TILA tumigil ang oras sa puntong ito, kung saan ang bawat pagtibok ng puso ko ay tila gusto nitong lumabas mula sa dibdib ko. Nakatitig si Nix sa akin na para bang kay tagal niya akong hindi nakita. Nadama ko ang unti-unting paggapang ng kanyang mga kamay mula sa braso ko papunta sa aking mga kamay. Tumayo ang mga balahibo ko sa braso na tila sa bawat paghawak niya ay nanghihina ako. Ang kanyang mga mata ay tila sinusundan ang paggalaw ng mga mata ko na parang nangungusap. What is he doing now? “I found you first,” bulong ni Nix. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga at ang mga mata niya ay tila sumasalit ng tingin sa labi ko at sa aking mga mata. Paulit-ulit… dahan-dahan… “B-bakit?” pabulong kong tanong. “I missed you,” bulong niya ulit. Naramadaman ko na parang mas nilalapit niya ang

