CHAPTER FIVE

2130 Words
Natapos na ang first period. Lutang na lutang ako. Mas lalong nalutang dahil Physics ang first subject. Wala namang masyadong nakinig kay ma'am kanina. Lahat busy sa kanilang ginagawa. May nagse-cellphone, may kumakain, may nagsusulat, may nagdaldalan at may mga tulala. Naaawa na nga ako kay ma'am dahil sobrang bait niya sa amin tapos ganito lang namin siya tratuhin. Never naman siyang nagalit sa amin. Natopic naman kanina ang nangyari kay Leigh. May mga nakikita akong tumitingin sa akin kaya tumingin ako sa bintana. Mabuti nalang at maayos ang pwestong napili ko, nakapwesto kasi ako malapit sa bintana. Pinagsabihan nalang kami ni ma'am na umuwi ng maaga at 'wag maggagala kapag gabi. Lumabas na si ma'am ng classroom at sinabing hintayin ang susunod na teacher. Tahimik lang akong nakaupo sa gilid. Hindi rin naman ako madaldal sa classroom kaya hindi na sila nagtaka kung bakit ang tahimik ko talaga ngayon. Mabuti nalang at hindi nila ako dinidisturbo. Pero nakikita ko pa rin na they're giving me sympathetic looks. Hindi ko nalang pinansin. "Missy, mamaya sabay tayong umuwi," sabi ni Joy. Naging close kami ni Joy nung nag-Grade 11 kami. Classmate ko siya since Grade 9-10 tapos when we turned Grade 11 siya lang 'yung kaklaseng kilala ko since most of my classmates nung Grade 11 na ay transferee. Tinanguan ko lang si Joy. We weren't really close before, and to be honest na-aannoy ako sa kaniya. Ang hinhin niya sobra. Ang hina ng boses. Maria Clara talaga. Inaway ko nga siya before. Nagsuggest siya about sa project namin pero dahil naaannoy ako sa kanya, I opposed to her suggestion. I was really mean to her before. Pero ngayon, sobrang clingy ko sa kanya and I don't want to lose her. "Joy, tapos ka na sa drafting?" sabi ko and I saw her smile. "Mabuti nalang at nagsalita ka na, I was really worried kanina dahil you're unusually quiet," sabi ni Joy sabay tawa. Napangiti na rin ako. I am so lucky to have this kind of friend sa buhay ko. Siempre ayokong sabihin 'yun. Baka kiligin pa siya. "Hindi ko lang talaga feel magsalita kanina, pero don't worry, I'm fine," I said and gave her a reassuring smile. Kinuha ni Joy ang folder sa envelope niya at binigay sa akin. "Eto, sample. Alam kong wala kang ginawa e." Napakamot nalang ako sa ulo dahil nahulaan niyang wala akong ginawa. Mabuti nalang at hindi ngayon ang deadline. "Thank you Joy! Love you so much," ayaw na ayaw ni Joy na nag-a I love you ako sa kanya. Nakakadiri raw. Ano'ng nakakadiri ron? Ang OA talaga. Dumating na ang second period teacher namin. Siempre naghanda na ang lahat dahil baka may pasurprise oral na naman si ma'am. "Okay, good morning class," sabi niya at inilagay sa teacher's table ang kanyang mga gamit sabay lagay ng dalawang kamay niya sa kanyang bewang. After we responded, inilibot niya ang paningin niya sa amin. And her gaze landed on me. She stared at me for a minute. Hindi ko alam kung tititig din ba ako sa kanya. Napaka-awkward na at tumitingin na rin ang mga kaklase ko. May nagawa ba akong kasalanan? After ilang segundo nagsalita na si ma'am, "sorry I'm late, may emergency kasi kanina. Ms Ng, please come with me. Class, excuse us." Nabigla ako dahil sa sinabi ni ma'am. Ang bilis niya pa nakapagsalita. Parang nagmamadali. Tumayo na rin ako agad at sumunod sa kanya sa labas. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Nasa labas na kaming dalawa ni ma'am at nakatitig lang siya sa ibaba kaya tumitig nalang din ako. Ilang segundo rin kaming tahimik kaya mas lalo akong kinabahan. "Miss Ng, I'm sorry about Leigh. She's really a good student and we all can't believe na she's gone." After she said that, hindi muna ako umimik. "Okay lang ma'am, we have to move on, hindi siya makakampante 'pag nakikita niyang malungkot tayong lahat. Kailangan lang talagang tanggapin na wala na siya, kahit mahirap." Naiiyak na naman ako kaya pinaypayan ko ang sarili ko. Hindi pa pala ako nakakapunta kina Leigh. ---- Akala ko kung may iba pang sasabihin si ma'am, pero turns out, kinocomfort niya lang pala ako. What's up with the people today? I am fine. Lahat kami nawalan bakit ako lang kinocomfort? Ang weird. Recess time na at siempre ininvite ako ni Raf bumaba. Hindi daw bagay sa akin ang malungkot kaya dapat bumalik na raw ako sa normal. Napatawa nalang ako kaya sinamahan siyang bumaba. Nagugutom na rin kasi ako. Mabuti nalang at hindi nag-open si Raf ng topic about Leigh, random lang 'yung dinadaldal niya pero nahahalata kong he's trying to make me happy. Na-aappreciate ko 'yun. Nakarating na kami sa canteen. Ang daming estudyante na naman. Nagsisiksikan, marami ring nagtutulakan. Napangiwi nalang ako dahil halos mga matatangkad ang nasa canteen at alam kong wala na akong pag-asang makapasok doon. Naghintay nalang uli ako sa labas at hinayaan si Raf na bumili ng makakain namin. Nakatunganga lang ako habang nakaupo sa bench ng biglang pumasok sa isip ko si Jace. Come to think of it, hindi ko siya naiisip today kahit na I saw him earlier. Nadistract siguro ako about kay Leigh kaya nakalimutan ko ng pansamantala si Jace. My eyes immediately scanned the court to look for Jace. Gusto ko siyaang makita para man lang mabuo ng slight ang araw ko. Pero mukhang malas ako ngayon dahil wala akong Jace na na-spot. Bumuntong hininga nalang ako at hinintay si Raf. Pero hindi na mawala sa isip ko si Jace. Nagtataka na ako sa kanya. Ang liit lang naman nun na bagay pero nababother ako. 'Yung suot kasi ni Jace e suot niya nung nasa gubat siya. Alam kong posibleng inulit niya lang 'yun pero hindi ko alam kung bakit naweweirduhan ako. Paranoid lang siguro. Dumating na si Raf kaya tumayo na ako at naglakad na kami papuntang classroom. Mabuti nalang at siomai ang binili ni Raf. Alam niyang paborito ko 'to. I once saved my one week allowance para lang sa siomai at siya ang pinahawak ko ng pera. Tinawanan nga niya ako nun pero after a week pinainggit ko siya dahil sa dami ng siomai na nabili ko. Nakarating na kami sa classroom at sakto naman dahil nagbell na. Wala pa si sir Philo pero busy sa pagbuklat ng libro ang mga kaklase ko. "Bakit ang busy?" tanong ko kay Raf habang kumakain ng siomai. Nagkibit balikat lang siya kaya I decided to ask one of my classmates. "Han, may quiz ba?" tanong ko kay Hannah na kasalukuyang nagbabasa ng libro. "Oo binigyan tayo ni sir ng 20 minutes para magstudy. Magpapaquiz siya mamaya," sabi ni hannah habang nakatingin pa rin sa mga libro. Nagkatinginan kami ni Raf at parehong napamura. Dali-dali akong umupo sa upuan ko at kinuha ang libro kp sa philosophy. Tinanong ko agad si Joy kung anong page. --- Natapos din ang klase ko ngayon. Nakakapagod pala sa utak! Lumabas ako ng classroom dahil nagsimula nang maglinis ang mga kaklase ko. Nakita ko si Jen sa labaa ng classroom nila kaya agad ko siyang nilapitan. "Jen!" tumingin naman si Jen sa akin at ngumiti. I should probably ask her kung kelan kami pupunta kay Leigh. "Jen, kelan tayo pupunta kina Leigh?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kaharap na building. "Pwede pag-uwi natin. May gagawin ka pa ba?" Napakamot ako sa ulo ko. "Eh kasi Jen, may practice pa kami sa PE e. Pero sige I'll try. Magpapaalam lang ako sa mga groupmates ko, papayag naman siguro 'yun," sabi ko sabay lingon sa classroom namin. Nagpaalam na ako kay Jen at bumalik na sa classroom namin. Hinanap ko agad si Eanna. Siya ang leader namin, mabuti nalang at hindi siya strict. Mabait si Eanna sa akin, ewan ko kung bakit. Pumayag nama agad si Eanna nung sinabi kong pupunta ako kina Leigh. Kinomfort niya pa ako saglit. Hinanap ko rin si Joy dahil baka gusto niyang sumama. Sinabihan pa naman ako nun na sabay kaming umuwi. Tinanong ko ang mga kaklase ko kung nakita ba nila si Joy at sinabi nilang nasa CR lang ito. Nagtungo ako agad dun at nalita ko siyang nakahawak sa bewang at mukhang naiirita. "Hoi, okay ka lang?" tanong ko sa kanya sabay silip sa loob ng banyo. Tumingin sa akin si Joy saglit at sinabing, "uuwi ka na?" Napansin niya kasing may sukbit na akong bag sa likod. "Ah, oo. Pero sabay tayo, hihintayin nalang kitang matapos," sabi ko sabay hanap ng upuan. May malapit na room kasi doon na tambakan ng mga sirang upuan. "Halika na, tapos na rin naman akong maglinis e," ika niya sabay lapit sa akin. "Ay, dederetso tayo kina Leigh ha?" sabi ko sa kanya na ikinatango ng kanyang ulo. Tinawag ko si Jen sa classroom niya at sabay kaming tatlong bumaba sa building. Marami rin ang pupunta na mga kakilala ko mamaya pero tinatapos lang muna nila ang mga gawain nila sa. Naglakad na kaming tatlo papalabas ng gate. Sobrang daming estudyante. Nagtutulukan ang mga bata sa gate. Nagpapaunahan ata kung sinong una makakalabas ng gate. Sumisigaw na ang guard dahil malapit lang sa highway ang gate at walang prenong tumatakbo ang mga bata. May isa ngang muntikan masagasaan ng papasok na tricycle. Sinalubong ba naman, mabuti nalang at nahila siya agad ng isang malapit na senior kaya hindi siya napano. Nasermonan tuloy ng maigi sa guard. Nakalabas na kami ng gate. Mabuti nalang at walking distance lang ang bahay ni Leigh kaya hindi kami nahirapan. Naglakad lang kami hanggang sa makarating sa bahay nina Leigh. Marami nang mga tao. Usually mga matatanda. Naghesitate pa kaming tatlo kung tutuloy kami pero nakita kami ng ate ni Leigh kaya dumeretso kami. "Buti at nakadalaw kayo," sabi ng ate ni Leigh habang sinamahan kami papasok sa loob ng bahay. Nakita namin ang Tatay ni Leigh kaya nagmano kami. Mukhang galing lang sa pag-iyak si Tito. Pumasok na kami sa loob at nasilayan na namin ang kabaong ni Leigh. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bigla akong nanghina, mabuti nalang at nahawakan ko agad ang braso ni Joy. Lumapit kami sa kabaong ni Leigh. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Naramdaman kong may yumakap sa akin pero hindi ko alam kung sino, sobrang blurry na ng paningin ko sa sobrang dami ng luha. Hindi ko kayang titigan ang katawan niya ng matagal kay itinago ko ang mukha ko sa yumakap sa akin. Nasira ang mukha niya. Hindi na makilala sa sobrang dami ng suksak. Sinong demonyo ang gagawa sa'yo niyan Leigh? --- 1 hour and 30 minutes rin ata kaming nandoon sa bahay nina Leigh kaya nagdecide na kaming umuwi. Malapit na mag 6 pm. Nagpaalam na kami sa pamilya ni Leigh at sinabing babalik kami sa susunod. Marami na kaming kasabay pauwi dahil marami ang dumating sa bahay ni Leigh kanina minutes after we arrived. Sobrang ingay nila sa daan. Habang tahimik lang kami ni Joy. Joy and I decided to split with them dahil may pupuntahan din ata sila. Halos mga kaklase kasi ni Leigh ang mga kasama namin, including Jen. Gusto sanang sumama ni Jen sa amin pero kailangan siya ng mga kaklase niya. May gagawin din ata silang group project. We bid our goodbyes at nagsimula na kami ni Joy maglakad. Hindi kaming dalawa nagsasalita habang naglalakad. And I'm used to it. Wala rin ako sa mood magsalita kaya okay na rin 'to. May iniisip din ata si Joy dahil nakatingin lang sa unahan at nakakailang buntong hininga na rin siya. "You okay?" tanong ko sa kanya sabay hawak sa balikat niya. Tumawa naman agad si Joy. "Oo naman, ikaw nga dapat tinatanong ko niyan, okay ka lang ba?" tanong niya pabalik sa akin. Tinanguan ko lang si Joy at nginitian niya ako. Maraming tao sa syudad. May mga estudyanteng kagaya ko na pauwi na rin ata, meron ding gagala pa. Malapit na kami sa kalye kung saan liliko si Joy, nagpaalam agad siya sa akin nang makakita ng tricycle at agad na nagpaalam sa akin. Nag-sorry pa siya kasi hindi niya raw ako mahahatid kasi kailangan niya pang tulungan ang nanay niya doon sa bahay. Naglakad nalang ako mag-isa. Malapit na naman ako sa amin. Pero I can't believe na makikita ko na naman si Jace na patungo doon sa lagi niyang pinupuntahan. Napahinto ako sa paglalakad. Hindi ba siya nagbibihis? Naweweirduhan na talaga ako sa kanya. Crush ko siya and all pero hindi ba siya nagbibihis? Hindi pa ba nangangamoy ang damit niya. Come to think of it, hindi ko pala siya nakita sa school kanina. Well, distracted pala ako whole day, no wonder. Tiningnan ko ang relo ko. 6:27 na. Bahala na. Nagdecide ako na sundan ulit si Jace.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD