Nothing interesting happened today. Wala pa ring balita about doon sa nakita ko. I was hoping to hear about a new death, pero wala akong nabalitaan. Hindi pa ata nila nalita ang bangkay.
Sabagay matagal talaga iyon makikita ng mga tao. Ang lugar kung saan natagpuan si Leigh ay nasa unahan pa ng gubat kaya maaaring madadaanan lang ng mga pulis ang lugar kung saan may pinatay si Jace.
Alas dos na ng hapon. Wala atang balak pumasok ang teacher namin kaya lumabas kami ni Raf ng room at tumambay sa hallway. Akala ko mag-uusap kami pero pagkaupo namin sa sahig ay deretso labas agad si Raf ng cellphone.
Napasimangot naman ako. Nakita iyon ni Raf. "Teka lang, tatapusin ko lang 'to," sabi niya habang nakafocus pa rin sa cellphone. Mukhang may ka-chat kasi dalawang kamay ang ginagamit at sobrang bilis nakapindot sa screen. Tinanguan ko lang siya at naglabas din ng phone. Siempre, deretso agad ako sa f*******:.
Natapos na ata ni Raf ang ginagawa niya dahil kinalabit niya ako. Napatingin naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Tara, canteen," he said while smiling. Napairap naman ako. "Libre ko. Siomai tatlo." Pagkabanggit ni Raf ng siomai ay agad akong tumayo at ako pa ang naghatak sa kanya. "Patay gutom ka talaga," he said and slapped my face. Napa-aray naman ako which made him laugh.
Bumaba na kaming dalawa sa building. Nakahawak ako sa braso ni Raf for guidance. Yung hagdanan kasi bagong floorwax palang. Abnormal talaga mga junior. Muntikan na akong madulas kanina mabuti nalang at nahawakan ko agad ang braso ni Raf. Ayaw pa nga niyang pumayag baka raw makita ng crush niya at masabing may jowa siya. Ang OA talaga. Pero siempre hindi pa rin ako kumalas, ayokong mabalian.
Nakarating na kami ni Raf sa canteen. Wala kaming estudyanteng naabutan doon, puro tindera lang. Bumili na si Raf ng snack, siempre may siomai ako. Ayaw pa nga sana kaming pabilihin ng tindera dahil hindi pa raw time, pero pinilit ni Raf si Ate, ako pa ginawang dahilan, sinabihan niya kasi ang tindera na muntikan na akong mahinatay sa classroom dahil sa gutom.
Tiningnan ko si Ate, mukhang hindi siya nakumbinse ni Raf pero binigyan niya pa rin kami ng pagkain. Tumambay kami doon sa may bench malapit sa court, may mga naglalaro, wala rin atang teacher. Nagsasalita si Raf pero wala akong naintindihan dahil nakafocus ako sa siomai. Hindi naman iyon nahalata ni Raf dahil patuloy pa rin siya. Wala akong macatch up sa mga sinasabi niya dahil sobrang bilis. Tanging 'oo' at 'hmm' lang sagot ko sa tuwing nagtatanong siya. Nakakadiri rin kasing ibuka ko yung bibig ko e kumakain ako ng siomai.
Natapos na kami ni Raf sa pagkain pero nakatambay pa rin kami doon. May 35 minutes pa kami bago mag last period kaya we decided na dito muna tumambay. May nakita na rim kaming mga estudyanteng lumalabas at bumibili sa canteen.
Tinitingnan lang namin ni Raf ang mga estudyanteng dumadaan sa harap namin sa sobrang bored. Pagkatapos nirerate ni Raf ang mga mukha nila. Pero mostly, mga lalake lang nirerate ng bakla, tapos todo bash sa mga magagandang dumadaan. Kesyo sobrang liit daw, panget daw boses 'di bagay sa mukha, or mas maganda pa raw siya doon.
Nagulat ako dahil biglang hinampas ni Raf ng malakas, as in sobrang lakas ang braso ko. Napa-aray naman ako at sinamaan siya ng tingin. Pero paglingon ko sa kanya ay hindi siya nakatingin sa akin kundi sa gilid niya. Tiningnan ko naman kung sino ang tinitingnan niya at parang biglang huminto ang ikot ng mundo ko.
Si Jace.
Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko, kung iiwas ko na ba ang titig ko o aalis na. Pero kahit na gawin ko pa ang dalawang iyan, hindi naman ako makagalaw. Parang may semento ang puwet ko, para na itong dinikit sa bench, pati leeg ko ayaw maki-cooperate. Kay Jace lang ako nakatitig, pati si Raf. Naramdaman ko pa na hinawakan ni Raf ang kamah ko sabay pisil ng mahigpit kaya doon ako nagising.
Fuck!
Iniwas ko agad ang tingin ko kay Jace. Magdadalawang isip lang ako. Eh kasi naman, sobrang hirap talagang tanggapin na siya iyon. Naoakainosenti ng mukha niya. Parang hindi kayang pumatay ng langgam.
Naka-uniform na ito at sobrang linis at gwapong tingnan. Sobrang perfect. Hindi ko maiwasang mapatitig ulit sa kanya. God! Ako lang ba o parang mas gumwapo si Jace?
Napailing ako. Hindi dapat ako naglalandinsa ganitong sitwasyon, lalo na't may nasaksihan akong hindi kanais-nais na ginawa ni Jace. Iniwas ko ang tingin ko, pinilit kong hindi mapalingon ulit sa kanya. Si Raf naman e todo titig pa rin.
"Lalapitan ko na si Jace, sasabihin ko crush ko siya," parang wala sa isip na sabi ni Raf. Napalingon naman ako sa kanya agad at hinampas siya ng malakas. "Baliw ka ba?! Hindi mo ba alam na--" pinutol ko agad ang sasabihin ko dahil muntikan na akong madulas. Napalingon naman sina Jace sa amin.
Ngayon ko lang nakita na may mga kasama pala siya. Mga classmates niya ata. Sobrang lakas ata ng boses ko dahil silang lima ay napatingin sa amin. Tinakpan ko naman ang bibig ko sa sobrang hiya, pero nagulat ako dahil tumayo si Raf sabay tungo kina Jace. Hahatakin sana uli si Raf paupo pero nasa unahan na siya.
Nagdadalawang isip ako kung susundan ko ba si Raf at hahatakin pabalik. Napakamot naman ako sa mukha ko out of frustration at sumunod kay Raf na papalapit na kina Jace. Nakahinto lang sina Jace dahil nakita nilang papalapit si Raf. Naghahampasan na ang mga kasamahan niya habang nakapoker face naman siya.
Mura lang ako ng mura sa isipan ko. Heto nga't panay ang dasal ko na hindi ko siya makita pero bigla-bigla naman siyang susulpot. Naabutan ko naman si Raf pero huli na dahil nasa harapan na kami ni Jace. Nakatingin naman silang lahat sa amin at parang naghihintay kung may sasabihin o gagawin ba kami sa kanila.
Pilit kong hinahatak si Raf pabalik pero sobrang lakas niya. Parang nakadit lang ang paa niya sa semento. Tumigil na rin ako sa kakahatak at hinintay si Raf na magsalita.
"Hi Jace! My name is Raf. I like you. She likes you too. Sino sa amin pipiliin mo?" Lumaki ang mata ko sa sinabi ni Raf habang humagalpak naman ng tawa ang mga kaibigan niya. Nakita kong napangiti rin si Jace konti kaya mas lalo akong nagulat. Hindi ko na mabilang kong pang-ilang beses na akong nagmura sa isip ko.
"'wag kang maniwala diyan, siya lang may crush sa'yo," sabi ko, pero hindi ako tumitingin kay Jace. "Anong wala, e bakit ka nagba-blush," sabi naman ng isang kasama ni Jace. Napahawak naman ako sa pisnge ko kaya bigla silang tumawa na mas lalong nagpainit sa mukha ko. Sinenyasan naman sila ni Jace na tumahimik kaya tumahimik naman sila.
"Hello Raf...and you, nice to meet you both," Jace said and extended his arm for a handshake. Dali-dali naman itong kinuha ni Raf at ginamit ang dalawang kamay para makipaghandshake kay Jace. Mga ilang segundo rin nakipaghandshake si Raf, natigil lang dahil hinatak ni Jace ang kamay niya pabalik. Nag-sorry naman si Raf.
Jace extended his arm, gusto niyang makipaghandshake sa akin. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ang kamay niya, 5 seconds dung nasa ere ang kamay niya kaya siniko ako ni Raf. Kinuha ko ang kamay ni Jace at nakipaghandshake.
Bigla kong inangat ang tingin ko at biglang nagtagpo ang mga mata namin. He was staring at me intently. Magkahawak pa rin ang kamay namin at walang sumusuko sa staring contest. Alam kong nararamdamn ni Jace ang panlalamig ko dahil napakunot ang noo niya.
Kinakabahan na ako ng sobra pero hindi ko kayang putulin ang paningin ko sa kanya. Ilang segundo rin iyon, naputol lang dahil umubo ang kaibigan niya. Binawi ko ang kamay ko sabay tago nito sa likod. Nagpaalam na sina Jace sa amin, kaya bumalik na rin kami ni Raf sa bench. Nagdadabog naman si Raf. "Bakit?" tanong ko. "Ang unfair, sa'yo nakatitig siya sa akin hindi," sabi niya habang nakasimangot. "Sana pala hindi ko sinabing crush mo rin siya." Napailing namana ko. Baliw talaga.
Bumalik na kami sa classroom dahil biglang nag-bell, senyales na last period na. Mabuti nalang at hindi talaga galit sa akin si Raf. Akala ko makikipag-away pa siya sa akin para lang kay Jace. Naiintindihan ko naman siya dahil ganyan din ako noon kapag nalalaman kong may nakakalapit kay Jace.
---
October 7, 2020
Wed
Dear Jace,
Sobrang tanga ko kanina. Okay, I'll tell you honestly na nga lang. Kinilig ako sa handshake natin kanina. Pota! Ano bang problema sa akin?! Kailangan ko ba talagang iparemind sa sarili ko every minute na mamamatay tao ka? Pero bakit minsan kinukumbinse ako ng utak ko na mali lang ang nakita ko noon? Na hindi ikaw 'yon? Bakit feeling ko pananginip lang lahat 'yon? Ng makita kasi kita kanina, ang layo ng itsura mo para maging mamamatay tao. Pero sabagay, hindi dapat binabasehan ang mukha sa lahat ng bagay. Tuloy pa rin ang mission ko Jace. Susundan pa rin kita. Kahit na hindi ako sure kung ikaw ba talaga 'yong nakita ko. Bahala na!