?55? Siguro, panahon na para ipakita kay Nin na maaaring tama ito na masama talaga ako. Hirap na hirap na akong patunayan ang aking sarili. Masama ako sa kadahilanang pinatay ko ang puso ko dati. Na pinilit kong kalimutan kung ano ako noong hindi pa nawala sa akin si Nin. Masama ako dahil nasa harapan ko ang bangungot na ayaw kong takasan. Napakasama ko sa pag-aakalang maaari ko pang ariin ang kailanman hindi naman naging akin. Marahil... hahayaan ko na lang si Nin. Masyado ko na itong nasasaktan. Higit sa kaninuman, batid ko yun... ang makita niya lang ako muli - anak ng dahilan ng pagdurusa nito. Pakiramdam ko, namumuhi na din ako sa aking sarili. Tulog ang lahat kaya sumaglit ako sa silid ni Nin. Kahit hindi niya ako maririnig. Magpapaalam lang ako. Natutulog ito. Gumilid ako

