SAFARAH'S POV Isang linggo na ang nakakalipas mula ng bumalik ang alaala ko and guess what? Si Chardie, hindi ko akalain na magiging ganito siya ka-sweet at karomantic sa akin. Syempre confident ako na magiging kami rin pero I can't believe it na ganito pala kasarap ang mahalin ng isang Chardie Cabangis. "Safie, pasyal naman tayo." Sabi niya habang nakahiga sa lap ko rito sa garden nila kung saan may lilim. It is almost 1 in the afternoon buti at malakas ang hangin kaya masarap tumambay dito. Safie is short for Safarah and Chardie, siya ang nakaisip nun para unique daw ang tawagan namin. Ang sweet lang e. "Saan mo naman balak pumunta?" Tanong ko naman habang pinaglalaruan ang buhok niya. "Sa... Saan mo ba gusto?" Tanong niya pabalik sa akin. "Ikaw may gustong mamasy

