HUMINGI ako ng pamunas, tubig, at alcohol sa mga medics na nasa paligid at pinunasan ko si Tam. Inayos ko ang buhok niya at ang kanyang damit. Ilang minuto pa ay dumating si Ms. Clea kasama ang isang matandang babae at lumapit sila sa akin. Mukhang siya ang lola ni Tam, medyo hawig niya, e. Simple lang ang Lola ni Tam, at hindi mo mapagkakamalan na isa siyang witch. Sinalubong ko sila at nagmano ako kay Lola. “Maraming salamat. Ikaw siguro si Shana? Palagi kang ikinukwento sa akin ng aking apo. Totoo nga na isa kang magandang binibini.” “Salamat po,” sagot ko at nginitian ko siya. “Ako nga pala si Lola Misha. Kinagagalak kitang makilala, Shana.” “Ako rin po Lola Misha, masaya po ako na makilala kayo.” Pala-ngiti si Lola Misha at mukha namang mabait. No wonder kung bakit mabait din si

