NAKATITIG habang nakangiti pa rin si Nix sa akin at hinihintay na abutin ko ang kanyang kamay. Ewan ko, pero parang biglang gumwapo sa paningin ko ang mayabang na ‘to. “Let’s fly ka diyan? Baka teleport! Hindi ka naman marunong lumipad e,” pambabara ko kay Nix. “Hindi man ako marunong lumipad, kaya naman ng puso kong lumipad papunta sa’yo,” sabat niya sabay kindat. “Halika na nga! Corny mo na e,” sagot ko pero ang totoo, talo talaga ako sa mga banat niya. “Huwag tayo masyadong magtagal a, baka ma-late ako ng gising bukas at magtaka si mama.” “Yes, boss,” sagot ni Nix. “Friend, sleep ka lang diyan a, or mag chat kayo ni… alam mo na,” panunukso ko kay Tam sabay tawa nang kaunti. “Hindi, a. Matutulog na ko, friend,” nakangiting sagot ni Tam. “Enjoy kayo. Ingats!” Iniabot ko kay Nix ang

