UNFOLDS

1811 Words
Andrei's POV Everything went out smoothly as planned. So far, so good! I believe naitawid namin ng maayos ang mga activities with the best of both the ladies and gents world. Nakuha pa nga naming mag gate crash sa end part ng kanilang programme. Kasi naman, 'tong si Nickolo may pagka possessive din minsan. Sabagay, gano'n naman yata talaga pag sobrang in love ka, gagawin mo ang lahat just to be sure na hindi na siya makakawala pa sa'yo. You wouldn't want her to be in a place where she can possibly play around with other guys, kahit for the sake of having fun lang. Lalong-lalo na if she's not within your watch. At para hindi masyadong halata na gano'n siya ka clingy, kinalakad niya kami papunta dito. "Damay-damay na!" Sabi ni Alexandro. We entered the room when Mia is about to slice her cake na hugis... wait a minute, bahagya akong napaatras. What the F _ _ _! Gan'to naba ka green minded ang mga girls namin? Parang kelan lang pinagsasabihan pa nila kami every time they'll caught us viewing some adult stuff. Narinig din namin na they had a blast earlier with some hot guys — na ewan ko kung saan nila nakuha. Ma-interrogate nga si Patricia mamaya. Buti na lang at hindi kami nagpang-abot, at baka nagka-showdown pa. Hm! Ano kayang kalokohan ang ginawa nila kanina? Pero hindi na… never mind. You’ve all grown up, man. Hindi na kayo mga bata — may ikakasal na nga, ‘di ba? So, things like these happen. Kaya umayos ka! I scolded myself in silence. Mid-to-late twenties na kami, duh. Nakipagsiksikan kami nang hindi nila namamalayan. “Ganyan ba itsura no’ng sa’yo, Bro?” tanong ni Alex kay Niko, may halong pang-aasar. Natameme lang si Niko. Humagalpak ako sa tawa. Gago talaga ‘tong si Alex — walang preno ang bibig. Bigla tuloy akong kinabahan. Mas mabuti sigurong dikit lang ako dito buong gabi. Mahirap na… baka ako pa ang mapagtripan. “Mine looks better, dude!” Finally, Niko found the perfect comeback, sabay siko sa tagiliran ng gago. Over the years, natutunan na rin niyang magbitaw ng mga salitang dati wala talaga sa vocabulary niya. “Aray!” sigaw ni Alex habang tumatawa, hawak-hawak ‘yong spot na tinamaan kanina. Gan’to kami noon, at ganito pa rin kami ngayon — batukan, sapakan, sikuhan, at kung anu-ano pa. This is our love language every time we get this close kagaya ngayon. “Excuse me! Excuse me, excuse me… can I just borrow my fiancée?” Niko called out as he walked towards Mia. Panandaliang natigil ang kasiyahan ng mga babae. Nagbigay sila ng daan sa taong nagsasalita — pero siyempre, Patricia had to butt in. “And why are you here, Nick? Di ba dapat sa hall na tayo magkikita-kita?” Tinaasan pa niya ng kilay habang humaharang sa daraanan namin. “C’mon, Trish! Wag kang KJ, kanina pa kami tapos!” Ako na ang sumabat. “Oh really? I just wonder why…” She rolled her eyes and crossed her arms sa dibdib. “Anong I just wonder why? Ang usapan natin, short program lang to fulfill some traditions, then magsasama-sama na tayong lahat. Masyado na kayong overtime,” I reminded her in that tone na alam kong kinaiinisan niya. “Whatever, Drei…” ngayon, nakapamaywang na siya. "Kung maka whatever 'tong si Patricia, kala mo hindi siya 'yong nagplano ng lahat. Sana pala gumawa nalang ng separate party para hindi bitin. At ano ba kasing ginagawa niyo sa loob ng bridal shower? Para kasing ayaw niyo pa 'tong matapos, eh!" Hirit ni Alex habang naglalaro ang mga mata sa paligid na tila ba naghahanap ng ebedensiya sa isang krimen. "Shut it, Lex! We're not fooling around here, 'wag mo nga kaming itulad sa inyo!" Panandaliang tumahimik ang paligid. Patay! Nagsalita na 'yong hinihintay kung magsalita kanina pa. Nagtakip ako ng mukha using my hankie. Dahan-dahan ko din itong ibinaba ‘til it reaches the bridge of my nose. Then I slightly glanced at the lady in a sexy black dress. Ba’t ang sungit ng babaeng 'to? Samantalang napaka compose niya naman dati. Pero ba't gano'n? Mas lalo 'ata siyang gumanda sa aking mga paningin, haha. Well, sa totoo lang, medyo mas nagustuhan ko pa yata ang mataray na version niya. Hehe… nababaliw na yata ako. Gusto ko tuloy batukan ang sarili. "Ah... so, we're fooling around, t-there...?" sagot ni Alex sa naging statement ni Gwyn, while pointing his finger towards that separate room across. "Ewan ko sa inyo!" Umirap siya, halatang naiinis narin. "Drei!" Biglang tawag ni Alex sa akin. Nasa tabi niya na ako, and bago pa ako maka-react, idinikit na niya sarili niya sa akin na parang may halimaw sa harap niya. "A-ano?" Medyo napaatras ako. Keep your s**t together, Drei, bilin ko sa sarili. "Di mo ba ako iba-back-up?" bulong niya habang sinisiko ako parang batang nagrereklamo. "There's no need Bro, kayang kaya mo na 'yan," I tapped his left shoulder 'ng kaagad akong nakabawi. "Walang hiya! Nagsalita lang si—" bumirit na si Alex, boses umalingawngaw sa buong lugar. At nagsimula na nga siya. Pumikit ako at yumuko. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi habang pigil ang hininga. Now this is what I'm talking about earlier, nagmi-make sense na 'yong naramaman kong kaba kanina pa. "Lex!" Mabilis kong narinig ang pag-awat ni Nickolo, kaya agad akong napatingala. Isang hakbang lang, hinila na niya si Mia palabas ng silid. Si Alex naman, nakataas ang dalawang kamay, parang guilty kid na nahuli sa akto. Nakahinga ako nang maluwag. "Wooh... Patay ka talaga sa’kin mamaya," bulong ko, halos hindi marinig kahit ng sarili ko. "Sandali, Niko! Saan mo dadalhin si Mia?!" sigaw ni Trish mula sa gilid. "Your thing over here is already done, Trish! Sa labas na natin ituloy lahat," matigas ang tono niya, sabay talikod. "Ang clingy mo, Niko! Ayaw ni Mia ng ganyan," balik ni Patricia, diretso, walang takot. Huminto si Niko, bahagyang lumingon. "And where did you get that info?" Trish smirked, her voice dripping with challenge. "Why don’t you ask her? And see for yourself..." Nakatitig si Niko kay Mia. Mia just shrugged, lips curling into a playful smile — at parang sabay na sumabog ang hiyawan ng iba naming kasama. What a scene. People change as we grow older, as maturity comes in — and so do we — pero kung may isang bagay na hindi nagbabago, ’yon ay ang kaingayan namin. That inner child in us na parang automatic lumalabas kapag nagkikita-kita kami. Ilang sandali pa, nasa hall na ulit kami. Patricia gave me a quick signal to get ready for the technical part, kaya balik na naman ako sa screen ng aking MacBook, waiting for my cue. Our host stepped onto the small stage. Spotlight. Mic check. And just like that, the program rolled on. "Good evening, guys! This is Lady P, and I'm your gorgeous host for tonight," ani Patricia, flipping her hair na hindi ko na ma-figure out ang kulay dahil sa reflection ng lights. Nakapagbihis na rin siya—deep V-neck lavender dress na hanggang tuhod, pero mas humaba pa yata ang heels niya ngayon. Para akong nanonood ng live balancing act. Konting maling galaw, semplang ‘yan. Napailing na lang ako. I was still in that thought when I heard, "Hindi ba sumasakit ‘yong paa ni Patricia sa suot niyang sapatos? Ba’t di na lang kasi niya tanggapin na hindi siya biniyayaan ng tamang height? Am I right, or is it the other way around, Bro?" bulalas ni Alex, biglang sumulpot sa tabi ko. "Hindi ba nahihirapan ‘yong sapatos niya? Tingin ko padagdag nang padagdag ang timbang niya nitong mga huling araw. Kung ako niyan—este, kung ako ‘yong sapatos niya—kanina pa ako na-knock down," tuloy-tuloy pa rin siya. I gave him a stern look, pilit pinipigilan ang sarili ko. Parang alam ko na kung saan ‘to papunta. "Isa pa, tingnan mo ‘yong buhok niya, Drei. Ba’t ganyan ‘yong kulay? Trend ba ‘yan ngayon? Mas okay pa yata ‘yong clown—at least color coordinated," dagdag pa ng taong akala mo fashion police. Napapikit ako, fighting the urge to laugh. Wala na bang ibang gagawin ang taong ‘to kundi punahin lahat? Pag narinig siya ni Patricia o ng iba… ewan ko na lang. Baka ma-ban na siya sa gatherings namin. "Wag mong pigilan ‘yong tawa mo, Drei… baka mautot ka pa mamaya!" bulong niya. WTF. Babatukan ko na talaga ‘to! Pero wala rin akong nagawa kundi bumigay sa tawa, habang pilit tinatakpan ang bibig para di makakuha ng atensyon. "I need to go to the bathroom," sabi ko, halos hindi makapagsalita sa kakatawa. "Sa’n ka pupunta?" inosente niyang tanong. "I need to pee," sagot ko, ginagaya ang isa sa mga kaibigan naming babae. Tawang-tawa siya. "Baka you need to change na rin… mukha ka nang naihi kanina pa! Hahaha!" Naghanap ako ng puwedeng ibato sa kanya, pero mabilis siyang nakailag. "Bilisan mo, DREI! Hindi ko alam kung anong gagawin dito!" reklamo niya, parang end of the world na ‘yong nakikita niya sa laptop. "Bahala ka diyan! Ang seryoso ko kanina, tapos bigla ka na lang susulpot at manggugulo! Kaya gawan mo ng paraan ‘yan kung matagalan ako… or better yet—patulong ka kay Patricia." Parang bigla siyang binuhusan ng malamig na tubig. "What?" "What-wat mong mukha mo!" balik ko agad. "Drei naman…" napakamot siya sa ulo, halatang hindi niya alam kung maiinis o mapapraning, pero wala na akong pakialam—naglakad na ako papuntang CR bago pa ako tuluyang matawa sa mukha niya. I looked at the mirror in front of me at bahagya kong inayos ang sarili ko. Pinasadahan ko ng daliri ang buhok—medyo mahaba na siya, at unti-unti nang lumalabas ‘yong tinatago kong kulot. Pero maayos pa rin tingnan. Sa biglang tingin, baka nga mapagkamalan pa akong artista. Hahaha… natawa ako sa sarili kong biro. Suot ko ang midnight gray trousers paired with a powder blue button-down polo, nakatupi hanggang siko ang manggas. Naka-black leather shoes din ako, at relo at belt lang ang accessories. Simple pero presentable. Ilang minuto pa, tumunog ang phone—text mula kay Alex: Hinahanap ka na. Tribute’s about to start. Agad akong nagmadali pabalik sa hall. Pagdating ko, mabilis kong inayos ang laptop at pinagana ang hinanda kong PowerPoint. The lights dimmed. Then, one by one, the images began to flash on the big screen. Smiles. Laughter. Moments frozen in time. Habang pinapanood namin, parang binabalik din kami ng bawat frame sa mga panahong iyon—kung saan lahat ay mas simple, mas magaan, mas buo. For a moment, tahimik ang buong hall, maliban sa mahinang tunog ng musika at ang pagtibok ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD