. Kapagkuwan, tumango-tango siya, "Fine." Hindi ko naitago ang galak sa mukha ko dahil sa sinabi niya, "Thank you, Kuya." "But I'll go with you," agarang ding napawi ang ngiti ko sa sinabi niya, "Why? Gusto ko lang bantayan si Caleb dahil baka ano naman ang mangyari sa kanya." "P-pero hindi na kailangan, Kuya, alam kong busy ka. I can take care of him alone." "No, I'll go with you two." tumayo siya saka niya pinagpagpagan ang suot niya. Lalakad na sana siya nang biglang tumunog ang phone niya. Marahas siyang lumabas ng hininga saka sinagot ang tawag, "What?" he rolled his eyes, "Whatever.. Tell them, hindi ako pwede ngayon, may gagawin ako -What the f**k?! Are you kidding me?.. Fine! Humanda kayo saakin.. Whatever, dimwit. f**k you." Marahas niyang ibinaba ang phone. Kitang-kita rin sa mukha niya ang pagkainis sa kung ano man ang napag-usapan nila ng kausap niya. Napalunok ako nang bumaling siya saamin. "T-Tito Zee, are you mad?" Unti-unting kumalma ang ekspresyon ng mukha ni Kuya dahil sa tanong ni Caleb. Maging ito mukhang nagulat din sa pagmumura ni Kuya. Marahas na napabuntong-hininga si Kuya. Narinig ko pa siyang mahinang nagmura saka umiling, "No, young man. Sorry kung natakot kita," mukhang napaniwala naman niya si Caleb kaya bumuntong-hininga saka muling tumingin saakin, "I can't go with you. May pupuntahan ako." Alam kong masama pero hindi ko maiwasang matuwa sa sinabi ni Kuya. Mukhang napansin niya iyun kaya tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit parang tuwang-tuwa ka 'ata na hindi ako makakasama?" Agad akong umiling sa sinabi niya, "Hindi sa ganun, K-kuya." He tsked, "Fine, hahayaan ko kayong mamasyal pero ipangako mo saakin na bantayan mong mabuti si Caleb." Tumango ako, "Yes, Kuya. Thank you." and I'm sorry for lying. "Good." bumaling siya kay Caleb, "Take care of yourself, young man. Huwag mo nang pag-aalahanin si Tito, okay?" Caleb smiled and nodded, "Yes po, Tito Zee." Hindi nagtagal, nauna pa siyang umalis saamin ni Caleb. Ilang minuto pa ang pinalagpas ko saka ako nagdesisyon na ring umalis ng bahay pupunta sa bahay nina Tita Isabelle. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang tinagal ng byahe namin. Kung anu-ano kasi ang mga naiisip ko. Ang daming katanungan sa isipan ko. Iniisip ko ang mangyayari mamaya kapag nakaharap ko siya. Hindi ko rin maiwasang kabahan sa tuwing naiisip na makakaharap ko siya. Abot-abot ang tahip ng kaba sa dibdib ko habang nakatingin sa malaking gate ng bahay nina Tita Isabelle. Kung hindi pa nagsalita si Caleb hindi pa babalik ang huwisyo ko. "Mom! Let's go! I'm excited to see my daddy!" He excitedly exclaimed. Bumuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili ko, ganun din ang naghuhumirintado kong puso, "Okay, baby." Unti-unti kong ipinasok ang kotse sa loob ng gate. Hindi ko napigilang ipalibot ang tingin ko sa paligid. Ito kasi ang unang pagkakataon na nakapunta ako rito. Ginamit ko nga lang ang GPS ng kotse para malaman ko ang eksaktong lokasyon. Nang makalapit kami sa malaking bahay, inihinto ko ang kotse at hindi ko mapigilang mamangha sa laki nito. "Wow! Is this Lola Isa's house, Mommy?" manghang tanong ng anak ko na nagpabalik ng diwa ko. "Yes, baby." Bumuntong-hininga ako saka bumaba ng kotse. Umikot pa ako para pagbuksan si Caleb at para alalayang bumaba. Ilang sandali pa, may lumapit na maid saamin na halos kaedaran ko lang din. "Kayo po ba si Ma'am Alejah?" she asked. I nodded, "Ako nga." Ngumiti siya saakin at iminuwestra ang malaking pinto ng bahay, "Pasok po kayo, Ma'am. Kanina pa po naghihintay si Ma'am Belle sa inyo." Tumango ako. Sumunod ako nang lumakad siya papasok sa bahay. Namangha ako sa laki ng bahay at mga huwebles at kagamitang na nasa loob nito. It's look expensive. Nang makarating kami sa malaking living room, agad kaming sinalubong ng excited na excited na si Tita Isabelle. "Baby Caleb! Oh, God, I missed you!" mahigpit niyang sinalubong nang mahigpit na yakap si Caleb nang makalapit kami rito. Pinugpog niya pa ito ng halik sa mukha. Napangiti ako lalo na nang magmano si Caleb dito na mas lalong ikinatuwa ni Tita Isabelle. Nilapitan din niya si Tito France na nakaupo sa mahabang sofa at nagmano rin dito. Tita Isabelle giggled, "Aww you're so cute," muli niyang hinalikan si Caleb, "I really missed you, apo. Did you miss Lola Isa too?" Caleb nodded, "Yes, Lola." Tita Isabelle giggled again, "Really? God! Kamukhang-kamukha mo talaga ang anak ko." Speaking of him. Muli kong iginala ang mga mata ko sa malaking bahay. Mukhang hindi lang naman ako ang nakapansin sa pagkawala ng presensiya ni JD nang biglang magtanong ang anak ko. "Lola, where is my daddy?" I heard Tito France cleared his throat, "I'm sorry, apo, but your daddy is busy with something." Busy with something? O baka naman "someone". Ayan ka na naman, Alejah. "Don't worry, baby. Matapos ng meeting ng daddy mo sa company, makikita mo na rin siya. He was look excited when I told him that you'll visit here pero kailangan pa niyang um-attend ng meeting ang daddy mo kaya mamaya muna siya makikita." 'Yun naman pala, Alejah. Company naman pala ang pinagkakaabalahan. Gustong-gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pinagsasabi ng kabilang parte ng isip ko. "Is he that busy?" Caleb asked. "Sobra, apo. It's for your future. Kaya sana maintindihan mo ang daddy mo, ha." Caleb smiled, "Don't worry, Lola. I'll understand Daddy." After that, Tita Isabelle invited us to have brunch with them. Hindi na ako tumanggi pa lalo na't kitang-kita ko kung gaano nga niya ka-miss si Caleb. Ni hindi niya ito hinahayaang umalis sa tabi niya at lagi niyang pinupugpog ng halik. Pareho na lang kaming nangingiti ni Tito France dahil dun. Matapos naming mag-brunch, inimbitahan niya kaming tumungo sa pangalawang palapag ng bahay nila. May ipapakita raw kasi siya saamin, lalo na kay Caleb. Pumasok kami sa isang kwartong sa tingin ko'y opisina ni Tito France. May kinuha si Tita Isabelle album saka sila umupo sa mahabang sofa na nasa loob ng opisina. Inupo niya si Caleb sa gitna ng hita niya at sabay nilang binuklat ang album na 'yun. "Woah!" kita ko sa mukha ni Caleb ang pagkamangha habang nakatingin sa album. Thanks nito si Tita Isabelle na ngingiti-ngiti lang sa reaksyon niya, "Who is this young boy, Lola? Why do we look alike?" Tito Isabelle chuckled, "Siyempre naman, apo. Kamukha mo siya kasi siya ang daddy mo!" Caleb eyes widened, "He's my daddy?" Tita Isabelle nodded kaya tumingin saakin si Caleb na tuwang-tuwa, "Mommy, look! Daddy looks like me when he was a kid!" Hindi pa siya nakuntento. Umalis ito sa kandungan ni Tita Isabelle at lumapit saakin. Pinakita niya saakin iyung album. Hindi ko pa nakita kahit kailan ang picture ni JD nung bata pa siya. Kaya ganun na lang ang gulat ko nang makita ko ang picture niya. Caleb was right. Pakiramdam ko nakatingin lang din ako sa picture ni Caleb. Ngayon ko mas lalong napatunayang kay JD niya nakuha ang lahat. Kamukhang-kamukha niya ang anak ko noong bata pa siya! Bumalik lang ang diwa ko nang marinig ko ang pagsasalita ni Tita Isabelle, "Iyan ang dahilan kung bakit nawala ang pangdududa ko nang makita ko si Caleb, hija. Kamukhang-kamukha niya ang anak ko.' Wala sa sarili akong napatango, hindi napigilang sumang-ayon. Hindi pa rin ako kapaniwalang sa kanya nakuha lahat ni Caleb. Wala man lang ito namana saakin, pati ugali, sa kanya nga yata nito nakuha. Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako sa parteng iyun. Mukhang naaliw yata si Caleb sa pagtingin ng pictures ng Daddy. Lumipas ang oras at hindi pa rin siya nagsasawa sa pagtingin dito. At sa bawat larawang binubuklat niya, panay rin ang tanong niya kay Tita Isabelle na malugod naman nitong sinasagot. "How about this po, Lola?" Tita Isabelle chuckled, "This was the time when he wants to learn how to ride a bike. Look at his knee, he got a wound. Bigla kasi siyang sumemplang." Pinapanuod ko lang ang ekspresyon ng mukha ni Caleb sa bawat pakikinig sa kuwento ni Tita Isabelle. At iba't ibang ekspresyon ang nakikita ko sa mukha nito. He frowned, then laughed and smiled. Depende sa kinukuwento ni Tita. Naiwala ko lang ang atensyon sa kanila nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Agad ko itong kinuha sa purse ko. Nakita kong si Shannon ang tumatawag. Napatingin ako kina Tita Isabelle, saktong nakatingin siya saakin. I showed her my phone and mouthed 'excuse po'. Tumango naman siya kaya tahimik akong lumabas ng room bago ko sinagot ang tawag. "God! Buti naman at sinagot mo!" bungad saakin ni Shannon. She seems frustrated. "Why did you call?" "Duh, Alejah, 'yung Kuya mo, hindi ako tinantanan. He keep on asking me about you and Caleb. Hindi ka raw kasi sumasagot sa tawag." Napahinto ako sa hagdan. Frustrated kong naisuklay ang kamay ko sa buhok ko saka ako napahawak sa railings ng hagdanan. "He called? Hindi ko namalayan. Naaliw ako kapapanuod kay Caleb, 'e." "Where are you ba, ha?" Nakagat ko ang ibang lagi ko dahil sa tanong niya. I don't know what to say. Alam kong mag-aalburuto na naman ito kapag sinabi ko kung nasaan kami. Para rin siyang si Kuya kung maka-react kaya hindi ko sinabi sa kanya. "Ipangako mo muna saaking hindi mo sasabihin kay Kuya kung nasaan kami." Hindi siya agad nakasagot pero makalipas ang ilang segundo, narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya, "Fine!" Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita, "Nandito kami sa bahay ni Tita Isabelle. JD's mom." "What?!" as I expected, she overreacted, "Anong ginagawa niyo riyan, babae ka? Nasisiraan ka na ba? Alam mo namang mainit ang ulo ng Kuya mo sa Jared na iyan." "Relax. He's not here." "Kahit na!" I rolled my eyes. Kung anu-ano naman ang sinabi niya na inilalabas ko na lang sa kabilang tainga ko. So ganito, so ganyan. Tanging paglabas lang ng hininga at pag-ikot ng mata ang nagagawa ko dahil sa OA kong kaibigan. "Nandito na ba sila?" Muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyun. Buti na nga lang at nakakapit ako sa railings ng hagdanan. My eyes widened. Kasabay nun ang paglakas ng t***k ng puso ko... sa kaba. "Hello, Alejah, are you listening to me? And.. May narinig akong boses ng lalaki, kanino 'yun?.. Oh my God! Is that Jared?!" "Yes, Sir. Kanina pa po sila. Nasa opisina po ng daddy niyo." "Alejah!" tawag ni Shannon sa kabilang linya. Pero dahil sa presensiya ng taong bagong dating, halos hindi ko na marinig pinagsasabi nito sa kabilang linya. "Okay, Thanks." Marahas akong napalunok. Nang maramdaman ko ang hakbang niya, gulat akong napaharap sa direksyon niya. Nasa dulo pa siya ng hagdanan. Abala siya sa pagkalas ng butones ng coat niya kaya mukhang hindi pa niya ako napansing nasa kabilang dulo naman ng hagdanan. Nang tuluyan na niyang mahubad ang coat niya saka ito nag-angat ng tingin. Muntik na akong nabuwal sa kinatatayuan nang agad nagtagpo ang mga mata namin. Napahinto siya sa paghakbang at tulad ko, nakitaan ko rin siya nang bahagyang pagkagulat. I gupled again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD