?50? [KASALUKUYAN] Naghintay si Jane at halos hindi na makatulog. Masakit na din ang mga paa niya. Halos isang araw na ang lumipas ni anino ng kanyang ina ay hindi man lang niya nakita. Nasa labas siya ng kanilang tahanan bandang umaga nang matanaw ang ina. Agaran siyang tumayo at sinalubong ito ng may pag-aalala. Tila iba yata ang kasuotan nito sa nakagawian. Naglabasan na rin ang kanilang nasasakupan at pumalibot sa kanila. "Sumunod ka sakin, Jane... " wala naman siyang nagawa kundi sundan ito sa loob ng kanilang silid. Nakatalikod ito sa kanya habang nagsasalita. "Sabihin mo sakin ang totoo. Nagkita ba kayo ng iyong ama?" parang umurong ang kanyang dila sa tanong ng ina. "Sumagot ka kapag tinatanong kita!" dumampot ito ng tasa at binasag iyon sa sahig. Hindi alintana ang ilang

