Kabanata 15

2188 Words
"No, they won't make a big deal out of it because the item was a stolen object," Alisson concluded na nakapagpagaan ng loob ko kahit papaano. Nakaupo ako ngayon sa pahabang sofa nila. Nakataas ang parehong mga paa ko at nakapatong ang aking baba sa aking mga tuhod. "You think so?" tanong ko sa kanya. Busog na busog talaga ako ngayon dahil sa dami ng salitang kinain ko. What happened sa hindi ko na sila kakausapin o lalapitan, na ayaw ko na ng kahit na anong koneksyon sa ninja world? Lahat ng iyon ay biglang naglaho. Nilunok ko na ang pride ko at ako na mismo ang nagtungo sa bahay nila upang maki-anib. "I'm just glad that you're back, Aki," komento ni Tobi na nagniningning ang mga mata. Si Domino naman ay umupo sa tabi ko at sumandal sa upuan. "Are you really sure about this, though? I thought ayaw mo nang maging involved ulit? Empty words lang ba ang mga iyon?" wika niya dahilan upang lingunin ko siya at taasan ng kilay. "I just found a reason to be involved. Do you want me to leave and work on my own?" sarkastiko kong tugon sa kanya. He sounded like ayaw niya akong makisama sa kanila sa misyon nila. Sumingit bigla si Aero na napaupo sa maliit na sofa. "Domino, what are you saying? Akira, you're free to help on our mission. I heard that you were the best in your batch back then..." masuyong sabi niya sa akin na sinabayan niya pa ng isang matingkad na ngiti. Nginitian ko rin siya nang sarkastiko upang itago ang bwisit ko sa sinabi niya. Gusto lang niyang gamitin ako to accomplish their mission. Hindi man lang niya itinago na 'yon ang gusto niyang sabihin. Umupo si Niklaus sa arm ng sofa at saka umakbay kay Aero. "Akira was one of the best. I think even I was better than her," pagyayabang niya at saka ako nginitian ng pang-asar. What a stupid liar. Hindi kami magkaklase ni Niklaus kaya mahirap i-prove ang sinasabi niya. Ngunit noong naging magkasintahan kami, when we were practicing together, he never wins against me. Those were enough proofs to conclude that he was no better than me. Tumango-tango ako kay Niklaus at ibinaling ang tingin ko kay Aero na mukhang naniniwala sa kasinungalingan ng katabi. "Why don't you ask him what happened on our first mission together? I could still remember how he was beaten to death... asking me to help him or he'll die," natatawang sambit ko kay Aero dahilan upang mapalingon siya kay Niklaus na ngayon ay pulang-pula ang mukha. "Was that true?" hindi makapaniwalang tanong ni Aero sa kanya. The guy really looks up on him. "Yes, it did. He was beaten into a pulp and he was going to be a big lunch of some wild animals in the forest, but guess who came into his rescue?" pagyayabang ko pa kay Aero dahilan upang mamilog ang kanyang mga mata at hindi makapaniwalang mapatingin sa iniidolo niyang si Niklaus. "Whoa, I remember all about that! Halos hindi na makalakad si Niklaus pagbalik ninyo," nang-aasar na segunda ni Tobi na nakikinig pala sa usapan namin. Umupo siya sa tabi ko at saka siya umakbay sa akin habang nangingiti pa rin nang nakakaloko. "At hindi na rin kayo mapaghiwalay no'n. What really happened there, ha?" mapang-asar na tanong niya at saka lumingon kay Niklaus na ngayon ay napangiti. Niklaus was smiling habang inaalala ang mga pangyayari noon. "Ano pa nga ba? Akira fell madly, deeply in love with me," nakangising tugon ni Niklaus. Binato ko nga siya ng isang throw pillow na nadampot ko. Tawang-tawa pa siya at si Tobi. "Lies. Don't believe such lies, Aero," depensa ko. Si Aero naman ay mas lalo pang na-shock nang dahil doon. "Niklaus and Akira dated?" hindi makapaniwalang tanong ni Aero. Para namang uminit ang pakiramdam ko at umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko sa sobrang pamumula. Alisson and Tobi were also surprised. Pinapares lang ako madalas noon kay Niklaus, ngunit mukhang wala silang ideya na pumasok kami sa isang romantic relationship. Lumingon sa akin si Tobi. "You really dated this guy?" hindi makapaniwala niyang tanong sa akin. Sasagot pa lang sana ako nang biglang magsalita muli si Niklaus, masama ang tingin sa akin. "You didn't even tell her? Kinakahiya mo ba ako?" pag-angal niya dahilan upang mas lalong mawindang ang mga kasamahan namin. "Shut up, Niklaus," inis na tugon ko sa kanya at inirapan siya. "Paanong napunta ang usapan sa personal kong buhay? Can't we talk about the mission?" iritable kong sabi sa kanila. Ngunit nanguna si Tobi sa pag-angal. "Bakit hindi niyo muna i-kwento sa amin yung history niyong dalawa?" puno ng pang-aasar na sambit pa niya. Napabuntong-hininga ako at makikipagtalo na naman muli sana ako sa kanya dahil sa kakulitan niya, nang biglang magsalita si Domino na katabi ko sa kanan ko. "Akira is right. Let's talk about our mission here in Barrio Tapang. It's best if we could share all our information with her so we could all brainstorm," suhestiyon ni Domino dahilan upang matigilan ang tatlo at sumang-ayon na lamang. Tumango si Alisson. "About what happened at the museum, I think the worst punishment that they could give both Aki and Niklaus is a long-term community service," pagbibigay opinyon ni Alisson as soon as bumalik kami sa kaninang topic. "And you will be banned sa museum, of course." Tumango si Niklaus. "I agree. They couldn't give us more than those. If pinalaki nila ang isyu ng singsing, mas madi-dig yung truth about the item," sang-ayon ni Niklaus. Si Domino naman ay hindi mukhang natuwa sa narinig. "Still, you shouldn't have done that, Nick. Why would you show Aki something that would make her lose her s**t?" seryosong wika ni Domino at bakas sa boses niya ang galit, although nagtitimpi pa siya no'n. Nangunot ang noo ni Niklaus, pati na ako. Hindi ko gusto ang tabas ng dila niya ngayon. "I did it for Akira, obviously," diretso at balewalang tugon ni Niklaus while looking Domino dead in the eye. "So you don't even care about our mission? You'll do whatever you want, anything for Akira, even if it meant blowing your own cover and goal?" sarkastikong tugon din ni Domino. Malumanay pa rin ang pagkakasabi niya no'n kahit pa ramdam namin ang galit niya. Tumango si Niklaus. "If that's how you see it, then yes," mariin na tugon ni Niklaus habang diretsong nakatingin sa kanya. Lumingon ako kay Domino at nakita kong mas lalo siyang nainis nang dahil sa sinagot ni Niklaus. "Okay, guys, will you stop now?" bulyaw ko sa kanilang dalawa dahil kaunti na lang ay magsusuntukan na talaga silang dalawa. "I get why Domino is furious. Dahil sa nangyari, magiging mainit ang mga mata ng school sa atin. Ibig sabihin, magiging limitado ang galaw natin which is a disadvantage sa mission na 'to." Nakita ko na umirap si Niklaus sa direksyon namin at saka na ikinalma ang kanyang katawan. Tumango si Domino. "Exactly." Tumango rin ako at saka napabuntong-hininga. "But it's not the end of the world. Why are you acting like it is?" muli kong sinabi at lumingon kay Domino. He was a bit surprised by the sudden opposing words and turn of events. I scoffed in disbelief nang makitang hindi niya napansin how he was overreacting about the issue. Matapos iyon, naging kalmado na rin ang lahat. Alisson showed me a presentation sa laptop. Nandoon lahat ng impormasyon na ibinigay sa kanila para sa misyon na ito, profiles ng mga estudyante, guro, at pati na ang mga nasa matataas na posisyon. Nandoon din ang data ng mga residente. "Ang Barrio Tapang ay nasa dulo na ng Pilipinas. Halos wala na ngang nakakaalam na nag-e-exist pa ito. It is a peaceful place, almost crime-free... you know all those dahil nanirahan ka rito for three whole years, right?" paliwanag ni Alisson. Nakikinig lang kaming lahat, pero ako lang ang kinakausap niya dahil aware naman na sila sa mga impormasyon na binanggit niya. "Yes. Saksi ako sa lahat ng iyan," tugon ko sa kanya na may hint pa ng pagka-proud, as if native ako rito. Sumingit si Niklaus. "Wala ka bang napapansin na suspicious sa paligid mo?" he asked. Umiling ako. "If meron man, siguradong binalewala ko na lang. I learned to do that a long time ago," paliwanag ko sa kanila. Tumango-tango sila. "Actually, we received a report from a resident of this place. His statement was vague, but the agency sent us anyway. To confirm and investigate, if such case really occurs," paliwanag ni Tobi. Nangunot ang aking noo. "What report?" Natahimik silang lahat at sabay-sabay na tumingin sa direksyon ni Domino na nasa tabi ko. Mukhang gusto nilang sa kanya pa manggaling ang sagot. "Human trafficking, child p*********y, and barter of illegal drugs and weapons," walang pagkurap na sambit ni Domino. Namilog ang aking mga mata nang dahil sa narinig at hindi talaga ako makapagsalita for one whole minute. Una kong naisip ay ang mga matatandang kapit-bahay ko. People here are warm-hearted, ni hindi nila kayang gumawa ng kahit maliit na kasamaan lamang. How could such things happen inside this barrio? Hindi ba't imposible iyon? "Nag-ikot naman na kami and everything seems normal, pero may isang lugar na kailangan nating bantayan nang mabuti," wika ni Aero. Tumango ako sa kanila upang ipaalam na naiintindihan ko. "Tapang College?" I guessed. Napabuntong-hininga si Alisson at saka tumango sa akin. "We are suspecting na doon nangyayari ang lahat ng ilegal na gawain." Masyadong mabigat sa loob ko ang mga narinig ko mula sa kanila. Tatlong taon na ako rito at napamahal na rin ako sa buong lugar. Parang ang hirap yatang isipin at tanggapin na ang kinikilala kong payapang bagong tahanan ko ay mayroon pa lang madilim na sikreto na ako rin mismo ang huhukay. "Ano, Akira? Are you in?" tanong ni Alisson sa akin dahilan upang mapatingin ako sa kanya. Tumingin din ako sa apat pa na nakatingin sa akin at naghihintay ng aking sagot. "As long as the old people won't be involved and get hurt, I'm in." Humugot muna ako ng isang buntong-hininga at isa-isa silang tiningnan. "Or may possibility na involved sila rito?" Bumuntong-hininga si Alisson. "There's a small possibility." Isa na namang malakas na atake iyon sa aking puso. Kung sakali man na kahit isa sa kanila ang madawit sa usaping ito, siguradong masasaktan ako nang sobra dahil I trusted them so much. And I still do. "Then I'll protect the oldies and their homes at all cost," saad ko. Nang matapos ang pagpupulong namin, lumipat naman kami sa aking bahay dahil wala silang nilutong hapunan. Sa bahay ko naman ay nadatnan namin si Lola Kris na nagluluto ng hapunan. "Nandiyan ka na ba, Ake?" bati niya sa akin habang nasa kusina at nakatalikod sa amin. Nang lumingon siya, nabigla siya nang makita ang limang lalaking kasama ko. "Nandito rin pala kayo. Tamang-tama, marami itong niluto kong hapunan. Saluhan niyo na kami ni Ake," nakangiti niyang sinabi sa lima. "Yes, Lola!" sabay-sabay na tugon nila at saka na nagtungo sa kusina upang alalayan si Lola Kris sa pagluluto. "Naku, kaya ko na ito. Maupo na lamang kayo riyan sa mesa at hintayin niyo akong ihanda ang pagkain, mga hijo," malumanay na sabi pa ni Lola Kris. Parang tinutunaw ang puso ko nang dahil sa pagsasalita niya nang ganoon. She is really kind and pure. Paano ko naman siya iisipan nang masama dahil lang sa krimen na nangyayari sa barrio? Hindi ko sila idadamay sa kung ano mang ilegal na gawain ang nangyari sa barrio o sa loob man ng aming kolehiyo. I won't let them get hurt. Sumunod ang lima sa sinabi ni Lola Kris at naupo na sila sa lamesa, naghihintay na lamang ng pagkain na ihahapag sa kanila. Ako nama'y lumapit kay Lola Kris at saka inabot ang lahat ng pinaggamitan niyang kasangkapan. Hinugasan ko na ang mga iyon upang wala na siyang linisin pa mamaya. Lumingon siya sa 'kin at nangiti. "Kumusta ang pag-aaral mo, apo?" tanong niya habang inililikas na ang ulam sa isang malaking mangkok. Ngumiti ako sa kanya nang matamis. "Maayos ho, Lola. Kain na tayo," tugon ko sa kanya. Kumuha na ako ng mga plato't kubyertos at inihapag ang mga iyon sa lamesa. Si Lola Kris naman ang naghapag ng kanin at ulam. "Ano pang hinihintay mo? Maupo ka na," ani ni Lola Kris nang makitang nakatayo pa rin ako at natulala na lamang. Napatingin ako sa kanya at saka ako lumapit sa kanya. Naluluha ang aking mga mata at naging emosyunal ako bigla. Niyakap ko si Lola Kris mula sa kanyang likod. "Thank you, Lola," sambit ko sa kanya dahilan upang matawa siya at saka niya ako pinilit na umupo upang sabay-sabay na kaming kumain. Umupo na rin siya sa tabi ko. Nagulat pa ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko na nakapatong lang sa mesa. Pinisil niya iyon nang marahan habang nakangiti sa akin. "Masaya akong ginagawa ito, Ake na apo ko," aniya dahilan upang lalong bumuhos ang emosyon ko noong mga oras na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD