CHAPTER ELEVEN

2828 Words
Linggo ngayon pero hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari noong isang araw. Sariwang-sariwa pa rin sa utak ko ang boses ng babae at ang ginawa ni Jace sa kanya. Everytime na naaalala ko 'yon, ipinipikit ko ang mga mata ko, hoping na pagdilat ko uli ay makalimutan ko na iyon. I tried to calm myself down by writing sa green notebook ko. Isinulat ko doon lahat. As in lahat lahat. Wala akong mapagsabihan sa humabagabag sa isipan ko kaya palaginkong isinusulat ang mga bagay na nasa isip ko, maliit man ito o malaki. Pati mga malilit na detalye ay hindi ko pinapatawad, sinusulat ko ito dahil ayokong makalimutan. Hindi naman kalimot-limot ang ginawa ni Jace pero kailangan ko pa rin itong isulat para hindi ko makalimutan ang mga malilit na detalye sa mga nangyarin doon. I was planning to get rid of this notebook pero nanghihinayang ako. And besides, itinatago ko naman ito sa isang safe na lugar na hindi nakikita ng kapatid ko. Pakealamera kasi 'yon kaya lagi akong nag-iingat sa mga gamit ko. Mahirap na. Nabalitaan na rin kahapon ang isang bangkay na natagpuan ulit. Hindi pa nga nalilibing si Leigh e may bago na namang biktima si Jace. Nagsimula na ring mag-imbestiga ang mga pulis dahil serial killer na raw ang hinahabol nila. Ipinag-iingat na rin ng pulis ang mga tao lalo na ang mga babae, dahil naobserba nilang mga babae lang ang mga pinapatay. Kaya ngayon, doble ingat na si mama sa akin. Hindi na nga ako nakakapunta sa palengke e, dapat sabado o di kaya'y linggo ay nasa palengke ako. Sabi ni mama sa akin kapag daw lumalabas ako, natatagalan daw ako ng uwi, baka daw nagsusuok pa ako doon kaya ako natatagalan kaya hindi na niya ako inuutusan. First time kong madismaya sa hindi pag-utos ni mama sa akin. Gusto kong lumabas sa bahay. Nagbabasakali akong makita si Jace. Baka may gagawin na naman siya ngayon, kailangan ko ng ebidensya. Medyo nahihiralan lang ako--ay hindi, sobrang nahihirapan ako sa pagkalap ng ebidensya. Lalo na't kapag nandoon na si Jace at ginagawa iyon ay nanginginig agad ako, kulang na nga lang ay tumakbo ako papalayo. Pero habang hindi pa masyadong nakakapatay si Jace ay kailangan na siyang mapigilan. Nasa kwarto lang ako nakatambay ngayon, wala akong ginagawa kundi mag-cellphone, magsulat sa notebook ko, manood ng tv shows o di kaya'y magbasa. Sobrang nababagot na ako dito sa bahay gusto ko ng lumabas. Lumabas ako ng kwarto para magpaalam kay mama na lalabas muna ako ng bahay. Hindi ko nakita si mama sa sala kaya sa kusina agad ako nagtungo. Hindi naman ako nagkakamali dahil nakita kong nakatalikod si mama sa akin habang nagluluto. Gugulatin ko sana siya pero naisip ko na baka may sabaw ang niluluto ni mama baka mapaso siya, magulatin pa naman 'to. Ipinaramdam ko muna sa kanya ang presensiya ko bago ko siya kinalabit. "Oh, bakit?" tanong ni mama habang may hawak na sandok sa kanang kamay. Parang biglang nagback-out ang dila ko noong makita kong nakasimangot si mama. Hindi pa nga ako nagpapaalam pero parang hindi na ako papayagan sa mukhang ibinibigay niya sa akin. Pero since nandito na lang rin naman ako, magpapaalam nalang ako kay mama. "Ah ma, pwede bang lumabas muna ako saglit? Ilang araw na akong hindi naiinitan ma e. Parang magkakasakit na ako sa bahay," sabi ko habang nagpapanggap na nanghihina. Mukhang nakumbinse ko naman si mama ng slight dahil tumango naman ito, tho nakasimangot pa rin, pero okay na 'to atleast makakalabas na ako rito. Hindi pa ako nakakalabas ng bahay e ang dami ng mga sinasabi ni mama sa akin. Para akong bata dahil inuulit niya 'yung mga sinasabi niya. Natatawa naman ako kay mama. Naging protective bigla a. "Ma, okay lang ako promise, saglit lang ako sa labas, babalik din ako," saad ko kay mama para naman mapanatag ang loob niya. "Alam ko, alam ko namang kaya mong ipagtanggol ang sarili mo dahil malakas ka at matapang ka, pero gusto ko pa ring nag-iingat ka lagi, lalo na sa mga nangyayari rito sa lugar natin." Binigyan ko lang si mama ng isang ngiti sabay kuha ng jacket ko. Medyo malamig sa labas dahil sa ulan kanina. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit gusto kong lumabas ngayon. Alas dos palang naman ng hapon kaya marami pang tao sa labas. Plano kong dumiretso sa 7/11 ngayon, mabuti nalang at binigyan ako ni mama ng pera kanina. Pera ko sana ang gagamitin ko pero sabi niya iipunin ko nalang daw para sa kurso ko soon. Ang advance masyado ni mama, senior high palang naman ako. Napailing nalang ako sa aking naisip. Kinuha ko ang earphones ko na nasa bulsa ng jacket ko. Isinuot ko ito sa tenga ko at pumili ng music na bagay sa panahon ngayon. Ang sarap kaya maglakad habang nakikig ka sa music tapos naglalakad ka sa daan dahil kataapos lang ng ulan. Sobrang peaceful at linis ng paligid. Katatapos lang kasi ng ulan kaya sobrang linis ng paligid. Ngunit hindi ko maiwasang maalala ang nangyari noong isang araw. Sobrang sariwa pa rin nito sa isipan ko. Akala ko sa pelikula ko lang iyon mapapanood pero hindi ako makapaniwala na sa akin talaga nangyari iyon, ang maging witness sa isang murder. Kung iisipin, pwede naman talaga akong magreport sa police, pero ewan ko sa sarili ko, parang everytime na naiisip ko yun bigla akong nagba-back out. Nagtataka na nga ako kung para saan pa 'yung ebidensyang kukunin ko kung nagdadalawang isip lang din man ako. Ah, f**k. Pilit kong kinalimutan iyon at nagpatuloy na sa paglalakad. Gusto kong magchill sa 7/11. Monday na pala bukas. Sigurado akong ang laman na naman ng mga chika bukas e ang nangyaring murder. Nakarating na ako sa 7/11, pumasok na ako rito at naghanap ng makakain. Pagkatapos kong makapili ay lumabas na ako agad. Naghanap ako ng upuan sa labas at ng makahanap ay agad pumwesto rito. Gusto ko rin kasing tumingin sa paligid at tumingin sa malayo. Ang sarap sarap mag space out. Pagkatapos kong ubusin ang kinain ko ay itinapon ko muna ito sa basura, hindi muna ako umalis dahil maaga pa naman. Nakatunganga lang ako habang nakaupo hindi ko namalayan na may umupo na pala sa harapan ko. Napatingin ako sa kanya dahil bigla siyang tumikhim. Literal na nanlaki ang nga mata ko sa nakita ko. Si Jace! Nakatitig lang ako sa kanya ng ilang minuto, nakatitig din siya sa akin at biglang nagbawi rin agad ng paningin, pero nakatitig pa rin ako sa kanya. "Stop staring," sabi niya habang nakatingin sa gilid. Para naman akong nahimasmasan dahil ilang beses kong kinurap ang mga mata ko. Baka kasi nananaginip lang ako. Pero hindi, si Jace talaga 'tong nasa harap ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero marami namang vacant chairs so bakit sa upuan ko talaga siya nakaupo? Nakakatitig lang ako sa kanya, I wanted to avert my gaze pero I can't. And for some reason, nakatitig din siya sa akin. Ilang minuto rin kaming naging ganun. Hanggang sa siya na ang bumasag sa katahimikan. "Okay ka na ba?" Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi agad ako nakaimik, nakatitig pa rin ako sa kanya. Nakita kong mukha na siyang hindi komportable kaya iniwas ko agad ang paningin ko. "Hindi sa pinagtatabuyan kita pero bakit dito ka nakaupo?" tanong ko. Nahirapan pa akong magsalita dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari. "That's not the answer to my question. I am asking you if you're okay," sabi niya ngunit walang bahid na kahit anong ekspresiyon ang makikita sa mukha niya. "Oo okay lang ako, bakit mo tinatanong 'yan?" Nakakapagtataka naman dahil ganyan ang tanong niya. Wala namang nangyari sa akin. Unless...... Napatingin agad ako sa kanya. Something occured to me. What if nalaman na ni Jace na saksi ako sa pagpatay niya sa mga babae sa campus including Leigh and he's asking if I was okay dahil na-witness ko ang kagimbal-gimbal na krimeng ginawa nya? Baka hindi naman, it doesn't make sense. Bakit ganyan ang tanong niya? "I was checking because my friend saw you fainted sa daan, he told me and gave me this," sabi niya sabay hugot ng hindi ko alam sa bulsa niya. Inilatag niya sa lamesa ang isang pamilyar na panyo. "Hala, nahulog ko 'to?" tanong ko kay Jace. Tinatanong ko siya sa isang obvious na sagot. Tumango lang si Jace bilang sagot. "Good thing I saw you here, my friend wanted me to give to you," sabi ni Jace habang nakatingin na sa cellphone niyang hindi ko namalayan na kinuha niya sa bulsa niya. Teka, kaibigan niya ang nagbigay nito sa akin, bakit hindi nalang 'yung kaibigan niya ang nagbigay ng panyo ko nung magkita kami sa hospital? Baka nakalimutan niya lang. Tama, tama. Grabe 'tong utak ko kaka-overthink. Nakakapagod. "Oh, thank you so much!" sabi ko sabay kuha sa panyo kong nakalagay pa rin sa lamesa. Nakatingin lamang siya sa akin kaya nailang ako bigla. Umayos ako ng upo at tumikhim. Hindi pa ba siya aalis? "Why did you faint anyways?" hindi na siguro natiis ni Jace ang katahimikan kaya siya na ang bumasag dito. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakikipag-usap siya sa akin, at hindi lang 'yon, umupo pa siya dito at hindi pa umaalis! Is this really happening? Why am I like this? I should loathe him! But instead, I think I like him even more. f**k, this is frustrating! "Hello?" Iwinasiwas ni Jace ang kamay niya sa harapan ko. Napukaw naman nito ang aking atensiyon. "Ha? Ay...ano kasi," napakamot ako sa kilay ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang totoong nangyari kung bakit ako hinamatay. "Sumama bigla yung pakiramdam ko e, pero okay na ako ngayon," sabi ko sabay tawa ng mahinhin. Nagkibit-balikat lang si Jace at ibinalik ang paningin sa kanyang cellphone. Hindi ko alam kung aalis ba dito sa kinauupuan ko o aalis na. Pero baka ma-hurt ang feelings ni Jace 'pag umalis ako. Nagstay nalang ako at kinalikot din ang cellphone ko. Ilang minuto rin kaming ganun pero wala talagang nagbabalak na magsalita. Sobrang naiilang na ako sa presence ni Jace hindi ko matingnan ang direksiyon niya. Nagulat naman ako dahil biglang tumayo si Jace, napatingin naman ako sa kanya. "I gotta go," sabi niya habang nakatingin pa rin sa cellphone niya. Tumango naman ako at iniwas agad ang paningin ko sa kanya. Ba't ba kasi ganyan siya makatitig? Hindi ako nagsalita at nakayuko lang habang nakatingin pa rin sa cellphone ko. Nang mawala na si Jace sa paligid ay nakahinga agad ako ng maluwag, hindi ko namalayan na pinipigilan ko na pala ang paghinga ko. Ilang sandali pa ay nagdesisyon na akong umalis na. Grabeng araw 'to. Kinuha ko ang panyo ko na nasa bulsa atsaka inamoy. Mabango a . Sino kaya naglaba nito? Si Jace o 'yung kaibigan niya? Umiling ako at pilit na inaalis iyon sa utak ko. Hindi ko dapat tinatrato ng ganon si Jace. Come to think of it. Nawitness ko na siyang pumatay and all pero why can't I hate him? Ano ba 'tong nararamdaman ko? This is wrong. He's a killer. A serial killer in fact. He killed my bestfriend and some other girls sa campus pero why am I still like this. Pinilit kong alisin si Jace sa utak ko, siempre nahirapan ako dun. Sobrang hirap niyang alisin sa utak ko grabe. Parang lahat ng bagay na nakikita ko naaalala ko si Jace. This is not healthy! Pero kasi parang si Jace lang 'yung gumagawa ng paraan paraan para hindu ko siya kamuhian, kasi everytime na magdedecide ako na ayoko na sa kanya, dahil ganto siya, ganyan siya, hindi ko magawa. Inloveba ako sa kanya? Bat ang martyr ko naman? Obsessed? f**k. Nakarating naman ako sa bahay ng matiwasay pero nasa gate lang ako at hindi pa rin pumapasok. Hindi ko alam kung ako lang ba o merong taong nakatago sa puno. Habang naglalakad kasi ako e parang may nakita ako sa peripheral vision ko tapos bigla namang nawala. Tiningnan ko ang puno ng acasia na nasa tapat ng bahay namin. Malaki ito kaya pwedeng makapagtago ang limang tao. Tinitigan ko ito mg ilang minuto dahil baka lalabas ang nasa likod ng puno, pero ilang minuto ang lumipas at wala pa ring lumalabas kaya pumasok nalang ako sa loob at inisip na imahinasyon ko lang 'yon. Sobra-sobra na ang mga takot na pinagdadaanan ko sana naman walang nangmumulto sa akin ngayon dahil sigurado akong hindi ko na kakayanin. Natawa nalang ako sa isipan ko, kung makapagsalita kasi ako 'kala mo naman walang mas nakakatakot na nangyari sa akin. Nakawitness nga ako ng ilang murder pero bakit hind ako nat-trauma. Usually sa mga nakikita ko sa tv, kapag gantong experience ng bida sa pelikula, ilang months or forever silang mat-trauma sa nasaksihan nila. Pero ba't ako wala? Bakit hindi ako na-trauma or whatever? This is really weird. Nakapasok na ako sa bahay at nakita ko na naman si mama sa sala na nanonood ng tv. Lumapit ako sa kanya at nagmano. "Ma," sabi ko sabay upo sa tabi niya. Nadako naman ang atensiyon ni mama sa akin ng ilang segundo bago ibinalik ang atensiyon sa kanyang pinapanood. Mas importante talaga sa kanya ang k-drama niya. Natawa nalang ako. Napatingin naman agad sa akin si mama, at parang ngayon niya lang na-realize na nakarating na pala ako sa bahay dahil aakma niyang ibubuka ang bibig niya pero nang makita ako e naubo siya bigla at parang nagulat. "Oh, Missy?" sabi ni mama habang umuubo pa rin. Napakamot naman ako sa kilay ko. Mama talaga. "Kanina ka pa 'nak? Ba't ang tagal mo, alas singko na." Napatingin naman agad ako sa orasan para kumpirmahin ang sinabi ni mama. Natawa naman ako ng malakas ng marealize ko ang nangyari. "Tawa ka ng tawa kita ko na ngala ngala mo, umayos ka nga!" galit na sabi ni mama pero natatawa pa rin ako. "Ma, anong alas singko e alas kuwatro pa lang ng hapon, ba't naman sobrang advance ng orasan natin ma," sabi ko habang tawa ng tawa. Natawa na rin si mama ng marealize niya ang kanyang pagkakamali. "Siraulong bata 'to, ang babaw ng kaligayahan," ika niya habang umiiling-iling sabay kuha ng orasan at in-adjust. "Ano'ng oras ba diyan sa cellphone mo?" sabi ni mama habang may kinakalikot sa likod ng orasan. "4:09 po." Kinuha ko naman ang remote na nasa couch. Titingnan ko lang kung ano 'tong pinapanood ni mama sa Netflix at adik na adik siya dito. "Ano 'to ma?" tanong ko kay mama. Tatanungin ko lang siya kung ano ang story netong pinapanood niya. "'wag mong pakealaman 'yan, bago ma-forward mo," sabi ni mama sabay dali-daling kuha ng remote na nasa kamay ko. Hindi naman halatang adik na adik siya dito. "Tatanonv lang ako ano'ng story neto e," sabi ko sabay kuha bg chips na nasa mesa. Nagstory naman si mama sa akin agad kaya hindi namin namalayan na alas singko na pala ng hapon. "Missy, kelan daw ba libing ni Leigh?" tanong ni mama habang naghuhugas ng kaldero. Nasa sala naman ako at nagwawalis. Huminto ako at napaisip. Oo nga no? Kelan nga ba? "Hindi ko pa po natatanong sa kanila ma, chat ko nalang ate niya mamaya magtatanong ako," sabi ko at saka nagpatuloy na sa pagwawalis. ---- October 11, 2020 Sun Dear Jace, Hoi grabe! Grabe na talaga. Una nakashake hands kita! Pangalawa nakipag usap ka sa 'kin kanina! At hindi lang 'yon, ikaw pa nagbigay sa panyo ko! Omg Jace! Nagkakagusto ako sa'yo lalo! Parang nakalimutan ko na agad 'yung mga kasalanan mo! Like as in! Lalo na kanina, sobrang gwapo mo! Tapos ang cool, tapos ang fresh at siempre ang bango mo rin! Naaamoy pa nga kita e. Sobrang weird. Parang nandito pa rin 'yung presence mo dahil sa amoy! My gosh, sobrang thankful ako dahil sa experience na 'yon! Pero nag-guilty ako kasi diba, hindi dapat ganto ang nararamdaman ko. Dapat kinamumuhian kita and all pero nung una lang 'yun nangyari. Pinipilit na rin ng sarili ko na hindi ikaw ang pumatay kay Leigh dahil wala naman akong ebidensya, pero parang ginagawa ko lang 'to para hindi ako maguilty na magkagusto sa'yo lalo. Ayokong isipin na ikaw ang pumatay kay Leigh. Pero isang misteryo ka pa rin para sa akin Jace. Bakit ka ba pumapatay? Come to think of it, wala ka pang biktimang lalake. May issue ka kaya sa mga babae at parang ang lalim talaga ng galit mo sa amin base sa pagpatay mo sa mga biktima mo. Mukhang magbabago na naman ang mission ko Jace. Kailangan ko iyong malaman. Pero I don't have any plans in mind kung pa'no at ano-anong stragey ang gagamitin ko, ang nasa isip ko lang ay sundan ka hanggang sa makasagap na ako ng ebidensya laban sa iyo. Hindi ito magiging madali, pero gagawin ko lahat para mapatunayan na ikaw ang nasa likod ng mga krimeng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD