LUMAPIT ako sa bintana habang nakapasan sa akin si Erin para makita kung sino ang tinutukoy ni Tam. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nasa labas. “Si Zed?! Anong ginagawa niya rito?” “Obvious naman, friend. E ‘di nanliligaw! Ganda talaga ng friend ko!” ani Tam sabay sundot sa tagiliran ko. “Shana!” muling pagtawag ni Mama. “Yes, Ma! Pababa na po kami!” “Friend, ano’ng gagawin ko?”tanong ko kay Tam. “E ‘di mag-usap kayo. For sure naman sasabihin niya kung anong pakay niya eh. Wait, I almost forgot..." Inayos ni Tam ang buhok ko at ang damit ko. "Ayan!” Tinapik ako ni Tam sa pisngi, “Cute mo talaga! Go friend!" Iniwan ko si Erin at si Tam sa kwarto ko at bumaba ako para papasukin si Zed. Kinakabahan ako. First time kong tumanggap ng dalaw na may dalang flowers

