Chapter 5: Midnight

2261 Words
WALA sila kahit sa sarili nilang kwarto. Nag-aalala na ako. Nasaan kaya sila? Sinubukan ko silang tawagan sa phone nang biglang… “Surprise!!” Lumabas si Erin at si Mama mula sa loob ng aparador. “Ate Shana!” mabilis na yumakap sa akin si Erin. “It was Erin’s plan,” sambit ni Mama nang nakangiti. “Ayaw pa matulog hanga’t ‘di ka pa dumarating e, kaya naglaro muna kami. Nang makita ka naming bumaba sa isang kotse nagtago na kami.” Napangiti naman ako, “Well nandito na si Ate kaya dapat matulog ka na, a.” “Opo Ate,” sagot ni Erin. “Kumain ka na ba, Anak? Ipinagluto kita ng makakain. Nandiyan pa ba ‘yong naghatid sa’yo?” tanong ni Mama. “Opo, Ma. Nasa bakuran po sila.” “Oh, bakit ‘di mo papasukin? Halika na't bumaba tayo. Nakakahiya na pinaghihintay natin sila,” sambit ni Mama at bumaba kami para ipakilala ko sa kanilang dalawa ni Erin ang mga Franco. “Mama, Erin… Si Zed nga po pala tapos si Ash tsaka si Nix. Mga bago ko pong kaibigan sa school.” “Hello po!” sambit ni Ash at nagmano siya kay Mama. “Good evening po!” sambit naman ni Nix at nagmano rin siya kay Mama. Gano’n din si Zed. “Good evening po, Tita.” Aba! Demons ba talaga silang tatlo? Infairness, marunong ng magandang asal, a. Tsaka, teka? Did Zed called my Mama, tita? Nakakakilig pa rin siya kahit tinakot niya ako kanina. “Good evening din sa inyo. Mukhang mababait ang mga bago mong kaibigan, Shana, a. Pasok kayo mga hijo,” sambit ni Mama sa kanila. Pumasok sila ng bahay at pinaupo namin silang tatlo sa may Sofa. “Salamat sa paghatid kay Shana ko, a. Ang gagwapo niyong tatlo. So sino sa inyong tatlo ang nanliligaw sa anak ko?” tanong sa kanila ni Mama nang nakangiti. Nagulat ako at napasabat, “Hala Ma! Wala po, a!” Ngumiti lang silang tatlo. Nagkatinginan at natawa nang kaunti. “Ma, ano ba? Nakakahiya, friends ko lang sila,” bulong ko kay Mama. Natawa si Mama at pabiro akong sinanggi. “Ay sus, Anak. Sige ikukuha ko muna kayo ng maiinom at makakain.” Umalis si Mama at pumunta ng kusina. Si Mama talaga ang kalog. Nakakahiya tuloy. Kasi naman sumama pa si Nix at Ash, e. Pwede naman na si Zed lang. “Teka, kumakain ba kayo ng pagkain ng tao?” pabulong kong tanong kina Ash. “Oo naman, we are more human than a Demon,” pabulong na sagot ni Ash. “Hello, ano po pangalan mo?” tanong ni Erin kay Nix. “I’m Nix. Bakit gising ka pa?” “Hinintay ko po si Ate, e,” sagot ni Erin. “Ikaw na po ba ang boyfriend ni Ate?” “Erin!” Nagulat ako sa tanong ni Erin kaya’t binuhat ko siya palayo kay Nix dahil sa sobrang hiya. Tapos ay dinala ko siya kay Mama, “Saan mo natutunan ang salitang iyon?” “She must have heard it when I was watching my telenovelas, Anak. Hayaan mo na,” sambit naman ni Mama. Ang kulit talaga ng family ko. Dyahe. Disaster talaga. Bumalik ako sa sala, “pasensya na kayo sa family ko, a.” “Okay lang. Nakakatuwa nga kayong tingnan,” sambit ni Nix nang nakangiti. Ilang saglit pa ay bumalik si Mama sa sala at nagdala siya ng Juice at chocolate cake. Kumain naman silang tatlo na parang mga normal naman na tao.  “Oh siya, maiwan ko muna kayo, a. Papatulugin ko lang si Erin,” sambit ni Mama. “Sige po, Ma. Ako na lang po maghahatid sa kanila palabas mamaya,” sagot ko naman. “Good night po!” sabay-sabay na sambit ng magkakapatid. “Good night, Ate! Bang! Bang!” sambit ni Erin sa akin habang kunwari akong binabaril gamit ang mga kamay niya. “Good night! Bang bang,” sagot ko naman habang ginagaya siya. Idolo rin daw niya kasi si Papa. Kahit ‘di naman niya ito naabutan nang magkaisip siya. Binase na lang niya siguro sa mga kwento namin ni Mama. “Awwe… that’s cute,” nakangising sambit ni Ash. “Tse!” pagsusungit ko naman. “You are cute,” biglang sambit ni Zed. “Uhm…” napaiwas ako ng tingin kay Zed, nahiya kasi ako sa sinabi niya, “Thanks.” “Cute kasi bata!” biglang sambit ni Nix.  “Ang yabang mo talaga!” sagot ko kay Nix at binato ko siya ng unan. Panira talaga ‘tong Nix na ‘to. Kainis! Nasalo niya ang unan at itinabi. “Atleast pogi.” “Ang hangin dito!” sambit ko. “Sino nagsabing pogi ka? Si Viber?” “Sus! Kunwari ka pa. Baka nga crush mo ko e,” pang-aasar pa ni Nix sa akin. “Asa ka pa!” sagot ko at inirapan ko siya. “Stop it, Nix!” Biglang sambit ni Zed. Nagulat ako. I didn’t expect na magsasalita ng gano’n si Zed. Pagkatapos ay nagkatinginan nang masama sina Nix at Zed. “Okay! Let’s break the ice here,” sambit ni Ash. Mabuti na lang at nasa gitna siya. Parang mag-aaway na kasi si Nix at si Zed, e. Pero pinag--aawayan ba nila ako? Or sadyang ‘di lang talaga sila magkasundo? “Shana… magbabantay kami sayo sa labas, ha?” sambit ni Ash at inakbayan niya si Nix at si Zed. “Okay sige,” sagot ko at hinatid ko sila sa labas. “Sasabihin ko sana na mag ingat kayo. Kaya lang baka sila pa mag-ingat sa inyo.” Ngumiti naman si Ash sa sinabi ko, “salamat sa pagkain.” “Wait!” Napahinto silang tatlo sa biglang sambit ni Zed. “He’s here!” “Saan, Zed?” tanong ni Nix at seryoso ang mukha niya. Luminga silang tatlo na parang may hinahanap sa paligid. Hinanap ko rin sa paligid kung sino ang sinasabi nila pero wala naman akong nakita. Ngunit bigla na lang tumuro si Zed sa may itaas ng isang building sa tapat namin. “Rooftop.” It was a silhouette of a man standing at the rooftop of a nearby building. Kinuha ni Zed ang kanyang phone at mabilis na nag-type doon ng message. “I texted Ate to follow us.” “We can’t wait for her. Now is our chance,” sambit ni Ash, tapos ay inutusan niya si Nix, “Nix, now!” Inakbayan ni Nix si Zed at Ash para siguro makapag-teleport sila. Naalala ko kung paano ako nai-teleport ni Nix kaya’t naisip ko ‘yon. Na-curious naman ako kaya’t naisipan kong humawak kay Nix nang makita kong napapalibutan na sila ng itim na usok. Baka sakaling mapasama. Gusto ko rin kasi malaman kung sino ang tinutukoy nila. Nag-teleport si Nix sa rooftop kung nasaan ang lalaki, at napasama nga ako. “Bakit ka sumama?!” galit na tanong ni Nix sa akin. “Sorry.” Binigyan ko siya ng pilit na ngiti at nag-peace sign. “God, damn it!” inis na sambit ni Nix. Isang lalaking balot ng itim na kasuotan at trench coat ang tinutukoy nila kanina. Maging ang ulo niya ay balot ng itim at ang kanyang mukha ay natatakpan ng isang full face opera mask na kulay itim din.   Nakatayo siya sa edge ng rooftop, mga sampung metro ang layo sa amin. Nang makita ng misteryosong lalaki ang aming pagdating, agad niya kaming tinutukan ng baril. Mabilis naman akong itinago ni Zed sa kanyang likod. Sumunod din si Nix at si Ash. Bahagyang itinaas at ibinuka ni Zed ang kanyang mga braso. Pagkatapos ay nag karoon ng force shield sa paligid na kulay pula. Para kaming nasa loob ng umiilaw na bola. Transparent ito ngunit kulay pula. Sinimulan kaming paputukan ng baril ng lalaki. Kakaiba ang kanyang baril, kulay silver ito at nagliliwanag nang kaunti sa tuwing kinakalabit niya ang gatilyo. Nagawa namang i-deflect ng shield ni Zed ang mga bala. “Zed, keep the shield on and I’ll shoot him with my cards. Nix, attack him once he’s busy dodging,” utos ni Ash. “Finally!” Ngumisi si Nix at naglabas ng isang dagger mula sa likod ng kanyang leather jacket. Silver ang blade nito at kulay itim ang hawakan na walang blade guard. Hinawakan ni Ash si Nix sa balikat. “Remember brother, that’s Midnight. Don’t underestimate him.” Midnight? Sino si Midnight? Why is he shooting at us? Gusto kong itanong sa kanila pero alam kong hindi ito ang tamang oras. Kinuha ni Ash ang kanyang mga baraha sa bulsa ng kanyang Jacket. Sa una, ang mga ito ay mga normal na baraha lang. Hangang sa nang hawakan niya ito, tila naging mga matutulis na bagay ang mga baraha. “I can’t hold it any longer guys!” hirap na sambit ni Zed. Sunod-sunod pa rin ang pamamaril ni Midnight sa amin. Umalis si Ash sa likod ni Zed at isa-isa niyang ibinato ang kanyang mga cards kay Midnight. Inilagan naman ito ni Midnight kaya’t napahinto siya sa pagbaril sa amin. Biglang sumulpot sa likod ng kalaban si Nix at sinipa niya si Midnight. Natumba naman si Midnight at napadapa sa sahig. “This is too easy,” payabang ni Nix habang pinapaikot niya ang dagger sa kanyang kamay. Pagkatapos ay akma na niya sanang sasaksakin si Midnight nang biglang… “Aargh!” sigaw ni Nix sa sakit nang siya’y saksakin ni Midnight ng isang cross hilt dagger sa binti.  “Nix!” pagtawag ko at napahawak ako sa aking bibig. Ang bilis, saan nanggaling ‘yong dagger? Hindi ko nakita. Tumayo si Midnight, habang si Nix ay namilipit sa sakit at napahiga sa sahig. Galit na galit naman si Ash na sumugod kay Midnight habang binabato niya ito ng mga matutulis na baraha, “You’re going to die!” Mabilis na nailagan ni Midnight ang mga baraha ni Ash. Muli ay hindi ko napansin ang ginawa ni Midnight, nawala ang kanyang dagger at ito’y naging isang baril. Pagkatapos ay mabilis niyang nabaril si Ash sa kanang balikat. Napasigaw sa sakit si Ash at siya’y napaluhod. “Ash!” sigaw ni Zed nang may pag-aalala. Mabilis na pinuntahan ni Zed si Ash habang ako ay naiwan lang sa aking kinatatayuan. Palapit si Zed sa kanila nang biglang tumakbo si Midnight at tumalon sa edge ng rooftop. Inalalayan ni Zed si Ash at si Nix. They were screaming in pain. Para silang sinusunog na sobra sigurong nahahapdian? “Nix! Ash!” nag-alala kong sambit. Lumapit ako sa kanila para tulungan si Zed. “Nix, can you still make it back to our house?” tanong ni Zed. Nagawa ni Nix na tumango kahit hapding-hapdi na siya sa sakit. Hinawakan ni Nix si Ash at Zed sa kamay. “Shana, umuwi ka muna. Don’t worry, papunta dito si Ate Kat para bantayan ka,” sambit ni Zed sa akin. Sa loob ng isang segundo ay naging itim na usok sila at biglang nawala. Nagmadali akong bumaba ng building gamit ang fire exit sa takot na baka bumalik si Midnight. Malapit na ako sa baba nang makasalubong ko si Ms. Kat at si… “Kuya Dante?!” “Shana?! Anong ginagawa mo rito?” sagot ni Kuya Dante. “Shana, nasaan ang mga kapatid ko?” tanong ni Ms. Kat. “Sugatan si Ash at si Nix, nag-teleport na sila pabalik sa mansyon niyo at nakatakas naman si Midnight,” sagot ko sa kanila. “Damn it!” Inis na sambit ni Ms. Kat.  Bakas din sa mukha niya ang pag-aalala. Lumayo si Ms. Kat sa amin at may tinawagan gamit ang kanyang phone. “Okay ka lang ba Shana?” tanong ni Kuya Dante, “ano’ng nangyari kanina?” “Natatakot ako kuya at nag-aalala kina Nix. W-who was that Midnight? Madali niyang natalo sila Nix gamit lang ang mga armas niya? Bakit gano’n?” takot kong pagtanong. Niyakap ako ni kuya Dante dahil nanginginig pala ang mga kamay ko. “Don’t worry I’m here. You’re safe now.” “Nakausap ko si Zed. They got home safely. Our doctor is treating them now,” sambit ni Ms. Kat. “Let’s get outta here.” Lumabas kami ng building at dumiretso si Ms. Kat sa kotse ni Zed. “I have to be with my brothers. Kaya mo ba’ng bantayan si Shana?” tanong ni Ms.Kat kay Kuya Dante. “Leave it to me. Take care,” sagot naman ni Kuya Dante. Nang makaalis si Ms. Kat, pumasok kami ni Kuya Dante sa bahay. “Ano’ng nangyayari, Kuya? Sino si Midnight, how did he easily defeated Nix and Ash? Will you explain everything to me, please?” pakiusap ko. “Huwag ka mag-alala, Shana. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat ng nangyayari,” sagot ni kuya Dante. “At bakit magkasama kayo ni Ms. Kat?” tanong ko ulit. Ngumiti si Kuya Dante at napakamot sa likod ulo. “Actually, Shana… she’s my girlfriend.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD