Hindi ko akalain na maaga pala masisira ang araw ko. It hasn't even started yet pero nasira na agad. Yung teacher ko, ang daming projects na binigay! Hindi naman pumapasok! Pinapagawa pa kami ng 6 research summary!
'Pag ganyan talaga bumubungad sa araw mo, siempre masisira rin 'yan. Whole day pa. Mabuti nalang at naisipan kong buksan ang email ko. Walang f*******: si ma'am tapos hindi pa siya pumapasok sa klase kaya nagbibigay lang siya ng activities and projects through email.
Okay lang sana kung dalawa lang, pero anim talaga? Seryoso ka ma'am? Narinig pa ako ni mama kanina nagmumura. Naguilty nga ako ng slight kasi akala ni mama ang anghel ng bibig ko. Kasalanan mo talaga 'to ma'am.
"Missy, mamaya na 'yan, kumuha ka nga doon ng 200 sa ibabaw ng drawer," sabi ni mama habang nagluluto. " Bakit po?" I turned off my phone at tumayo na mula sa pagkakaupo.
"Bumili ka ng baboy doon, ulam natin mamayang gabi," sabi ni mama habang nakatingin sa tv. Oo nga pala, sinabihan niya ako kahapon na bumili ng baboy tapos hindi ko nagawa, ang busy ko kasi tapos busy din si mama sa kdrama niya.
Kinuha ko ang pera sa ibabaw ng drawer kung saan nakalagay ang pera. Hindi na ako nag-abala pang magbihis, kumuha nalang ako ng mask at tsaka sumbrero. Lumabas na ako ng gate at dahil malapit lang ang palengke, naglakad nalang ako.
Wala pa masyadong tao dahil alas singko pa ng umaga at malamang tulog pa ang mga tao ngayon. Alas siete pa ang klase ko kaya nauutusan pa ako ni mama. Palagi akong nagigising ng maaga, ewan ko kung bakit. Late ako lagi natutulog, usually mga 2 am, minsan naman 3 am. Nasanay na ang mga mata ko kaya pagdating sa school hindi ako inaantok. 'Pag sobra naman ang tulog ko, doon ako inaantok. Ang saya diba? Kaya mas prefer ko late matulog.
'Yung mga nakakasulubong kong tao ay halos mga nanay. Wala akong masyadong nakikitang mga kaedad ko. Pero marami akong nakikitang nagb-bike at balot na balot so hindi ko nakikita ang mukha nila. Maghahanap sana ako ng pogi. Magch-cheat muna ako kay Jace. Ngayong oras lang. Sorry Jace.
Ipinasok ko sa bulsa ng jacket ko ang aking mga kamay. Medyo malamig pa. Malapit na akong makarating sa palengke, kailangan ko lang tumawid. Mabuti nalang at wala masyadong sasakyan pero sa pedestrian lane pa rin ako dumaan. Naninigurado lang. Hindi kasi ako marunong tumawid. One time nga tinry ko ako lang mag-isa, muntikan na akong masagasaan ng bus, kasi naman nasa gitna na ako ng daan tapos hindi ko namalayan na may humaharurot palang bus. Hindi rin ito bumusina nung nasa malayo pa ito, saka lang ginawa ng driver mung malapit na siya sa akin at na-estatwa lang ako sa gitna. Buti nalang talaga may biglang humila sa akin kaya hindi pa ako namatay. Pero sobra ang kaba ko nun kasi akala ko katapusan ko na talaga. Pinagalitan ako mung humila sa akin siempre. Sabi niya 'pag ganoong sitwasyon daw sinasagasaan talaga ng mga bus ang mga tatanga-tanga. Dapat daw hindi ako mag-isa tumawid. May kasama naman talaga ako dapat noon pag-uwi pero ewan ko sa kanya, biglang sumakay ng tricycle at iniwan akong naglalakad, kaya ayun, no choice ako kundi tumawid.
Nakatawid naman ako ng matiwasay kaya tumakbo agad ako sa palengke. Feel ko lang tumakbo. Pumasok na ako sa palengke at hinanap ang suki ni mama na nagtitinda ng baboy. Sana andito pa si Ate Mamayang hapon pa dapat ako bibili ng baboy, after class, pero baka matagalan ako ng uwi kasi may shoot pa para sa PE. Na-spot ko naman kaagad si Ate kaya lumapit na ako. Bagong ligo pa siya pero maraming dugo ang kamay niya. Kasaluluyan kasi siyang naghihiwa ng baboy.
"Oh, asan mama mo?" sabi ni Ate sabay hugas ng kamay niya. Natapos na ata siya sa paghihiwa.
"Nasa bahay Ate, maaga nanood ng tv," sabi ko habang pumipili ng karne. Actually hindi ko alam kung ano ang basehan ng fresh na karne ng baboy, pa-as if lang talaga ako. Baka isipin ni Ate ignorante ako.
"Eto kunin mo, 'pag bumibili ang mama mo laging itong parte ang pinipili niya," ika niya sabay turo ng isang parte ng baboy. Tinuro ko ito for confirmation at nang tumango si Ate ay tsaka ko lang narealize na nakalimutan ko palang tanungin si mama kung ilang kilo. Napatampal ako sa noo ko. Tanga. Nahalata na nga ni Ate na hindi ako marunong pumili ng karne tapos ngayon 'yung kilo naman nakalimutan ko. Palpak talaga.
Nakakahiya man tanungin, nagtanong nalang ako, "ay ate, 'pag bumibili si mama ng baboy, ilang kilo usually binibili niya? Nakalimutan ko kasing tanungin," sabi ko sabay kamot sa aking ulo. Napatawa nalang si Ate.
"Isa lagi," sabi niya sabay kuha ng parteng itinuro niya at itinimbang ito. Ipinasok niya ito sa plastic kaya binayaran ko na. Medyo mahal siya. Lumabas na ako ng palengke. Tiningnan ko ang relo ko. 5:45 na ng umaga. Sana nakaluto na si mama ng ulam para deretso kain na ako mamaya. Binilisan ko nalang ang lakad ko at biglang napahinto dahil may nakita akong pamilyar na tao sa 7/11 na nadaanan ko. Teka..Si Jace ba 'yun? Nasa labas lang ito nakaupo at tulala. Si Jace nga. Bakit ang aga niya? Huminto muna ako sa paglalakad at tinitigan si Jace. Pero may napansin akong kakaiba.
Bakit ganyan na naman ang porma niya?
Naka-hoodie siya na black, black pants tsaka sumbrero. Wala siyang mask, siguro nasa bulsa niya. Hindi naman siya panget tingnan pero parang ang weird ng get up niya 'pag ganitong oras. Nasa club ba 'to galing?
Iniwas ko kaagad ang paningin ko dahil nahuli niya akong nakatitig. s**t! Sana hindi niya ako namukhaan! Mabuti nalabg at hindi ko tinanggal ang mask ko, pero sana nakalimutan na ni Jace ang mukha ko. Baka isipin nun sinusundan ko siya. Nakakahiya.
Nagdecide nalang ako na umuwi, baka mapagalitan pa ako ni mama dahil natagalan ako.
---
Hindi naman ako nalate sa school kahit na medyo natagalan dahil nag-inarte ang kapatid ko. Nag-away pa kami kaya natagalan kami ng dating dito. Nakahabol pa kami sa flag ceremony at nakita ko agad ang linya ng mga kaklase ko. Hindi na ako pumunta sa classroom para ilagay ang bag, deretso na akong luminya habang naka-bag. Nakakapagod kaya umakyat doon.
"Himala na-late si Missy," sabi ni Ivan. Kaklase ko siya since Grade 8. Naging crush niya ako noon tapos siempre dahil ang OA ko, hindi ko siya pinapansin until Grade 10. Pero everything changed nung nag Grade 11 kami, dahil may bago na siyang crush kaya hindi na siya annoying para sa akin. O diba ang OA.
"Gusto ko rin maranasan malate no, exciting pala, try ko na 'to everyday," sabi ko sabay tulak sa kaniya. Pinakauna kasi siya sa line pero gusto ko ako una. 'Yung isang teacher kas dito nagsabi na dapat mauna sa line ang mga boys para mabantayan. Hindi na ako nagtaka dahil may nakikita akong tumatakas kahit kumakanta pa ng lupang hinirang. Nahihirapan nga rin kaming mga babae dahil ang tatangkad nila tapos nasa likod lang nila kami. Ang iisip bata kasi.
"Ay Missy, nabalitaan mo na 'yung kay Leigh diba?" tanong ni Ivan. Apat palang kaming nasa line, si Ivan, ako, si Hannen at si Jeanard. Lumapit naman agad sina Hannen at Jeanard.
Bigla akong nalungkot. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na si Leigh. Para sa akin buhay pa siya.
"Ay oo, diba bestfriend mo 'yun Missy? Ano bang nangyari? Totoo bang pinatay siya?" tanong ni Jeanard. Minsan talaga gusto ko nalang manapak ng ganitong tao. Nakasense naman agad si Ivan na naiirita na ako kaya hinawakan niya si Jeanard sabay iling. Nakuha naman agad 'yun ni Jeanard.
"Sorry," sabi ni Jeanard. Lumayo nalang silang dalawa ni Hannen ng makita nilang wala akong planong magsalita.
"Anyway, sorry for you loss. Pero alam nating nasa langit na siya. No doubt about that," sabi ni Ivan sabay hawak sa balikat ko. Tumango lang ako at hindi na umimik pa.
Marami na akong kaklase na dumating at halos sorry lang ang sinasabi nila sa akin. Nakita ko si Jen sa kabilang line kaya lumapit ako sa kanya.
Hindi ko na napigilan ang luha ko pagkalapit ko kay Jen, deretso agad akong yumakap sa kanya at umiyak. Narinig ko ring umiiyak si Jen kaya mas lalo akong napaiyak.
"Hoi, 'wag ka na umiyak! Pinapaiyak mo ako! Bwesit ka talaga," sabi ni Jane pagkakalas ko sa kanya. Pinahiran ko naman kaagad ang luha ko at napatawa.
"Miss ko na siya," sabi ko at ilang sandali pa ay nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. Ayaw niya tumigil. Gusto kong sumigaw dahil nasasaktan ako. Hindi ko matanggap na nawala siya. Ang bait nun e. Bakit siya pa. Napaka-anghel nun. Ang bunso namin wala na. Wala nang manenermon sa amin.
"Nandito pa siya Missy, alam ko. Nandito lang siya, nakabantay sa atin. Parang hindi siya nawala. Parang andito pa rin siya." Niyakap ko nalang ulit si Jen. Natigil lang kami ng magsimula na ang Lupang Hinirang. Hindi na ako bumalik sa linya namin, nasa likod lang ako ni Jen. Naramdaman kong may humihimas sa likod ko kaya tiningnan ko kung sino ito. Si Karylle. Nagsmile siya sa akin ng makita niyang nakatingin ako sa kanya. She mouthed 'it's okay'. Nag-smile ako pabalik sa kanya at tumingin uli sa harap. This will be a long day.