DREI...
“Hahaha… you ask for this di ba? You wanted us to talk? Then, tanggapin mo lahat.”
Napaawang ang aking bibig. “O-okay, kung ‘yon ang ikaluluwag ng dibdib mo, buong puso kung tatanggapin, but before you explode… I just want to thank you.”
Her brows furrowed, mali yata yong term na ginamit ko. "Sorry for the term, parang sasabog ka na kasi, it seems na ang dami-dami mong emosyon na gustong pakawalan." Tinitigan niya lang ako. "But anyway, salamat ulit, seryoso..." pahabol kong sinabi. Nakikita kong kumalma na siya.
“For what?”
“Sa pagpayag mo na umupo ako dito at makapag-usap tayo ngayon.”
“Oo naman! Mag-uusap lang naman tayo, wala naman sigurong masama do’n, we're friends after all.” Gusto kong matawa sa sinabi niya.
“Really?
“Uh, huh!”
“Eh ba’t ang aloof-aloof mo sa’kin? Is that how friends treat each other nowadays?”
“Hindi ah! Ikaw kaya ‘tong umiiwas.”
“Ako talaga? Hindi ba’t ang tagal ko ng nanghihingi ng chance na makausap ka ng one on one, pero lagi mong nire-reject in the end.”
Pumikit siya, it took a little while bago siya muling nagsalita. “Hindi naman sa nire-reject ko yong opportunity, it’s just that…” She deeply sigh na bigla kong ikinabahala, napabunot tuloy ako ng sigarilyo. “I could no longer find the need to do it.” Dugtong niya.
“Gano’n ba?” Malungkot kong sagot, nagyon ay nakaipit na sa gitna ng dalawa kong daliri ang stick ng sigarilyong kinuha ko sa bulsa ng suot-suot kong polo. And it stayed there, it settles in between my fingers. Wala naman kasi akong balak na sindihan ‘yon in front of her. Naalala ko lang dati, isa ‘yon sa madalas naming pinag-aawayan. Or away ba tawag do’n? ‘cause as far as I can remember, hindi naman yata siya marunong mang-away. Not in those days of us being together. Madalas niya lang naman akong pinagsasabihan dati, but in the most subtle approach. Now let’s do this again. Wala lang, na miss ko lang. Ngunit pagsasabihan niya parin kaya ako? Will she even noticed?
“Yeah!” She nodded. “Kasi okay na naman tayo. We have moved on with our separate lives for such a long time ago. Nagawa na nating kalimutan ang lahat ng nangyari sa past. Higit sa lahat, naging magkaibigan parin naman tayo despite and in spite off...” she simply concluded.
“Magkaibigan ba talaga tayo?” Now I managed to put that stick on my mouth.
“Bakit, hindi ba?” She just watch me doing those routine, pero hindi niya na ako sinita pa.
“Ewan ko, iba kasi ang definition ko ng kaibigan.” it sounded like a murmured lines, gawa ng sigarilyong nakaipit sa bibig ko.
“At ano naman ang definition mo no’n, aber?” Muli siyang nagtaas ng kilay.
I pulled the stick out of my mouth. “Someone na nakakausap mo. Hindi man constant ‘yong communication ninyo, pero at least… may mga panahon na magbo-bonding kayo, if you have the chance at mag-uusap kayo ng walang pag-aalinlangan. Walang restrictions at inhibitions. Gano’n!”
She let out a small chuckle. “Believe it or not, but I do consider you as my friend, iilan lang kaya kayo, babawasan ko pa ba? But, you also have to understand that things will never be the same again.”
“Same as…?”
“Same as before, ‘yong magbo-bonding tayo at magkukuwentuhan ng walang pag-aalinlangan. As if nothing comes between us.”
“Bakit?” Kumunot ang aking noo as my ego protested. I just couldn’t accept it.
“Kasi may history tayo, at may mga taong maapektuhan ng bawat galaw natin, may malisya man o wala,” simple niyang paliwanag na tila hindi ko narinig o sadyang ayaw ko lang pakinggan.
“Nagseselos siya?” I asked out of nowhere habang itinuon ang tingin sa malayo.
“I…” napatigil siya saglit. “I don’t know, he never say the words, pero… nafe-feel ko minsan, and this is just so awkward.”
“I see… ikaw naman pala ang may problema eh!” I smirked and she got offended.
“Ako talaga? Bakit, siya ba hindi siya nagseselos?”
“Hindi!”
“Hm! Hindi? o hindi niya lang sinasabi?”
“Hindi ko rin nararamdaman.”
“Kasi wala kang pakiramdam, ” and she sarcastically laugh again.
“Grabe siya! Gano’n na ba talaga ako ka manhid sa paningin mo? Gano’n na ba ako kawalang puso sa paningin mo?”
“Sorry, I… “ she trailed off.
“It’s okay, you don’t have to explain kasi gets ko naman, naiintindihan ko naman kung sa’n ka nanggagaling,” I sincerely utter the words.
“Thanks” bumuntong hininga siya.
“Pero masakit lang, kasi… kasi ‘yong taong inakala kung nakakaintindi at nakakakilala sa’kin noon, turns out to be just one of those who criticized me.”
“Hoy! sobra ka ha! I’m not one of them, at alam mo ’yon, masayado mo lang akong binulag at nilito sa maraming bagay… hanggang sa hindi ko na tuloy malaman kung ano ba ang kaibahan ng totoo sa hindi. Kaya blame yourself as well too.”
“s**t!” tinampal ko ang aking noo. “Gano’n ‘yong naging epekto ng mga ginawa ko sa’yo?”
“Malamang…” she rolled her eyeballs. Kitang kita ko yon, when I take a look at her.
“So-sorry! Sorry sa lahat-lahat… for being stupid, for such an asshole.”
She turn to face my direction, nagkasalubong ang mga mata namin.“Did I hear it right? You’re… you’re saying sorry now?” Tila hindi siya makapaniwala.
“Oo. Masyado bang nakakagulat?”
“Hindi lang siguro ako sanay. For the longest time, you never dare to say the word. Nagkusa lang naman ako na patawarin ka, kahit hindi mo pa hinihingi.”
“Alam ko, and again I sincerely apologize for that… Sorry for not saying sorry earlier, and Sorry for making you feel that I’m totally not, when I actually am. Hindi lang talaga umayon sa gusto ko ang mga pangyayari noon, hindi nagkatugma-tugma ang mga bagay ayon sa plano ko.”
“Okay na ‘yon, wag mo ng isipin… as what I’ve said, I had forgiven you kahit di mo pa hinihingi, and I also forgive myself for allowing it to happen.”
“Ba’t ka ba ganyan? Ang dali-dali mo pa ring magpatawad, kaya ako namihasa noon eh! Kasi ganyan na ganyan ka.”
“So, masama pala ‘yon?”
“Sa part mo hindi, pero sa taong nagkamali, Oo! Kasi hinding hindi siya matututo.”
“Aa... So, hindi ka natuto?”
“Sa paglipas ng panahon, Oo! Pero no’ng tayo pa? Hindi! Masyado akong naging kampante noon. Masyado mo akong sinanay na andiyan ka lang parati, na kahit ano man ang mangyari, na kahit sa’n man ako mapadpad… alam kung may uuwian at uuwian parin ako balang araw.”
“And probably your biggest mistake, kasi masyado kang nakampante noon. At correction lang, hindi kita sinanay, ah? masyado ka lang talagang naging selfish. Ilang beses na kitang binitawan, but you never ever learned to let me go. Masakit lang kasi... hindi mo rin naman ako kayang panindigan sa huli.” May pait sa kanyang boses, ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat bitaw niya ng mga salita.
But it doesn't mean na nagdiwang ako, cause I also suffered in silence. Kung alam lang niya kung gaano ko sinubukang isuko na siya ng tuluyan. “Correction din, I do gave you the space you wanted. Palagi. Ibinibigay ko ‘yon, every time you asked for it. Nirerespeto ko ang bawat desisyon mo. Oo! Patuloy kitang sinusuyo, kasi gusto ko eh! Bakit ba? Pero never kitang pinilit, ha!”
“Never pinilit. Gago! Literally, Oo! Pero hindi mo rin ako tinatantanan. Because you certainly knew that I couldn’t say no to you. Na sooner or later babagsak at babagsak parin ako sa mga kamay mo.”
“Kasi hindi ko kaya. Kasi I can’t imagine living my life without you.” Yumuko ako na waring nahihiya.
“Sinong pinagloloko mo?" Bigla siyang tumayo. "You can’t imagine living your life without me, while you’re busy building another life with someone else? Ibang klase karin ‘no? Ang sabihin mo, I was your first prized position. I was just there to boost your ego. A simple reminder na kaya mong makuha kung ano man ang gugustuhin mo! That is why you never ever learned to let me go.” Ilang beses niya akong dinuro-duro.
Tumayo narin ako kalaunan. “Of course not! Hindi ako gano’n kasama. I admit na gago ako, na ginago kita at some point. Pero para sabihin mo sa’kin ‘yan? Di ko matatanggap ‘yon. Tang’na! minahal kita. Oo, nagsinungaling ako sa’yo ng maka-ilang beses. Oo, binulag kita with so much lies, pero ginawa ko lang ‘yon to protect you from the pain. To hide you from all of the chaos that I created. Because you don’t deserve to be hurt, but in the end ay nasaktan parin kita. But that doesn't change my feelings. Minahal kita, mahal na mahal kita. Kahit hindi ko alam kung paano ba gagawing tama ang lahat, sinubukan ko parin. Alam ko namang malabo na eh, pero sadyang hindi ko kaya. Hindi ko kaya na pagmasdan ka lang. Sabihin mo ng selfish ako, so what? Selfish na kung selfish pero di ko kayang labanan ‘yong feelings ko every time I saw you.”
“How dare you! Tang ina mo rin! And what was that your saying again? You told me all those lies in order to protect me from the pain? Gago ka pala talaga no! Ginawa mo pa akong dahilan ng mga katarantaduhan mo. Bakit? Sa tingin mo ba naprotektahan mo ako by doing so? Hindi! Kasi mas lalo mo lang akong sinaktan noon. Mas lalo mo lang dinagdagan ‘yong mga atraso mo sa’kin.”
“Alam ko, alam ko. That is why Im saying sorry. Sorry kasi…kasi ‘yon lang ang alam kung paraan dati. Hindi ko na inisip ang magiging outcome ng lahat, basta at that time ang tanging concerned ko lang is how to make you stay.”
“How to make me stay… how to make a fool out of me siguro.”
“Ba’t ba hirap na hirap kang paniwalaan ako?”
“Because I can’t find the reason to trust you.”
“Akala ko ba napatawad mo na ako? Akala ko ba nakalimutan mo na ‘yong sakit?”
“Akala ko rin eh! I thought I am over with the pain. s**t! hindi parin pala, maybe… maybe I just learned to live with it for a moment.”
“Sorry…”
“Kasalanan mo to eh…”
“Kaya nga ako nag so sorry…”
“Sorry! Sorry na naman! Wala ng magagawa ‘yang sorry mo. Damaged has been done. It has already ruined a part of me, at wala ka ng magagawa to fix it.
Natulala ako habang sapo ng dalawa kong kamay ang aking ulo, trying to process things on my head. I didn't realized how much pain I had caused. Akala ko okay na siya. Oo nakalimutan na niya ako at ang nararamdaman niyang pagmamahal sa akin. Ngunit yong sakit na naidulot ng mga sugat na gawa ko ay nananatili.