Zander's POV (flashback) Nakatitig ako sa babaeng pinapangarap ko. Mahigit dalawang taon na, pero siya pa rin talaga ang itinitibok ng puso ko. Walang iba. Siya lang talaga. Nang magkalapit kasi kami ni Sushi, ang una kong nagustuhan noong sophomore ako, e bigla kaming lumipat ng bahay at probinsya. Wala kaming nagawa kung hindi maghiwalay, although okay na sana kami pareho. Gusto ko siyang ipaglaban pa, pero may nangyari kasing hindi maganda sa pamilya namin so I had to move on na lang. Then I met this classmate of mine. Pinagmamasdan ko lang siya for two years na. Quinn Zara Montejo. Kilala sa buong campus, lalong-lalo na sa loob ng classroom! Number one taga-suway ng mga kaklase namin. Mali ka! Hindi siya president! Hindi rin siya vice! Mas lalong hindi siya muse, kahit na ubod siya

