KINABUKASAN… maganda ang naging tulog ko. Walang masamang panaginip at parang ang gaan na ng pakiramdam ko nang ako’y magising. “Good morning ate!” pagbati ni Erin sa akin at nagsimula siyang magtatalon sa kama ko. Napangiti naman ako at natuwa. “Good morning!” Kinuha ko si Erin at niyakap. “Mukhang na miss ako ng bunso, a. Hetong sa’yo.” Sabay kiniliti ko siya sa tagiliran. Tawa naman nang tawa si Erin. “Maglalaro tayo ngayon ate?” Sabik talaga siya sa akin. Okay lang siguro kay Ate Kat kung isasama ko si Erin mamaya para mamasyal. “Oo, tsaka pupunta tayo ng mall mamaya kasama ang mga kaibigan ni ate, a.” “Yehey! Baba na tayo, Ate. May almusal na raw po sabi ni Mama.” Bumaba kami ni Erin at sinaluhan si Mama sa pagkain ng almusal. Pagkatapos ay naglaro kami ni Erin ng Xbox Kinect.

