CHAPTER NINE

2445 Words
Lumabas na ako ng classroom, nagpaalam na ako kay Joy kanina na hindi ako makakasabay. Hindi niya naman siguro mahalata na nagsisinungaling lang ako sa kanya. Naglakad na ako pababa, sobrang dami ng estudyante, maraming nagtutulakan. Parang hindi makahintay ang lahat na makalabas ma sa building, kung makapagtulakan kasi 'tong mga 'to e parang guguho na ang building. Kulang na nga lang tumalon ang iba mula sa second floor. Ganyan ka-impatient lahat ng estudyante rito. Napaikot nalang ako sa mata ko. Ayoko ng naiiipit ako kaya huminto muna ako sa paglalakad at nagcellphone muna. Ng makita kong wala na medyong estudyante ay saka na uli ako naglakad pababa. Muntikan ko pang makalimutan na may gagawin pa pala ako ngayon, buti nalang at nahagilap ng mga mata ko bigla si Jace. Naging alerto ako at parang baliw na nagtago. Tiningnan tuloy ako ng isang teacher na may halong pagtataka. Nag-smile lang ako sa kanga and slightly gave her a bow. Ibinalik ko ang paningin ko kay Jace. May mga kasama ito. Pero tatlo lang sila. Lumabas ako sa pinagtataguan ko at sumunod sa kanila. Marami naman ang estudyante kaya hindi ako mahahalata na may sinusundan. Patay malisya lang akong naglalakad na para bang uuwi lang talaga sa bahay. Kasama pa rin ni Jace ang mga kaibigan niya hanggang sa makaabot kami sa 7/11. Gusto ko rin sanang pumasok pero ewan ko ba't parang biglang may pumipigil sa akin na pumasok. Nakamasid lang ako sa kabilang kalsada. Kita ko pa naman sina Jace kaya lumapit nalang ako sa may nagtitinda ng buko. Sakto, nauuhaw na rin ako. Bumili ako ng buko at nagpasilong na rin. Mabuti nalang at may upuan sa manong kaya nakiupo ako habang patingin-tingin sa 7/11. Mula sa kalayuan natanaw ko ang isang babae na kagaya ko ay nakatingin din sa direksiyon nina Jace. May bag pa ito sa likod at naka-uniporme. Estudyante rin sa school namin. Nakatayo lang siya sa gilid ng 7/11 at nakatitig kina Jace. Parang may hinihintay pa nga ito dahil patingin-tingin pa sa relo. Tumingin ulit ako sa direksiyon nina Jace at nakita kong nakatayo si Jace at naglakad patungonsa kinaroroonan ng babae! Napamura ako sa isip ko dahil isang realisasyon ang pumasok sa aking isipan. Baka siya ang susunod na bibiktimahin ni Jace! Natataranta na ako sa kinauupuan ko. Gusto ko silang lapitan at hilahin ang babae sa kapahamakan pero hindi ako makagalaw. Parang dumikit na ang puwet ko sa upuan dahil hindi ako makatayo. Napapikit nalang ako at ikinuyon ang aking kamao. Ayoko nang may mapatay ka bang iba Jace. Ibinuka ko ulit ang mga mata ko at nagulat dahil wala na si Jace at ang babae kanina. Tanging ang dalawang kaibigan nalang ni Jace na nagtatawanan sa 7/11 ang nakita ko. Dali-dali akong tumawid sa daan at hinanap sa paningin ko sina Jace. Nataranta ako ng ilang sandali dahil hindi ko sila mahagilap. Lingon ako ng lingon sa paligid, mabuti nalang at may nakita akong pigurang tumawid sa daan. Sina Jace. Medyo malayo na sila pero natatanaw ko pa rin. Mas mabuting distansya na rin 'to. Tumawid na rin ako sa daan at sinundan sina Jace. Naguguluhan na ako sa kanya. Sa school parang approachable siya na hindi. Ewan ko sa kanya, depende siguro sa mood niya. Ang sabi ng iba, ang approachable raw ni Jace, 'yung iba naman kagaya ko ay hindi. Pero mabait siya...noon. Nakikita kong hinahampas ng babae ang braso ni Jace na para bang may sinabing nakakatawa sa kanya ang huli. Parang naririnig ko na nga ata ang tawa niya. I hissed. Nagpatuloy lang ako sa pagsunod sa kanila ngunit habang tumatagal ay hindi na ako pamilya sa lugar. Hindi na ito sa gubat. Ngayon ko lang na realize na hindi ito ang daan patungo sa gubat. Mukhang tama nga ang hinala ko. Na mag-iiba ng lokasyon si Jace sa pagpatay. Hindi ako nararamdaman nina Jace dahil may mga tao rin naman akong nakikita rito na palakad-lakad. Sa katunayan nga ay, medyo marami pang tao dito. Medyo mapuno rin ang lugar pero may maliliit din itong establishment. Hindi ako pamilyar sa lugar, dahil na rin siguro sa madalang kong paglabas sa bahay at hindi gumagala. May nga tricycle naman akong nakikita at mga truck. Naglalakad pa rin sina Jace kaya panay din ang sunod ko. Ilang minuto ang lumipas at nakita kong huminto sina Jace sa harap ng isang abandoned na establishment. Pinagbuksan ni Jace ang babae at pumasok na ito, sumunod naman agad si Jace. Pero bago pa man mawala ang pigura ni Jace at sumilip muna ito sa labas at nagpalinga-linga sa paligid. Dali-dali naman akong tumalikod and pretended na may binibiling nga kahit ano. Nakita kong naguguluhan ang tindera sa akin dahil sa biglaan kong pangangakalkal sa mga paninda niya. "Ija, bibili ka ba?" magalang na tanong ng tindera. Napatingin naman ako sa kanya at umiling bilang sagot. Sumama naman bigla ang tingin ng tindera kay Missy dahil sa pagsira nito sa arrangement ng panina niya kahit hindi naman bibili. Pinalipas ko muna ng ilang minuto bago ako lumingon sa kinaroroonan nina Jace. Nagtatakbo siya patungo sa pinasukan nina Jace. 2nd floor lamang ito at medyo luma na. Abandoned na nga kasi. Aakmang bubuksan ko ang pintuan ngunit kasabay nito ang biglang pagtunog ng pintuan. Napapikit ako sa aking mga mata at itinigil ang pagbukas sa pinto. Hindi ako pwedeng pumasok dito sa pinto dahil malalamam nina Jace na may nakapasok dahil sa tunog na ibinibigay ng pinto sa tuwing ito ay bubuksan. Nag-isip ako ng paraan para makapasok sa loob ng hindi nahahalata. Medyo natataranta na ako dahil baka pagpasok niye e huli na ang lahat at patay na ang babae. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, naghahanap ako ng paraan para makapasok sa gusali. Malapit na akong mawalan ng pag-asa pero nakita kong may maliit na pinto sa bandang likod ng gusali. Lumapit ako dito at tiningnan kung kasya ba ang aking sarili. Mukhang sakto lang ang katawan ko. Ngayon lang ako naging thankful na maliit akong babae. May advantage rin pala ang pagiging maliit. Ipinasok ko na ang aking sarili, saktong-sakto lang talaga ang pinto sa katawan ko, kailangan lang ibaluktot ng kaunti para makapasok. Dahan-dahan kong itinapak ang paa ko sa sahig. Medyo madilim amg paligid kaya hindi ko maaninag kung ano ang laman ng silid. Ilalabas ko na sana ang flashlight ng cellphone ko pero agad ko ring binawi dahil baka makita nina Jace ang liwanang na nagmumula sa cellphone ko. Tahimik lang ang paligid. Nakikiramdam lang ako. Naka-adjust na rin ang mga mata ko sa dilim kaya medyo nakikita ko na kung ano ang laman ng nasa loob. May mga semento at mga gamit sa construction. Mukhang hindi pa ata natapos sa paggawa ang gusali. Dahan-dahan akong humahakbang dahil sobrang dami ng mga bakal sa loob. Baka may masipa pa akobg isa, marinig nina Jace. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nakiramdam din ako kung may mga ingay ba sa paligid. Ano kaya ginagawa nina Jace? Sari't-saring larawan na ang pumapasok sa isipan ko. Baka napatay na ni Jace ang babae. Huminto ako sa paglalakad at nakinig sa aking paligid. Ngunit nabigo ako dahil kahit isang maliit na tunog e wala akong narinig. Pati nga mga tao sa labas e walang naririnig dito. Nakita ko kanina, dalawang palapag itong gusali, baka nandoon sina Jace. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hinanap ang hagdanan papunta sa second floor. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil ilang sandali pa lang ay nahagilap na ng mga mata ko ang isang hagdanan. Huminga muna ako ng malalim at tinungo ang direksiyon ng hagdanan. Dahan-dahan lang akong naglalakad dahil baka madulas ako sa hagdanan. Naka-tiles kasi ito. Parang gagawin ata ang gusaling ito na grocery store o di kaya'y kainan. Malapit na akong makarating sa second floor ng makarinig ako ng impit na boses. Napahinto ako agad at napaupo. Itinikom ko ang bibig ko gamit ang kamay ko. Inilabas ko na ang cellphone ko para ebidensya sakaling may bibiktimahin si Jace. Nakinig ako ng mas maigi kung saan nanggagaling ang tunog. Nasa kaliwang banda ang pinanggagalingan ng tunog. Medyo malaki-laki rin itong building dahil sobrang haba pa ng nilakad ko para lang mas mapalapit sa pinanggagalingan ng boses. Huminto agad ako dahil mas naririnig ko na ang boses. Inilabas ko agad ang cellphone ko at in-open ang camera. Ngunit nang itinapat ko na ang cellphone ko sa paligid, na-disappoint agad ako dahil sobrang dilim ng camera ng phone ko. Pota, nasayang lang ang punta ko dito. Itinago ko nalang ang cellphone ko dahil wala na itong silbi at hindi ako marunong mag-adjust sa camera ko. Hindi ko alam kong ano'ng gagawin ko. Kung babalik na ba sa bahay o magpapatuloy diyo sa nasimulan ko na. I chose the latter. Minsan talaga ang sarap nang sapukin ng ulo ko. Pinapahamak ko lang ang sarili ko. Gusto ko sanang umatras pero a part of me wanted to watch kung ano ulit ang mangyayari. Plano ko namang sagipin ang babae kapag papatayin na ito ni Jace. Sana hindi ako matakot bigla. Umupo nalang ako at nakinig. Ngunit nagulat ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano'ng klaseng mga tunog ang naririnig ko kanina pa. Narealize ko lang ito ng biglabg umungol ang babae ng sobrang lakas. Dumilat agad ang mata ko sa sobrang gulat. Muntikan pa akong mahulog sa hagdanan. Ano 'yon?! Tanong ko sa isip ko. Gusto kong isipin na mali lang ang iniisip ko. Na wala silang gunagawang milagro doon! Ngunit mas lalong lumakas ang ungol ng babae kaya napatakip agad ako sa aking tenga. Pota, ano 'yon?! Mga ungol lamang ng babae ang naririnig ko pati na rin ang mahinang pagmumura ni Jace na naririnig ko pa rin. Nandidiri na ako sa naririnig ko kaya nagdesisyon akong umalis na lang. Hindi ko naman magagamit ang cellphone ko para kumuha ng ebidensya sakaling may gagawin si Jace na masama. At isa pa....mukhang may kababalaghan silang ginagawa. Naramdaman kong nag-iinit ang mukha ko. Pinaypayan ko naman agad ang sarili ko at nagdesisyong umalis nalang. Kagaya nung pagpasok ko sa gusaling ito, dahan-dahan pa rin akong naglakad hanggang sa nasilayan ko na ang pintuan papalabas. Unti-unti, hindi ko na naririnig ang mga ingay na ginagawa nina Jace hanggang sa makarating ako sa pintuan. Nakalabas na ako sa gusali. Hapon na. Tiningnan ko ang cellphone ko para malaman kong anong oras na. 3:21 na ng hapon. Ibinalik ko uli ang tingin ko sa gusali, mukhang hindi ako makakakuha ng ebidensya ngayon. Pero next time Jace, mahuhuli rin kita. Naglakad na ako papauwi. Uuwi nalang ako sa bahay. Wala naman akong mapapala kong susundan ko pa si Jace. Mukhang nag-eenjoy pa naman siya doon. May mga tao pa rin sa labas na palakad lakad. May mga bumibili ng mga prutas sa may fruit stand sa gilid ng daan. Mga laruan at mga streetfood. --- Nakarating na ako sa bahay namin at naabutan ko ulit si mana na nanonood ng kdrama. "Oh, balita ko half day daw kayo ngayon e ba't ngayon ka lang nakauwi?" napahinto ako sa paglalakad at hinarap si mama. Alam kong halatang-halata sa mukha ko na sobrang guilty ko kaya hindi ko siya tiningnan sa mata. "Ah, nasa bahay ako ng kaklase ko nakatambay, may ginagawa kasi kaming project para bukas." Tumango naman si mama bilang sagot Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis ng damit. Pagkatapos kong magbihis ay bumalik ako sa sala para nakinood din. Alas singko ng hapon nang patayin ni mama ang tv kaya tumayo na ako at aakmang babalik na sa kwarto ngunit tinawag niya ako. "Missy, kelan ka ulit pupunta kina Leigh?" tanong ni mama. Oo nga pala. Pupunta pa ako kina Leigh. Magbibigay na rin ako ng bulaklak. Humingi ako ng pera kay nanay. Chinat ko rin sina Jen para share kami sa bayad. Sobrang mahal ng bulaklak sa patay hindi ko afford. Nagpaalam ako kay mama na pupunta muna ako kina Leigh. --- Sa isang abandonadong gusali, maririnig ang impit na sigaw ng isang babae kasabay ng paghataw ng isang latigo. Tumatawa ng parang baliw ang lalaki habang nagmamakaawa naman ang isang duguang babae. Sa isang sulok naman ay makikita abg isang anino na nagmamasid sa mga nangyayari. Nanginginig ito sa takot. Umiiyak at nakatakip ang kamay sa bibig. Patuloy lamang ang lalaki sa kanyang ginagawa. Kumuha ito ng isang kutsilyo at dahan-dahang itinusok sa mata ng kanyang biktima. Hindi makasigaw ng malakas ang biktima dahil naka-tape ang bibig nito. Naliligo na ito sa sariling dugo. Tumatawa lang ng malakas ang lalaki habang pinagmamasdang ang kawawang biktima. Ngunit hindi pa nakuntento ang lalaki at kumuha pa ng isang kutsilyo. Dahan-dahan itong lumapit sa kanyang biktima at itinusok ang kutsilyo sa balikat nito. Kinuha niya ulit ang kutsilyo na nakatarak sa nata ng biktima sabay tusok sa kanang paa. Hindi na makagalaw ang babae, hindi ito makapiglas dahil mahigpit itong nakatali. Ang tangi niya lang magagawa ay impit na sumigaw. Gusto na niyang mamatay. Hindi niya na kaya ang sakit. Pero sa tuwing pipikit na ang mga mata niya e sinasampal siya ng lalaki at tinutusok pa nito ang mga daliri sa mga sugat niya. Palagi lamang itong ginagawa ng lalaki kaya hindi kalaunan ay binawian na ng buhay ang babae sa sobrang dami ng dugong nawala sa kanya. Napabuntong-hininga naman ang lalaki at umupo para tingnan ang itsura ng kanyang biktima. Maganda sana ito kaso nasira dahil sa sobrang dami ng dugo at sugat sa kanyang mukha. Tumayo ulit ang lalaki at kinuha ang kutsilyong nasa lamesa. Itinarak niya ito sa kabilang mata ng babae, sunod ay sa ilong, sa ulo, sa leeg, sinaksak niya ang kutsilyo sa kahit anong parte sa mukha ng babae. Tumatawa pa rin ito na parang baliw. Na parang natutuwa siya sa kanyang ginagawa. Sa kabilang banda naman ay nakatago pa rin ang isang pigura ng tao. Nakasiksik siya sa gilid para hindi makita ng lalaki. Tinatakpan niya ang bibig niya dahil sa takot. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Gusto na niyang umalis pero hindi siya makatayo. Nanginginig siya sa sobrang takot. Parang hihimatayin na siya ng wala sa oras dahil sa nasaksihan niya. Isang oras din siyang nakaupo doon sa sulok. Nakaalis na ang lalaki. Iniwan nito ang bangkay. Hindi man lang niya namalayan na nakaalis na pala ito. Dali-dali na rin siyang tumayo at nilisan ang lugar. Hindi na siya nag-abala pang tingnan ang biktima. Deretso lang siyang umalis at lumabas papalayo. Ngunit sa bawat hakbang niya ay nakikita niya pa rin ang ginagawang pagsaksak ng lalaki sa kanyang mga biktima kaya hindi niya na nakayanan pa at siyay hinimatay sa gitna ng daan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD