October 4, 2020
Dear Jace,
Nagsimba ako kanina, grabe yung imagination ko kasi nagpakasal daw tayo. Sayang hindi kita nakita sa simbahan. Nagtataka ako kung bakit ang daming tao kanina tapos nagtutulukan pa para lang may maupuan. Naawa nga ako kay lola kanina kasi sobrang tagal niya nakaakyat sa hagdanan tapos dinadaanan lang siya nung mga kaedad ko. Gusto ko sanang tulungan si lola kaso ang layo ko, baka pagdating ko dun nakaakyat na si lola sa hagdanan. Mabuti nalang nakita siya ni Manong Guard at hinanapan agad ng upuan. Anyway, since ako lang mag-isa nagsimba siempre naglakad nalang ako pauwi since malapit lang naman ang bahay sa simbahan. Bigla akong nagutom kaya nagdecide ako na kumain muna sa 7/11. At grabe nga naman ang swerte, nakita kita! Naka-sweatshirt ka at black pants, nakasapatos din. Alas 7 pa yun ng umaga at mukhang hindi ka pa nakauwi sa inyo. Nagkakape ka at tulala.
Nag-alala ako bigla kasi parang may problema ka. Lalapit sana ako kaso I decided na 'wag nalang pala. Baka isipin mo feeling close ako. Nasa labas ka nakaupo habang nasa loob naman ako. Sinadya ko talagang doon umupo para hindi mo mahalata na nakatitig ako sa'yo. Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi mo pa rin iniinom 'yung kape mo. Nakatulala ka pa rin. Naisip ko tuloy kung may malaki ka bang problema ngayon. Kinuha mo ang cellphone mo sa iyong bulsa at parang may binabasa ka. May nagtext ata sa'yo. Sana hindi babae 'yan Jace. Nakita kitang huminga ng malalim at ibinalik ang cellphone sa bulsa pagkatapos noon, tumayo ka at dali-daling umalis. Hindi mo man lang naubos ang kape mo.
Ewan ko kung bakit pero dali-dali rin akong tumayo and I decided to follow you. Nasa malayo ka na ngunit sakto lamang ang distansya ko sayo dahil nahahagilap pa kita. Nakatingin ka ata sa cellphone mo kaya mas nilapitan ko pa ang distansya ko sa'yo. Ilang minuto na rin tayong naglalakad pero mukhang wala kang destinasyon. Naalala ko pa na medyo walang tao doon. Iilan lamang yung mganakakasalubong natin. Tapos andami pang puno. Sa pagkakaalala ko hindi dito yung daan patungo sa inyo.
Nagpatuloy nalang ako sa pagsunod sa'yo kahit medyo natatakot na ako. Pero alam kong nandiyan ka at alam kong 'pag may nangyaring hindi maganda poprotektaan mo naman ako. Ang feeler ko sa part na 'yan. Nagpatuloy lang ako sa pagsunod sa'yo, feeling ko tuloy naliligaw ka na. Bigla kang huminto kaya dali-dali akong nagtago sa malapit na puno. Mabuti nalang at naisipan kong magtago kasi bigla kang lumingon sa likod. Nasense mo ata ako. Ng makita mong walang nakasunod sa 'yo nagpatuloy ka sa paglalakad.
Saan ka ba talaga pupunta Jace? Dahil medyo malayo na yung narating natin, I decided na umuwi na. Pero nagtataka pa rin ako kung saan siya patungo. Next time Jace, susundan na kita. Baka may nambubully sa'yo tapos pinapapunta ka pala doon sa lugar na 'yon para huthutan ng pera tapos siempre hindi ka mahilig makipagsuntukan kaya wala kang laban. Para namang kaya kung makipaglaban sa mga bullies e ang liit liit ko. Pero next time Jace, susundan talaga kita. Delikado na, mabuti na yung sigurado.
---
Alas kuwatro na ng hapon. Nasa kwarto pa rin ako. Iniisip ko pa rin 'yung kanina. Ano ba kasi talagang ginagawa ni Jace doon? Ah, hindi ito ang oras para isipin ko pa 'yan. Next time nalang ako mamomroblema sa'yo Jace.
Lumabas ako ng kwarto at tumungo agad sa kusina. Gusto ko kumain ng siomai, hindi pa kasi ako nananghalian. Sakto naman walang pagkain, hindi na naman ako tinirhan.
"Ma, bibili lang ako sa labas saglit!" Nasa sala lang nakatambay si mama nanonood na naman ata ng kdrama. She's been addicted to it lately, I'm getting worried. Bumalik ako sa kwarto para magbihis. Pagkatapos ko magbihis ay itinago ko muna ang notebook ko sa drawer. Mahirap na. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala.
"Ma, pahinging 100." Focus na focus si mama sa kdrama kaya hindi niya ako napansin sa gilid.
"Ma." Lumingon siya sa akin pero medyo nairita na yung mukha niya.
"Ano?" irita niyang sagot.
"Pahinging 100." Tiningnan niya muna ako ng ilang segundo, pagkatapos ay tumango siya.
"Kuha ka doon. Bumili ka na rin ng ice cream para mamayang gabi. Dalhin mo 'yung 500 para masuklian." Tinuro niy ang mesa kung nasaan ang kanyang bag.
Kumuha ako ng pera at nagtungo sa labas. Medyo maalikabok ang daan, mabuti nalang nakamask pero yung buhok ko hindi nakaligtas. Maliligo nalang ako mamaya. Nagtungo ulit ako sa 7/11 kasi eto lang yung mas malapit sa amin at maraming pagkain dito, mamaya nalang ako magsi-siomai. Pumasok agad ako sa 7/11 at naghanap ng pagkain. Pagkatapos ko makahanap ay binayaran ko na ito sa cashier at umupo sa labas. Kasalukuyan akong kumakain ng binili ko ng biglang dumating si Karen.
"Karen! Hoy!" sigaw ko. Nasa kabila pa siya at hindi pa nakakatawid. Nang marinig ni Karen ang boses ko, she immediately waved and I waved back. Dali-daling tumawid si Karen at lumapit agad sa akin.
"Hoi!" sabi niya sabay hampas.
"Saan ka?" tanong ko.
Umupo naman siya sa harap ko. "Okay ka lang? Umiyak ka lang girl, okay lang 'yan."
Nagtaka ako sa tanong ni Karen.
“Ha? Oo okay lang naman ako, ano bang nangyari?" sabi ko sabay tawa.
Napatakip si Karen sa bibig niya at parang gulat na gulat. Ano ba 'to? Nangpa-prank na naman ba 'to?
"Ano ba? Anong problema? May nangyari ba?" tanong ko sabay hampas sa kanya.
"Omg dai, it's about Leigh. She's dead." Natahimik ako ng ilang minuto. Dinadigest ko ang sinabi ni Karen. Iniisip ko kung tama ba 'yung narinig ko. Pero tiningnan ko ulit si Karen at seryoso ang mukha niya. Hindi naman siguro siya magjo-joke 'pag ganitong bagay.
"Ano?"
Hinawakan ni Karen ang balikat ko. "She's dead. Kaninang umaga. They found her body sa gubat. She was murdered." Napatulala ako sa sinabi ni Karen. Anong murder? Si Leigh?
"No! That's not true! Nagchat pa siya sa'kin kagabi, we have plans for her birthday! Anong murdered?" Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako until Karen hugged me tight. Doon na ako napahagulhol ng iyak. Wala na akong pakialam kung pagtitinginan ako ng mga tao. Wala akobg pakialam, gusto ko lang umiyak.
Minutes later, when I stopped crying. Nag-usap kami ng maayos ni Karen. I asked her about the details of her death. Leigh is my bestfriend. We've been friends for 7 years, she was my first friend sa highschool. Silang dalawa ni Jen.
"She was found kaninang umaga sa gubat. Eleven stabbed wounds, sa ulo halos. Nalaman ko lang din yung balita kaninang alas 12, nagpost kasi yung tita niya. She's too young to die." Pinunasan ni Karen yung luha niya. Umiiyak na rin siya.
"Asan yung katawan niya?" I stammered.
"Nasa hospital pa. Iniimbestigahan pa ng pulis kung ano talagang nangyari, pero sure talaga na murder ang nangyari." Natahimik laming dalawa ni Karen.
Sino ang hayop na gagawa sayo niyan Leigh? Bakit niya gagawin sa'yo yun? Sobrang bait mo. Everyone loves you. Bakit kailangan ka pang patayin?
"Girl, iwan na muna kita ha? May bibilhin lang naman kasi ako dito kasi inutusan ako ni mama. Aalis na rin ako." Tumango lang ako at hindi na nagsalita. Hindi na rin ako nagrespond nung nagpaalam siya sa akin. I don't feel like talking.
Nakatulala lang ako sa 7/11. Naguguluhan pa rin ako. Paano? I really find ot so hard to believe na wala na siya. Natauhan ako bigla dahil nasagi ng isang lalaki ang lamesang inuupuan ko. Tiningnan ko ang lalake. Si Jace! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Ang wrong timing niya naman magpakita, ngayon pa talaga na kakaiyak ko lang. Nakatitig si Jace sa akin kaya bigla akong naconscious. Bakit wala akong ganang kiligin ngayon?
"Umiiyak ka ba kasi nahulog ko yung pagkain mo?" Nagulat ako dahil bigla siyang nagsalita. Akala ko tititig lang siya sa akin ng matagal.
"Ah, no," tipid kong sagot. Pinulot ni Jace ang pagkain at itinapon sa basura. Tinitigan ko ang likod niya. Wait...That's the same sweatshirt and pants he wore kanina. Hindi ba siya umuwi? Iniwas ko agad ang paningin ko ng lumingon siya sa akin.
"Do you want me to buy you food?" tanong niya. Umiling lang ako and smiled. I didn’t have the energy to be happy about it. I mean, kinausap ako ni Jace. In normal occasions, I would have jumped around because of happiness. But the best thing I could do was smile.
"Okay, I should get going. I'm sorry ulit,” he said and smiled.
Pumasok siya sa 7/11 at bumili ng tubig. Nakatitig lang ako sa kanya hoping na titingin siya sa akin pero nakafocus lang ang paningin niya sa dinadaan niya. Parang hindi niya ako kinausap kanina ah. What's up with this guy? Tiningnan ko na lang si Jace habang papalayong naglalakad.