Zander's POV (flashback) "Naks. Saan mo galing iyang Rocky Troupe shirt? Members lang ang mayroon niyan, dude." salubong ni Hans kay Sean. Natawa lang naman ang huli at umiling. Proud na proud sa suot niyang shirt e sa pagkakaalam ko, parehong kaliwa ang paa ng mokong! "Fit na fit pa, dude. Halatang hindi iyo," wika ko dahilan para murahin ako ng gago. Tinawanan ko lang naman. Actually, hindi talaga ako maka-relate sa usapan na ito dahil hindi ako rito nag-aaral. Naisama lang ako ng dalawang ito dahil sasayaw raw ang tinatawag nilang Rocky Troupe. Sikat raw ang grupo na iyon dito, at sa ibang school dahil sa cool nilang pagsayaw. Naririnig ko rin na usapang iyon sa campus namin, pero hindi ko pansin dahil hindi ako mahilig sa sayaw. Sapat na sa 'kin na gwapo ako at pinagkakaguluhan ng m

