bc

ENCHANTING YOU

book_age18+
11
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
powerful
royalty/noble
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
straight
another world
passionate
like
intro-logo
Blurb

Isang istorya na umiikot sa magkaibang mundo. Pagdating sa pag-ibig, sasalubungin mo ang lahat maisakatuparan lang ito kahit pa kapalit nito ay kabiguan at posibilidad na masaktan.

chap-preview
Free preview
KABANATA UNO - ANG SIMULA
Lagi akong may napapanaginipang lalaki mula pa noong limang-taong gulang pa lang ako. Sa umpisa, Wala itong mukha. Tinatawag ko siyang kuya kasi mas malaki siyang di hamak sa'kin. Ang bait ni kuya sa akin. Ipinapasyal niya ako sa napakagandang lugar. Alam n'yo yung parang kastilyo na maraming kawal, pagkain, magagandang damit, pasyalan at mababait na tao. Kaya nga gustung-gusto kong natutulog, basta may bakanteng oras, natutulog ako. Naging tuluy-tuloy yun hanggang sa naging kinse anyos ako. Maraming nanliligaw sa akin kahit na sa tingin ko hindi pa ako puwede sa mga ganung bagay. Pero alam ko sa sarili ko na parang may hinihintay ako bukod sa kanila. Sa huling panaginip ko, Espesyal dahil kaming dalawa lang ni kuya ang nasa maliit na hapagkainan. May ibinigay itong kuwintas sa akin. Isinayaw ako nito at tinitigan sa mga mata. At unang beses na sinabihan ako nito kung gaano ako kaganda. "Sana, magkita pa tayo muli... " sabi nito na may malungkot na ngiti sa labi. "Oo naman. Lagi kaya akong natutulog, makita ka lang... " hindi ko na alam kung tama pa ba ang nasasabi ko. "Bakit nga ba gusto mo akong nakikita?" "Dahil... Kuya kita?" halos hindi lumabas sa labi ko ang mga salitang yun. Bakit parang napakasakit nun para sakin? "Ah, ganun ba? Sana lang, ingatan mo yang kuwintas. Sa susunod na magkita tayo, may sasabihin ako sa'yo... " "Bakit hindi na lang ngayon?" hinawakan nito ang bandang ulo ko at inayus-ayos ang aking buhok. Ngumiti ito sa akin. Parang may kaba akong nararamdaman. Nagising ako sa panaginip na yun. At sa sumunod na mga pagtulog ko. Hindi ko na nasilayan si kuya. Sira na ang kanilang kastilyo. Hinanap ko siya mula sa mga natitirang tao roon ngunit wala silang maisagot sa akin. Umiyak ako nang umiyak. Bakit biglaan naman yata? Paano na ang mga sasabihin nito sakin? Paano na... ang pagmamahal ko sa kanya kahit na alam kong... magkaiba kami ng pinagmulang mundo? Kuya, Makikita pa ba kita? * Aaminin kong naging malaki ang epekto nang pagkawala ni kuya sa buhay ko. Bigla akong nawalan nang sigla. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak na lang lalo na kapag natutulog ako. Oo nga at nadadalaw ko pa ang mga lugar at iilang tao roon ngunit ang tanging hinahanap ko ay naglaho na. Walang pasabi. Walang pamamaalam. Naisip ko tuloy, siguro ako lang ang labis na nagpapahalaga . Siguro, kalabisan at kabaliwan lang ang paniniwala ko na talagang nag-eexist ang mga ala-ala namin sa kulungan ng sarili kong panaginip. Natuto nga akong magmahal ngunit ang katotohanan na kahit sa tunay na mundo ko ay hindi ko siya makikita o mahahawakan man lang. Ayaw namang magsalita ang mga dati nilang kawal, mga katiwala at kaibigan doon. Paanong nangyaring nagiba ang kastilyo? At ang ilan sa pasyalan namin ay wala na rin? Babalik pa ba siya? Wala na ba siya? Ano? Kailangan bang malungkot ako nang sobra... Hanggang kailan ako iiyak sa paglaho niya? Kaya naman... Kahit mahirap... Sinubukan kong kalimutan ang lahat ng patungkol sa kanya dahil hindi naman totoo ang lahat. Ang panaginip... Ang pagkakaibigan... Ang bawat ngiti niya sa balintataw ko na naglalaho bawat taon na dumaraan. Nang sumapit ako ng 19 anyos ay may ipinagkasundonglalaki sa akin ang aking mga magulang. Siguro, kahit hindi ko gusto ang lalaking ito Makakatulong siya upang makalimutan ko na si Roi. Siguro, ito ang kailangan ko. Sa isang buwan ay itatakda na ang aking kasal. Isang gabing napakalamig. Nakaupo ako malapit sa terasa at tanaw ang malaki at maliwanag na buwan. Hinawakan ko ang mahiwagang kuwintas na nasa aking leeg at nagpasyang tanggalin na yun ngunit hindi ko pa man nagagawa ay may kamay na humawak din sa mga kamay ko na nasa likod ng aking leeg. Malamig ang mga yun. Agad akong napatayo sa pagkagulat at paharap na binigyan ng tingin ang taong iyon. "Kumusta ka na?" Para akong nabingi. Parang naglalaho lahat ng pandama ko. Hindi ko mapigilan ang pag-aalpasan ng mga luha ko. Ang mukhang yun. Ang tindig na yun. Ang amoy ng taong ito. Ang lahat-lahat... kilalang-kilala ko. "K-kuya?... " Kahit galit na galit ako kay kuya Roi. Kahit na gusto kong maramdaman niyang naiinis ako sa kanya... Hindi ko napigilang ipakita ang pangungulila ko sa kanya. Nanginginig na humakbang ako... Parang naninigas ang mga kamay ko na pilit inaabot ang guwapo niyang mukha. Pasinghap na nahawakan ng dalawang palad ko ang magkabila niyang pisngi. Ang liit ko pa rin talaga. "T-totoo ka ba, ha?" basag na basag ang aking boses. Pakiramdam ko ang pangit ko dahil naghahalo na ang luha at sipon ko. Hindi ako nakahuma nang bigla niya akong hilahin at yakapin. "Hindi mo alam ang pinagdaanan ko, makasama ka lang... " bulong nito sa aking tainga. "Hindi ka totoo e... " mangiyak-ngiyak na sabi ko habang mahigpit na yakap niya ako. Ayokong pumikit kahit isang saglit... Natatakot akong mawala siya ulit. "Nandito na nga ako, diba? Sherri... " "Galit ako sa'yo... galit ako sa'yo... " "Alam ko." Parang balewala lang sa kanya ang nararamdaman ko. Apat na taon. Apat na dumaang taon na nakaya niyang hindi magpakita sa'kin! "Ayos lang na magalit ka sa'kin. Bugbugin mo 'ko, ayos lang. Alam kong nalungkot ka nang sobra. Pasensiya na... " hanggang ngayon napakalamig pa rin ng boses niya. "Ganun na lang ba yun? Magpapakita ka na parang wala lang tapos... iiwan mo ko ulit?" "... sinong may sabing iiwan kita?" "Hindi nga ba?" dahil sa tanong na yun ay marahan niya akong inilayo sa kanya at binigyan nang titig na parang nababakasan nang pagmamahal. O... mali lang ako? Mali na naman ako. "Hindi ko akalain na may mas gaganda pa sa buwan... " akoba ang tinutukoy ni kuya Roi? "Anong sinasabi mo diyan... " iniba ko ang direksyon ng mga mata ko. Nakakahiya.Baka yung puno lang sa gawing likod ko ang tinutukoy niya dahil hitik yun sa bunga. "Ikaw ang tinutukoy ko... " nais kong matawa o sumayaw sa sobrang kilig. "Hindi kaya... " panakaw na sinulyapan ko siya. Nagniningning ang mga mata niya. At ang biloy sa kaliwang pisngi ay parang mas lumalalim sa sinag ng buwan na tumatama roon. "Totoo. Sa apat na taon na yun... lagi kang dumadaan sa isip ko... " Puwede ba akong himatayin ngayon na? "Bakit?" Bigla kong naitanong. Gusto kong malaman kong may pagtingin nga ba siyasa akin. "Bakit? Bakit... g-gusto kita?" Sa isang iglap parang nalaglag ang puso ko sa kung saan. Gusto ako ni kuya? "Gusto ko... ang lahat sayo. G-gusto kitang hawakan. Gusto kitang ariin at alagaan... M-mahal kita... " Hindi ko akalain na iiyak siya sa harap ko. Kuya... ang saya-saya ko. * "KUNG ganun, maaari na na ba kitang tawaging Roi?" Inilapit nito ang mukha sa akin saka ako binigyang nang napakagandang ngiti. Ang ngiti na hindi ko na makakalimutan kailanman. "Dati pa... Hinihintay kong tawagin mo ako sa aking pangalan" Bakit ba nagiging pilyo ang isang ito. Saan ba kasi ito napadpad sa apat na taon na yun? Gusto ko sanang itanong. Ilang minuto ang lumipas at magkatabi kaming naupo at tinatanaw ang kalangitan. "Nasaan ka ba at bakit hindi na kita nahanap sa lugar ninyo?" Ito talaga ang pinakaninanais kong malaman. "Sherri, mahal mo rin ba ako?" Oo naman. Sobra. "Ikaw lang naman ang minahal ko mula noon. Ewan ko lang kung matagal mo nang alam yun... " Wala nang hiyaan. Narito na ang pagkakataon ko. "Salamat naman." Nilingon ko ito saka muling nagtanong. "Matagal mo na bang alam?" Tumango lang ito nang bahagya. "P-pero Roi... ikakasal na ako sa isang buwan" kailangan kong maging tapat sa kanya. Ibinaba nito ang paningin at saka ako nilingon. Ayokong nakikitang malungkot ang asul nitong mga mata. "Mahal mo rin ba siya?" napakahina ng boses nito. "Alam mong ikaw ang mahal ko kahit na sinaktan mo ko dahil iniwan mo lang ako nang basta... " Hinawakan nito ang aking kamay saka inilapit sa dibdib nito. Mahigpit ang pagkakahawak habang nakapikit ito. "Kung magiging makasarili ako, alam kong hindi mo na makakasama ang mga magulang mo. At ayokong gawin yun sa babaeng mahal ko. Mahal na mahal kita. Kaya, maaari bang pabaunan kita ng halik man lang?" "Anong ibig mong sabihin? Aalis ka na naman ba?" Kung ganun, sasama na ako sayo, Roi. Hindi ako nakahuma nang marahan ako nitong gawaran ng halik sa labi. Ito yung pinakahinihintay ko. Ang pagmamahal niya. Kapag idinilat ko ba ang mga mata ko, naririto ka pa rin, Roi? * Gusto kong namnamin ang pagkakataong malapit ka sa akin, Roi. Ang halik na ito, hindi ko akalain na mangyayari. Kapag kasama kita, parang lagi akong nasa ligtas na lugar. Dito ka na lang, Roi a... Hindi mo ako maaaring iwan uli. "Tandaan mo na mahal na mahal kita. Ikaw ang buhay ko. Ikaw lang... " Kung ganun, Bakit iba ang kasama ko ngayon. Roi? Si Carl itong nasa tabi ko. Nasaan ka na? Panaginip ba yung kagabi? "O, gising ka na pala!" ani ni Carl. Hindi ba kinikilabutan ang isang to at natulog pa sa tabi ko? "Bakit ka natulog sa tabi ko?!" mabilis akong bumangon at idinistansya ang sarili rito. Nagpipigil itong ngumisi o kaya ngumiti. "Mukha ka kasing binabangungot kagabi at saka... Sino ba si Roi?" Ano bang pake nito? "Wala. WALA. Umalis ka nga rito!" "Fine. FINE. Pasasaan ba at magiging asawa na kita... " Hindi. Si Roi lang ang kailangan ko. Si Roi lang ang para sa akin. Sinaktan na naman niya ako. Roi, bakit? Ano ba talagang gusto mong palabasin Roi? Hanggang ngayon ba, gusto mo akong paglaruan? Paulit-ulit, ulit, ulit mong saktan! Pag-aantayin nang matagal o kaya naman... Wala talagang aantayin. Napapagod din ako, Roi na masaktan. Sinabi mo ngang mahal mo ako ngunit alin doon ngayon ang panghahawakan ko? Bakit, hindi mo na lang ako isinama? Maiintindihan naman nina mama e. Sa'yo ako masaya... Sa'yo ko natagpuan ang kalahati ng buhay ko. Sana naman... Bumalik ka sa akin. Kahit wala ng kastilyo. Makasama lang kita. Iniibig mo ba talaga ako o dahil lang yun sa pagkakasama natin sa panaginip mula nang bata ako? Na parang obligasyon mo ako kahit papaano... Kahit sinasaktan mo ako... Dito sa puso ko. Sa'yo ko pa rin nanaising umuwi. Roi... Maaari bang sa'yo na lang ako ikasal? Makakaya mo bang matali ako sa taong hindi ko ninanais? Kaya kong tiisin ang pagdurugo ng damdamin ko masilayan at mayakap lang kita ulit. Hindi ganito na hindi ko alam kung may hihintayin pa ako... Kung may Roi ba talaga... O nakatakda talaga akong masaktan dahil walang totoo sa lahat ng ito kundi ang pagmamahal ko sayo. Roi, Ipangako mo na babalikan mo ako. Ipangako mo naman sana... *** "AY Naku, Friend! Ano bang nangyayari sa'yo at puro black-eye este eyebags 'yang mga mata mo! Dapat hindi ka haggard dahil malapit ka ng ikasal!" HAY, Jen-jen. "Wala akong pakialam! Basta mag-iinom lang tayo rito sa bar!" kasama ko ang aking maingay na kaibigan. Lapitin ito ng boys kesa sa akin. Malakas ang romance radar nito. "Huwag mong sabihin na may kinalaman na naman yan dun sa lalaki sa panaginip mo. Naku, tigil-tigilan mo na yan a, baka hindi mo lang sinasabi, nag-i-MJ ka na pala niyan!" Pinanlakihan ko lang ito ng mga mata. "Sana nga naka-MJ na lang ako para may dahilan na nababaliw lang talaga ako." mga isang linggo na lang ang tatakbuhin bago ang nalalapit na kasal namin ni Carl. Gusto kong umatras. Pero para saan pa? Yung lalaki na yun, wala namang pakialam e! Wala. Kaya iinom na lang ako... At baka hindi na ako magising sa mundong ito at maawa siya at magpakita na sa'kin... Inom lang. SAYAW. Iyak dahil sa kalasingan. Hilung-hilo na ako. Hindi ko na alam kung mga tao pa ba ang kasama ko sa maingay na bar na yun o mga alien na na kinukuha na ako. Iyak lang. Sigaw. Ngawa. Hanggang sa naramdaman ko na lang na naubusan na ako ng malay. Hype ka Roi. Ubos na lahat ng katinuan at alak, mahal pa rin kita. HINAHANAP pa rin kita. Saang lupalop ka na ba naro'n? Lumipat ka na ba sa ere? "Sherri?" Sino ba tong nag-iingay na 'to? "Ingay-ingay!" Inis na nakapikit na bulyaw ko. "Lasing ka ba dahil sa'kin?" ano daw? "S-shino ka ba, ha?" ang sakit ng ulo ko sino ba ang napakaingay na to. "E di ang mahal mo... " "Weh? Wala naman akong mahal kung di s-sharili ko a!" ewan ko ba at sinasagot ko rin ang boses nito. "Talaga? E yung Carl, mahal mo diba?" "H-hindi no! Mukha nun, ang layo kay Roi! Ang layo-layo! Ang layo ng isang yun pinagtataguan ako!" parang bata ako na nagngangawa habang nakapikit pa rin. "E di, namimiss mo siya?" "Namimiss ko siya... Sobra... " Kahit mabigat ang talukap ng mga mata ko ay idinilat ko yun. Malabong pigura na nakaupo malapit sa hinihigaan ko. Ang naaaninag ko lang ay nakangiti ito. Nakailang kurap pa ako bago naging malinaw ang aking paningin. "Roi?" rumagasa ang ibat ibang emosyon sa puso ko. Tumayo si Roi at agad akong binuhat. "Masaya ako at naririto ka sa piling ko, Sherri... " Kahit wala akong lakas pinilit kong pagmasdan nang malapitan ang kanyang mukha. Ang aking si Roi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
486.0K
bc

A Night With My Professor

read
533.9K
bc

THE FAT SECRETARY

read
168.0K
bc

Driver Sweet Lover - SPG

read
233.8K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.4M
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook