Chapter 3: Night Sky

2310 Words
TUSOK ng ice spear pero buhay pa rin. Tinangal ng Demon ang ice spear mula sa kanyang dibdib. Susubukan din sana nitong gamitin ang ice spear ngunit bigla itong natunaw na parang tubig. What on earth am I seeing now? “You think you can defeat me with your tricks lady?” sambit ng Demon gamit ang dalawang boses nito. Tutok na tutok at takot na takot lang ako sa aking mga nasasaksihan. Gusto kong isipin na ito’y isang panaginip lang. And I wanna wake up from this dream now. Ngumisi si Kat na tila ‘di man lang natatakot. “Of course not! Kaya nga nagsama ako, e. Ash! Now!” Yumuko si Ms. Kat paupo at pumasok sa silid mula sa pinto si Ash. May hawak siyang mga baraha sa magkabila niyang kamay, binalasa niya ito sa ere na para bang lumulutang ang mga baraha. Pagkatapos ay ibinato niya ang mga ito sa Demon na parang ang mga baraha ay matutulis na bagay. Tinamaan ang Demon sa iba’t ibang parte ng katawan nito at muli itong napasigaw sa sakit. “Damn you!” Nanlilisik ang mga mata ni Ms. Kat habang nakatingin sa demonyo. She waived her right hand then a sword made of ice appeared. She grab the sword and run towards the demon and stab its heart. Binunot niya ang espada mula sa dibdib ng demonyo. Pagkatapos ay mula sa kaliwa, pakanan siyang humiwa gamit ang kanyang ice sword kaya’t napugutan niya ng ulo ang Demon. Bumalik ang anyo ng Demon sa katauhan ni Trish pero pugot na rin ang ulo nito. Gumulong papunta sa akin ang ulo ni Trish. Nakadilat ang mga mata niya at nakanganga. “Oh my god! Trish?!” sigaw ko. Sobra akong na-shock sa nangyari at hindi makapaniwala. Nanginig din ako sa takot. “Thanks, Ash,” sambit ni Ms. Kat sa kapatid nang nakangisi, at natunaw na parang tubig ang hawak niyang espada. “Sure thing, Sis. Now, nasaan kaya ‘yong dalawa nating kapatid?” sagot ni Ash nang nakangisi rin. “Wait!” pagtawag ko sa kanila. “W-what was that? A-and… W-what are you?” Nanginginig kong tanong sa kanilang dalawa. “A-Ano’ng nangyari kay Trish? B-Bakit?” “Hi, Shana!” pagbati ni Ash na parang walang nangyari at nakangiti pa siya. “Hi!” Lumapit sa akin si Ms. Kat habang nakangiti at hinawakan niya ako sa kamay. “My name is Kat Franco. Nice to meet you.” Isa pa ‘to. Hindi ba nila alam na gulong-gulo na ako sa nangyayari at parang mababaliw na sa mga nakikita ko? Pero tila may kakaibang effect ang makita si Ms. Kat. Parang nakakita ako ng artista nang makaharap ko siya, kaya kahit gulong-gulo na sa nangyayari, nakuha ko rin siyang batiin. “H-Hello.” Biglang sumingit sa harap namin ni Ms. Kat si Ash at may pinakita siya sa akin na isang umiikot na litrato. Hindi ko alam kung bakit, pero napatitig ako rito. “Sleep, Shana… sleep… Shana… sleep... deep…” marahang sambit ni Ash habang unti-unti niyang nilalapit sa akin ang litrato. A couple of seconds more, my body refused to move. I tried to fight it but it feels like I’m being dragged. I was in a trance. Then in a snap. I fell asleep. As I fell asleep I dreamed about my past. “Sunog!” Isang gusali na nasusunog ang nadaanan ko habang pauwi galing sa school. Ang daming mga bumbero noon ang sinusubukang patayin ang apoy. Kumpol na ang mga nakiki-usisang mga tao. Isa-isa ring lumalabas mula sa gusali ang mga tao na nailigtas ng mga bumbero. Pinanood ko kung paano sila i-rescue ng mga bumbero. Balang araw kasi gusto ko rin magligtas ng mga tao. “Okay na, Chief. Nailabas na namin ang lahat ng tao at mawawala na rin ang apoy,” sambit ng isang bumbero sa kapwa nito. “Okay, good work. I-pull out na ang ibang mga truck. Kaya na ito ng isa!” sagot ng isa pang bumbero. Abala ako sa panonood sa kanila nang may isang Ale na lumapit sa akin. “Please, tulungan mo ako! Naiwan ang baby ko sa loob, nasa pinakataas siya! Please help my baby,” umiiyak niyang sambit sa akin. “Huwag po kayong mag-alala sasabihin ko po sa bumbero,” sagot ko. Pupuntahan ko na sana ang mga bumbero pero hinawakan ako ng Ale sa braso nang sobrang higpit. “Sinabi ko na sa kanila kanina pero wala raw silang makita. Ikaw lang ang makakatulong sa akin,” pakiusap ng Ale. I was a kid back then. Matigas ang ulo at hindi alintana kung ikapapahamak ko ba ang gagawin ko. Next thing I did... I ran quickly inside the building to save the baby. Sinubukan akong pigilan ng mga bumbero pero mabilis ako at natabunan ng mga nasusunog na bagay ang pinto kaya't hindi na nila ako nahabol. Nagmadali akong umakyat sa pinakataas. May mga kaunting apoy pa ang gusali at mausok pa ito. Agad kong tinakpan ang ilong at bibig ko para hindi ko malanghap ang usok. Pagdating ko sa taas ay narinig ko ang iyak ng isang baby. Sinundan ko ang tunog at natagpuan ko ito sa loob ng cabinet. Bakit naman kaya siya nasa cabinet? Agad kong kinarga ang baby at nagmadali sa paglabas mula sa nasusunog na gusali. Ngunit napansin ko na ang dati kong dinaanan papunta dito ay natabunan na pala ng mga nasusunog na bagay. Luminga ako sa paligid para maghanap ng labasan, pero wala. Hanggang sa isang dingding ang nag-collapse at doon ako dumaan. Pagtagos doon, nakita ko ang fire exit ng gusali at sinundan ko iyon. Ilang saglit pa ay nakalabas ako at ang baby nang ligtas. Sinalubong ako ng mga bumbero at pinagalitan. Ngunit nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid. Pakiramdam ko isa akong hero noong araw na iyon. Hinanap ko ang Aleng humingi sa akin ng tulong, pero wala na siya sa paligid. Binigay ko na lang sa mga bumbero ang baby dahil ibibigay daw nila ito sa child welfare para mahanap ang mga magulang nito. Pagkatapos ay hinatid nila ako sa bahay at ikinwento nila kay Mama at Papa ang nangyari. That day Papa was still alive. I really missed him. Pinagalitan ako ni Mama dahil sobra siyang nag-alala. Nilinis ako ni Mama at nang makaalis siya, kinausap naman ako ni Papa. “Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?” “Sorry po, Papa. Tinulungan ko lang naman po ‘yong nagmamakaawang Ale e,” katwiran ko. “You saved a life today, hero,” sambit ni Papa. Hinawakan niya ako sa ulo at pabirong ginulo ang buhok ko, “That was really a brave act, my Shana.” Ngumiti si Papa at niyakap ako. Akala ko pagagalitan niya rin ako. Ang bait talaga ni Papa. “Pero huwag mo na uulitin ‘yon, a. Someday you'll have the strength to save someone else’s life when you grow up. Until then, leave it to us who has authority. Maliwanag ba ‘yon?” Ngumiti ako at sumaludo kay Papa. “Yes, sir! Papa, ano po mangyayari doon sa baby?” “Don’t worry, Anak. Iche-check ko siya sa opisina mamaya,” sagot ni Papa sa tanong ko. Umalis si Papa at tinulungan ko naman si Mama sa mga gawaing bahay. Kinagabihan pag-uwi ni Papa… “Shana, anak! May surpresa ako sa’yo! Come and say hi to her.” Nagmadali naman akong lumabas ng kwarto at pinuntahan si Papa. Magkasama sila ni Mama at si Papa ay may dalang baby. It was the baby I saved earlier. “Shana, anak. She’ll become your little sister from now on,” sambit ni Mama. “Talaga po? Hindi niyo na po ba nakita ang Mama niya?” tanong ko kay Papa. “Mahabang kwento, Anak. Pero simula ngayon isa na siyang Brea,” sagot ni Papa, “Pwede ka ba niya maging ate?” Natuwa ako sa aking narinig. Gusto ko talaga maging ate, e. “Oo naman po! Poprotektahan ko siya at magiging isa akong mabuting ate.” “Ang bait naman talaga ng baby girl ko,” sambit ni Papa. “Babae rin po ba siya?” tanong ko. “Oo, Anak. Ano gusto mo’ng ipangalan natin sa kanya?” tanong ni Mama. “Umm… Erin na lang po?” sagot ko. “Katunog po kasi nung bida sa anime na pinapanood ko.” Tumawa si Papa. “Ikaw talaga. Sige from now on, we’ll call her as Erin Brea.” Ang gandang panaginip. Ang araw na naging isa akong ate sa mabait na si Erin. Pero ano nga kayang nangyari sa mga magulang niya? Hindi ko na naitanong kay Mama at Papa ang nangyari kung bakit nasa amin na si Erin. Masaya lang talaga ako na may kapatid ako.       PAGGISING ko at pagmulat ko ng aking mga mata, nakita ko si Nix na nakatingin sa akin at parang binabantayan niya ako. Nagulat ako at agad kong tinakpan ng kumot ang katawan ko. “Nix?! Nasaan ako?!” Naging itim na usok si Nix at bigla siyang nawala. For the second time I saw him vanishing, but it didn’t scare me now. Pero may kaunti pa ring gulat. Tumayo ako at tumingin sa paligid. Nasa isa akong malawak na silid. Madaming kama at tila isa itong clinic or hospital. May malalaking bintana kung saan tumatagos ang liwanag ng buwan ngunit may ilaw naman mula sa dim light ng chandeliers. Ginabi na naman ako. Patay! “Hello?” sambit ko at nag-echo ang boses ko sa buong silid. “Is anyone here?” Narinig ko ang tunog ng biglang pag-ihip ng hangin at pagtingin ko sa taas… nakasabit si Nix sa isang malaking chandelier. He was looking at me with his brave eyes. One second and he was gone again. Then he appeared beside the door. Namangha ako sa pinakita niya. “What are you?” “I am someone you don’t wanna messed with,” sagot niya at bigla ulit siyang nawala. Tapos ay bigla siyang lumitaw sa harap ko. “Boo!” Napaatras ako sa gulat at muli siyang nawala. Hinanap ko siya sa paligid pero hindi ko na siya makita. Napaatras ako nang napaatras hangang sa napasandal ako sa isang katawan. “Huwag kang haharap,” dinig kong sambit ni Nix at siya pala ang nasandalan ko, “Turn around and you’re dead.” Napalagok ako sa sinabi niya dahil tila seryoso siya. “N-nasaan ako?” “Nasa mansyon ka namin,” sagot niya. “Bakit ayaw mo akong humarap sa’yo?” Hindi siya sumagot kaya’t humarap ako sa kanya. Nagkatitigan kami pagharap ko. Napansin kong pula ang kanyang mga mata kaya’t napaatras ako ng isang hakbang. “W-What are you?” Umatras siya at bigla ulit nag-teleport sa chandelier. “Don’t ask!” “I’m not afraid of you,” sambit ko, though I’m afraid inside but I really want to know how he can do it. Nawala siya ulit at naging itim na usok. Pagkatapos ay naramdaman kong nag-teleport siya ulit sa likod ko at siya’y bumulong sa akin, “you should be.” Pagharap ko ay agad siyang nawala. Luminga ako sa paligid pero hindi ko na ulit siya makita. “Nix?” Bigla ulit siyang sumulpot sa harap ko at hinawakan niya ako sa balikat. Pagkatapos ay biglang… “Oh my god! Nix!” sigaw ko sa takot dahil bigla na lang kaming napunta sa labas at kami ay nahuhulog sa himapapawid.  Napayakap ako sa kanya habang kami ay bumabagsak. “Oh, no! Oh, no! Oh. no!” napasigaw ako nang napasigaw sa lula, sa takot, at kung anu-ano pa. Mabilis ang pagbulusok namin pababa. Abot-tanaw ko na ang lapag at ilang saglit na lang ay tatama na kami sa lupa. “Nix!” nataranta kong sigaw. “Hey look at me,” bigla niyang sambit. Tumingin ako sa kanyang mukha at nginitian niya ako. Malapit na kami sa lupa nang bigla kaming mawala at nag-teleport pabalik sa silid kung nasaan kami kanina. Napaupo ako at napahawak sa aking ulo. Natawa naman si Nix sa akin habang umaatras palayo sa akin, “Let’s do that again next time, shall we?” “You’re crazy...” sagot ko na medyo nahihilo pa. Sumulpot ulit siya sa harap ko at naglapit ang mga mukha namin. Tumitig siya sa akin nang seryoso pero this time hindi na pula ang mga mata niya. “Now, are you afraid?” Bigla namang pumasok si Ms. Kat kasama ang iba pa nilang kapatid mula sa pinto ng silid. “Nix, what are you doing?” tanong ni Ms. Kat na medyo bossy ang tono. “Nothing. I was just entertaining our guest,” nakangiting sagot ni Nix. “You’re scaring her. Lakas talaga ng trip mo! Lumayo ka nga sa kanya!” sambit ni Ms. Kat. Nilapitan ako ni Ms. Kat at inalalayan niya ako sa pagtayo, “Pagpasensyahan mo na sana ang mga kapatid ko, Shana. Mga pasaway sila pero maaasahan natin sila na mailigtas ang buhay mo.” “Iligtas ako?! A-anong ibig mong sabihin? Ano ba talaga ang nangyayari?! Ano kayo?” sagot ko na litong-lito na. “I know you have a lot of questions and my father will answer it for you. But one thing you have to know first is that you have to stay with us...” sagot ni Ms. Kat, “because you’re being hunted.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD