“HUNTED?! What do you mean?! Who’s hunting me?” tanong ko kay Ms. Kat. Gulong-gulo na nga ako sa lahat ng nangyayari lalo pang ginugulo ng mga Franco.
“We will explain later, but for now gusto kang makilala ni Dad,” sagot ni Ms. Kat.
Naputol ang aming usapan nang biglang may tumawag sa phone ko. Si Mama pala, kaya agad ko itong sinagot. “Hello po, Mama?”
“Shana anak, anong oras na? Nasaan ka na naman ngayon? Can you come home please? Erin is looking for you,” sagot ni Mama sa kabilang linya.
“Namasyal lang ako with some new friends, Ma. But tell Erin I’ll be there,” sagot ko kay Mama.
“Talaga?” masayang sambit ni Mama, “I am glad to know that you have new friends. Sabi ni Erin hihintayin ka raw niya, ate.”
“Paki sabi po Ma, pauwi na si Ate. Bye, Ma,” sambit ko.
“Mag-iingat ka, Anak," sagot naman ni Mama at binaba na niya ang phone.
Isinuot ko ang bag pack ko at nagbadya nang pag-alis. Kahit na marami akong dapat malaman at kahit na naguguluhan, mas importante pa rin ang pamilya ko.
“Where are you going? Nanganganib ang buhay mo. You have to stay here,” pagpigil ni Ms. Kat sa akin.
“Look guys, I don’t know what’s going on here, but my sister needs me. I can also take care of myself, so don’t worry,” sambit ko.
“You don't understand, Shana. This is not just a normal danger. You’ve seen what we are dealing with,” giit ni Ms. Kat.
“I’LL PROTECT HER!” Magkasabay na sambit nina Nix at Zed.
Nagulat ako sa kanilang sinabi. Bakit naman ako gustong protektahan bigla ng dalawang ‘to? Bakit pati si Zed? Oh my god!
Nag-isip si Ms. Kat saglit. Pagkatapos…
“Okay, here’s the plan. Zed, ikaw ang maghahatid kay Shana pauwi ngayon and you’ll be with her tonight. Then me and Ash will look around the city and get more information about the enemy. Nix you’re on standby here with our father. If any of us gets in danger, we will call you and you know what to do,” utos ni Ms. Kat.
“Okay, boss,” sagot ni Nix na parang nang-aasar.
Tama ba ‘yong narinig ko? She said Zed will take me home and guard me tonight? Be with me tonight? The rest of the night? Me and Zed? Tonight?
Kung anu-anong mga litrato na magkasama kami ni Zed ang naiisip ko. Nawala ang takot ko sa mga nangyayari at parang na-e-excite pa ako na ewan.
Bumaling sa akin si ate Kat, “Shana, okay lang ba na ihatid ka ni Zed at bantayan ka niya buong gabi?”
“Sure!” mabilis kong sagot pero bigla akong nahiya. “I mean, okay lang.”
“Salamat, Shana. Don’t worry maipapaliwanag din namin sa’yo ang lahat. Our main priority now is to protect you,” sambit ni Kat.
“Let’s go,” sambit ni Zed sa akin.
“O-Okay,” nahiya kong sagot.
Paalis na kami nang biglang hawakan ni Ash ang balikat ni Zed, “Are you sure you can fight the urge this time?”
Tumango naman si Zed.
Urge? Ano naman kayang urge ‘yon?
Lumabas kami ng mansyon ng mga Franco at sumakay kami ni Zed sa itim na BMW Car. Malalim na ang gabi at tila isolated sa siyudad ang mansyon nila, tila ito ay nasa gitna ng kakahuyan.
Habang nasa biyahe, sumisimple lang ako ng pagtingin kay Zed habang siya ay nagmamaneho. Gusto kong itanong ang lahat sa kanya pero nahihiya talaga ako sa kagwapuhan niya.
“Hindi pa tayo naipapakilala sa isa’t isa. I’m Zed,” bigla niyang sambit.
Kilala na kaya kita. Crush nga kita eh, sambit ko sa isip ko.
“Uhm... Ako nga pala si Shana.”
Nahihiya talaga ako sa kanya. Iyong itsura niya kasi, e. Ang tangos ng ilong niya, ang kinis ng mukha niya, katamtaman ang laki ng mga mata at bibig niya, though medyo payat siya pero sobrang linis niyang tingnan.
“I think it’s best if we’ll have some music,” mungkahi niya.
I thought he was asking me to turn the music on, so I reach for the button of his stereo but he did the same, so the next thing that happened was... our hands touched.
“Oh… sorry,” nahiya kong sambit. Inatras ko ang kamay ko at hinayaan ko siyang buksan ang kanyang stereo.
Hindi siya nagsalita pero nakita ko siyang ngumiti. That was first time I saw him smile. He’s so handsome! His face looks like an Angel. But he’s a bit cold. Sa madaling salita, parang suplado.
“Uhm ah… can I ask you something?” tanong ko kay Zed.
“I’m not good at explaining things but I’ll try to answer your questions,” sagot naman niya.
“I think I know what you guys are,” sagot ko but I’m actually going to make some guess.
Tumingin siya sa akin saglit. “Let me hear your guess then.”
“You guys are wizards? Mutants? Aliens?” sambit ko.
Ngumisi lang siya at, “you’re talking about comic book and stuff. Wrong guess. Try again.”
Napakagat ako sa daliri ko. Ano nga ba sila?
“Uhm... Are you a vampire?”
This time he laughed. “No… we’re stronger than them.”
“Them? Ibig mong sabihin totoong may mga vampire?” nagulat kong tanong.
Tumango lang siya. Sa mga nasaksihan ko ngayong araw, hindi na ako magugulat kung pati werewolf, witch, at kung anu-ano pa ay totoo. Pero ano nga kaya sila Zed?
“So what are you then?” muli kong tanong.
“We’re demons.”
Napasigaw ako sa gulat nang biglang may magsalita sa backseat. Pagtingin ko, si Nix pala.
“Hey, kiddo,” bati ni Nix sa akin.
“Show off,” sambit ni Zed.
“I’m not a kid!” giit ko naman.
“Ano’ng ginagawa mo dito, Nix?” tanong ni Zed.
“Just checking you out, brother.”
“I can handle it. Get lost,” seryosong sambit ni Zed kay Nix.
“Okay.” Kinindatan ako ni Nix at bigla ulit siyang nawala.
“D-demons?” tanong ko kay Zed na may halong takot.
“Half demons. My father, the fallen Angel is a Demon and my Mom is a human,” sagot ni Zed.
Demons? Half demons? Fallen Angel? This is crazy. I want a thrill in my life. But this is too much to digest.
Tumingin siya sa akin saglit at tila nakita niya sa mukha ko na mas lalo akong naguluhan.
“I told you I’m not good at explaining things verbally.”
Kung half demons sila, ibig sabihin masama rin sila?
“I-If you are a Demon, I mean a half Demon… does that mean... you’re a bad guy?” takot kong pagtanong.
Biglang hininto ni Zed ang kotse sa tabi at bigla siyang tumitig sa akin. Kulay pula ang bilog ng kanyang mga mata at dahan-dahan siyang lumalapit sa akin.
“Z-zed? W-what are you d—“ Hindi ko na naituloy ang gusto ko’ng sabihin dahil sa magkahalong kaba at takot.
Dahan-dahan pa rin siyang lumalapit sa akin at napaatras naman ako pasandal sa bintana ng kotse. Pasimple kong inabot ang pinto ng kotse para buksan ito.
“Do you think I’m bad?” bulong niya sa akin at ang kanyang mukha ay nasa harap na ng mukha ko.
Sinubukang kong harapin ang takot at sumagot, “N-no… I think you won’t hurt me.”
“Alam mo ba kung bakit nag-aalala ang mga kapatid ko na ako ang kasama mo?”
Umiling ako sa tanong niya.
“Do you know what Demons eat?” muli niyang tanong.
Hindi ako nakasagot sa sobrang kaba. Hinawakan niya ang bintana sa likod ko gamit ang kaliwa niyang kamay at hinawakan niya ako sa beywang gamit ang kanan niya.
“Do you know why I pull down those blinds the first time I saw you?” marahan niyang tanong.
“Shana…” He gently touched my cheeks down to my neck.
My hands begun to shake. Is he going to eat me?
“We eat souls… and your soul is the most irresistible soul I have ever felt… I have this urge to consume yours,” bulong niya sa akin.
“Please don’t hurt me,” takot kong sambit. Lingid sa kanyang kaalaman nabuksan ko ang lock ng kotse. Nang mapansin niya ito, agad kong binuksan ang pinto at tumakbo nang mabilis papalayo.
Hindi ko alam kung nasaan ako. Basta’t kailangan kong makalayo, kaya’t tumakbo ako nang tumakbo. Ilang minuto din akong tumakbo at nang makalayo... huminto ako dahil na rin sa hingal na ako. Lumingon ako sa likuran pero mukhang ‘di niya ako nasundan. Ngunit pagtingin kong muli sa aking harapan…
“Are you lost?”
Nagulat ako nang nasa harap ko na si Zed. Napaatras ako nang napaatras hangang sa mapasandal ako sa isang puno. Mabilis siyang nakalapit sa akin at hinarang niya ang kanyang mga kamay at braso sa pagitan ko. Tinitigan niya ako at dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Wala akong nagawa kundi ang mapapikit. Katapusan ko na yata. Mamamatay na ako.
“Mama, Erin, I love you...” mahina kong sambit.
Narinig ko ang pagkadurog ng punong-kahoy kung saan niya ipinatong ang kanyang mga kamay sa magkabilang gilid ko. Ngunit ilang saglit pa ay biglang huminto ang tunog.
Naging mabilis ang paghinga ni Zed at parang hingal na hingal siya. Iminulat ko ang aking mga mata at umatras siya limang hakbang palayo sa akin. Gusto kong tumakbo pero parang ayaw kumilos ng mga binti ko.
“I’m sorry Shana…” sambit ni Zed at unti-unting naging normal ang kanyang paghinga “I’m alright now.”
“It won’t happen again. Please let me take you to your home. Safe and sound this time,” sambit niya habang inaalok niyang hawakan ko ang kanyang kamay.
Hindi ako nakasagot agad dahil nanginginig pa ako sa takot. Ngunit nang titigan ko ang mukha niya, kita ko sa kanyang mga mata ang sincerity, at tila pagsisisi sa kanyang nagawa. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya pero wala akong choice kundi ang magtiwala sa kanya. Iniabot ko ang aking kamay at hinawakan niya ito. Nakita niyang nanginginig ako. Nagulat na lang ako nang bigla niya itong hinalikan. Nawala ang panginginig at takot ko sa ginawa niya. Tiningnan niya ako sa mga mata at nginitian. Bigla tuloy napalitan ng kilig ang takot na aking nadarama kanina. Napagaan niyang bigla ang pakiramdam ko. Hindi ako nagtataka kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. Gwapo na, gentleman pa. Huwag lang sana niya kainin ang kaluluwa ko.
“May I carry you back to my car?” tanong niya.
Tumango ako at bigla niya akong ipinasan sa kanyang likod. Mabilis siyang tumakbo sa gitna ng kakahuyan habang pasan ako. Mabilis na mabilis na tila hinihiwa namin ang hangin. I ran from him earlier for I think 4 minutes, but it only took him a minute to take me back to his car.
Muli niya akong ipinagmaneho pauwi. Noong una hindi kami nag-iimikan na parang biglang nahiya sa isa’t isa. Pero bigla siyang nagsalita, “Sorry ulit. But don’t worry I think nalabanan ko na ‘yong urge na kainin ang soul mo.”
“It’s okay. I trust you… sorry kung tumakbo ako,” sagot ko. Pero sa totoo lang natakot talaga ako kanina. Iyon pala ‘yong ibig sabihin ni Ash sa urge kanina.
Ilang saglit pa ay umiral na naman ang pagiging curious ko. “So uhm... when will you guys going to answer my questions?”
Nagulat ako nang bigla na naman sumulpot si Nix sa back seat, but this time kasama niya na si Ash.
“What’s up fellas!” bati ni Ash.
“Hey. Where’s Kat?" tanong ni Zed sa kanila.
“She’s with her boyfriend. So new orders from the Ice Queen,” sagot ni Ash na parang ‘di natatanggalan ng ngiti sa mukha.
“We’re coming with you,” sambit ni Nix habang nakangisi.
Don’t tell me tatlo silang magbabantay sa akin. Paano ko naman ipapaliwanag ‘to kay Mama? Pero mamaya ko na iisipin ‘yon. Sakto nandito ang pinakamatanda sa kanila. Baka pwede ko nang malaman ang lahat-lahat.
“Hey, care to explain what’s really going on now?” matapang kong pagtanong kay Ash.
“Ang tapang ng bata, a. Sige pagbigyan, baka umiyak,” sagot ni Ash na natatawa pa.
Ash cleared his throat then explains, “It was really my father who will explain everything to you but I’ll give you a bit of details. First of all, we are half Demons or halflings. You know, half human and half demon, those kind of stuff. We were born to protect humanity from Demons. Demons are powerful creatures from hell or the underworld who eats souls from any living creatures. Demons love to kill and eat human souls. Our family were tasked to hunt and kill them to protect humans. More about their origins with my father.”
“Hmm… since you guys are half demons… do you guys eat human souls too?” tanong ko. Tapos ay bigla akong napahawak sa aking bibig. “Do you kill people too?”
“No… we treat ourselves like vegetarians. We eat souls from animals. We haven’t taste a human soul. Dad will kills us if we did,” sagot naman ni Nix.
“We are more human than a demon. Our father was a fallen Angel cast out to hell where he became a full Demon. But his will to protect mankind stays. Forty years ago, our father was accidentally summoned from hell to the mortal world by a cult who call themselves the Evo, short for Evocators. The Evos are cults who practiced the art of summoning demons in order to get wishes or to become demons themselves for power. But our father tricked his summoners and killed them all. Apparently, the Evos are already global. My father hunt them all across the globe then he met the Angeals, a secret government group who is apparently the enemy of Evos. More about that again once you meet our father,” paliwanag ni Ash.
Naguguluhan pa ako pero susubukan ko’ng intindihin. I’m going to ask, for me to understand. “Bakit sila tumatawag ng Demons? Hindi ba pwede nilang ikapahamak ‘yon?”
Muling ipinaliwanag ni Ash, “ginagawa nila ‘yon para makipag-deal. Kapalit ng kayamanan, pagbuhay sa namatay, kapangyarihan, at kung anu-ano pang hindi magandang hangarin ng mga tao. A Demon will ask for souls in return. If an Evo wants to have riches, or something for themselves they need to sacrifice some souls. But in order to eat souls, a demon needs to possess a human body as it doesn't have a physical form yet after being summoned. The Evos might offer themselves or offer someone else’s body for the Demon to take form. But if they want power, the Evo and the Demon will become one. Which is what happened to Trish and the other guy who you saw with us last night. They asked power in return, because they want to summon a more powerful Demon. ‘Cause only more powerful Demon has an ability to grant higher wishes like resurrecting the dead. And if an Evo and a Demon become one, there’s no way to save them but to kill them.”
“How about exorcism?” mungkahi ko.
“We called that low tech of fighting demons. It can fight ghost and low level demons but we are talking about a different level,” sagot ni Ash.
Medyo naliliwanagan na ako kung ano sila at kung ano ang mga nangyari. Pero tingin ko mas maliliwanagan ako kapag nakaharap ko na ang tatay nila.
“Pero sino or ano ang huma-hunting sa akin?” muli kong tanong.
“Actually lahat ng Demons gustong kainin ang kaluluwa mo. Hindi namin alam kung bakit, but your soul is very special than the others. It’s making us want to taste you,” sagot ni Ash at ngumisi siya.
Natakot ako kaya’t gumawa ako ng cross gamit ang daliri ko. “Huwag kayong lalapit!” Ito ang alam kong panlaban sa demonyo e, pero tumawa lang si Ash at Nix.
“Relax, Shana. Nalabanan na namin ang urge na kainin ang soul mo. Sanay kasi kami sa soul ng mga hayop. Tsaka hindi ako kumakain ng kiddie meal,” sambit ni Ash at muli siyang tumawa.
Nakakainis, bata na naman? Kiddie meal pa? Pero okay lang. Atleast ‘di nila kakainin kaluluwa ko.
I don’t know why... but even if they said they are half demons or whatever, I wasn’t afraid of them. It feels like they’re just normal people with abilities. Well, technically they’re not normal. Even so, I think I can get along with them.
HININTO ni Zed ang kotse nang makarating kami sa harap ng bahay. “Guys, were here,” sambit ni Zed at siya ang naunang lumabas ng kotse. Sumunod naman kami nina Nix at Ash.
“Teka Zed, paano mo nalaman kung saan ang bahay ko?” tanong ko, ngunit hindi siya sumagot at ngumiti lamang.
Pumasok kami sa gate ng bahay at iniwan ko muna sila sa bakuran. Baka kasi magulat si Mama at may dala akong mga lalaki. Pumasok ako ng bahay pero laking gulat ko na tila walang tao sa loob at naiwang bukas ang tv.
“Mama? Erin? Nandito na ako!” pagtawag ko sa kanila.
Walang sumasagot. Nilibot ko ang simple, maliit pero up and down na may dalawang kwarto naming bahay, pero hindi ko sila makita.
“Erin? Mama?” pagtawag kong muli sa kanila.
Nasaan kaya sila? Sana naman walang nangyaring masama sa kanila.