Drei...
Bitbit ang isang bote ng beer na hinablot ko sa kamay ni Trish ay pasimple kong pinadulas ang glass door. Kaagad akong dumiritso at tumayo sa may railings, pretending as if I didn't notice her presence. Kahit ang totoo ay nakita ko naman siyang umupo sa lounge chair na nasa gilid. Nilanghap ko ang hangin sa gitna ng katamtamang lamig ng gabi. Pinagmasdan ang nagkikislapang ilaw sa labas na nanggagaling sa magkakaratig na mga gusali at poste na nasa gilid ng kalsada. Animo'y mga bituin silang bumaba sa kalangitan. Tumingala ako at napagtantong konti lang sila roon. Bumaba nga yata sa lupa, naisip ko. Saglit ko tuloy nakalimutan ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito ngayon.
Dali-dali akong humarap nong maalalang I have some business to do. Nakahanda na ako, anuman ang mangyari. "So...sorry, I didn't know you're here. Nasa... nasa bar ka pa kasi kanina, when I decided to exit." Pasimple kong sinabi as she took a quick glance on my direction. Totoo rin naman na nandon pa siya sa loob nong umalis ako. At sa totoo lang, I didn't really expect na makikita ko siya dito. Mukha kasing nag-eenjoy din naman siya sa loob. Hindi siya kumibo, she just shrugged her shoulders after at kaagad na binawi ang tingin sa akin.
“Ahm!” bahagya akong umubo to gain back her attention. Umusog ng konti at humakbang hanggang sa nakatayo na ako sa kanyang harapan. I don’t know if this is the right approach, ngunit magbabakasakali ako. It’s gonna be now or never…
I saw the vacant seat beside her, kaya kaagad akong lumapit. “Is this… taken?” lakas loob kong itinanong habang hawak-hawak iyon. She look at me with a blank expression on her face, and then averted her gaze once again without even saying a word. ‘Yong tipong wala siyang naririnig at wala siyang nakikita. I gulped out of discomfort as I also look away. Matutuyuan pa yata ako ng laway nito, mukhang ayaw niya parin talagang makipag-usap sa akin. Ano ng gagawin ko ngayon?
I decided to step back towards the railings na sinasandalan ko kanina. I step back, yet I stayed. Nagpasya akong manatili even though it feels so awkward. Hinabaan ko pa ang aking pasensiya, hoping she’ll eventually talk to me soon. Baka maawa rin sa akin kalaunan. Yumuko ako na waring nahihiya.
“Ako? Oo! ‘yong upuan, I don’t know. Tanungin mo nalang kaya, at baka sakaling sumagot.” Nag-angat ako ng ulo at muli siyang tiningnan. My lips parted as my mouth left half open for a bit sec. Our gazes meet once again, after quite some time. I savor the moment. Matiim ko siyang tinitigan, ngunit pinagtaasan niya lang ako ng kilay.
“Aw! Suplada ka pala sa personal…” pabiro kong hinirit.
“Well, it depends…” umismid siya at muling iniwas ang mga mata.
“Depends on what?” I don’t really care if sagutin niya ako ng pabalang, as long as we’ll have this conversation.
“Depende sa kausap ko.”
“Is that so? Well, kung isang kagaya mo naman ang mag-susuplada sa’kin, I would gladly take it. Mas gusto ko pa nga ‘yon actually, kesa naman dinedeadma mo lang ako.” Oppss… a little bit too forward in there, pero bahala na nga.
“Sira!” She chuckles, and it warms my heart. Parang may kung anong tinik ang nabunot mula sa kaibuturan ng aking puso.
“Di nga! Seryoso ako. So, ano? Can I join you na? or can I at least… sit here beside you?” I once again, asked.
"Uupo ka lang? Di ka magsasalita?"
"Depende, kung okay lang sayo, mas gusto kong makipag-kwentuhan."
She put on a light face then. “Ikaw bahala, I don’t own this place, kaya wala akong karapatang mamili kung sino lang ang puwede kung paupuin dito.” ipinukol niya ang tingin sa upuang tinutukoy ko.
“Aa... so, kung may choice ka, mas pipiliin mong may ibang makatabi?” muli kong hinawakan ang upuan.
“Matagal ko ng ginawa ‘yon actually, matagal ko ng pinili na may makatabing iba.” Diritso niyang sagot.
And that hits me. “Ouch! Ang harsh mo naman. Masyado ka ng nasasanay, ha!” Napahawak ako sa dibdib. Himig ng pagbibro, ngunit isang seryosong bagay para sa akin.
“Nasanay saan?”
“Na saktan ako,” halos pabulong kong sinabi. And her eyes go wide open, ngunit hindi yon naging sapat upang tumahimik siya.
“Warm-up pa lang ‘yon,” sumipat siya sa akin.
“Ga… gano’n?”
“Yup! So, ano! Kaya mo pa? At talaga ba? Nasasaktan din pala ang mga tulad mo?"
"Uh! Uhmm..." walang tamang salita na lumabas sa bibig ko.
"Pero hayaaan mo na, pagbigyan mo na lang ako, kahit ngayon lang. Matapatan mo man lang ‘yong naramdaman ko dati. Besides, ‘yang sinasabi mong sakit ngayon? Trust me, walang wala ‘yan sa sakit na ipinaranas mo sa’kin noon. Sorry," she tapped a finger on her lips.
Halos mabilaukan ako sa narinig ng bigla siyang nag-angat ng kanang kamay sabay nag peace sign sa ere.
“Joke!” ang naibulalas niya bago nagpakawala ng isang mahinang tawa.
Naisahan ako do’n ah? Ang tagal-tagal bago ako muling nakabawi. Napaisip ko kung totoo ba na nagbibiro lang siya.
Maya-maya ay bigla siyang naglahad ng kamay, pointing out that vacant seat. Now giving me the space that I wanted to occupy. “Join me…” ika niya.
“Hoy ano ba! Joke lang talaga ‘yon, wag mong masyadong dibdibin,” giit niya no’ng hindi parin ako kumilos.
“J-koke lang ba talaga ’yon?” nag-aalangan kong tanong.
“Of course!”
“Eh, ba’t may kirot?” Nanatili parin akong nakatayo.
”Kirot mong mukha mo! Hahaha…” tumawa pa siyang lalo.
“Seryoso ako, iba ‘yong dating ng joke mo eh! Well, hindi lang siguro ako sanay…” dahan dahan na kong umupo pagkatapos.
“Na nag jo-joke ako?”
“Hm…Oo! Sineseryoso mo kasi ang lahat dati.”
“Dati ‘yon! Sineseryoso ko talaga lahat. Kahit ‘yong mga hindi dapat seryosohin, sineseryoso ko parin. Pati ikaw!”
“Aray ko!” Muli akong napahawak sa dibdib at bahagyang yumuko. “Strike 2…” I raise my fingers for a sign.
“Hahahahaha…” tumawa na naman siya.
“Gan’to pala feeling no?” I lifted my head.
“Feeling nang?”
“Yong serious na serious ka na, pero tingin ng ibang tao, nagpapatawa ka parin? Gano’n na ba talaga ka nakakatawa ‘yong mukha ko?”
“Hahahaha…”
“Okay, gets…” umirap ako.
“Sorry, kaw kasi eh!”
“Anong ako?”
“Basta! Umayos ka kasi, di bagay sayo ang mag seryoso.”
Nalaglag ang aking panga. “Anong nangyari sa’yo? Ba’t bigla kang naging bungisngis? At tama ba ‘yong narinig ko? Ayaw mo akong magseryoso? Di ba dati ‘yon ang bukambibig mo palagi? Na sana magseryoso na ako.”
“Isa pang bagay na idadagdag natin sa mga “dati ko” and you’re asking kung anong nangyari? Maybe this is the product of what I’ve been through before, of what people have taught me over the past years.”
“Alin? Ang pagtawanan lahat, kahit hindi naman nakakatawa? Di kaba magmumukhang baliw niyan?”
“Hindi! Sira ka talaga. What I’m trying to say is… tinuruan nila akong maging chill lang, to take things on a lighter side. Na ‘wag kung masyadong seryosohin ang mga bagay-bagay, kasi hindi lahat ng nakikita at naririnig ko ay totoo. Dahil ang buhay ay isang malaking entablado, maraming umaarte lang.”
“Asa’n na ‘yong dating Gwyn na nakilala ko? ‘Yong taong punong puno ng tiwala sa mundo. Anong ginawa mo sa kanya? Pakibalik naman siya please…”
“Now you’re looking for her? For that girl na minsan mong nakasama no’n.”
“Yup!”
“At bakit?”
“Anong bakit?”
“Ba’t mo siya hinahanap?”
“Kasi gusto ko siyang maka-usap. Nang… masinsinan.”
“Tungkol saan naman pag-uusapan niyo?”
“Marami… higit sa lahat, ‘yong tungkol sa mga bagay na nangyari noon. Mga bagay na hindi niya na nalaman pa, o hindi na niya piniling malaman rather.”
“Bakit? May mga hindi ka paba nasasabi sa kanya? Kasi sa pagkakaalam ko, mukhang nakarating naman sa kanya ang lahat ng nangyari before, at ayon nga sa lenggwahe mo…gets na gets niya ‘yon! Loud and clear.”
“No, I beg to disagree! Kasi marami pa siyang nakaligtaan, dahil may mga pangyayaring nakakubli lang sa isang bahagi ng kuwento, at marahil ay naghihintay lamang ng tamang pagkakataon upang maisiwalat.”
“Naaakkksss…lalim! May gano’n ka palang side no? Parang di ko naman ‘yan nakita dati, or sinadya mo lang siguro na ‘wag ipakita sa’kin, sa amin.”
“Siguro… or I never had the chance to show off ?”
“You never had the chance, or you just choose to keep it to yourself?”
“Ba’t ko naman ‘yon gagawin?”
“To protect your image.”
“Tang’nang image na’yan!” Nagtiim ang bagang ko sa kanyang sinabi. I can’t help but got pissed off. Nilagok ko ang natitirang alak sa bote. “Alin, ‘yong sinasabi nilang hindi ako marunong mag seryoso? Na laro lang ang lahat para sa’kin? Sila ang nag proclaimed no’n at hindi ako.” Kinuyom ko ang aking palad.
“Certainly based on your actions, nag react lang sila according sa ipinakita mo. Besides, you never dare to correct them, proud ka pa nga di ba? Sa mga sinasabi nila about you,” she puts on a serious face now.
“Hindi ah! Napagod lang akong mag explain Gwyn. Isa pa… wala rin namang naniniwala sa’kin. Kasi matagal na nila akong hinusgahan, di ba? I was long misunderstood even before the day you came into my life,” napasinghap ako.
“In a way, siguro… But you’re really arguing with me now? I de-deny mo gano’n ka? Na naging gano’n ka sa akin?” she started to raise her voice on me. Mag-aaway naba kami nito?
“Siyempre! Ano kaba? Parang hindi mo naman kilala niyan,” I protested.
“Can I ask you something Drei?’
“Sirit!”
“Do I really know you? I mean… ‘yong totoong ikaw, kasi as far as I can remember, ikaw lang naman talaga ‘yong totoong nakakakilala sa sarili mo. You never let anyone into your world… kahit ako, hindi mo hinayaang makarating do’n. You always secluded yourself from us. Masyado kang close off, punong puno ka ng depensa sa sarili, na hindi ko maintindihan kung bakit? kung para saan at kung para kanino. You’re too afraid to bare yourself. Takot na takot kang mag open-up sa mundo.”
“So, hindi mo pa ako kilala sa lagay na’yan?” my eyes narrowed.
“Silly!”
“Yong maanghang?”
“Oo! Yong maanghang! ‘yong nakakapaso ng dila, ‘yong tipong ayaw na ayaw mo ng muling matikman pa. Baka kasi hindi mo na kayanin sa susunod.”
“Aray ko! Di na nga lang ako magsasalita, lahat nalang binabalik mo sa’kin eh.”
“Hahaha… you ask for this diba? You wanted for us to talk? Then, tanggapin mo ang lahat.”