KABANATA DOS

1825 Words
"S-saan mo ako dadalhin?" Mahina siyang tumawa. Kung hindi ito sasagot ngayon, kakalas ako sa pagkakabuhat nito sa akin. "Saan ba sa tingin mo?" "Aba, malay ko! Hindi pa naman ako manghuhula! Tch!" kakalas na sana ako para malaglag na rin ngunit binantaan ako ng loko. "Huwag mo na subukang bumitaw, hihigpitan ko ang pagkakakapit sa'yo," andiyan na naman yung mga nakakakilig na mga salita niya. PAASA. Pero, ang bango pa rin talaga ng isang to. Walang pinagbago. Amoy zonrox. Joke. "Talaga lang, ha? Huh, iiwanan mo na naman ako e kaya mas mabuti nang bumitaw at magising diba? W-wala namang patutunguhan ang kabaliwan ko na to. Sa umpisa pa lang... " "Tama na... " may halong inis ang boses ni Roi. E di mainis siya! Natanto ko na lang na pumasok kami sa isang silid at marahan niya akong inilagak sa asul na higaan. "A-ano bang pinaplano mo?" Hindi ako makatingin sa kanya nang sabihin ko yun. "Alam mo na yun... " Ano?! Baliw ba siya? "Ano nga?!" pinanlisikan ko siya ng maliliit kong mga mata. "Hahaha. Ako ba ang dahilan bakit maitim ang ilalim ng mga mata mo?" Ngiting-ngiti ito. Nakakangalit. "Dapat ba ikaw lagi ang dahilan?!" dahil sa tanong na yun ay biglang nag-iba ang awra ng mukha nito. Parang tumigas sa tama ng maliit na lampshade sa gilid. Umupo ito sa kama at kinuha ang kanang kamay ko. "Oo... Dapat ako lang ang dahilan. Patawad at pinaiyak na naman kita... " "Ganiyan ka naman e. Mahilig kang manakit. Mahilig kang mang-iwan. Mahilig kang magpaasa." Hinawi nito ang buhok na tumatabon sa buo kong mukha. "Patawad na... " Tch. "Anong gagawin ko ngayon para mapatawad mo 'ko... " ... "Pakasalan mo ko... " Natahimik si Roi. Nagkatitigan kami at napakabilis ng mga naganap na sandali sa pagitan naming dalawa. Wala na akong mahihiling pa. Si Roi at ako... naging isa. *** Ang sarap sa pakiramdam na heto ako ngayon sa tabi ng lalaking mahal ko. Nakakatuwa ang bawat pintig na naririnig ko mula sa dibdib niya. Sana, ganito na lang lagi. Siya at ako lang. Walang magkaibang mundo. Walang ilusyon. Walang tadhana na maglalayo sa amin. "Gaano mo ako kamahal, Roi?" Ito talaga ang gusto kong malaman. Kung tayo, bilang tao, nasusukat ba talaga ang pagtatangi sa mga mahal natin. "Hindi ko 'yan sasagutin... " "Bakit naman?" iniangat ko ang paningin dito. "Kapag sinagot ko 'yan, ibig sabihin, may hangganan ang 'mahal na mahal kita' sapat nang alam mo yun. Mawala man ako o mawalay ka man sa akin, gusto ko na yun ang maramdaman mo." eh? Hindi ko siya maintindihan. Naisaayos na pala ang kastilyo nila tulad nang dati. Ipinilit pala siyang ipakasal dati kaya nagkaroon ng digmaan. Iniiwas niya lang ako sa mga ganun kaya apat na taon na hindi ko siya nakita. Ayaw niyang madamay ako dahil maaaring hindi na ako makabalik sa mundo ko. Sabi niya, nahirapan daw siya sa mga taon na hindi niya ako malapitan sa tuwing nasa panaginip ako. Nananatiling nakatingin si Roi mula sa malayo. Sa lumipas na oras sa lugar na ito Gabi-gabi ang pagdiriwang. Araw-araw ang kasiyahan ko. Hiniling ko kay Roi na dito na lang ako. Ngunit hindi niya ako sinasagot. Ano bang mali kung siya ang piliin ko? Hindi si Carl. "Alam mong isa akong engkanto. Kung nanaisin ko, kung magiging gahaman ako, hindi ka na kailanman masisilayan ng iyong pamilya. Subalit, ayokong magpalungkot ng mga taong walang anumang kasalanan sa akin lalo na ang mga nagmamahal sayo. Naiintindihan mo ba?" nakaupo kami sa damuhan na malapit sa lawa na may mga talutot ng mga bulaklak sa tubig nun. Umuulap ang mga mata ko. Nagbabadya ng pagluha. Tama. Siguro, ako lang ang makasarili, Roi. Masama akong tao dahil ikaw lang ang pinakahinahangad ko. Sana, hindi na lang ako natutong magmahal. Kung sana'y maaari ang 'tayo' sa magkaiba nating dimensyon. *** Itinakda ang kasal namin ni Roi gaya nang hiniling ko sa kanya. Naroon lahat ng kapamilya niya. Naramdaman ko ang pagtanggap nila. At wala nang mas sasaya pa roon. Natatawa ako dahil akala ko magkaiba ang kasalan ng mga tao at ng sa engkanto. Lalakad ka pa rin pala sa aisle - lumulutang nga lang yun. At ang mga bulaklak, ang babango at sumasayaw at lumulutang din sa ere. Ang buhok ko naman ay mga mga nakapalibot na pink na bulaklak sa uluhan. Imbes na lalaki ay ang ina nito ang naghatid sa akin sa matatawag na altar nila. Gusto kong umiyak dahil nararamdaman kong masaya ang lahat. Naaalala ko pa noon... Sa unang pagkakataong nakandaupang palad ko si Roi. Nahulog ako mula sa kung saan at ito ang nakasalo sa akin. Nabalian nga yata siya nang panahon na yun. "Bata, sino ka? Bakit ka nandito?" hindi naman siya galit pero puno nang pagtataka ang tono ng boses niya. "Sino ka rin kuya? Si Goku ka ba?" Napa- Ha lang ito. Hindi niya kilala si Goku, " Si Inuyasha?" mas lalong kumunot ang noo nito. Naaalala ko rin na inusisa siya ng mga tao sa loob ng palasyo kung bakit naroon ang isang tulad ko. Kailangan na raw niya akong isauli sa lugar ko. Ngunit humiling ako na manatili muna roon ng kalahating araw. Ang ganda kasi ng lugar nila Gusto ko sanang makipaglaro doon sa ibang mga bata ngunit yung iba pinanlilisikan lang ako ng mata. Nakakatakot. "Kuya, nakakatakot naman sila. Bakit parang galit sila sa akin... At bakit ganun ang tainga nila? Maninipis at mahahaba... Ang iyo, kulay rosas, bakit ganyan? May sakit ka ba?" karga-karga ako nito sa likod. Sabi ko kasi rito wala akong kapatid na lalaki na gagawa nun para sa akin. Bigla itong napahalakhak sa tanong ko. Totoo naman e, Iba ang hitsura nila sa mga nakasanayan ko. Sa mga taon na nagkakatagpo kami... Siya ang kauna-unahang nagbigay ng bulaklak sa akin sa edad na dose-anyos, kaarawan ko nun. Dapat doon pa lang, natanto ko na ang pahiwatig na yun. Yung pag-iiba ng emosyon niya tuwing kinukuwento ko na may mga umaali-aligid sa akin na mga sipuning lalaki. Crush raw ako bla bla bla. "Ikaw, kuya, sino dito ang crush mo?" "Anong crush?" "Kuh, parang hindi mo alam, kayong mga engkanto, matatalino... Sino na nga?" suot ko sa oanahong yun ang puting bestida at pinaiklian ni mama ang buhok ko baka raw kasi kotohin na naman ako. Maraming NPA daw kasi ang bigla na lang nasulpot. Tumigil ang kabayong pinapaandar niya. Siya kasi ang nasa likod ko at nagpapandar nun, regalo niya sa akin ang pagkakasakay ko doon. "May crush ako pero hindi niya ako magiging crush... " parang may pag-aalinlangan yung boses niya at napakahina rin. "Bakit naman? Gwapo ka naman... Yung mga babae rito, baliw na baliw nga e. Haha." Totoo yun. Lahat yata ng mga babae. "Parang hindi naman ako gwapo e, yung crush ko hindi naman ako crush... " Kuh. Itinatanggi pa. Kung dadalhin ko siya sa mundo namin sigurado, artista agad to. Sa totoo lang ang daming clue dati e engot lang talaga ako. Pero heto na nga... Ang pinakamamahal ko, nag-aantay sa akin. Malawak ang ngiti. Mas naging asul ngayon ang mga mata niya. Nakasuot ito ng pulang damit na pamprinsipe. Halu-halo ang kaba ko at saya. Sa wakas iniabot na ng ina nito ang kamay ko kay Roi. Mahigpit ang pagkakahawak namin sa palad ng bawat isa na parang wala nang katapusan na darating. Hinalikan nito ang aking noo nang napakatagal kaya napapikit ako, ninanamnam ang sandali. Salamat at tinupad mo ang pangako mo sa akin Roi. **** Pagkatapos ng kasal namin ay kinausap ako ni Roi. Nakatalikod siya sa akin, nakalagay ang isang kamay sa bulsa ng itim na pantalon at ang isa naman ay nakasandal sa isang kahoy na naglalaglag ng mga dahon tulad ng cherryblossom, yun nga lang, violet ang kulay ng mga yun. Patakbo akong pumunta sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Naririnig ko ang pagbubuntung-hininga niya. "Sherri, masama ba ako dahil minahal kita?" bakit niya naiisip yun? "Hindi. Bakit?" "Para kasing napakasama ko dahil pilit kong pinagdudugtong ang bagay na ipinagbabawal. Wala ka bang balak bumalik sa inyo?" "Wala... " humigpit ang pagkakayapos ko. Ang naiisip ko lang, mahal ko siya at yun ang mahalaga. Sabi nila, kapag umibig ka, maaari mong talikuran ang lahat. At yun ang nangyayari sa akin. "Siguro, galit sa akin ngayon ang mga magulang mo, ang pamilya mo. Hindi mo ba alam na hinahanap ka na nila? Umaasa sila na babalik ka pa... " Maging gahaman ka naman para sa akin, Roi! Hindi ba ang pinakaimportante ang kasiyahan ng isang nilalang? Yun na ang sinusunod ko. "Mahal kita pero mas may mga higit na nagmamahal sayo. Masaya ako, Sherri pero malungkot na malungkot din." Tama na, Roi! Ang sabihin mo, hindi mo ako ganun kamahal at katanggap! Siguro, may napupusuan kang iba! Ayaw mo talaga sa akin dahil tinutulak mo ako palayo! E sa dito ko gusto e! Maiintindihan naman nina mama e. Wala ring kuwenta kung makabalik ako roon dahil maiiwan ang buong sarili ko rito. Para akong magiging buhay na patay. "R-Roi, wag mo naman na akong pahirapan nang ganito. Ang gusto ko lang, kasama ka. Ayaw mo bang makasama ako habampanahun?" HINAWAKAN Ni Roi ang mga kamay ko na nakapulupot sa kanyang beywang at kinalas yun. Gulat na iniangat ko ang paningin sa kanya. Nalaglag ang mga luha ko nang unti-unting nag-iiba ang lugar kung saan ako naroon. Naramdaman ko ang aking pagkatumba. Biglang nanakit ang ulo ko at hindi ko mapigilang mapapikit at mapasigaw sa sobrang sakit. "Kalimutan mo na ako... " boses ni Roi. Hindi. Hindi ko magagawa yun. Tuluyan akong nilamon ng dilim. Roi, ikaw ang lahat-lahat sa akin. H-huwag mong gawin sa akin ito. Sa piling mo lang ako mabubuhay. Sana'y tandaan mo. *** "Mahal, gumising ka. Masyado ba kitang napagod?" unti-unti kong idinilat ang mga mata at mukha ni Roi na nakadukwang sa akin sa kama ang bumungad sa akin. Halos matumba ito sa biglaan kong pagkapit at pagyakap dito. "Umiiyak ka ba?" alalang-alala ang boses nito. Roi, takot na takot ako... Akala ko totoong ipinagtabuyan mo na ako. "Tahan na ha... " napakalambing ng boses ng asawa ko. Hindi ako magsasawang masilayan ang gwapo at maamo niyang mukha araw-araw. Hagkan ang mapula at maninipis niyang mga labi. Sa mga sumunod na araw ay napakasaya ko. Pinagmamalaki ako ni Roi sa lahat. Na parang ako at ako lang ang kaya niyang makita. Ako ang pinakaiingatan niya. Kasalukuyan akong naliligo sa lawa nang makarinig ako ng kaluskos mula sa kung saan. Tinatawag ko ang utusan na nagbabantay sa akin dahil umalis ang aking asawa at mamaya pang gabi babalik ngunit walang sagot. Pilit hinahagilap ng mga mata ko ang mga damit na nasa lalagyan ngunit wala yun roon. Hindi naman ako maaaring umahon dahil nakahubad ang aking katawan. Lumalakas ang hangin. Nilalamig ako nang mahagilap ng mga mata ko ang isang anino. "Sino yan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD