CHAPTER THREE

1176 Words
I don't know what I'm doing pero I'm following Jace. This time, pinigilan ko ang takot ko and followed him. He's so pre-occcupied he didn't notice me tripping. Dahan-dahan akong tumayo and checked if nagkasugat ba ako. Bwesit na kahoy yun. Tiningnan ko kung narinig ba ni Jace ang pag aray ko ngunit nasa daan parin siya nakatingin. Kinabahan ako dun a, I thought I'll get caught. We were walking for hours na, I got tired and decided to rest. Sobrang sakit na ng paa ko and sobrang init ng panahon. Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa ko ngayon. This is not right, I should be out there somewhere else mourning my bestfriends death pero heto ako ngayon, nakasunod kay Jace. Isang dakilang stalker. Nakaupo lang ako sa isang malaking kahoy, magpapahinga lang muna ako saglit. Hindi ko namalayan na sobrang tagal na pala akong nagspace out and then I realized nawala na si Jace sa paningin ko! Tumayo ako at nagsimulang tumakbo. f**k! I think I lost him. Malayo na ata ang narating ni Jace kasi hindi na talaga siya mahagilap. Bigla akong kinabaha. Iba ang kuyob ko ngayon. Sobrang layo na ng narating ko. Wala ng mga bahay. Maraming puno at ang lamig. Tumigil nalang ako sa pagtakbo at nagsimulang maglakad. Ilang minuto ang lumipas at naramdaman kong may nakasunod na sa akin. Inilingon ko ng bahagya ang ulo ko kaya nakompirma ko ang hinala ko. Mas binilisan ko pa ang lakad ko ngunit naramdaman kong medyo mas malapit na ang presensya mo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tumakbo ako ng mabilis. Sumisigaw ako ng tulong kahit alam kong walang makakarinig sa akin. Tumakbo rin yung sumusunod sa akin at nahawakan niya ang balikat ko, inalis ko ang kamay neto ngunit masyado siyang malakas kaya hinawakan niya ng mas mahigpit ang balikat ko sabay hila sa akin. Nagsisigaw ako ng malakas, "Tulong! Tulungan niyo ako!" Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin ngunit mas lalo lang itong humigpit. "Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" Hinampas hampas ko ang taong nakahawak sa akin ngunit sa sinasangga niya lang ito. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil nakasumbrero siya. Hinampas ko lang siya ng hinampas, "Teka lang! Aray!" Nasapak ko ang ulo niya kaya bigla siyang nagsalita at sumigaw. Huminto naman ako sa paghampas dahil nabobosesan ko siya. "Jace?" Tinanggal niya ang sumbrero niya at inayos niya ang nagulo niyang buhol. "Teka, ba't mo ko kilala? At saka why are you here? Are you following me?" I was taken aback. Oh s**t. Hindi ko namalayan na napalakas pala ang pagmura ko. "Are you following me?" he asked again. Iniwas ko ang paningin ko sa kanya. "Hindi a." Alam kong mukha akong guilty pero hindi ko kayang makipagstaring contest kay Jace. Bwesit na mata 'yan. "Ano..kilala kita kasi same school lang tayo siempre. Tsaka kilala ko lahat ng mga estudyante doon, pati guards tsaka teacher. At hindi kita sinusundan, hinahanap ko lang 'yung lugar kung saan natagpuan ang katawan ng bestfriend ko. Ikaw bakit ka andito? Atsaka bakit mo ako hinahabol?" Mabuti nalang mabilis akong nakaisip ng palusot, pero kinakabahan pa rin ako. Napatango naman si Jace at mukhang nakumbinse sa alibi ko. "I came here for this." Kinuha niya ang bag niya na nakasabit sa kanyang likod at binuksan ito. Pusa. Tatlo. Tiningnan ko si Jace tapos tumingin uli ako sa pusa. So he came here para sa mga...pusa? "I was strolling here four days ago, and then I thought I heard kittens so I followed the source of the sound to confirm my suspicions and I was right. So I came here everyday to feed the cats and today I'm planning to adopt them and then I happened to see you and decided to follow you but you started running like an idiot." Mabilis nyang sagot kaya nagspace out pa ako para idigest ang mga sinabi niya. "Oh," I said. "Akala ko kasi kung sino, hindi ka naman agad nagsalita." Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Who in their right mind would scream in this kind of place? Baka may mga maligno pa dito tapos sobrang ingay mo." Pinigilan ko ang tawa ko pagkasabi ni Jace ng maligno. What the hell? Naniniwala siya sa mga ganoon? "I know what you're thinking, I do believe in that kind of stuffs, anyway I'm going back now do you want to come?" Lumaki ang mga mata ko. Oh my gosh, it's like he's inviting me out on a date. "Do you want to come or not?" Ang impatient naman. "Okay fine, sasabay nalang ako sa'yo." Kunwari napilitan. We started walking. Sobrang tahimik. Gusto ko sana mag-initiate nga conversation pero sobrang nahihiya pa ako. Dream come true ito. Pangarap ko talagang sabay kami ni Jace, pero hindi sa ganitong lugar. Doon sana sa medyo sweet na ambiance. Eh pang horror dito parang anytime may aatake sa amin. Mabuti nalang at medyo maingay ang mga pusa sa loob kaya nababawasan ang takot ko. Ang weird ni Jace, parang kanina lang apologetic pa siya sa akin kanina pero yung pagtrato niya sa akin ngayon, parang hindi siya nag-offer sa akin ng food. Gusto ko sana iopen yung topic about doon pero pinigilan ko ang sarili ko. Don't make the first move Missy. Naglakad lang kami ni Jace ng naglakad hanggang sa makarating kami sa mga bahay-bahay. " Ah Jace, dito nalang ako kasi nandoon lang naman yung bahay namin sa kabila, malapit lang." Huminto si Jace at tumingin sa akin. Ilang segundo rin 'yun nafifeel ko na yung mukha kong umiinit. "Okay." Pinaypayan ko ang sarili ko pagkatapos mawala ni Jace sa paningin ko. Hindi niya naman siguro mahahalata na nagsisinungaling lang ako sa kanya na nandoon lang ang bahay namin, pero buti nalang liliko na si Jace sa kabilang kanto, syempre alam ko yun dahil nandoon ang bahay nila. Nagsimula na rin akong maglakad pauwi. -- Dear Jace, Gosh Jace, sobra akong kinilig kanina. Kahit na hindi ka nagsasalita pero ngayon lang nagsink-in sa utak ko na hinawakan mo ang balikat ko! Nagpagulong gulong pa ako sa kama kanina kapag naaalala ko yun. Ang lambot ng kamay mo Jace! Sana nagsalita ka agad kanina para nakapagpretend ako na hindi kita nabobosesan tapos yayakap ako sayo kasi natatakot ako. Pero sana ginawa ko pa rin yun. Sobra ang hinayang. Next time talaga pag ma hahabol sa'kin tas di ako sure kung sino yayakapin ko na. Baka ikaw uli yun. Pero ang cute cute mo dun sa part na pumunta ka lang sa gubat para sa mga pusa. Ang bait mo talaga sobra. Plus points ka sa'kin. Mang-aadopt na rin ako ng pusa dahil good influence ka sa akin Jace. Dapat ginagaya kita para maging mabait din ako. Excited na ako bukas Jace kasi Monday na, makikita na naman kita sa school. Sana 'pag nakita mo ako, papansinin mo na ako kasi siempre diba? Magkasama tayo kahapon. Or atleast tingnan mo man lang ako. 'Yun lang. Amen. Gotta go Jace, 'wag ka sana basahin ng hinayupak kong kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD