Kabanata 5

2177 Words
Sumilip ako sa clinic kung saan idinala ang lalaking tumalon mula sa rooftop kanina. Wala pa rin siyang malay matapos niyang malaglag sa isang gigantic balloon bed na inihanda nila kanina habang pinipigilan ko siya sa pagkakahulog. "He's alright. You can rest now," sabi sa akin ng lalaking taga-Maki Academy. Nakatayo siya sa tabi ko at nakatingin din sa lalaking nakahiga sa puting kama. Sa totoo lang, kinakabahan ako nang dahil sa presensya ng lalaking 'to pero mukhang hindi naman niya ako nakikilala. Nagtataka lang din ako kung paano siya napadpad sa lugar na 'to, e wala namang masyadong krimen na nababalita sa barrio namin. Sabay kami na naglakad paalis sa clinic. Hindi ko alam kung bakit kanina pa niya ako sinusundan. Nakilala kaya niya ako at naghahanap lang ng tiyempo upang magtanong? Napahinga ako nang malalim nang dahil sa ideyang iyon. Kaya bago pa siya magsalita ay nilingon ko na siya't inunahan. "I see that you are not from our school. What brings you here?" tanong ko sa kanya at saka tumingin sa logo ng kanyang uniporme. "Maki Academy? Saang school 'yan? Hindi ko pa naririnig 'yan. Siguro dahil tago at malayo ang barrio namin, ano?" dagdag ko pa at saka tumawa nang peke. Sana lang ay hindi niya mahalata ang nerbyos ko. Sa dami kong sinabi, mas lalo yata akong nahalata na nagkukunwari lang na walang ideya sa paaralan na 'yon. Nakahinga lang ako nang maluwag nang humarap siya sa akin at ngumiti. "I will be attending this school starting tomorrow," simpleng tugon niya. Namilog ang aking mga mata nang dahil sa sinabi niya. "What?" naibulalas ko pero kaagad ko rin iyong binawi. "I mean—why this school, of all places? It's even almost abandoned," pag-angal ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Why would a ninja like him attend this remote school? Oh wait! It's not what I think it is.... right? He again flashed a beautiful smile. "I see no problem with it," malumanay niyang tugon samantalang ako ay halos sumabog na sa inis at kaba. Bakit ba talaga ako kinakabahan? Dahil ayoko nang maging involved pa sa mga taong katulad nila. I have already left that world, pero bakit after three long years, nandito na naman sila malapit sa akin? Ayoko lang na magkaroon pa ng kahit na anong klaseng koneksyon pa sa kanila. That's all. Pinagmasdan ko muli ang lalaki. Makapal ang kanyang mga kilay na bumabagay sa kulay tsokolate niyang mga mata. Matangos ang kanyang ilong at mamula-mula ang mga labi. Usually 'yong mga ganitong hitsura ay pinipilahan ng mga babae upang magpa-autograph. Mukha siyang artista na hindi naligo ng isang linggo. Saka ko lamang napansin ang name tag na nakasabit sa ibabaw ng logo sa kanyang uniporme. Domino Allegro. His name does not ring any bell. Pinagmasdan ko pa siya nang mabuti at baka naka-disguise lamang siya at kakilala ko talaga siya, pero walang bakas na kahit na ano ang kanyang mukha. Natural at orihinal! "How did you know about this school?" muli kong tanong sa kanya upang huliin siya. Sigurado ako na mayroong dahilan kung bakit siya papasok sa paaralan na 'to. Bilang naging isang ninja rin ako, alam ko na ipinapadala sila sa mga misyon. Ibig sabihin, mayroon talagang hindi tamang nangyayari sa paaralan na 'to, o 'di kaya'y sa barrio? "Why do you seem bothered about my transfer?" balik-tanong niya sa akin at ngayon nama'y nabuo na ang isang ngisi na mukhang kanina pa niya pinipigilan. Was he playing with me? Nangunot ang aking noo. "I find it suspicious. It doesn't make any sense at all... unless your previous school is much worse than this one?" sarkastiko kong wika sa kanya dahilan upang mapatitig siya sa akin nang ilang segundo. Maya-maya pa ay muli siyang natawa nang bahagya at saka na ibinaling ang tingin sa harapan. He didn't even know how to answer? Why did he appear in front of me with that uniform, though? Sinadya ba niya? Mag-isa lang ba siya? Alam kaya niya na mayroong ex-ninja rito sa paaralan na 'to nang i-assign siya rito? Ang daming katanungan sa isipan ko. This is driving me crazy. Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot. Tinalikuran ko na siya kaagad bago pa niya ibuka ang bibig niya at saka na ako naglakad palayo. Kahit ano naman ang sabihin niya, hindi na ako maniniwala dahil alam ko na kung bakit siya nandito. Susubukan ko na lang na hindi maging involved sa misyon niya rito. I will turn a blind eye na lang kahit pa ano'ng gawin niya at mangyari. Hinding-hindi ako makikialam at hinding-hindi ko aalamin ang pakay nila rito. I will just live tulad ng dati; na parang isang hangin na nag-e-exist pero hindi nakikita. Dahil excused naman ako sa araw na 'to, nag-desisyon ako na umuwi na lang muna sa bahay ko upang magpahinga. Alas dyis pa lamang ng umaga at pupwede pa akong matulog na lang upang hindi ko na isipin pa ang mga kaganapan ngayon sa paaralan. Gusto ko pa sanang dumaan sa library pero alam kong hindi rin ako makakapag-focus dahil palipad-lipad ang isip ko ngayon. If he is alone, how could he possibly accomplish the mission? Isa ba siya sa mga magagaling na ninjas kaya they sent him alone? Siya ba ay katulad ko na binansagan na Ace of the Uzumaki? Napahilot ako sa aking sentido na halos tumibok na rin dahil sumasakit yata ang ulo ko sa mga nangyayari at naiisip ko. Gusto kong sampalin ang sarili ko at paulit-ulit na ipaalala na I should not care kung ano man ang katayuan niya sa ninja world, o kung paano man niya ma-e-execute ang plano niya nang mag-isa. That shouldn't be my concern! Padabog kong binuksan ang mababang tarangkahan ng aking bahay at saka ko iyon pabalang na isinarado. Nagulat na lang ako nang may tumamang isang hanger sa aking ulo dahilan upang mapahiyaw ako sa pagkabigla at pati na sa sakit ng pagkakatama no'n. Paglingon ko sa katabing buhay na may mababa lamang din na pader, nakita ko si Lola Kris na nakapamewang at naka-ismid sa akin. "Ano'ng dinadabog-dabog mo riyang bata ka, ha?" singhal niya sa 'kin na kaagad ko namang ipinanghingi ng paumanhin. Nakalimutan ko na may mga kapit-bahay pala akong matatanda. "Sorry po, Lola. Napalakas lang po ang pagsara ko," pagdadahilan ko bago pa niya ako mabuti muli ng isa pang hanger. "Kung gano'n, may maganda akong balita para sa 'yo," aniya na biglang gumanda na ang mood. Napangiti ako sa kanya. "Ano po 'yon, 'La?" nagagalak ko pang tanong. "May bago tayong kapit-bahay riyan sa katabi mong bakanteng bahay. Mga ka-edad mo pa," nagagalak niyang pagbalita sa akin dahilan upang magtaka ako. Bagong kapit-bahay na ka-edad ko? "Nag-aalala ako sa 'yo dahil ikaw lang ang dalaga rito sa street natin, baka kaya wala kang kaibigan," dagdag pa niya. "Hindi naman po—" Naputol ang sasabihin ko sa kanya nang biglang lumapad ang ngiti niya at saka may tiningnan sa likuran ko. "O, ayan na pala sila, eh. Mga hijo, ito na ang aming apong si Ake," pagpapakilala ni Lola Kris sa akin sa mga tinutukoy niya na bagong lipat. Nang lumingon ako sa direksyon na tinitingnan ni Lola Kris, sa katabing bakuran ko sa kanan, nakita ko ang dalawang matatangkad na lalaki na nakatayo at nakaharap sa amin. Kapwa sila nakangiting dalawa kay Lola Kris... ...at nang makita namin ang isa't isa, pare-parehong namilog ang aming mga mata sapagkat pareho silang pamilyar sa akin. Mukhang nakilala rin nila ako kaagad base sa kanilang reaksyon. Hindi kayo maniniwala, pero sila ay sina Alisson Ayui at Tobi Hayate na pareho kong nakalaban noon sa Battle of the Aces namin noong graduation para sa titulong Ace of the Uzumaki where I won by default dahil nag-surrender kaagad si Alisson without even battling me. Tila napipi kaming tatlo nang dahil pare-pareho kaming hindi makapag-react openly. Mabuti na lamang ay mayroon pang isang lalaki na lumabas papunta sa kanilang bakuran upang samahan ang dalawa. "Ano'ng ginagawa niyo riyan?" tanong niya sa dalawa at nang mapansin niya na nakatulala sa akin ang dalawa, napatingin na rin siya sa akin. "Hello, Lola Kris. Siya na po ba yung apo na tinutukoy ninyo kanina?" nakangiting wika ng lalaki na bago ang mukha. Thankfully, hindi na pamilyar sa akin ang pagmumukha ng lalaking iyon. "Oo, siya nga, hijo! Mukhang na-starstruck sa ganda niya ang dalawa mong kasama," pabiro pang sabi ni Lola Kris at saka siya humalakhak. Nanatili akong tahimik. Pinakalma ko na rin ang sarili ko habang yung dalawa ay hindi pa rin maka-get over, panay pa rin ang tingin sa aking mukha. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil tatlong taon nang bigla akong nawala na parang bula... at dito pa nila ako makikita sa isang misyon nila. Teka... ibig sabihin ba nito, magkakasama sila sa iisang misyon pati na ang lalaking nakita ko sa paaralan kanina na si Domino Allegro? Gusto kong mapamura nang malakas nang dahil sa naging sitwasyon ko. Why do I have to see them again? Nagpakalayo-layo na nga ako. Ngayon, how can I not get involved kung dalawang tao na kakilala ko ay na-meet ko ulit... not to mention na katabing-bahay ko pa. "Hello. It's nice meeting you, Ake. I am Aero," sabi pa sa akin ng lalaking hindi ko kilala. Magulo ang buhok niyon na hindi pa nagsusuklay. Madumi ang puting t-shirt na suot niya habang ang kanyang Maki uniform ay nakasabit sa kanyang balikat. "We'll be neighbors starting today. Please be good to us," dagdag pa niya at saka yumuko nang bahagya sa akin upang magbigay respeto. Napilitan akong ngumiti sa kanya, ngunit ang mga tingin ko ay pabalik-balik pa rin sa dalawa. "Let's be good neighbors to each other," tanging tugon ko at akmang tatalikuran ko na sila upang pumasok na sa aking bahay nang makaramdam na naman ako ng isang hanger sa aking likod. Napadaing ako at napalingon kay Lola Kris. "Araykup—bakit po, Lola?" pag-angal ko sa kanya. "Mahiyain lang talaga 'tong si Ake dahil hindi siya sanay na may ka-edad siya rito sa street namin. Puro matatanda kasi kami rito sa hanay na 'to," mahabang wika ni Lola Kris sa tatlo na patango-tango lang na tila ba ipinaparating na naiintindihan nila ang lahat ng sinasabi niya. "Sa Tapang College din kayo papasok, hindi ba?" tanong niya pa. "Yes po, Lola. Magsisimula po kami bukas," masiglang tugon ni Aero kaya naman tuwang-tuwa si Lola Kris sa kanya. Nakita kong siniko ni Aero ang dalawa niyang kasamahan na shocked pa rin sa pagkikita naming tatlo. Hindi nila magawang maibuka ang kanilang mga bibig dahil na rin hindi pa nila masabi na magkakakilala kami dahil nandoon si Lola Kris. Ilang beses na rin akong napabuntong-hininga dahil ayoko nang magkaroon ng koneksyon pa sa kanila. Kung pupwede lang na magpanggap kami na parang hindi kami magkakakilala kahit pa magkasalubong kami sa daan o sa paaralan. Ang kaso, we have to talk pa rin sa harapan ng mga matatandang kapit-bahay namin, lalo na ni Lola Kris, dahil papagalitan na naman niya ako. "Oo nga pala, hindi ba't may dalawa pa kayong kasama? Yung dalawang kegu-guwapong mga binata?" tanong muli ni Lola Kris sa tatlo. Mukhang marami siyang oras ngayon. Napasimangot naman si Aero nang pabiro. "Hindi po ba kami guwapo sa paningin ninyo, Lola?" pabiro niyang sabi dahilan upang mapahalakhak si Lola Kris. "Kahit mas lamang sila ng kaguwapuhan sa 'yo, ikaw ang paborito ko," pabiro ding tugon ni Lola Kris sa kanya. Ako nama'y napasimangot na lang dahil kailangan kong mapakinggan ang mga kakornihan nila kung ayaw kong mabato muli ng hanger o 'di kaya'y pasukan ni Lola Kris sa bahay upang pangaralan. "Yung isa po naming kasama ay nag-tour muna sa school," sagot ni Aero. "Yung isa naman po ay—" Nahinto siya sa pagsasalita at napalingon sa gilid niya. "Nandito na po pala siya. Gusto ka raw makilala ni Lola Kris," aniya pa sa kanyang paparating na kausap. Tahimik akong nagdasal na sana hindi ko kakilala ang huling lalaking kasama nila sa misyon. Napa-cross fingers pa ako habang hinihintay ko na lumabas ng bahay nila ang lalaki. Mukhang gano'n din si Lola Kris at abang na abang. "Kakagising ko lang," rinig kong sabi niya kay Aero at saka na siya tumabi sa mga kasamahan niya sa bakuran. Pagtingin ko sa huling lalaki, nakasuot lang siya ng plain white na damit pero kitang-kita ang matipuno niyang pangangatawan. Nang iangat niya ang kanyang mukha, tuluyan ko nang nasilayan ang almost perfect niyang pagmumukha. Perpekto ang makakapal niyang mga kilay, mahahabang pikit-mata, kulay abo na mga mata, matangos na ilong, at mapupulang mga labi. Literal na napalunok ako ng laway ko nang bumaba pa ang tingin ko sa gumalaw na adam's apple niya. Tulad ko, makikita sa kanyang mukha ang pagkabigla nang makita ako. Bakas sa kanyang mga mata na nakikilala niya ako. Ako man ay muntik nang manlambot ang mga tuhod nang makilala ko siya. He is none other than Niklaus Fox, the man who knew me best.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD