CHAPTER SIX

1666 Words
October 6, 2020 Tue Dear Jace, That wasn't you right? I wasn't able to sleep kaya I decided to write everything down. Wala akong mapagsabihan kaya magsusulat ako dito. Okay so I was following you kanina, magpapa as if na naman sana akong nandoon tas magpapa-as if na hindi kita sinusundan. Pero nasa gubat na tayo, akala ko hihinto ka doon sa lugar kung saan nakita mo ang mga pusa, pero dumeretso ka. Nagtaka ako kung bakit. Nasa lilim na tayo ng gubat kaya medyo natatakot na ako pero pinush ko pa rin na sundan ka. And that was my biggest mistake. I saw you Jace. May babaeng sumalubong sa iyo. Hindi ko maaninag kung sino ang kasama mo pero alam kung babaw iyon. Nagulat pa ako. Sa pagkakaalam ko wala kang girlfriend so I was wondering kung sino 'yung babae. Oke of your friends perhaps? Pero bakit sa gubat kayo nagmi-meet? Nagpatuloy lang ako sa pagmasid sa inyo. Pumunta kayo sa lugar na maraming puno. Nakita ko pa magkahawak ang kamay niyo kaya medyo kumirot 'yung puso ko. Huminto kayong dalawa at humarap ka sa babae. Hindi ko masyadong narinig ang pinag-usapan niyo pero nagulat ako dahil bigla kang naglabas ng kutsilyo. Hindi ko alam kung saan mo yun kinuha pero sobrang bilis mo nakagalaw. Napatakip ako sa bibig ko dahil muntikan na akong mapasigaw ng bigla mong sinaksak ang babaeng kaharap mo. Hindi man lang ito nakagalaw dahil sa sobrang bilis ng pangyagari. Sinaksak mo siya ng sinaksak naririnig ko pa ang mga tawa mo. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko kanina, pinigilan ko ang sarili kong mapasigaw. Natatakot ako kanina Jace. Hindi ako makapaniwalang kaya mo 'yung gawin. Parang ibang tao ang nakita ko kanina. Hindi, mali. Parang hindi tao ang nakita ko kanina. Tinakpan ko lang ang bibig ko kanina, hindi na ako sumilip, pero naririnig ko pa rin ang tawa mo. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinintay na mawala ang mga tawa mo. Umiiyak lang ako ng umiiyak kanina sa pinagtataguan ko. Hindi kaya, ikaw din ang pumatay kay Leigh? Gaya ng ginawa mo sa babae kanina? Nadurog ang puso ko. Pero hindi ako makaramdam ng galit. Natatakot ako. Ilang minuto rin akong nakatago doon at nakiramdam sa paligid, ng maramdaman kong wala ka na ay tsaka ako lumabas at tumakbo ng tumakbo. Hindi na ako lumingon pa si gubat. Nagtatakbo lang ako kanina. Nagtataka nga sina mama pag uwi ko kung bakit ang dungis-dungis ko pero hindi ko sila pinansin at deretsong pumasok sa kwarto. Jace, sana panaginip lang lahat 'to. Sana binabangungot lang ako, gusto ko ng gumising. Natatakot ako. ---- Hindi ako nakatulog at hindi rin ako inaantok. Pero wala akong gana. Nakikita kong pasulyap-sulyap sa akin sina mama. Alam kong nag-aalala sila sa akin. Nahahalata rin ata nila na sobrang namamaga ang mga mata ko. Hindi na ata mapigilan ni mama ang sarili niya kaya tinanong niya ako, "Missy, anak? Ano'ng nangyari? Kagabi ka pa ganyan, nag-aalala na kami sa 'yo." Binigyan ko si mama ng ngiti pero alam kong hindi sapat yun para mapanatag ang loob niya. "Okay lang ako ma, medyo napagod lang sa acads," I said at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush agad ako at lumabas na ng bahay. Hindi sana ako papasok ngayon pero baka mas lalong mag-alala sina mama. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang makita ko kagabi. Sobrang nakakatakot. Wala akong lakas na sabihin sa iba ang nakita ko. Pero mas nag-alala ako sa babaeng pinatay niya. Alam kong may kakalat na balita na naman mamaya o bukas na may bangkay na namang natagpuan sa gubat na puno ng saksak. Bigla akong nanlamig. Hindi, hindi totoo yun. Panaginip lang yun. Pinipilit ko ang sarili ko na hindi paniwalaan ang nasaksihan ko kagabi, na panaginip lang yun lahat. Pero no matter how hard I tried, ang eksenang iyon pa rin ang bumabalik sa utak ko. Ang paglabas ni Jace ng kutsilyo, ang paulit-ulit niyang pagsaksak sa babae, ang mga sigaw ng babae, at ang mga tawa ni Jace. Tinakpan ko ang tenga ko dahil parang naririnig ko pa rin ang mga boses nila. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit na pakalmahin ang sarili. Hindi dapat ako nagpapahalata. Ewan ko pero hindi ko kayang isumbong sa kahit na sino ang nasaksihan ko. Baliw na ata ako. I should've just reported it to the police pero I don't know what I am doing right now. This is wrong. I have to tell them. A part of me wanted to report what I saw to the police pero may parte rin sa akin na pumipigil. Hindi ko alam kung bakit. Nakakalito! Nagpatuloy nalang ako sa paglakad kahit na parang walang destinasyon ang paa ko. Lakad lang ako ng lakad, himala nga at nakarating pa ako sa school. Tiningnan ako ng guard mula ulo hanggang paa at nagtanong, "hindi ka natulog no?" Tiningnan ko lang siya at pumasok na sa school, dumiretso agad ako sa likod dahil nandoon ang classroom namin. Nasilayan ko na ang building sa likod pero I noticed na wala pang tao, nagdadalawang isip pa akp kung aakyat ba ako o hindi. Natatakot pa rin ako. Iniisip ko na baka nandoon si Jace sa ibabaw. May dalang kutsilyo at handang manaksak. Para akong timang sa hallway dahil panay iling ako ng ulo. Mabuti nalang at wala medyong tao. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagdecide na umakyat nalang. Paranoid ako habang umaakyat sa hagdanan dahil panay ang lingon ko sa likod at dali-daling lilingon ulit sa harap. Hanggang sa nagtatakbo na ako, mabuti nalang at hindi ako nadapa. Ako pa lang mag-isa ang tao sa floor namin kaya medyo natatakot ako. Kinuha ko ang susi sa bag ko at binuksan na ang pinto. I put my bag down at kinuha ang cellphone at earphones ko sa aking bulsa. I need to distract myself. Hindi pwedeng ganito ako buong araw. Ilang minuto rin bago may kaklase akong dumating kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Si Ivan. Pagdating niya, tinawanan pa ako dahil ang haggard ko raw. Mukha raw akong hindj naligo. Hindi ko nalang siya pinansin kaya nagtaka siya dahil kapag ginaganun niya ako, usuaully sinasapak ko siya. "Hoi may problema ba? Hala galit ka ba sa akin?" tanong ni Ivan at halatang nag-aalala siya. Akala niya siguro na galit ako sa kanya. Sinabihan ko siyang 'okay lang ako' at alam kong hindi siya nakumbinse doon. Pumasok siya sa room at inilagay ang bag niya sa kanyang upuan. Lumabas uli siya at sinamahan ako. Nakatingin lang kaming dalawa sa ibaba ng building. Tinitingnan namin ang mga estudyanteng dumadating. May ilan na napapatingin sa amin sa ibabaw and I didn't notice na I was staring back at them. Narealize ko na lang yun ng may biglang umirap sa akin kaya napataas ang kilay ko. Tiningnan ko si Ivan kung nakita niya ba 'yun and he too gave me a confused look. "Kilala mo yun?" he asked. Umiling ako as a response and said, "hindi." Napakamot naman si Ivan sa ulo niya. "I think kaya ka inirapan nun kasi nakabusangot ang mukha mo, kung makatingin ka kasi para kang galit e," sabi niya at ginulo ang magulo ko ng buhok. Hindi ko na inayos pabalik ang buhok ko. Pumasok uli si Ivan sa room dahil dumating na si Charles kaya naiwan ulit ako sa labas mag-isa. Bigla na naman ulit bumalik lahat sa isip ko kaya dali-dali rin akong pumasok at inayos ang sarili ko sa salamin. Hindi nagtagal dumami na rin ang mga kaklase kong dumating sa classroom. Good thing I managed to compose myself kundi mahahalata nila na something's wrong. Nakaupo lang ako sa gilid at nakikinig sa kanila. Nakikinig ako dahil baka may balita na naman doon sa mga murder. Na baka may balita na doon sa pinatay ni Jace. Napapikit ako ng mariin. Napapitlag ako ng may biglang kumalabit sa akin. Si Raf. "Bakit?" I asked and gave him an annoyed look. I was trying to sleep. Umupo siya sa harap ko and smiled while holding a brush and a blade. "Ahitan natin kilay mo. I'm so bored," he said and slapped his leg para bang frustrated pa siya dahil bored siya. Papalag sana ako pero parang kailangan na rin ata ng ahit ng kilay ko. And besides, I need to distract myself. Ayoko nang isipin yun. Dapat na yung kalimutan. Naisip ko rin na baka kapag sinabi ko ang nasaksihan ko sa pulis, baka hindi nila ako paniwalaan dahil sa lack of evidence. Hindj pwedeng salita ko lang ang dadalhin kong ebidensiya. Kailangan ko ng mas mabigat na ebidensiya. "Mag-iba ka nalang kaya ng crush Missy, crush ko rin si Jace e, dapat wala akong kahati," sabi ni Raf habang nakanguso. Nanigas naman ako pagkabanggit niya sa pangalan ni Jace. Raf noticed my behaviour. "Nabubuang ka na naman, pangalan lang naman binanggit ko makareak ka para kang nabuhusan ng ice," he said and slightly pulled my hair. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Raf. Daldal lang siya ng daldal habang ako naman ay nakasandal sa upuan dahil inaahitan niya ang kilay ko. Kailangan kong kontrolin ang sarili ko sa susunod. Hindi pwedeng ganun na lang lagi ang reaksiyon ko. Pangalan pa nga lang ni Jace ang binanggit nanlalamig na ako. Pa'no pa kaya kapag nakita ko siya sa personal? I dont even want to think about it. First time ito na hindi ako thrilled na makita si Jace. Opposite nga ang gusto ko. Parang ayoko na siyang makita. Too much has happened to me: First, 'yung pagkamatay mg bestfriend ko. Second, my crush happened to be a murderer at my malaking posibilidad na siya ang pumatay kay Leigh. No scratch that--HE killed Leigh. I'm sure of it. I need to save everyone kaya I have to gather evidences para paniwalaan ako nila. Kahit na takot akong makita si Jace, kailangan ko ulit siyang sundan. Wala na akong choice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD