Hindi pa rin ako makamove on sa nangyari kahapon. First time 'yun. Nahawakan ko na ang kamay ni Jace! Pero mukhang nakalimutan na niya ako, hindi niya ata ako nakilala, na ako yung nakasama niya noong may sinagip siyang pusa.
Come to think of it, pusa ba talaga ang pakay niya doon? That's when I realized na after that day, biglang may nabalitaang namatay. Hinabol niya pala ako non, was he about to kill me that time? or may napatay na siya before he saw me? Napamura naman ako sa isipan ko.
Fuck, sana nakalimutan na ako ni Jace, 'pag nakita niya ulit akong nakasunod sa kanya next time, maghihinala na siya sa akin, hindi ako makakakuha ng ebidensya. I need to be careful.
---
6:20 palang ng umaga. Wala pang mga estudyante sa building namin. Ako palang ata nandito sa amin. May nakikita na rin akong mga junior na naglalakad patungo sa kanilang building. Kinuha ko muna ang susi sa bag ko at umakyat na.
Mabuting exercise na rin 'to. Kahit na sumasakit ang paa ko minsan kakaakyat dito. Nakarating din ako sa building namin at binuksan ko agad ang classroom. Bumungad agad sa akin ang maalikabok na sahig. Marami pang nakasulat sa blackboard. Nakakalat ang mga upuan. May dustpan sa gilid at may laman pa itong basura.
Napabuntong-hininga naman ako. Sobrang aga pa para ma-highblood. Hindi ko kayang tingnan na nakakalat ang paligid kaya no choice ako kundi maglinis. Kaya ayokong maunang dumating e, ang daming lilinisin. Lagi nalang ganito. Inuna ko muna ang blackboard. Pagkatapos ay nagsimula na akong magwalis sa classroom. Inayos ko na rin ang mga upuan at itinapon sa basura ang mga kalat.
Pinagpapawisan na ako ng maigi. Dagdagan pa ang tela ng uniform ko na sobrang init din. Ang aga pa pero sobrang haggard ko na. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Napasimangot naman ako agad dahil ang panget ko na. Lumabas ako ng classroom at nagtungo sa CR.
Mabuti nalang at may salamin doon. Pero sana may tubig. Minsan kasi kahit umaga pa lang e wala ng tubig sa CR. Mabuti nalang at malinis ang CR namin. I sighed nung may tubig na lumabas sa faucet. I combed my hair at nagsimula nang manghilamos.
I should've brought an extra t-shirt. Sobrang basa na ata ng likod ko. Ang dugyot sa feeling. Bumalik na ako sa classroom at nagretouch ulit. Mabuti nalang at wala pa akong kaklaseng dumating kaya hindi ako maco-conscious na magretouch.
Nakakaconscious din kaya kapag may tumitingin sa'yo habang nagreretouch ka. Natapos naman ako after ilang minutes kaya umupo na ako sa upuan ko and opened my phone. Sobrang busy ko na sa life hindi ko na alam kung ano nang ganap sa social media. Hindi naman taga ako active dito. Nagagawi lang 'pag may mga chika o kaya'y 'pag sobrang bored ko na talaga.
Nothing interesting. Nag-iiscroll lang ako sa f*******: ko. Walang messages. Walang friend request. See? Kaya hindi ako active dito. Yung ibang kaklase ko andami nang kausap or nameet online. I turned of my phone amd decided to take a nap while waiting for my classmates.
Naalimpungatan ako dahil may kumakalabit sa akin. I opened my eyes at tiningnan kung sino ang kumakalabit. It was Joy. Inilibot ko ang paningin ko, medyo marami na akong mga kaklaseng dumating. Nakatulog pala talaga ako.
"Hoi, nagbell na, first period na," sabi ni Joy habang nagsusulat sa notebook niya. Tiningnan ko ang cellphone ko. 8:00 a.m na. First period na nga. "Wala bang flag ceremony?" tanong ko sa kanya.
"Wala e." I sighed. Mabuti na rin yun, nakakapagod bumaba. Biglang humarap sa akin si Joy, kaya napatingin ako sa kanya. I gave her a weird look. "What?" I asked her. "May namatay na naman daw," sabi niya dahilan para dumilat ang mata ko. "what?!" Hindi ko napigilan ang boses ko kaya napalakas ako ng tanong kay Joy.
Tiningnan ko ang mga kaklase ko na kasalukuyang nakatitig sa akin ang gave them an apologetic smile. I asked Joy again. "'yan ang topic nila today, nasa meeting ang mga teachers kasindaw, estudyante ulit dito yung namatay." Pagkasabi non ni Joy ay parang biglang gumuho ang mundo ko.
Fuck! Sabi na. Natagalan sila sa paghanap sa katawan. Tinanong ko pa si Joy sa ibang detalye. "Nakita raw ulit sa gubat. Puno na naman ng saksak ang mukha. Sabi nga ng iba baka raw iisang tao lang ang pumatay kay Leigh pati na rin sa bagong namatay. So ayun, 'yung nakakita sa kanya ay isang estudyante rin dito," napantig ang tenga ko nang marinig ang huling sinabi ni Joy. Estudyante dito ang nakakita sa katawan?
Hindi kaya si Jace iyon?
"Sino daw nakakita?" I asked her. Mas inilapit ni Joy ang mukha niya sa akin pero natigil kami dahil biglang dumating si Amina. "Good morning, sinong pinagchichikahan niyo? Join ako!" Kakarating niya lang kaya inilagay niya agad amg bag niya sa upuan at lumapit sa amin ni Joy.
"So, ano chika?" Nagkatinginan kami ni Joy, na nagpasimangot kay Amina. "Sige, sanay naman akong hindi niyo sinasali sa mga secrets niyo. Sige lang," pagkasabi niya non ay tumalikod siya sa amin. Napailing naman ako. Ang bilis talaga magtampo.
"Chinichika ko lang kay Missy yung about doon sa news today, yung about doon sa namatay," sabi ni Joy sabay kalabit kay Amina. Lumingon naman agad si Amina sa amin at muling lumapit. " Ay oo, kanina lang daw nakita yung katawan, grabe talaga Missy, like as in, hindi na marecognize yung girl dahil puno ng saksak ang mukha. 'Pag naalala ko yung mukha niya parang bunabaliktad ang itsura ko," sabi ni Amina sabay takip sa bibig niya.
" Hala may picture?" tanong naman ni Joy. Tumango naman si Amina at kinuha ang cellphone niya. " May nagpost kanina, before dumating ang mga pulis, may nakakuha ng litratonsa katawan ng babae. Tingnan niyo." Inilapit ni Amina sa amin ang cellphone niya.
Sabay kaming napatakip ni Joy sa bibig namin pagkakita namin sa larawan. Hindi ko kayang titigan ng matagal kaya inilayo ko ang mukha ko sa cellphone niya. Nasusuka rin ako. Pota! Paulit ulit lang akong nagmumura sa isipan ko. Naalala ko na naman iyon. It was her. Siya iyong nabiktima ni Jace.
Napatulala naman ako. Nagkakagulo na lahat. Kailangan ko nang sabihin sa kanila, ebidensya nalang talaga kulang sa akin. I need to work on that ASAP. Kailangan na silang mabigyan ng hustisya. Si Leigh pati na rin 'tong bago niyang biktima. Kailangan ng mapigilan si Jace.
"So ayun nga, nagme-meeting na mga teachers ngayon. Feel ko nga half-day lang tayo," sabi ni Amina habang sinusuklayan ang mahaba at basa niyang buhok. "Hala sana nga half-day lang tayo, nakakatakot na umuwi sa hapon, parang hindi na rin safe," sabi ni Joy habang nagsusulat.
'Pag half-day ngayon, susundan ko ulit si Jace. Pero duda akong may papatayin uli siya. Maraming pulis doon sa gubat. Pero what if mag-iiba siya ng destinasyon? Baka lilipat siya.
Nagpatuloy na kaming lahat sa mga gagawin namin dahil binigyan kami ng teacher namin ng activity, pero naririnig ko pa rin 'yung mga kaklase kong pinag-uusapan iyon. I asked Joy kung sino yung namatay, "hindi ako familiar sa kanya so I'm sure ikaw din. Pero sabi nila Dianne raw pangalan niya. Grade 10 student, 16 ata." Hindi nga ako familiar sa kanya.
We finished our task at sakto naman dahil dumating na ang adviser namin na kagagaling lang sa meeting. Pumasok siya sa classroom at dumiretso sa harap. May announcement. 'Pag ganitong may announcement si ma'am, nag-iingay ang mga kaklase ko, pero ngayon iba ang aura nilang lahat. Ewan ko pero parang biglang dumilim sa classroom namin.
We waited for our teacher to talk at ilang minuto pa ay nagsalita rin siya.
" Good morning everyone," she said and we all said good morning to her. "Kumakalat na dito sa school ang balita doon sa bagong estudyante ditong pinatay. Sobrang nakakagulat class. This...killing thing is very unusual so it's very shocking na mabalitaan mong may pinatay dito sa school. Hindi lang isa kundi dalawang estudyante," huminga si ma'am ng malalim.
"The principal decided na half-day muna today. Everyone's safety is important habang nag-iimbestiga pa ang mga pulis. Please do make sure na sa bahay ninyo kayo uuwi at hindi na dederetso pa, iyon lang, please be safe everyon," pagkatapos iyon sabihin ni ma'am ay parang nasa palengke kami dahil sa sobrang ingay.
Nagkatinginan kami ni Joy. "Sabay tayo Missy," I was about to say yes pero may plano pa pala ako mamaya. "ay, hindi ako sure Joy kasi baka kunin na ako ni mama dito sa school, alam mo naman yun overprotective sa akin," pagsisinungaling ko sa kanya. Pasensya ka na Joy pero importante 'tong gagawin ko. Tumango naman si Joy at bumalik na sa pagsusulat.
Tumingin uli ako sa labas ng bintana. I need to think of a plan para makakuha ng evidence. Kinuha ko ang notebook ko. I need to write baka makalimutan ko mamaya.
---
October 08, 2021
Thu
Dear Jace,
Kumalat na ang balita about doon sa babaeng pinatay. Hindi ko siya kilala pero alam kong hindi niya deserve mamatay ng ganun. Tutulong ako sa kanila Jace. Kailangan ka nang mahuli. Kakatanong ko lang kay Joy kung sinong estudyante ang nakakita sa bangkay pero hindi daw nila sinabi ang pangalan. Pero sure ako na hindi si Jace yun. Baka may naiwan pa siyang mga marka doon sa crime scene, siempre iimbistigahan din ng mga pulis ang mga witness. I need to find out kung sino iyon.