- [EER] Mula nang mapadpad ako sa lugar nina Nin ay hindi pa kami nagkakaroon ng pag-uusap. Ni hindi man lang kasi ako nito sinusulyapan man lang. Lagi itong may lakad kasama ang ilang engkantado na ang iba ay nagpapalipad-hangin dito. Nayayamot akong makita kung paano siya makipagbiruan sa mga ito. Samantalang sakin laging nakataas ang kilay at hindi ako natatawag kahit na 'uy, alipin' man lang. Subalit, ang sabi ni Jane ay may plano ito na niluluto. Sana nga. Natawag pa ako na halimaw ni Nin. Hindi ko talaga lubos akalain na magkakaroon kami ng sobrang agwat. Hindi ko na alam paano ko pa ito paaamuin dahil tila na rin ito isang mabangis na hayop na hindi dapat nilalapitan. - "Ang galing mo naman sumulat, ama! Parang lahat sayo, magaling! Kaya pala, nahumaling si ina sa inyo!" Tuwang

