Kabanata 16

1563 Words
"Ake, may naghahanap sa 'yo. Lumabas ka na rito." Ilang katok pa ang ginawa ni Lola Kris na ikinagising ng diwa ko. May ginagawa ako sa laptop ko habang nakapikit pa. "Ake!" muli pa niyang pagtawag. "Wait, Lola! Palabas na po!" sagot ko sa kanya bago ko isinara ang laptop ko at tuluyan nang bumangon. Hindi na ako nag-abala pang magbihis. Sino naman ang maghahanap sa akin ng ganitong oras—I'm with my pyjamas and I'm ready to sleep na—at hindi na lang ipagpabukas? I swear I'm gonna kill him for that. By the way, Lola Kris didn't want to go home pa kahit sa tabing bahay lang naman siya nakatira. Naglinis pa siya ng sala at kusina dahil trip lang niya at sinabihan akong huwag ko lang siyang pansinin. Lumabas ako ng kwarto at lumingon sa pintuan ng bahay. Nadatnan ko sa living room si Lola Kris na nakaupo sa pahabang sofa at nanonood ng telebisyon. Or maybe not? Nakabukas lamang ito ngunit wala roon ang atensyon niya, kung hindi nasa lalaking prenteng nakaupo sa loveseat at enjoy na enjoy sa pagkaing inihanda niya for him. Pilit akong ngumiti bago binati ang dalawa. "Uh, hello. May naghahanap sa akin?" tanong ko kay Lola Kris kahit pa nakita ko naman nang may nakaupong isang lalaki sa maliit na sofa. Napalingon ang dawa sa akin. Lola Kris stared at me suspiciously while the guy—my visitor—smiled and waved at me. Itinigil na rin niya ang pagkain niya at pinagmasdan ako. Muntik akong mapamura nang masilayan ko nang buo ang pamilyar na mukha niya. What the hell is he doing here? I can feel my angelic smile slowly wearing off. Napalitan iyon ng matinding pagkainis. Grae Harrison. I don't consider him as a friend—not even once. He was just my schoolmate na parati akong nilalapitan upang kausapin at sinasabayan na kumain. Ilang linggo rin siyang nawala at hindi ko na nakikita sa campus, but he's back now? At dito siya dumiretso sa bahay ko? "Oh. Nandito na pala si Ake," narinig kong sinabi ni Lola Kris at saka siya tumayo upang lapitan ako. "Nag-bake ako ng cupcakes para sa 'yo. Ano, hijo, masarap ba?" aniya pa sa bisita. "Yes, Lola! Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na cupcake sa buong buhay ko," tugon naman ni Grae. He was being exaggerated, I know. "Because he never ate cupcakes before. He said it's the worst thing to eat," singit ko. Naalala kong sinabi niya iyon noon habang kumakain kami sa cafeteria. Pinilit kong mangiti, kahit na gusto ko nang sapakin si Grae ngayon. Bakit ba siya nandito? Baka may iba pang makakita sa kanya, kung ano pa ang isipin! "I never said that, Akira!" Umirap siya sa akin at nangiti kay Lola Kris na tuwang-tuwa sa papuri niya sa kanyang cupcakes. "Nagbibiro lang si Akira, Lola. Favorite ko ang cupcakes!" Ngumiti si Lola Kris. "Kung ganoon, gusto mo bang mag-uwi? Marami akong ginawa kanina." "I would love to, Lola," nakangiting tugon ni Grae. Magaling talaga siyang makipagpalagayan ng loob sa mga tao. Isa ito sa mag dahilan kaya hindi ko pa ito itinataboy. May kakayahan siyang makuha kaagad ang tiwala ng isang tao. Hindi ko pa naman naibibigay ang tiwala ko sa kanya. Nakikita ko lang sa kanya ang katangian ng isang ninja. Pagkaalis ni Lola Kris, naupo na ako sa tabi ni Grae. Magsasalita pa lang sana ako nang bigla akong may narinig na bumukas na pinto. Paglingon ko, sina Tobi at Aero pala ang mga iyon at may hawak na mga tupperware. Mukhang balak nilang ibalik ang mga iyon kay Lola Kris dahil binigyan niya sila ng natirang ulam. Dumiretso ang dalawa sa sofa na tila ba bahay nila itong bahay ko. Nakatingin sila kay Grae at mukhang iyon ang unang beses na nakita nila siya, at saka nila ako sabay na tiningnan na tila ba may ginawa akong krimen. Tahimik lang si Aero na nakatingin sa akin, habang si Tobi ay parang lalamon na ng bisita—tao. "Speak." Para akong isang kriminal at ine-enterrogate ako sa krimen na ginawa ko. No worries! I'm good at lying, escaping from a very difficult situation. It's my forte as a ninja, you know. "He's just a friend, Tobi. Nandito lang siya upang bumisita kasi we haven't talked much since the end of semester. Quit glaring at him," inis na bulong ko sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung bakit kailangan ko pang mag-explain sa kanila kung ano ang ginagawa rito ni Grae as if isang kasalanan ang pagtanggap ng bisita. Tila kumalma naman si Tobi samantalang si Aero ay walang reaksyon. He was staring at me, suspiciously. Hindi ko na iyon pinansin at inaya ko na lamang si Grae na magpunta sa labas. I have to give him the beating that he deserved. I told him a hundred times not to come here at kahit sa campus ay huwag na niya akong lapitan dahil ayoko ng may kausap. He won't just listen to me! Umupo ako sa damuhan na ginaya naman niya. Now, it's my time naman para magtanong nang magtanong. "Speak." I said in a dull monotone voice. "Why did you come here? You can just message me if you need something." I shot sideward glances at him. "I just came back after almost a month of being away. Gusto ko lang ipaalam na nandito na ako ulit," mahina niyang sagot. "And who are those two? Akala ko ba ayaw mo ng friends?" Umismid ako sa kanya. "They are old acquaintances, not even my friends. They came because of Lola Kris. You know how kind she is to everyone," naiinis na tugon ko. Hindi naman ako dapat pang magpaliwanag. "Grae, you can't just barge in my house anytime you want. Respect other people's privacy, will you?" dagdag ko pa. Napayuko siya. He was sorry. Papatawarin ko naman siya talaga, pero kailangan muna niyang matikman ang sermon ko. "I know. Hindi na mauulit. Dumaan lang talaga ako to say hello, and to inform you that I'm back." Tumango na lang ako sa kanya upang ipaalam na naiintindihan ko para matapos na rin. "I'll just see you at school." No! Muntik na akong mapasigaw nang dahil sa sinabi niya. Ayoko lang na may makakita sa amin na magkasama pati sa campus, tulad na lang nina Aero at Tobi na pasmado ang mga bibig at utak! "I told you to stop talking to me kahit pa sa campus," angal ko sa kanya. Tiningnan ko lamang siya at hindi na nagsalita. "Let's stop here, okay? I still think that friends are a burden," mariin na sambit ko. "Uh, really?" Tila ngayon lang niya nalaman ang bagay na iyon tungkol sa akin. What a fool. Ilang beses ko nang sinabi at pinaramdam sa kanya na hindi ko kailangan ng kaibigan. Bumalik sa pagiging paawa ang mukha niya. "Sorry na, Aki. Hindi na talaga mauulit na pupunta ako rito nang walang pasabi." Hindi ako sumagot at inirapan na lamang siya. May magagawa pa ba ako? Napatingin ako sa kanya nang itinaas niya ang kamay niya bilang pangangako na hindi na siya pupunta rito nang walang pasabi. Bumalik na kami sa loob matapos naming mag-usap at hinahanap na rin siya ni Lola Kris na nag-pack ng kanyang cupcakes na ipapabaon. Nagpaalam na rin siya kay Lola Kris at pati na kina Aero at Tobi na parehong hindi maganda ang mga tingin sa kanya. Nagpaalam din ako sa kanila upang ihatid ko na si Grae sa labas ng bahay. Kita ko na may baon siyang tupperware na punong-puno ng cupckaes na sa pagkakaalam ko ay allergic siya, o hindi niya makain talaga. Pabalik na ako sa loob nang marinig ang pagsusuka ni Grae. Nagmadali akong lumabas upang tingnan siya. Nandoon nga siya sa gilid, nagsusuka. Nilapitan ko siya at hinagod ang kanyang likod. "Are you okay, Grae?" Nagawa pa niyang tumango sa kabila ng pagsusuka niya. Kita ko ang pamumula ng mga tenga niya gawa ng ilaw sa malapit na poste. "I'm fine. Nasobrahan lang siguro ako sa cupcakes." Natigilan ako. "Right. Ang sabi mo sa akin noon hindi ka kumakain ng cupcakes. Why did you–" Pinunasan ni Grae ang kanyang bibig bago umayos ng tayo at tumingin sa akin. "Pinaghirapan ng Lola Kris mong i-bake ang mga 'yon. It'll be a waste kung hindi iyon makakain," paliwanag niya. Wow, the jerk is finally being nice and all. Sa pagkakakilala ko kay Grae, hindi mala-mamon ang puso niya. Madalas ko ngang mabalitaan ang pagiging masama niya sa ibang mga estudyante. Tiningnan ko ang hawak niyang tupperware. "Don't eat them. It'll just make you sick, you know." I tried to snatch it from him pero kaagad niya iyong iniwas. Sinamaan ko siya ng tingin na sinuklian lang niya ng isang ngiti. "I'm leaving now. Bumalik ka na sa loob at baka hanapin ka pa ni Lola Kris, at yung dalawang old acquaintances mo." Lumapit pa siya sa akin ng ilang hakbang at ginulo ang buhok ko. "By the way, Akira..." Lumapad ang ngiti niya na mapang-asar. It made his eyes shrink. "Nice pyjamas." I blushed. Doon ko lang naalala ang suot kong pyjamas na may printed na giraffe. This is not so me. The Akira that he knew wouldn't even wear pajamas on her sleep. Out of embarassment, I ran back home.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD