SAFARAH'S POV "Tumigil na nga kayo! Hindi niya naman kayo inaano ha." Biglang may isang batang lalake ang humarang sa harap ng isang batang babae habang nakaupo ito at umiiyak. "Nakakaawa ka naman. Mayaman ka nga, wala ka namang kaibigan. Bleh!" Sabi nung isa pang batang babaeng nakatayo sa harap nila. Tila inaaway nila yung batang babaeng nakaupo at umiiyak. "Sinabing tumigil na kayo! Hindi ba kayo nagsasawa? Lagi niyo na lang siyang inaaway!" Sigaw nung batang lalake. "Tara na nga. May epal na e. Hindi na tuloy masaya." Sabi nung malditang bata bago ang mga ito tuluyang umalis. "Ayos ka lang ba bata?" Nag-aalalang sabi nung batang lalake. "Lubayan mo ko! Ayoko sa'yo! Hindi kita kailangan! Pare-pareho lang kayo!" Pagtataboy ng batang babae sa batang lalake. Hin

