Kagagaling ko lang kina Leigh. Hindi nakasama si Jen dahil may lakad sila ng family niya, binigyan niya lang akong pera ppara sa bulaklak kaya umalis ako agad para makauwi pa ako ng maaga sa bahay.
Medyo maraming tao kina Leigh ngayon kaya natagalan ako sa pagpasok sa loob. Maliit lang kasi ang bahay nina Leigh kaya medyo nahirapan ako.
Nagpasalamat naman agad ang pamiya ni Leigh sa amin. Nag-stay pa ako doon ng ilang oras bago nagdecide na umuwi.
Nagpaalam na ako sa pamilya ni Leigh at sa mga classmates namin ni Leigh noong highschool na mauuna na ako sa pag-uwi.
Alas sais na ng gabi, medyo natagalan din ako. Sana hindi magalit si mama sa akin 'pag nasa bahay na ako.
Naglalakad lang ako pauwi dahil nashort ako sa pamasahe ng may mahagilap ang mga mata ko.
"Teka...si Jace ba 'yun?" hindi ko masyadong maaninag dahil medyo madilim na ang paligid.
Nakasuot ito ng itim na sweater at faded blue jeans ata. Hindi ko masyadong makita ng maayos dahil nasa kabilang kalsada ito.
Huminto ako sa paglalakad at tiningnan ng maayos ang taong nasa kabilang kalsada.
Si Jace nga!
Nasa baba nito ang mask kaya nakikita ko ang mukha nito. Hindi ako maaaring magkamali, si Jace nga ang nakikita ko.
Mag-isa lang ito at nakatayo sa may malapit na poste habang nakatingin sa cellphone at parang may ka-text. May hinihintay ata.
Bigla kong naalala na may plano pa pala ako kaya dali-dali kong nilabas ang cellphone ko. 78% pa ang battery ko. Kaya pa 'to.
Sure na sure na talaga akong may balak gawin si Jace ngayon.
Bigla kong naalala ang mga nasaksihan ko kanina sa abandonadong gusali kaya naramdaman kong nag-init ang mukha ko.
I still can't believe na Jace does that kind of thing! I mean, oo it's normal pero kay Jace? Parang ang timid niya para sa ganyan. Well, he's a killer nga kahit ang hirap paniwalaan.
Dapat hindi na ako nasosorpresa pa kay Jace. Baka may future sorpresa pa siya sa akin sa susunod kaya I need to prepare myself.
I opened my phone and texted my sister na medyo matatagalan pa ako. I lied to her and told her na Jen and I went somewhere. I'm pretty sure mama would understand, considering my situation right now. Medyo naging undersanding siya slight.
Pagkatapos kong i-text ang kapatid ko ay nagkubli ako sa gilid. Hinihintay ko ang mga susunod na gagawin ni Jace.
Hindi nagtagal ay may nakita akong isang babaeng biglang lumapit kay Jace sabay hawak sa mga braso nito na para bang naglalambing.
Umalis naman si Jace sa pagkakasandal sa poste sabay harap sa babae.
Ibang babae na naman 'to. Iba ang itsura sa kasama niyang babae kanina e. Pero mukhang mas bata pa ang kasama niya ngayon kung ikukumpara doon sa nakasama niya kanina.
Hell, I didn't know na marami pala siyang babae! Kaya pala medyo madami na siyang biktima.
Wait.....if that's the case then Leigh.....
No way! Leigh and Jace? It's very impossible to happen and besides my boyfriend na si Leigh.
Ganyan lang lagi ang sinasabi ko sa utak ko dahil nagdududa na ako, kailangan kong i-persuade ang utak ko na mali ang mga naiisip ko.
I know Leigh, she won't do that.
Nag-usap lang sila saglit ng babae at sabay na umalis. Naglakad lang silang dalawa habang ako naman ay nasa kabilang kalsada at nakasunod sa kanila.
Hindi ko inalis ang paningin ko kina Jace. Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa. Ewan ko pero parang nay bigla akong kakaibang nararamdaman.
Hindi ko nalang ito pinansin dahil baka natatakot lang ako.
Hindi ako nawalan ng lakas ng loob at patuloy lang sa pagsunod sa kanila.
Ngunit napahinto ako dahil bigla silang lumiko sa isang eskinita.
Napilitan naman akong tumawid sa kalsada at lumiko rin doon sa pinaglikuan nila.
Madilim sa paligid na ito pero may mga gusali naman sa gilid na may mga pinto.
Patuloy pa rin ako sa paglalakad, mas binilisan ko lang ng konti dahil nawala na sa paningin ko sina Jace.
Nakita ko naman sila agad kaya dumistansya uli ako. Mabuti nalang at may mga malalaking basurahan sa gilid kaya nkakatago agad ako sa tuwing lilingon si Jace. Pinapalipas ko muna ng ilang segundo bago tumayo at sundan sila ulit.
Nakaakbay si Jace sa babae habang nakahawak naman ang babae sa bewang ni Jace. Ang sweet nila tingnan actually.
Ano na naman kaya ang gagawin ni Jace? Papatayin ba niya ang babae o gagawin niya ginawa niya sa kasama niya kanina?
Inalis ko nalang ang isipang iyon sa utak ko.
Pumasok sina Jace sa isang pinto na nasa gilid lang kaya naghintay ako ng ilang minuto bago sumunod.
Heto ka na naman Missy, 'pag may nakita ka na namang hindi kanais-nais matatagalan na naman ang pagmo-move on mo.
Bahagya nalang akong natawa sa sarili kong naisip.
Pumasok nalang ako sa loob, siempre dahan-dahan ko muna itong binuksan bago mahinang itinapak ang paa sa sahig.
Madilim dito pero hindi na ako nag-abala pang mag-flash light, makaka-adjust din naman ang mga mata ko sa dilim.
Ano na naman kaya ang gagawin ni Jace?
Naka-adjust na ang mga mata ko sa dilim kaya kampante na akong nakakalakad ng maayos. Maraming mga box sa loob.
Nasa stockroom ata kami ng isang mall.
Madilim ang paligid at walang kahit anong ingay na maririnig which is very unusual sa isang mall.
Hindi ko alam kung ilang mga malls ang nadito sa lugar namin pero halos lahat ata ng mga ito e dinadalaw ng maraming tao.
Alas 6 pa naman kaya hindi pa nakakauwi ang mga empleyado, pero nakapagtataka na walang tao dito sa stockroom.
Dahan-dahan lang uli akong naglalakad habang nag-iingat na walang masasaging mga box. Baka makasira pa ako dito ng wala sa oras.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong palakad-lakad sa silid pero wala pa rin akong naririnig na mga tunog.
Tama naman ang pinasok kong gusali dahil nasundan ko naman sina Jace.
Hindi kaya may isa pang pinto at doon sila nagtungo?
Nagpatuloy lang ulit ako sa paglalakad pero this time, naghahanap ako ng pinto. At hindi naman ako nagkakamali dahil nakakita agad ako ng pinto sa isang sulok. Nagtungo agad ako rito at dahan-dahang binuksan.
Bumungad sa akin ang isa na namang malaking gusali na may mga box ulit. Pero parang ilang buwan nang hindi napapasok ang silid na ito dahil marami ng mga alikabok. Pati mga box ay inaalikabok na rin.
Kinapa ko ang bulsa ko sa shorts ko para sigiraduhing nasa bulsa pa rin ang cellphone ko. Nang makapa ko ito ay agad ko itong kinuha. Mahirap na baka mahulog pa sa bulsa ko.
Napahinto ako sa paglalakad dahil may naririnig akong boses.
Napatakip agad ako sa bibig ko at dali-daling nagtago sa isang sulok dahil may nakita akong isang anino.
Hindi, dalawang anina.
Nakaluhod ang isa habang ang isa naman ay nakatayo.
Kinuha ko agad ang cellphone ko at binuksan ang camera. Ngunit hindi natuloy dahil biglang humiyaw ng malakas ang isang boses ng babae. Kasabay noon ay nabitawan ko ang cellphone ko.
Mabuti nalang at hindi nila ito narinig, dahil kasabay ng pagsigaw ng babae ay siya namang pagkahulog ng cellphone ko.
Hindi na ako nag-abala pang kunin ito dahil nasa sulok ako at nasa unahan na ang cellphone ko. Kapag kinuha ko 'yon ay tiyak na makikita ako ng babae dahil nakaharap siya sa akin.
Hinayaan ko nalang ang cellphone ko sa sahig at nakinig sa kanila.
"Jace, please! Hindi ko sasabihin sa kanilang lahat! Please pakawala mo na ako Jace!" pagmamakaawa ng babae. Hindi na ako nagulat ng marinig ko ang pangalan ni Jace.
Tumawa lang si Jace ng malakas pagkatapos ay nakarinig ako ng isang malakas na hampas.
Lumaki ang mga mata ko at sinilip kung ano'ng ginawa ni Jace. Sinampal niya ang babae.
"Bakit mo ba 'to ginagawa?" umiiyak na tanong ng babae "maawa ka naman sa akin, Jace! Pakiusap 'wag mo akong patayin!" ngunit kagaya ng kanina ay hindi siya sinagot ni Jace, tumawa lang ang huli sabay sampal ulit sa kanya.
Napapikit ako sa mga mata ko. Hindi ko masikmurang tingnan ang ginawa ni Jace sa babae.
"Ang ingay mo," iritang saad ni Jace. Sumilip ulit ako para tingnan kung ano ang susunod niyang gagawin.
Kumuha si Jace ng isang papel at ipinasok ito sa bibig ng babae. Hindi naman nakapalag ang babae dahil nakatali ang mga paa at kamay niya. Ang tanging nagawa niya lang ay umiling. Pagkatapos ay nilagyan na ni Jace ng duct tape ang bibig ng babae at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
Tanging mga ungol lamang ang lumalabas sa bibig babae. Nakayuko na rin ito. Lumapit naman si Jace sa harap ng babae at tinapik tapik ang pisnge nito.
"You're not allowed to faint, wake up," utos ni Jace sa babae ngunit hindi pa rin nag-angat ng ulo ang babae. Hinimatay ata sa takot.
Kumuha si Jace ng isang sigarilyo at sinindihan ito. Akala ko siya ang gagamit pero hindi niya ito nilagay sa bibig niya, sa halip ay lumapit siya sa babae at dinikit ang sigarilyo sa pisnge nito.
Nagising bigla ang babae at nagpupumiglas, impit lang itong sumisigaw. Si Jace naman ay aliw na aliw sa kanyang pinapanood.
Hindi ako makapaniwalang kayang hitsurain ni Jace ang nasaksihan niya.
Demonyo lang ang makagagawa non.
Pinapasuan ni Jace ang katawan ng babae habang wala namang nagagawa ang babae kundi ang impit na sumigaw at nagmakaawa sa kanyang isipan.
Huminto sa kanyang ginagawa si Jace, kumuha ito ng kutsilyo na nakalagay sa isang lamesa.
Pinatingin niya sa babae ang kutsilyo, hindi ko masyadong maaninag kung ano ang reaksiyong ng babae pero alam kong natatakot na siya.
Gusto ko siyang sagipin pero pati ako ay natatakot rin kay Jace. Natatakot ako para sa buhay ko.
Kumuha ng isang bagay si Jace. Parang isang latigo ito.
Dahan-dahan siyang naglakad sa babae habang panay naman ang pagpupumiglas ng babae. Pumwesto si Jace sa likod ng babae sabay hataw ng latigo.
Narinig ko pa ang pagdampi ng latigo sa katawan ng babae. Napaliyad naman ang babae sa sakit. Inulit pa ng ilang beses ni Jace ang paghataw sa latigo hanggang sa magsawa siya.
Naririnig kong humihikbi na ang babae. Naaawa na ako sa kanya pero sigurado akong hanggang dito lang ang buhay niya.
Kumuha si Jace ng kutsilyo at hindi ako makapaniwala sa sunod niyang ginawa.
Itinusok ni Jace ang kutsilyo sa mata ng babae.
Napasinghap naman ako at agad kong tinakpan ang bibig ko. Mabuti nalang at hindi iyon narinig ni Jace dahil nag-iingay din ang babae.
Tumawa ng malakas si Jace. Hindi pa ito nakuntento at kumuha pa ng isang kutsilyo. Itinusok niya uli iyon sa balikat ng babae, sunod ay ang paa nito. Kinuha niya ang nakatarak na kutsilyo sa mata ng babae sabay saksak nito sa mukha ng babae ng paulit-ulit.
Hindi ko na masikmura pang tingnan ang ginagawa ni Jace kaya sumiksik ako sa gilid at tinakpan ang tenga ko para hindi ko na sika marinig.
Ngunit hindi ako nagtagumpay dahil nangibabaw pa rin ang tawa ni Jace. Kakaiba talaga siya sa Jace na nakilala ko sa school. Parang ibang tao siya.
Wala na akong naririnig na boses ng babae kaya naisip kong baka patay na ito.
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at hinintay na matapos si Jace. Ilang minuto ang lumipas ay ibinuka ko ang mga mata ko. Sumilip uli ako para tingnan kung nandoon pa ba si Jace.
Ng makita kong wala na ito ay naghintay muna ako ng ilang segundo bago tumayo at kinuha ang cellphone ko. Hindi ko na sinulyapan pa ang katawan ng babae. Dere-deretso lang akong naglakad. Hindi na ako lumingon pa sa likod ko.
Ramdam kong nanginginig pa rin ako. Nagtatakbo ako palabas. Mabuti nalang at walang tao sa bodega, dali-dali lang akong tumakbo hanggang sa hindi ko na nakaya. Biglang nanginig ang mga tuhod ko.
Naramdaman kong parang nandi-dilim na ang paningin kaya umupo muna ako sa daan. Dinadaanan lang ako ng mga tao. Walang nag-abalang magtanong kung okay lang ba ako.
Naramdaman kong parang nandidilim na ang paningin ko kaya ipinikit ko nalang ang mata ko. Hindi ko namalayan na napahiga na pala ako sa kalsada.
---
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Unang bumungad sa akin ang puting kisame. Napapikit ulit ako dahil sa sobrang liwanag ng ilaw na sumalubong din agad sa mga mata ko.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Parang nasa hospital ata ako. Ganun pa rin ang suot ko nung--
Itinigil ko agad ang iniisip ko. Kagigising ko lang, dapat hindi iyon ang iniisip ko.
Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo. Nasa ward ako. Marami rin akong pasyenteng kasama.
Maya-maya ay nakita ko si Mama na papalapit sa akin. May bitbit itong mineral water. At nang makita niya akong gising na ay dali-dali siyang lumapit sa akin.
"Oh, kanina ka pa gising? Kamusta ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?" sunod-sunod ma tanong ni mama.
Hindi ko napigilang umiyak dahil akala ko pagagalitan niya ako. Pero iba ang naging reaksiyon ni mama kaya nagulat ako.
I never cried infront of her. Ngayon lang talaga. Pinatahan ako ni mama kaya mas lalo akong napaiyak.
"Ano ba kasing nangyari, anak?" tanong ni mama matapos akong umiyak. Napayuko naman agad ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya sinusundan ki ang crush na crush ko noon na nalaman kong isang killer tapos nakita ko siyang pumatay kaya dala ng takot ay nahimatay din ako.
Sigurado akong hindi niya ako paniniwalaan.
"Ewan ko po, Ma. Naglalakad lang naman ako pauwi tapos parang nahilo na ako bigla," sabi ko kay mama sabay hawak sa ulo ko. "Ay, ikaw po ba naghatid sa akin dito?" tanong ko kay mama ng marealize ko kung bakit ako napunta sa ospital.
"Hindi, may tumawag sa akin kanina sabi nahimatay ka raw. Buti nalang at dala mo ang cellphone mo kanina nahanap niya agad ako sa contacts mo, halika nasa labas pa naman ng ospital ang naghatid sa'yo rito," sabi ni mama sabay alalay sa akin para makatayo. "Sabi rin ng doctor pwede ka na raw makalabas, napagod lang daw ang katawan mo kaya ka hinimata." Umalis na kami ni mama sa ward at lumabas na ng ospital.
Biglang huminto si mama kaya napahinto rin ako. Tiningnan ko si mama ng may halong pagtataka. "Bakit ma?" tankng ko kay mama. " Ayun siya o, ang nagdala sa'yo rito," itinuro naman ni mama ang isang lalaking nakatalikod at nakasuot ng uniporme.
Humarap naman ang lalake at nagulat ako sa nakita ko.
Teka...kaibigan ito ni Jace a. 'Yung nakakamay namin ni Raf, isa siya sa mga kasama ni Jace non.
Dali-dali namang lumapit si mama sa kanya kaya nahahatak din ako.
Ng makarating kami sa harap ng lalaki ay tahimik lang kami. Hinihintay ko kasing umimk si mama.
Tiningnan ko si mama at nakita kong nakatingin din siya sa akin, itinuro niya naman gamit ang ulo niya ang lalaking nasa harap namin.
Ano kaya ang gusto ni mama gawin ko?
Hindi pa rin ako nagsasalita at nag-iiwas lang ng tingin.
"Ah, ijo, ito si Missy anak ko. Pasensya ka na at hindi pa nagsasalita itong batang 'to, pagod pa rin kasi," nahihiyang sabibji mama sabay baling sa akin ng tingin.
Narealize ko naman ang ibig sabihin ni mama kaya out of instict bigla akong nag-bow sa kanya!
Ilang segundo rin akong nasa ganoong posisyon ng marealize ko ang ginagawa ko. Ipinikit ko nalang ng mariin ang mga mata ko sa pagkapahiya.
Iningat ko uli ang ulo ko at tiningnan ang taong nasa harap namin.
"Salamat sa pagdala sa akin dito," sabi ko sabay iwas agad ng tingin sa kanya.
Ewan ko pero parang ayaw kong makilala niya ako o maalala. Na ako 'yung nakakamay nila noong isang araw.
"Okay lang, buti nalabg at papauwi na rin ako non. Akala ng ibang tao natutulog ka lang, lalagpasan nga sana kita kaso parang pamilyar ka sa akin e. I tried to wake you up pero hindi ko gumigising. Tapos ang lamig mo kaya narealize ko na baka hinimatay ka dahil na rin sobrang putla mo." Napanganga ako sa sinabi niya, parang alam na alam niya kung ano ang iniisip ko a.
" Ah, salamat talaga, pero kailangan na naming umalis," sabi ko sabay lahad ng palad ko sa kanya para maipagkamay. Hindi ko alam ba't ko ginawa iyon.
"Ay teka, what was your name again? Pamilyar ka talaga kasi sa akin e," naiilang na ako sa hindi dahil sa tanong niya kundi dahil nasa gilid ko lang si mama at nakikita kong pabalik-balik lang ang tingin niya sa amin.
Nakipagkamay naman ako sa kanya para hindi siya mapahiya at para hindi ako pagalitan ni mama.
" Missy, you're Chad right?" balik tanong ko rin. Tumango lang siya kaya nagpaalam na rin kami ni mama na uuwi na dahil maglalakad pa kami.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na agad kami sa bahay. Bumili na rin ng ulam si mama sa labas kaya hindi na kami nagluto pa.
Mabuti nalang at wala ang mga kapatid ko dito dahil alam kong tatadtarin na naman nila ako ng tanong.
Biyernes pala ngayon. Nasa ospitala pala akon ng isang gabi.
"Nasa school na ba sina Andy ma?" tanong ko kay mama ng wala akong marinig na ingay galing sa kwarto ng kapatid kong babae.
Umalis ako sa lamesa pagkatapos kong kumain, nagtungo agad ako sa kwarto ko para sana magbihis ngunit bigla akong tinawag ni mama at sinabing hindi na muna ako papasok.
Hindi ko pinahalata kay mama na natutuwa ako na hindi makakapasok sa school.
October 09, 2021
Fri
Dear Jace,
I saw u kahapon, I was following you kahapon since half-day lang kami, and I cant believe na may katagpo kang babae! I was a bit hurt kapag iniisip ko 'yon, lalo na't ginawa niyo ang ipinagbabawal sa mga bata pa. Pero nabawi agad 'yon dahil I saw you with some other girl again. Pero this time, you killed her. I was so scared. Wala pa rin akong proof, pero I'll make sure to get that goddamn proof next time. Kailangan ka nang mahuli, kahit na labag sa loob ko ng konti.