NAKAYUKO ang lahat. Ramdam ko ang lungkot ng bawat isa sa balitang pagkamatay ni Tita Hera. Ang ibang mga miyembro ng Angeals na kasama namin ay hindi napigilang maiyak. Naiiyak din ako ngunit nag-aalala rin ako kay Tam. Masama ang kutob ko. Sana okay lang siya. Kausap ni Ash si Ms. Clea sa phone habang binebendahan ang kanyang lapnos sa balikat ng aming Medic. Mukhang ayos naman si Ms. Clea at wala siya sa House of Angeals noong nangyari ang pagsalakay ni Midnight. “Everyone!” pagtawag sa aming lahat ni Cara. Lahat naman kami ay tumingin sa kanya. “Alam ko na masakit ang nalaman nating balita. However, we have orders from our commander and we need to comply. Ang mga kasamahan nating sugatan ay nasa mansyon ng mga Franco at kailangan nila tayo!” Nagpunas ng luha ang mga kasamahan nam

