HIGH SCHOOL

2159 Words
Andrei's POV Nagsimula ang lahat noong high school hanggang sa college days namin. Hindi man kami magkaka-batch lahat, magkakaiba man kami ng personalities at antas sa buhay, somehow we blended in and got along so well. Siyempre, we had our fair share of cat-and-dog fights—lahat naman ng samahan dumadaan doon. Pero ‘yon din ang nagpapatibay sa amin. "MIKAELA FUENTES! Ganda ng pangalan, tunog artista!" pang-aasar ni Alex kay Niko, ang tropa naming nerd pero palaban, habang binabasa niya ang papel sa kamay niya. Kakabunot lang kasi namin kung sino ang magiging kapareha namin sa nalalapit na Prom Night. It’s our school’s tradition to let the Seniors choose their partners from the Juniors, pero in a fun way—walang objections allowed. Sa madaling salita, mapupunta ka kung kanino ka nakatadhana. Kung sino man ang nagpauso nito, ewan ko—basta sabi nila, it has been passed down for generations! Take note: minus 1 sa final grade kung hindi ka sisipot, at plus 2 naman sa grades ng taong iindiyanin mo. "Langya! Member ba ni Kupido ang administrador nito? Siguro walang pumili sa kanya noong kapanahunan niya, kaya gan’to ang nangyari!" reklamo agad ni Alex nang unang marinig ang announcement. Ginagawa na raw nila ‘to way, way back—no’ng hindi pa na-i-implement ang SH. At ngayong meron na, tuloy pa rin ang tradition. Hindi na lang puwedeng tawaging JS Prom kasi puro SH students na kami. Kaya ang twist: students from the higher grade ng SH will be paired with those from the lower grade. Parang may JSP element pa rin. Ewan ko kung ginagawa rin ‘to sa ibang schools, pero so far, positive ang feedback sa amin, kaya itinuloy-tuloy na. Pasimple kaming gumala sa buong Grade 11 building during one of our class breaks. Hindi pa puwedeng sabihin ang pangalan ng prom date namin, pero pwede naming alamin kung sino at entitled din kami to get a glimpse of them—at our own risk. Good idea para sa iba, torture naman para sa ilan. Kasi what if kaaway mo ang mabunot? Or worse, your bitter ex? Or someone na minsan nang nagpababa ng self-esteem mo? Whichever way, wala rin naman kaming magagawa para magreklamo sa school authorities. Kaya might as well, maghanda na lang for the possible worst scenario. Sinuyod namin ang lahat ng buildings to fulfill our damn curiosity. Sinilip namin lahat ng sections ng iba’t ibang strands, hanggang sa mapadpad kami sa building na unti-unting bumago sa buhay namin. Diamond, Moonstone, Jade, Ruby, and so on... Pasimple naming tiningnan ang list of students in each class, only to find out na wala ni isa mang pangalan kaming nakita ro’n. “There must be something wrong…” Niko once again applied his logical thinking. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Alex na halatang naglo-loading na ang utak, habang ako naman, I just opted to listen sa kanila, slowly piecing things together in my head. “Can I see the name of your soon-to-be date, Lex? Sa’yo rin, Drei!” “Yoko nga! Baka pagpalitin mo pa, eh!” pabirong sagot ni Alex sabay tago ng papel sa likod niya. “Gago! Why would he even do that? Eh hindi nga natin sila kilala, ‘di ba? At di pa natin mahanap ‘yong mga pangalan nila,” paliwanag ko sa kanya. Pero seriously, bakit ba ako nag-e-explain dito? Wala rin naman itong saysay. “Oo nga no? Punta kaya tayong Mars, baka sakaling mahanap natin do’n,” he answered in a serious tone. Sabi na eh—wala talagang saysay. “Walang Mars dito. Sa ibang school meron. Gusto mo do’n tayo maghanap?” Sinakyan ko na lang para matapos na. “Sige ba… mam’aya, pagkatapos ng klase?” At na-excite pa talaga siya! But of course, I knew exactly what was going through his mind that time, kaya di ko napigilang matawa. “Kulit mo! Bigay mo na kay Niko ‘yong hinihingi niya.” "O-okay..." as he handed the paper to Nickolo at inabot ko narin 'yong sa'kin. "MIKAELA FUENTES, MELODY BUSA, JAYDA DOMINGO..." sandali siyang tumigil, "Can you please call and ask Patricia kung anong name no'ng sa kanya?" he glanced at me. "Just a sec Bro..." I do as I have told, "JEREMY SYLVESTRE daw Nick!" as mentioned by Patricia sa pag-uusap namin. "Puwedeng patanong narin ng sa iba? I mean if who's with her now, please..." dagdag pa niya. "Okay, gets ko na!" ika ni Nikolo matapos ang ilang minuto, as he snap his hand. Sabay sabay kaming napatingin sa kanya. "I second the motion..." dugtong ko, gan'to kaming dalawa ni Nickolo, for some reason ay nagkokonek 'yong mga isipan namin sa mga bagay-bagay without the need to say anything. Mas seryoso nga lang siyang mag-aral compared to me. "Anong na gets niyo? puwedeng sali niyo naman ako sa usapan?" si Alex na hindi ko maintindihan kung nagpapatawa parin ba? o sadyang wala parin siyang naiintindihan. "Wala tayong nahanap at wala talaga tayong mahahanap kahit kelan, kasi... those were not their real names, those were fake ones. Eto siguro 'yong sinasabi nilang may malaking twist na magaganap ngayon, at pansinin niyo pa ha! sa mga tinanong natin, although konti lang sila, but all of the same patterns, the given names starts with the first letter that represents every section. May sumagot ba ng ibang letter aside from it? wala diba? so, ibig sabihin..." "Ibig sabihin... pinagluluko nila tayo! Teachers pa naman silang naturingan, ta's gan'to gagawin nila sa'tin." Alex murmured those lines na para bang may umaagrabyado sa kanya. And for the first time, I heard Nickolo's contagious laugh fills the air. May tinatago pala siyang gano'ng talent, kaya nagpasya na kaming umalis bago pa namin tuluyang masira ang mabangong image niya sa mga teachers namin, if they happen to hear us. We are too clouded with that thoughts, habang mabilis kaming naglalakad paalis ng building, when we suddenly saw a girl stumbled on the floor. Kaagad siyang dinaluhan ng ibang mga estudyante at sa kasamaang palad, ang nakatawang mukha ni Niko ang kanyang nabungaran the moment she lifted her chin up. Ang sama ng tingin niya sa'min, habang unti-unting tumatayo, he's furious look pierced through our soul. "Ah, kaya naman pala..." si Alex na unang napansin ang pagkahaba-habang palda ng babae, the moment he examined her looks. Dali daling bumaling ang tingin niya kay Niko na ngayon ay pinipigilan na ang tumawa, ngunit halatang bigo. Pinandlilatan ko siya ng mata at ilang segundo lang ay tuluyan na kaming nakaalis doon. "And that’s it!" ani Alex, may sabayang palakpak sa crowd. "Para sa mga nagtatanong kung how and when the two of them met—’yon na po ang sagot. Si Mia ang babaeng nadapa noon, at dahil inakala niyang pinagtatawanan siya ni Niko, doon na nagsimula ang giyera between them. Parang teleserye, no? Tipong scripted… pero totoo! At siyempre, alam namin—kasi nando’n kami." Tumawa siya at sumabay ang crowd. "Ah… so, para sa mga hindi nakakaalam… originally, it was you, Lex, Andrei, and Nickolo—kayo ang magbabarkada at first," dagdag ni Rafa, na ngayon ay co-host ni Patricia. May mga sumipol at nag-"Oooooh!" mula sa audience. "And Patricia, of course!" sabay turo ni Alex kay Trish, na parang artista sa red carpet na nag-wave. "Oo, Raf! We were classmates, at ako lang din kasi ang nagtiyaga sa kanila noon," sagot ni Trish, may pa-hair flip pa, causing a round of laughter. "Hoy! Hoy… pinakinabangan mo rin kami ha!" kontra ni Alex, nakataas ang kilay. "Aba, dapat lang, Lex! Alangan namang kayo lang makinabang sa’kin!" balik ni Trish, nakapamewang na parang kontrabida sa pelikula. "Eh di, it’s a tie!" sagot ni Alex, sabay ngisi at kindat sa audience. "Sabi ko nga..." Patricia chimed in, sabay sip ng tubig na parang walang pakialam. "’Di naman ’yon ang sinabi mo kanina," bulong ni Alex—pero narinig pa rin ng mic, dahilan para mag-ingay at magtawanan ang crowd. "Uyyy! Ano ’to? Another Niko and Mia in the making?" pang-uuyam ni Rafa, na halatang lumilihis na ang usapan. Maya-maya lang, napuno na ng halakhakan ang paligid. Inakbayan ni Alex si Patricia—naka-ismid si Trish pero, as usual, hindi rin naman pumapalag. "Hindi, no..." umiling si Alex, pero may ngisi. "What we and Patricia have—between the two of us in particular—is a much deeper one. It’s more than any romantic relationship others do have. English ’yon ha!" Hinto muna siya para hintayin ang tawanan. "It’s something that goes beyond friendship, beyond brotherhood or sisterhood! Woooh! Thank you, Nick, ang dami kong baong words dahil sa’yo!" pagpapatuloy niya, sabay turo kay Nick, na ngayon ay nakangisi lang at umiiling. "Ganito na talaga kami ever since," dagdag ni Alex, "pero siyempre alam niya na love na love namin siya. Right, Trish?" Umiirap lang si Patricia, dahilan para mag-react ang crowd. "Nag-aasaran kami, oo, but that’s within our nature—at walang mean bone ’yan, ha. Never ’yong dinibdib ng isa man sa’min. It’s actually our love language. Sa totoo lang, mas nakakatakot pa nga yata if wala nang nagsasalita o wala nang word war… kasi ibig sabihin, may mali na." Tumingin siya sa audience at ngumuso. "Pero iba ’yong story ng dalawang ’yon," sabay turo sa tinutukoy, na ikinatawa na rin ni Patricia. "Mortal enemies sila eh!" singit niya ulit. "It’s just that we’re bound to be in the same circle, so wala silang choice kundi mag-ceasefire paminsan-minsan. Pero sa totoo lang… ang hirap pa ring i-absorb!" Napakamot siya sa ulo. "Hindi ko pa rin maintindihan kung pa’no nangyari lahat. Pa’no nga ulit ’yon, Nickolo?" sabay lingon sa tinawag. "Pa’no nga ba nagsimulang magbago at nagka-malisiya ang lahat? Sino ba ang puwede nating tanungin aside from Patricia and Alex? Let’s also give others a chance to speak or share their experiences regarding the couple’s love story," ani Rafa, habang pinaiikot ang tingin sa crowd. "Wait, Raf," sabat ni Patricia, nakataas ang kilay pero may ngiting pilya. "Before we proceed… what if balikan muna natin ’yong nangyari sa prom namin?" "Oo nga no! Na-curious ako do’n sa ginawang twist ng school niyo eh," sabi ni Rafa, then he turned to face the crowd sa front row. "May we ask the gorgeous lady in black to please come on stage?" Pero parang walang naririnig si Gwyn, hanggang may sumigaw mula sa audience, "Be specific daw, marami silang naka-black." Nagkatinginan tuloy ang dalawang host. "Oo nga naman, Trish! Let’s be specific," sabay ngiti ni Rafa sa katabi. "Well, sorry ’bout that! Let’s drop names kung gano’n..." sagot ni Patricia, at nagkatinginan silang muli ni Rafa na parang nag-uusap lang gamit ang mata. To that gorgeous lady with an ear cuff—Miss Gwynneth Busa Santillan—join us on the stage, please?" dagdag ni Rafa, sabay lahad ng kamay niya kay Gwyn. Kaagad naman siyang tumayo, nag-bow pa, bago rumampa papuntang entablado. Napangiti ako—she’s grown a lot. Pati confidence niya, ibang level na rin. She hugged the couple before turning to the audio booth. Her dress perfectly complimented her figure, showing every damn curve in all the right places. Kahit pa ’yong maliit niyang hinaharap na dati niyang insecurities, never itong nakaapekto sa kaseksihan niya—up until now. She’s always been a head-turner ever since, pero she’s completely unaware of it... or maybe in denial? Kasi ayaw niyang magpaapekto sa gano’n. Isang bagay na minahal ko sa kanya noon pa. An ash blonde hair na may curls sa dulo, nakalugay ito ngunit nakataas ng bahagya sa may bandang kanan ng kanyang tenga, to highlight her ear cuff, I guess? As far as I can remember, hindi siya nagsusuot ng hikaw noon, because of her allergies. So, it's a good thing that she can pull off an ear accessory now, at mas sexy pa itong tingnan compared to the usual earrings. But why black? It's her least favorite sa pagkakaalam ko, and yet it's the color that she wears now. Bagay naman sa kanya actually, walang duda ro'n. It also compliments the fair complexion of her thigh and those part of her body that were intentionally exposed. It still pleasant to our sight though, hindi naman siya bastusin. But honestly? I'm not comfortable with it, I'm not just used to... Nasanay ako sa isang simple at low key na version niya. But then again, people changed, as well as their looks and perspective in life, at marahil ay kasama na siya sa mga pagbabago na'yon. I simply concluded without departing my eyes on her despite the uneasiness. I'm just glad I got a better access of her view right now, nagawa ko siyang pagmasdan ng mabuti. An opportunity that has taken away from me, or I neglected, rather... for such a long time ago. Matiim ko siyang tinitigan habang nagsasalita, as memories of the past starts to awaken my then numb senses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD