bc

MY SUGAR DADDY'S

book_age16+
80
FOLLOW
1K
READ
others
pregnant
bitch
supernature earth
poor to rich
prostitute
like
intro-logo
Blurb

Bata palang ako alam ko na Ang mga Gawain Ng mga tao dito sa Aming Lugar Ang maghanap ng mabibiktimang foreigner...

pene-perahan lang nila ang mga ito never nilang sineryoso maa-awa kana lang dahil sa mga foreigner na ini-iyakan at binibigay Ang lahat sumaya lang Ang kanilang Mahal wag lang sila nito iwan...

tila lahat ng kapit bahay ko ay may mga Kano... mapa matanda man o bata basta para sa pera ay gagawin nila ang lahat...

lahat sila ay busy sa kanikanilang lakad upang makipagkita sa mga kano nilang nabibiktima ng fake love....

pinag-nanakawan lang nila ito , minsan panga , nag bi- video call pa at live show Ang mga babae dito para lang padalhan Ng malaking halaga ng pera ng mga kano...

tulad Ng inay ko noon mayroon din itong Kano pero Hindi tulad Ng mga kapit bahay namin na Pati live show pinasok na, kwento sakin ni inay 17 years old siya ng makilala niya Ang tatay Kong italyano, pero imbis na sya Ang manloko tulad Ng mga kapit bahay namin, bumaliktad ito at sya Ang naloko Ng tatay ko nag-sinungaling daw ito sa kanya na Wala itong asawa, nagulat nalang daw siya Ng bigla siyang sinabunutan Ng babaeng nagpakilalang fiance daw nito, kaya tinapos na nya Ang namamagitan sa kanila Ng tatay ko, lumipas Ang tatlong buwan Mula Ng tapusin nya Ang kanilang relasyon , doon nya lang napagtanto na buntis siya Kaya nangako siya sa kanyang sarili na aalagaan ako, kahit walang kinikilalang ama...

chap-preview
Free preview
life's story
ako nga pala si “Tasha de Luca" in short "Sha Sha" nalang, 18 year old, half pilipina at half italyana ang sabi ng aking inay apilyedo ng aking ama ang dala dala ko, kahit na niloko siya at iniwan ng aking ama ay gusto niyang dalhin ko ang apilyedo ng aking ama dahil ako na lamang ang natitirang ala ala ng aking ama... kaming dalawa Ng aking nanay Ang mag-kasama Mula Ng niloko Ng aking ama Ang nanay ko. pero di ako nag-tanim Ng galit dito na kahit Hindi manlang kami nito binalikan, at least nag Iwan sya Ng remembrance at ako iyon dugo at laman. lumaki ako sa hirap at puno Ng kaguluhan ang Lugar na Aming tinitirhan ng aking inay , dahil sa mga kapit bahay naming mga manloloko Ng mga kano,. Maliit na sari sari store lang Ang Aming pinag-kukuhanan Ng pera para mabuhay sa pang Araw araw naming pagkain at gastusin simula Ng nag aral ako, dito ko narin kinuha Ang mga baon ko at pang project ko sa school sa pang Araw araw na pasok ko. minsan Nga Hindi na ko kumukuha Ng baon dahil kada baon ko ini-ipon ko para may reserba ako kapag kinukulang Ang baon ko,. last year ko na ngayon sa school, at graduation na namin next month. lumabas ako para bumili Ng ulam namin ni inay, pero agad na sumalubong sa akin Ang kaibigan ko na palagi nalang nangungulit saakin. "huy, besh kaylan mo balak maghanap?" - tanong saakin Ng kaibigan Kong si Trina. kaagad ko Naman naintindihan Ang sinasabi nito dahil palagi nalang syang tanong Ng tanong kung Kaylan ko balak maghanap ng Kano... sya lang Ang kaibigan ko dito sa aming Lugar dahil naiingit Ang mga kapit bahay namin saakin dahil ako lang Ang may lahi, hehe, kung senersoyo Ng mga ninuno nila Ang mga kanong niloko Ng mga ito edi sana katulad ko din silang may mga lahi, edi sana masaya kaming lahat, hehe "nako!, nako!, nako!, nako!, ka naman Trina my besh"!, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na mag-aaral ako at magta-trabaho, ayaw kong humanap Ng Kano, uulitin ko ha, mag aaral ako at magta-trabaho ayaw kong humanap Ng kanong sinasabi mo!",.. paulit- ulit na sagot ko sa kaibigan ko "bakit?, ayaw mong matulad sa nanay mo na niloko?"- sagot nito sa akin. kaagad Naman akong nalungkot sa mga sinabi nito Hindi dahil niloko Ng tatay ko Ang nanay ko kundi kaylanman ay di ko nasilayan ang mukha ng aking ama simula Ng nabuhay ako sa mundong ito.... "alam mo ito Ang sagot sa kahirapan natin!". - dagdag pa nito. alam mo magta-trabaho nalang ako kaysa manloko Ng mga inosenteng mga Kano na gusto lang naman nila ay makahanap Ng matinong babae!". - sagot ko dito at nag lakad na papalayo dahil ayoko Ng humaba pa Ang usapan namin. papunta ako sa talipapa para mamili Ng uulamin namin ni mama kahit dalawang pirasong tilapya lang dahil dalawa lang naman kami Ng nanay ko Ang kakain... nakarating ako agad sa talipapa dahil malapit lang naman iyon papasok na Sana ako sa fish section Ng may narinig akong bulungan Mula sa likuran ko... "huy, behh alam mo ba, Yung nanay Ng babaeng iyan ay kabit naalala mo Yung kinuwento ni aling Brenda nung nakaraan, Ang nanay daw Niya noon ay nang agaw Ng asawa Ng italyana, Kaya ganyan Ang itsura Niya, feeling maganda porket may lahi!" pwee". - rinig kong bulungan ng mga tindera sa likod ko pero Hindi ko ito pinansin o nilingon man lang, nag dire-diretsyo akong pumunta sa mga tilapya, "ahh, manong mag Kano ho kilo Ng tilapya?". "isang daan lang ineng";. "pabili po Ng dalawang Malaki manong"; papili nalang Po Ng mas maganda",.. - wika ko sa tinderong manong. pumili na si manong Ng maganda at masmalaki na tilapya at nilinisan ito. "ohh, ito na ineng sixty tree, pero dahil maganda ka sixty pesos nalang";. -wika nito at napangiti na lamang ako. iaabot Kona sana Ang bayad ko Ng bigla itong pinengot Ng matandang babae sa Tenga. "ikaw matanda ka, Ang tanda tanda Mona humahanap kapa Ng chix diyan at nang bobola kapa, Hindi mo nalang atupagin Ang pag-bebenta mo diyan Ng makarami tayo at makaubos Na Ng paninda pinalulugi mo pa Ang nigosyo natin". - rinig kong sambit Ng ale at tsaka binitawan Ang tainga Ni manong,. natatawa ako sa mga ito, parang mga teenagers kung mag away di katulad Ng mga kapit bahay namin na nag babasagan Ng ulo Hanggang sa mamatay Ang kanilang kaaway, agad ko namang inabot Ang bayad ko at kinuha Ang tilapya at hinintay Ang sukli ko sa isang daan, 'balik ka ineng, ha. - sambit ni manong saakin habang inaabot ko Ang sukli ko at kinindatan pa ako, Kaya mabilis na akong umalis baka pingutin ulit siya nung ale pero Hindi nga ako nag kakamali piningot nga ulit ito at sinigaw sigawan pa ito.... pag kauwi ko pinirito ko Ang dalawang malaking tilapya at Gumawa Ng sawsawan nag-hiwa ako Ng kamatis at kalamansi at inilagay ito sa mangkok at nilagyan ko ito Ng toyo eto lang palagi Ang ginagawa ko pag prito Ang Aming ulam dahil masarap itong ipag partner.... matapos Kong mag prito at mag saing nag hain na Ako at inayos ko Ang mga Plato at baso nag sandok nadin ako Ng kanin para makakain na. "Naaaaaay, halika na rito kumain kana. - tawag ko Kay mama". "wait lang anak may ginagawa pako Mauna kanang kumain sandali lang ito". - wika nito mula sa loob mg kwarto... nauna na akong kumain at natulog tinakpan ko nalang ang hinain ko sa lamesa para Kay inay. kinabukasan maagang akong nagising ,mabilis akong nag-sipilyo at naligo, naisipan ko kasing maghanap ng trabaho para naman mas-malaki pa Ang income namin ni inay, para Hindi na mag pagod Ang aking inay para mamili at magbuhat ng aming paninda at magbantay sa tindahan maghapon... inasikaso ko Ang lahat Ng mga requirements ko para makahanap ako Ng trabaho, habang Wala pa akong pasok sa school, dahil tuwing sabado at linggo Ang aming practice para sa graduation,. next month pa naman Ang graduation Kaya mag working student Muna ako, may mga Ilan naman na pwede Ang working student, Kaya inasikaso ko na Ang aking mga dadalhin na requirements... "maaa, aalis na Po ako"... pagpapaalam ko "San ka naman pupunta anak?"... tanong ni inay sa akin... "inay, maghahanap Po sana ako Ng trabaho para makatulong ako sa mga gastusin Po natin dito sa bahay"... wika ko at binigyan ito ng mahigpit na yakap... "ehh, paano Naman Yung pag aaral mo anak?....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook