My gaze turns to the life sized mirror in front of me, a long black bareback halter dress with a slit on the side now covered my physique. The fit somehow enhances my figure in a natural way, particularly the curves from my behind as I turn around. I don't have much to show off up front, hindi ako gifted on that part, but I'm glad I had it at the back of me, to say the least.
I am GWYNNETH BUSA SANTILLAN and I hold a bachelor's degree in Secondary Education, but sad to say I didn't use teaching stuff for a living. I never had the passion for it ever since, though I have higher respects for those educators out there, I still couldn't see my self in them. Ginusto ko lang naman na may matapos and perhaps it was the best option that was laid to me back then.
I put on a light make-up, wore a piece of silver ear cuff and sprayed perfume on some areas of my body, then I immediately grab my red purse that matches those of my heels. I have a party to attend to in a while, isang event na matagal ng nakamarka sa kalendaryo ko.
Maya maya ay nag ring ang aking phone, dumating na 'yong cab na maghahatid sa'kin sa venue. But before that, I needed to drop by at a particular wedding shop, may pinabili si Trish sa'kin, some goods that are needed for tonight's party. She might be too occupied concerning other matters, kaya sa'kin niya pinasa 'yong task. Pero sinong niloloko niya? I know it's her indirect way of saying that I can't missed tonight's event, na hindi ako pwedeng mawala sa party. She really has explicit scheme to get things done and she won't take NO for an answer. Kaya ito ako ngayon, doing my part as well, for friendship's sake.
It took me an hour to get on the cab again, may mga items kasi na hindi available so I needed to resort for alternatives. Mag-aalas kuwatro na ng simulan naming baybayin ang daan patungo sa lugar na bi-nook ni Trish for us, but we were stuck in the middle of the traffic all of a sudden, kaya mas lalo pa akong natagalan.
"Arghhh! Rush hour na ba Manong? Ba't gan'to na kalala 'yong traffic?" I was a bit upset as I asked the driver.
"Hindi pa naman po Ma'am, kasi mamaya pa naman ang uwian," sagot niya. "Bababain ko lang po saglit, okay lang po ba kayo rito?" dagdag niya.
"I'll be fine Manong, thank you po! you go ahead na."
"Sige po Ma'am, balik din po ako kaagad."
Just when I about to dial Patricia's number, her name flashes through my screen.
"Hello... hello, Gwyn asa'n ka na ba?"
What the! mababasag yata 'yong eardrum ko sa lakas ng boses niya. Panandalian kung tinakpan ang aking tenga, but I didn't drop the call, hinayaan ko lang siyang magsalita ng magsalita.
"Hey! easy..." sagot ko after I paused for a while.
"Gwyn, ano na? It's almost 4:00 baka mauna pa 'yong couple sa inyo."
"I know! pero dinaanan ko pa kasi 'yong pinabili mo sa'kin."
"Wait, what? You mean... Gwyn naman, akala ko ba na settle mo na lahat last week pa lang."
"I did! but some stuffs are not yet available, kaya pinabalik ako ngayon."
"Ba't di ka nalang naghanap ng ibang shop?"
"Nakapag down na ako through online, kaya hassle na kung i pu-pull-out ko pa, besides they offered the best price and so I grabbed the opportunity," paliwanag ko.
"Okay! Accepted, but will you please tell me exactly where you are? As we speak…"
"I'm still on the cab, pero on the way na Trish, malapit na talaga."
"Kanina pa 'yang on the way mo ha! at ga'no ba kalayo 'yong malapit mo? Kasi the last time I checked, yan 'yong last message mo about an hour ago."
"Well, if ain't just for the traffic, malamang nakarating na ako kanina pa lang, but unfortunately here I am, stuck in the middle of the high way."
"ANO??? Anong oras ka makakarating niyan?" Muli kong tinakpan ang aking tenga at bahagyang inilayo ang aking telepono. I can't imagine how stressed she is right now, basang basa ko sa tono ng boses niya. I then press the loudspeaker button so I could still hear her voice kahit ilayo ko pa 'yong phone sa king tenga.
"I wish I knew the answer Trish, but I'm just as pissed as you are right now, bumaba na nga 'yong driver para tingnan kung bakit ang bagal ng flow ng mga sasakyan."
"Seriously Gwyn? Mag rider ka na lang kaya? Baka di kana umabot niyan."
"Seriously din Trish? At anong gagawin ko sa mga gamit? Isa pa naka dress ako. I can't afford to ruin my look, sayang 'yong effort ko no!"
"Masasayang talaga 'yong effort mo, kung wala ka ng party na madadatnan."
"Well, if that's the case, eh di... maghahanap na lang ako ng ibang party," I decided to throw a joke to lighten up the mood, feeling ko kasi, sobrang stressed out na siya.
"Why do I get this feeling na ayaw mo naman talagang pumunta dito? Tapatin mo nga ako Gwyn!"
I can't help but laugh at her statement, "I was just kidding! Of course I'm coming... na stuck lang talaga kami sa traffic. Wait, I saw the driver's here na, at medyo umuusad na 'yong mga sasakyan, I'll might be there na in a couple of minutes."
"Siguraduhin mo lang ha? Pag ikaw di sumipot ngayon, ewan ko na lang sa'yo! Kalimutan mo na kami, kasi friendship over na talaga for us."
"That's harsh! Napabuntung-hininga ako saglit. "But I promise aabot ako, okay? Sige, have to end this call na, be there in a while, BYE!"
“Si Gwyn ba ’yong kausap mo?” I just heard someone asking Trish if it was me she was talking to on the phone. His voice echoed across the line—and I knew exactly who it belonged to. A sudden wave of goosebumps ran through me, prompting me to quickly end the call. After all, I had already said my goodbyes. She didn’t respond either, and then the line went dead.
"May nasiraan po pala kanina Ma'am kaya bumigat 'yong traffic," pambungad ni Manong driver sa'kin bago siya tuluyang umupo sa manibela.
"Gano'n po ba Manong?"
"Opo Ma'am! Pero okay na, naayos na po, makakausad na tayo, aabot kapa sa party," sabi niya kasabay ng kunting tawa.
"We better be Manong, mukhang naiinis na po 'yong naghihintay sa'kin, tsaka wag niyo na po akong pinu PO! Di niyo naman ako BOSS."
"Kayo po ang BOSS ko ngayon, at kung 'yon ang gusto ninyo, 'yon ang masusunod. Pero wag niyo akong pagbawalan na tawagin kayong Ma'am ha? At di na ako papayag do'n."
"Deal Manong!"
"Kung okay lang magtanong, sino bang naghihintay sa inyo Ma'am? Boyfriend ba? May date kayo Ma'am?"
"Boy friends po, Manong..." maikli kung sagot.
He was a bit shocked and I can't help myself from burst into laughter. Ganon'n na ba kalala 'yong sinabi ko?
"I mean... mga kaibigang lalake po, at siyempre, Girl friends din..." paglilinaw ko.
"Mga kaibigang babae," nakahinga siya ng maluwag sa narinig mula sa'kin.
"You got it Manong!" natatawa kong sabi, "Actually, papunta po ako sa isang pre-wed party for my friends, at get together narin po naming magkakaibigan after a long time."
Nag smile lang siya sa mga kwento ko, habang pasulyap sulyap sa side mirror. "Reunion?"
"Sort of..."
"Ang saya saya po ng gano'n Ma'am! Lalo na kapag kompleto pa kayong lahat."
"I am not certain Manong, maybe..." I shrugged my shoulder after.
"Bakit naman Ma'am?"
"Cause I'm not sure kung makakapunta po ba ang lahat, medyo matagal tagal narin po kasi... since the last time we did it."
"Nagkahiwa-hiwalay kayo Ma'am?"
"Hindi naman po lahat Manong, may iilan na nangibang bansa na Oo! Pero meron pa naman din pong nandito lang sa Pinas. Kaya lang... siguro po gawa ng kanya kanyang priorities sa buhay at..." I paused for a while, dapat ko pa bang i elaborate kay Manong? Bigla kung naisip na naparami na ako ng kwento. "Basta Manong... andami pong mga pangyayari na naging dahilan kung bakit hindi na kami muling nagkakatipon-tipon pa."
"Ganyan talaga ang buhay Ma'am, kasi wala namang permanente sa mundo, lahat ng tao at bagay, lahat 'yan lumilipas lang. Sabi nga sa kanta ni Jose Marie Chan "Cause life's a constant change and nothing stays the same, oh no..." at kinanta pa talaga niya.
"Wow! Galing niyo naman pong Manong!" pumalakpak ako.
"Thank you Ma'am! Pero, pwede ko bang dagdagan 'yon?"
"Kakanta po ulit kayo?"
Tumawa siya, "hindi na Ma'am, medyo mahal na ang babayaran ninyo 'pag gano'n," pabiro niyang sagot.
"Naku! Patay tayo diyan Manong, bababa nalang po siguro ako," at sabay na kaming nagtawanan.
"Pero seryoso Ma'am, gusto ko lang naman na i share 'yong mga natutunan ko sa buhay sa loob ng 60 years."
"Sure po Manong, I'll be very glad to hear it."
"Gaya nga nasabi ko kanina Ma'am, lahat nagbabago, lahat kumukupas, pero mananatiling buhay ang mga alaala. Mawala man tayo, palaging may isang alaala na maiiwan. Mananatili sila bilang saksi ng nakaraan, ng mga lumipas na panahon. Kaya, mas mabuting mag-ipon tayo ng mga magaganda at masasayang alaala Ma'am, nang sa gano'n pagdating ng araw, ay mga ngiti sa labi ang mababanaag sa mukha ng bawat taong maiiwan natin sa panahong sasagi tayo sa isipan nila." Napalunok ako sa mga narinig.
"Lagi nating sunggaban ang pagkakataong makasama ang mga taong mahalaga sa'tin. Di man sa lahat ng pagkakaton nagkakasundo-sundo tayo, pero wag sana tayong magsara ng pintuan, dapat lagi tayong bukas para sa isa't isa, lalo na sa isang kaibigan. Kasi maikli lang ang buhay, 'ika nga ng generation ngayon YOLO, kaya gawin natin ang nararapat, at baka huli na bago paman tayo makapagpasyang muling magsimula."
Natameme ako ng ilang minuto, nababasa ba ni Manong ang nasa isipan ko? Alam ba niya ang mga pangyayari sa buhay namin?
"May nasabi ba akong masama Ma'am? Pasensiya kana sa kadaldalan ko ha?"
"It's okay Manong, no harm done, may sense naman po 'yong mga sinasabi ninyo."
"Maiba tayo Ma'am, may nakapagsabi naba sa inyo na ang ganda-ganda niyo? May kahawig kayong artista,"
Natatawa sa ako sa idea, pero wala naman sigurong mawawala kung patulan ko siya, so here it goes..."Really Manong? Sino po?"
"Si... sandali," nag-isip siya. "Parang pinaghalo mo Maam, eh." Dugtong niya.
Napangiti ako. I just wonder kung kelan huling nag set ng appointment sa kanyang Opthalmologist itong si Manong. Pero sinakyan ko parin 'yong mga pinagsasabi niya. "Sino nga po, Manong? Sabihin niyo na."
"Parang pinaghalong Rhian Ramos at Lovie Poe," walang kagatol-gatol niyang sinabi.
"Seriously Manong? Those two lovely morenas! Mukhang malaki laki yong magiging tip niyo sa'kin ngayon ah!" Nagpakawala ako ng isang malutong na halakhak.
"Di nga po Ma'am, totoo po 'yon, medyo hawig po talaga nila kayo."
"Baka sa buhok lang po at sa pangangatawan. Hahaha...pero Thank you narin Manong, kahit medyo mahirap pong paniwalaan."
He just smiled at me, at tumahimik na ng hindi ako nakombinsi. I shifted my attention to the view outside the car window, sa daan kung saan kami bumabaybay ngayon. I saw some tall commercial buildings with striking architectural designs lined the streets, malalapad narin 'yong mga kalye, and plenty of people could be seen crossing from one side to the other.
Tuluyan na ngang sumabay sa pagbabago ang lungsod namin, sa paglipas ng panahon at pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay ang unti-unti ding pag asenso ng lugar na ito. The urged to visit neighboring cities, just to be able to experience urban living as we used to do, no longer existed. In fact, kami pa yata ang dinadayo ngayon, lalo na ng mga turista. We really have gone this far, and just recently we were among the top list of the most fastest growing cities in the country. Kaya sobrang nakaka proud lang.
Ilang sandali pa at lumiko na 'yong sinasakyan ko papasok sa isang lugar na maraming naghihintay sa'kin. Unti-unti ko ng nakikita ang Grand Entrance Gate na may naka engraved na pangalan ng Resort. Sikat na sikat ang Hotel Resort na ito sa lugar namin, at sa laki ng area, kahit pa mahigit sa tatlong party ay pwedeng idaos dito in just One night. Masyado yata akong nalibang sa pakikipag-usap kay Manong driver kanina, and so I didn't realized that we've finally reached our destination.
After attending to some of the basic protocols ay sinalubong na kami ng isang Security Officer on his big bike, he then guided us towards their spacious parking lot sa may left side ng nakatayong Five Storey Hotel Building. Sa harap nito ay nakatayo ang isang malaking Fountain na sinasabing bumubuga ng makukulay na tubig pagsapit ng ika 11:11 ng gabi.
I was deeply stunned by each scenery as we moved along. Hindi ko maiwasang humanga sa bawat tanawin—napakalawak ng area, green lawn, neatly trimmed bushes, pebbled paths, at fully landscaped grounds with intricate designs. May mga stone walls na pinalamutian ng Spanish vintage lamps, isang lumang pamilyar na bench, at mga halamang hirap nang tukuyin ang pangalan. Just a few of the sights you can enjoy inside the resort.
I can't help but reminisced my childhood days, madalas kaming nagpapa-picture dito, each time we had the chance to visit. Dati na siyang maganda, pero sadyang nag-iba na siya ng bihis ngayon. Para siyang isang babae na na hit ang puberty stage, bigla siyang naging kaakit-akit sa paningin ng marami.
Nagpatulong ako sa driver na ibaba ang aking mga gamit ng makarating na kami sa parking lot.
I then open my phone and dialed Patricia's number, "Hello Trish, I'm here na," wika ko.
"You're here na? Okay, sige meet you at the lobby."
"Okay! I'll wait."
Ilang sandali pa ay lumabas na sina Rafa at Trish upang salubungin ako, kasama ng ilan pang assistant.
I turn to the driver as I utter some words, "Thank you po Manong, it was such a nice ride, kahit medyo na stuck tayo sa traffic, tatandaan ko po lahat ng mga sinasabi ninyo, see you around Manong, ingat po kayo sa biyahe..."
"You're welcome, Ma'am! And enjoy the party..." pinaandar na niya ang makina pagkatapos, he then wave his hand at me, before he turns to exit.
"Gwyyyn!!!" At sumigaw talaga si Patricia.
"Trish, miss you so much," I gave her my warmth embrace, ng biglang sumingit si Rafa.
"And what about me?" Umirap pa ito.
Nilingin ko siya, "Of course, I miss you too Raf!"
"We miss you more..." sabay nila akong niyakap.
"Kung hindi pa ikakasal si Niko at Mia, hindi ka pa magpapakita sa'min ha!" si Patricia.
"Oo nga, I agree!" Si Rafa naman.
"Gusto ko na tuloy magselos sa kanila, mas love mo pa yata sila kesa sa'kin, sa'ming dalawa ni Raf," panandaliang nag-usap ang kanilang mga mata as they exchanged looks.
Pinag-kakaisahan ba ako ng dalawang 'to? "Of course not! Love ko kayo pareho, it's just that..."
"Oo na, alam ko na ang sasabihin mo, na memorize na namin actually," Patricia.butted in.
"Trish..."
"Just kidding!" sabay pilantik ng kanang kamay. "You don't have to explain, kasi 'yong pagpunta mo pa lang dito ngayon, enough na enough ng kabayaran 'yon para sa'min."
"Oo nga!" Rafa seconded again with a huge smile.
And it always goes like that... laging second voice ni Patricia si Rafa. Kung hindi ko lang alam na bakla ang isang 'to, iisipin ko na talaga na in love ito sa babaeng pink ang buhok.
"Thank you guys, for being so considerate." Inakbayan ko sila pareho at kinalimutan ang alalahaning 'yon, kasi alam ko naman na imposible 'yong mangyari. Inggit lang siguro ako sa dalawa kasi tila hindi na sila mapaghihiwalay, samantalang ngayon lang ulit ako muling makikipag bonding with the gang.
"Don't mention it, kaw pa! Lakas-lakas mo kaya sa'min!" Trish say out loud, na para bang may pinaparinggan. Kasabay no'n ay pumasok na kami sa venue. Sa lugar na hindi ko alam kung sinong madadatnan, at kung anong naghihintay na sorpresa para sa'kin.
Pero, sa'kin talaga? Am I the reason why this is all happening right now? Ako ba ang ikakasal? Di ba't nakikiparty lang din ako? Natatawa ako sa mga naiisip.
Gan'to ba talaga ang feeling pag medyo matagal tagal kang nawala? You'll be bothered by silly thoughts and strange ideas, in addition to the roller coaster emotions that gets in the way of your system, na hindi mo naman alam kung paano kontrolin? Siguro nga! Because that's what I felt right now.
Pamilyar na mga mukha ang bumungad sa'kin the moment I entered the hall, dali dali silang nagsilapitan when they immediately saw me, naghiyawan pa 'yong iba. Ang OA naman ng mga 'to! One year ago pa ako nakabalik dito sa lungsod namin, at sa pagkakatanda ko, wala namang ganitong nangyari noon.
I also got the chance to bond with some people in our circle within those period, pero 'yon nga lang... it took me a while, bago ako nakapagpasyang muling um-attend ng mga gan'tong event with all of them around. Palagi nalang akong may alibi on why I wasn't able to make it before. Well, maybe it wasn't the right time yet.
At siguro ngayon na ang tamang panahon upang muling makapagsimula. Makapagsimulang bumuo ng mga bagong alaala kasama nila, kasama ng mga taong naging bahagi at magiging bahagi pa ng buhay ko. I close my eyes as I hold my breathe for a little while. May this night will turn into an unforgettable one. May it closed bad chapters and fixed broken ties that has long been waiting to be restored. I murmured that line as I slowly came back to light.