Zander's POV Maaga akong pumasok. Dala ko ang aking camera dahil iyon ang sinabi sa aming mga photojournalists. At dahil wala akong magawa, kinuhanan ko ng litrato ang kahit na anong ma-tripan ko. Hanggang sa may pumasok sa room. Itinutok ko sa kanya ang camera at pinicturan siya. Napangiti ako nang makita si Zara sa kuha kong iyon. Naalala ko tuloy nung una ko siyang makilala. Nahagip lang din siya ng camera ko. Para siyang model na naglalakad sa hallway. Grabe talaga ang araw na yun! Buong hapon akong lutang kaiisip sa kanya! "Hala, Zander, burahin mo 'yan!" utos niya. Hindi naman ako nakasagot kaagad. Ayoko nga. Iniipon ko kaya yung mga pictures niya. Kung alam niya lang na punong-puno ng mukha niya ang kwarto ko. Meron pa nga akong picture niya na nasa malaking frame, eh. Sabi ng at

