Nakadapa ako sa aking kama. Nakabihis na ako at lahat at naghihintay na lamang ako ng oras dahil maya-maya ay papasok na ako sa klase. Ayokong maaga na magtungo sa campus ngayon dahil siguradong maiirita lang ako kay Grae at nagbalik na siya.
Nakaharap ako sa laptop ko at nagpapatugtog lang ng aking mga kanta sa playlist, nang biglang mayroong isang email na pumasok. Napakunot ang noo ko nang makita ang notification na biglang nag-pop up. Walang pangalan ang sender at hindi rin pamilyar sa akin ang e-mail address niyon. The unknown sender sent a clip where two people were talking about stuff I don't understand. Ilang beses ko na iyong inulit ngunit hindi talaga ako maka-relate sa pinag-uusapan ng mga iyon. Isang malalim na boses ng lalaki at isang boses ng babae na mukhang nasa edad pa lamang na bente pataas. Magulo ang bidyo at hindi rin kita ang mga mukha nila.
Sa hindi ko malamang kadahilanan, biglang tumibok ang puso ko nang sobrang bilis. Inulit-ulit ko yung clip ngunit wala talaga akong maintindihan na tila ba ibang lenggwahe ang kanilang salita, o 'di kaya'y dahil iyon sa pagbubulungan lamang nila.
Isang katok ang umistorbo sa ginagawa ko. Napilitan akong i-pause ang clip bago sumagot.
"Aki, nandiyan ka pa ba? Sabay-sabay na tayong pumasok," rinig kong sigaw ni Tobi. Nasasanay na siyang maglabas-pasok ng bahay nang hindi nagsasabi. Palibhasa ay alam niyang open sa lahat ang bahay ko, pati na sa mga magnanakaw, dahil never akong nag-lock ng pinto.
"Yeah, nandiyan na!" sigaw ko na lamang at saka ko isinarado ang laptop. Hindi ko lang alam kung namaling send lamang sa akin ang sender, ngunit mukhang importante ang pinag-uusapan sa clip at mukhang sikreto lamang iyon na hindi pupwedeng lumabas sa publiko.
Bumaba ako mula sa kama at binuksan ang pinto. Wala akong masyado sa sarili kaya nabigla ako nang bumungad sa akin si Tobi. Nakatayo pa rin siya sa tapat ng kwarto ko at hinihintay ako. Kaagad niya akong inakbayan at sinabay na sa paglalakad palabas ng bahay.
"Good morning, Aki," he greeted me with a playful smile on his face. Ismid lamang ang itinugon ko sa kanya at inalis na ang pagkakahawak niya sa braso ko. I am trying to be nice here. Ngunit mas lalo nitong hinigpitan ang pagkaka-akbay. Nilingon ko diya at sinalubong ng tingin.
"Let go," kalmadong sabi ko. I even smiled at him but he really was pushing me to my limits. Gamit ang isa kong kamay, hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. "While I'm being nice to you." At kinalas ko ang pagkakahawak niya sa akin.
Paglabas ng bahay, bumungad naman sa amin ang apat pang kasamahan ni Tobi na naghihintay sa amin kaya lumabas na kami at nakisabay na sa kanila sa pagpasok. Si Tobi ang may bitbit ng aking backpack.
Binati namin ang mga kapit-bahay na matatanda habang naglalakad. May pumuna pa sa akin na mabuti naman daw at may mga kaibigan na ako. Nagtawanan pa tuloy sina Tobi at Alisson, nagbulungan habang inaasar ako dahil wala akong kaibigan bukod sa kanila. Inirapan ko nga sila.
However, habang naglalakad ako kasama ang lima ay biglang may tumawag sa akin. Nang lumingon ako ay nakita ko ang pagmumukha ng nakatatandang kapatid ni Grae. Mas inosente ang mukha nito dahil na rin sa mala-anghel na pagngiti na napakahirap hindi pansinin.
"Akira, I have something to tell you about Grae," aniya dahilan upang tuluyan niyang makuha ang atensyon ko. Huminto ako sa paglalakad at nagpaalam sa lima na may pupuntahan lang ako.
Ang bahay nina Grae at nitong Kuya niya na si Rowie ay madadanaan sa pagpasok sa Tapang College. Kaya pumasok na muna ako sa bakuran nila at lumapit kay Rowie upang magbigay respeto na rin sa kanya. He believes na I am his brother's only friend at sinasakyan ko na lang iyon.
"You're also back," pagbati ko sa kanya nang makalapit ako. Normal na sa akin na pumasok sa bahay nina Grae. Although I said na hindi kami close, minsan na rin akong bumisita sa kanila upang magkape. Nakiusap kasi noon sa akin si Grae.
"Yes. I guess you already heard from Grae last night," aniya na mabilis kong tinanguan dahil totoong nagpunta sa bahay si Grae kagabi upang ipaalam ang pagbalik niya. The loser is really a loner, kaya siguro masaya si Rowie na may kaibigan ang kapatid na katulad ko.
"By the way, ano yung sasabihin mo?" tanong ko pa.
Hindi siya sumagot at iginiya lamang ako sa bungad ng kanilang pintuan.
Isang malakas na pagputok ang bumungad sa akin pagbukas na pagbukas ko ng pinto at nagsimulang bumuhos ang confetti sa akin. Tiningnan ko nang masama si Grae na may hawak na party popper.
"Come! Come!" Hinila niya ako papunta sa kusina. Pinaupo niya ako sa table at ipinakita sa akin ang nakahapag. Cupcakes. Nababagot ko siyang tiningnan.
"What's so special about cupcakes?" iritableng tanong ko pero kaagad ko rin namang inayos ang tono ko nang maalalang nandito pa rin ang kapatid niyang si Rowie.
Nangiti si Grae. "Ito 'yung gawa ni Lola Kris. You see, inalagaan ko sila nang husto para maihapag ko sila ngayon," hindi maalis ang ngiti na wika niya. I didn't know that this guy is so soft.
I rolled my eyes. Hindi naman niya pinansin ang naging reaksyon ko at naupo na lamang siya sa katabi kong upuan.
"Eat." Inusog niya ang isang platito na may cupcake palapit sa akin. "Tikman mo."
Tiningnan ko lang si Grae. Ngiting-ngiti siyang pinagmamasdan ako. His life sure was boring without me. I mean, wala siyang pinepeste rito kapag wala ako. How sad.
Inusog ko pabalik ang platito ngunit nakita ko sa gilid ko si Rowie na naupo rin kaya kaagad kong ibalik sa harapan ko ang platito.
"Kung hindi mo kakainin, ako na lang ang kakain," balewalang sabi niya at narinig ko ang pagkalansing ng mga kubyertos.
Natigilan ako sa sinabi niya at inilayo ang pagkain ko mula sa kanya ngunit nang muli kong siyang nilingon e sinisimulan na niyang kainin ang cupcakes. Napamura ako nang mahina at dali-daling bumalik sa table.
"Nababaliw ka na ba?" Inagaw ko ang cupcakes mula sa kanya at masama siyang tiningnan. "You can just throw it, you know!"
Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa 'kin. Napansin ko rin si Rowie na biglang natigilan nang dahil sa inasta ko.
"No, I don't know," tila naaasar na wika ni Grae. "How can you be so heartless, Aki? I prepared all of these for you, but you acted like you don't f*****g care. No, Lola Kris tried so hard to bake these cupcakes.. and now you're telling me to just throw it?"
I was shocked to see Grae acting this way. Bakit parang sobra siyang naging emosyunal ngayon? He was not like this. Ngayon lang siya nagsalita nang ganyan. And how dare he shout at me! Kahit na nainis ako sa inasta niya, pinilit ko pa ring kumalma at naupo sa upuan ko. Lalo na at nakatingin ang kapatid niya na mukhang nase-sense na niya ang tension between us. Mukhang nararamdaman na niya na peke ang friendship namin ni Grae.
"Fine. I'll eat them all! Happy?" pigil ang inis na sambit ko at kumuha ako ng cupcake, saka ko kinain iyon nang buo.
He nodded. "I'm so happy I could die." At nangiti pa siya nang sarkastiko. I gritted my teeth and was ready to kill him, but he stood up and walked out of my sight.
That bastard!
"Are you guys okay?" tanong ni Rowie na naguguluhan at mukhang nag-aalala sa akin.
Tumango ako sa kanya. "Grae is such a baby at times," palusot ko na lamang sa kanya na ikinatawa niya at sinang-ayunan pa niya. "Don't worry, we are usually like this. We're okay," paniniguro ko sa kanya upang mawala na rin ang pagdududa niya.
Ibinalik ko na ang atensyon ko sa kinakain ko. I ate all the cupcakes kahit na nasira ang mood ko kay Grae. Wala akong tinira ni isa. Niligpit ko ang pinagkainan ko at nilinis ko ang kinalat niyang confetti.
Matapos iyon ay nagpaalam na ako kay Rowie dahil mahuhuli na ako sa klase ko. Good thing na mukhang nawala na rin ang suspicions niya sa amin ni Grae na hindi talaga kami friends tulad ng iniisip niya. Mukhang na-realize niya na maaaring normal lamang iyon sa dalawang magkaibigan.
Nagulat ako paglabas ko ng bahay nila ay nandoon pa rin ang lima at hinintay talaga ako. Umakto na lang ako na parang walang nangyari at saka na ako sumabay sa kanila sa paglalakad.
Naging mabilis lamang ang araw ko sa paaralan. Walang espesyal na nangyari noong araw na iyon. Hindi rin pumasok si Grae at hindi ko siya nakita maghapon, which was good na rin dahil maiirita lang ako sa kanya.
Actually, nagsisimula na nga akong mairita ngayon dahil siya pa ang may lakas ng loob na magalit at hindi magpakita sa akin e siya na yung biglang naging unreasonable at sensitive about some little things. About sa cupcakes!
Pag-uwi ko sa bahay ko, dumiretso kaagad ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko at ipinikit ang mga mata ko. What now? Iminulat ko ang mga mata ko at dali-daling bumangon upang kunin ang laptop ko nang mayroon akong marinig na notification.
Pagkabukas ko, isang message ang nag-pop up sa screen ko.
Stop.
Hindi ko iyon kilala kaya hindi na ako nag-abalang mag-reply. I have enemies everywhere, you know. Maybe he's one of them? Not sure. Matagal nang nananahimik ang buhay ko, ngunit ngayong nag-desisyon ako na bumalik sa dati; na maging involved muli sa pagiging ninja at sa mga misyon na ipinapagawa nila sa kanila, nagsimula na namang magulo ang mundo ko.
Kaninang umaga, someone sent me a video clip na hindi maintindihan ang boses at magulo rin ang pagkakakuha sa video. Ngayon naman ay mayroong unknown sender ulit, pero iba sa kaninang umaga, ang nag-message sa akin ng stop. Does it mean 'stop getting invoved'?
Nang dahil sa naalala ko, binuksan ko muli ang video clip na ni-save ko na sa mismong laptop. Although tinalikuran ko ang pagiging ninja noon, hindi pa rin nawala sa akin ang galaw ng isang ninja kaya naman may mga impormasyon akong nakalap sa paaralan na isinusulat ko roon dahil wala naman akong paggagamitan noon. Nandito rin ang mga files na naipon ko na aksidente ko lamang na nakikita. Naging habit ko na yata ang mag-ipon ng impormasyon at itago iyon kahit wala naman akong specific na paggagamitan.
Binuksan ko ang isang video clip na ipinasa sa akin at inulit-ulit iyon sa pagnanais na magkaka-sense ang sinasabi sa video. Wala kasi talaga akong maintindihan dahil tunog nagcha-chant ang mga iyon ng spells.
Nakatutok ang camera sa isang babae. Hanggang leeg ang iksi ng blonde nitong buhok, sobrang pula rin ng mga labi nito gawa ng lipstick, at naka-uniporme ito ng Tapang College. Hanggang sa mga labi lang niya ang nakunan ng video at hindi makikilala iyon.
Matapos kong ulitin at pakinggan iyon ng lagpas dalawampung beses, sumuko na rin ako at humiga na lamang upang magpahinga na sapagkat magulo ang utak ko ngayon. Baka kapag napahinga ang ulo ko ay bigla akong may maintindihan sa mga narinig. Hindi ko na namalayan na nakatulog ako sa pagod at nagtuluy-tuloy na iyon hanggang umaga.
Maaga akong bumangon upang gumayak. May kailangan pa akong puntahan upang kumuha ng impormasyon. Hindi talaga ako mapakali sa video na napanood at narinig ko kaya kinailangan kong gumalaw na at gumawa ng hakbang upang maintindihan kung tungkol saan iyon at kung bakit ni-send sa akin iyon.
Hindi ko maaasahan si Grae na gawin ang trabahong ito since hindi kami magkausap. By the way, maraming connections si Grae at magaling siyang kumuha ng impormasyon sa kahit na saan. I think that was why I keep him close kahit pa nakakairita siya. Naging habit ko na lang din na makipag-kaibigan sa taong mapapakinabangan ko.
It was only four in the morning. Medyo madilim pa ang paligid at wala pa akong nakikitang mga tao sa labas, maliban sa ilang matatanda na nagwawalis na sa kani-kanilang mga bakuran.
"Magandang umaga," one of the oldies greeted me, with a smile plastered on her face. "Ang aga ng gising mo, hija?" dagdag pa ni Lola Iska.
I have to maintain a good profile, so I smiled back. "Practice po sa school," pagsisinungaling ko.
She nodded. "Pagbutihin mo, hija."
Ngiti na lamang ang naitugon ko sa kanya at nagpaalam nang umalis. I need to confirm something...