SA LAKAS ng tunog ng makina ng kotse ni Ate Kat, hindi ko na mawari kung gaano kabilis ang takbo namin. Kita ko sa rear mirror ang mukha niya na may magkahalong pag-aalala at pagkainis. “Nasaan sila, Ate Kat?” tanong ko. “Sa pier, sa may warehouse kung saan ka tinuruan ni Nix.” Para kaming nakikipagkarera sa bilis ng pagpapatakbo ni Ate Kat ng kanyang kotse. Hindi ko na mabilang kung ilang traffic violation ang nagawa niya. May mga nadadaanan kaming mga traffic enforcer at police ngunit hindi pinapansin ang mga ginagawa niyang violation. Gano’n na lang siguro ka-sikat at kilalang makapangyarihan ang pamilya nila. Not in terms of magic power cause that is a secret, but wealth. Pero ‘di ‘yan pwede sa akin kapag police na ako. Ilang minuto pa ay narating namin ang warehouse sa pier. Dinig

