NAGULAT ako. Nandito si Nix?! Paano niya ako nahanap?! At bakit kaya gusto siyang labanan ni Papa? Ewan ko sa dalawang ‘to. Pero mukhang dehado si Nix dahil mas matangkad nang sobra si Papa sa kanya. Mahihirapan siya. Pero sana naman hindi sila magkasakitan. Muling sunugod ni Nix si Papa gamit ang kanyang dagger. Mabilis si Nix sa pagsaksak at sa paghiwa ngunit naiilagan ni Papa ang mga atake niya. Nagkaroon ng pagkakataon si Papa at sinipa niya si Nix sa dibdib. Napaatras si Nix ngunit muling pumorma sa pagsugod. Normal na tao lang si Papa ngunit paano niya napantayan ang bilis ni Nix? Nakapagtataka rin at hindi nag-te-teleport si Nix. Tapos, mukha pa siyang pagod at hinihingal. “Kaya mo pa?” pang-aasar ni Papa kay Nix. “I’m just warming up!” sagot ni Nix habang nakangisi. Sumugod u

