Kabanata 4

2177 Words
TW: Suicide Three years later... Hindi ko na kinandado ang pinto ng aking bahay at lumabas na ako sa tarangkahan upang pumasok na ako sa dalawang taon ko nang pinapasukan na paaralan. Maliit lamang iyon at kakaunti ang mga estudyante, ngunit hindi iyon naging dahilan upang ipasarado ang institusyon. Malalaki kasi mangarap ang mga estudyante roon at handa talaga nilang ipaglaban ang karapatan nilang edukasyon. Alas sais pa lamang kaya tahimik pa ang paligid kasabay ng malamig na paghaplos ng hangin sa aking balat, ngunit hindi naman nakakatakot nang ganitong oras sapagkat maririnig mo na ang tahimik na pagwawalis ng mga matatanda sa kanilang mga bakuran. Mababa lamang karamihan ang mga bakod dito kaya kitang-kita ko sila sa pagdaan ko. Isa sa mga nadaanan ko ay napatingin sa akin kaya naman tumayo siya nang maayos at kinawayan ako. Ngiting-ngiti rin ang matandang babae na kulot ang buhok na hanggang leeg lamang. "Papasok ka na ba sa eskuwelahan, Ake?" malakas na tanong niya sa akin dahilan upang mapalingon sa amin ang ilan pang mga matatanda sa kani-kanilang bakuran at binati rin ako. Napangiti ako. "Opo, Lola Iska. Dadaan pa muna ako sa library kaya inagahan ko," magalang na tugon ko sa kanila na ikinangiti nila. Samu't saring papuri ang narinig ko mula sa kanila sapagkat isa raw akong mabuting bata at estudyante. "Hindi mo na naman ba kinandado ang bahay mo? Ikaw talagang bata ka, oo. 'Wag kang mag-alala, lilipat ako roon mamaya upang magwalis ng bakuran mo," sigaw ni Lola Kris na kapit-bahay ko na kalalabas lang ng kanyang bahay. May hawak siyang walis-tingting sa kanyang kanang kamay. "Salamat ho, Lola Kris," nakangiti kong tugon. Hindi na talaga ako nagsasara ng bahay dahil wala namang nagnanakaw sa lugar na ito. Plus, these old ladies are so lovely. They always look after me kahit na hindi naman nila ako kaanu-ano. Sa tatlong taon kong paninirahan nang tahimik dito, sila na ang naging pamilya ko. Maya't maya ay may pupunta sa bahay ko upang ipagdala ako ng ulam. Si Lola Kris ay ipagluluto pa ako niyan matapos magwalis ng bakuran ko. Naisip ko na rin na gusto kong tumanda na lang din dito. "Sige na, hija, pumasok ka na at baka mahuli ka pa." Napalingon naman ako sa tapat na bahay lamang ni Lola Iska na si Lolo Bon. Hindi talaga mawawala ang kupya sa kanyang ulo. Nakahahawa rin ang kanyang magandang ngiti. "Mauna na po ako. Magandang umaga po," nakangiti kong paalam sa kanilang lahat at saka na ako nagmadaling umalis. Kung hindi kasi ako aalis e magtutuluy-tuloy pa ang pagkausap nila sa akin. Gusto ko mang makipag-kwentuhan pa sa kanila, e wala na akong oras. Ang Barrio Tapang ay ang pinaka-malawak na lugar at mayroong pinaka-malaking populasyon sa Bayan ng Hermes. Kilalang-kilala ang lugar na ito sa buong bayan sapagkat halos matatanda ang mga nakatira rito, kaya minsan na nilang binansagan ang barriong ito bilang 'City of the Immortals.' Kaya raw marami ang populasyon namin ay dahil mahahaba ang buhay ng mga tao rito. Madalas nila kaming tanungin kung ano ang sikreto namin. Paglabas ko ng aming street, makikita na kaagad ang arko ng aming lugar, ang Barrio Tapang. Mula roon, didiretsuhin lamang ang daan at matatagpuan na ang pinapasukan kong paaralan. Ganoon lang naman kalapit ang aking paaralan, ang Tapang College, mula sa bahay ko. Isa sa mga kaklase ko ang nakasabay ko sa paglalakad. Kung malapit ako sa mga matatanda sa aming barrio, kabaliktaran naman sa mga kaedaran ko. Hindi ako komportableng kasama sila at hindi ako masyadong umiimik. Madalas kong marinig mula sa kanila na masyado raw akong tahimik o 'di kaya'y malamig ang pakikitungo. It was because being friends with people feels like a chore to me. "Buti naabutan kita, Aki," malumanay na sabi niya sa akin habang sinasabayan ako sa paglalakad. Kung hindi ako nagkakamali, siya ay si Empress, ang pinaka-mahinhin na tao na nakilala ko sa tanang buhay ko. Lumingon ako sa kanya na mayroong nagtatakang ekspresyon. Hindi naman niya ako kinakausap talaga kaya nakakapagtaka na gusto niya akong makasabay. "May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya na kaagad niyang tinanggihan sa pamamagitan ng pag-iling. "Hindi naman. Gusto lang kitang makasama dahil komportable ako sa presensya mo," wika ni Empress na ikinabigla ko. Hindi ko pa siya nakakausap o nakakasama ever, so hindi ko rin alam kung ano ang ibig niyang sabihin. "Gusto sana kitang maging kaibigan, Aki," dagdag pa niya sa napaka-lambing niyang boses. It is just how she speaks. Tiningnan ko lamang siya at hindi ako sumagot. Alam niyang hindi ako nakikipagkaibigan kahit kanino, so she was really bold to ask me to be her friend dahil expected naman na ite-turn down ko iyon. Hindi na lang ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa aming paaralan at makapasok sa aming klasrum sa ikalawang palapag ng Building One. Hindi pa man ako nakakaupo ay biglang nagsitayuan at nagsitakbuhan ang aming mga kaklase palabas ng silid. Nagkatinginan kami ni Empress sapagkat hindi namin alam ang nangyayari at kadarating lang namin. Bilang isang mahinhin na babae, wala rin sa katauhan niya ang mag-usisa ng kaklase ng tungkol sa nangyayari kaya wala akong choice kung hindi lumabas ng silid at sundan ang mga tao. Baka hindi namin alam ay nasusunog na pala ang gusaling ito. Habang naglalakad sa hallway, napasilip ako sa baba ng gusali at nakita na nagtipon-tipon ang mga estudyante roon habang nakatingala. Napakunot ang aking noo nang dahil doon at mas binilisan pa ang paglalakad. Ibinalik ko na ang tingin ko sa harapan at nakita na mayroong isang guro doon na sinusuway ang mga estudyante na magtulakan pababa. Napansin ko rin na nakaharang ang kanyang katawan sa hagdan paakyat sa mga susunod pang palapag. Huminto ako sa harapan ng guro na iyon, si Sir Markus. "Ano pong nangyayari, Sir?" magalang na tanong ko sa kanya upang mabawasan ang aking pagkalito. Nakilala kaagad ako ni Sir Markus dahil isa lang naman ako sa mga nangunguna sa kanyang klase. "Ikaw pala, Aki. Mayroon kasing isang estudyante na nasa rooftop, mukhang tatalon," frustrated na wika niya at saka napasandal na lamang sa railing ng hagdan nang makitang wala nang ibang estudyante sa palapag na ito. Ako nama'y natigilan at napasulyap sa hagdan paakyat. Kaya naman pala nasa ibaba ang lahat at nakatingala, may gustong tumalon mula sa gusali. Hindi ko alam ngunit parang may sariling utak ang aking mga paa na tumakbo paakyat sa hagdan na kanina'y hinaharangan ni Sir Markus. Nagulat pa siya nang makita akong nagmamadaling umakyat saka niya tinawag ang pangalan ko nang ilang beses ngunit hindi ko siya pinakinggan o nilingon man lang. Nakarating na ako sa ika-apat na palapag at rooftop na ang susunod. Hingal na hingal na ako sa kakatakbo at kakaakyat ngunit hindi ko iyon alintana. Mukhang kinulang na sa ehersisyo ang aking katawan. Tatlong taon na kasi ang nakalilipas noong huli akong magsanay. Matiyaga kong sinampa ang huling hagdan patungo sa rooftop, ngunit nang pihitin ko ang doorknob ay naka-lock iyon. Napamura ako nang mahina at saka ko muna pinakalma ang sarili ko upang mag-isip. Nang mapagtanto ko na wala nang ibang paraan, sinipa ko ang doorknob sa abot ng aking makakaya dahilan upang malaglag iyon at naalis na ang pagkaka-lock. Itinulak ko kaagad ang pinto na iyon at saka ako patakbong nagtungo sa malawak na rooftop. Ngayon pa lamang ako nakaakyat dito at malawak nga pala talaga kaya inilibot ko pa ang aking paningin upang mahanap ang estudyanteng nagbabalak tumalon. Nahinto ang tingin ko sa gitnang parte ng rooftop at saka ako dahan-dahan na naglakad papalapit upang hindi niya maramdaman ang presensya ko. I was afraid na kapag nalaman niyang nandito ako upang pigilan siya sa binabalak niyang gawin, mas mapilitan siyang tumalon nang wala sa oras. Nakatayo siya sa railings paikot sa rooftop na nagsisilbing harang sa aksidenteng pagkakahulog ng mga estudyanteng magagawi rito. Isang payat na lalaki na mayroong hawak na lukot na papel sa kanyang kanang kamay. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang ekspresyon niya sa mukha, ngunit base sa tayo niya ay hindi siya natatakot na mahulog. At nagulat ako nang makitang bigla siyang tumalon nang wala man lang makikitang hudyat mula sa kanyang mga galaw. Kusang gumalaw ang aking mga paa patakbo papalapit sa kanya at saka walang takot na sinampa ang isa kong paa sa railings upang abutin siya—and luckily, nahawakan ko ang isa niyang kamay. Mas pinakapit ko ang isa kong paa sa railings habang pilit na hinila ang lalaki paakyat, ngunit nahirapan talaga ako dahil mukhang mas matimbang siya nang kaunti kaysa sa akin. "Please hang in there," napapangiwing wika ko sa kanya habang pilit siyang hinihila. But he just looked me dead in the eyes, walang kahit na anong ekspresyon sa kanyang mukha. "I don't want any help, so please..." malumanay niyang sinabi. Walang buhay ang kanyang boses na tila ba pagod na pagod na siya. "No... please," desperado kong tugon sa kanya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay. "Come up here, so we can talk," muli kong sinabi sa kanya. Pinagpapawisan na ako at ang aking mga kamay kaya nagsisimula nang dumulas ang pagkakahawak ko sa kanya, but I tried hard not to let go of him. "Please let me go," muli niyang sabi sa wala niyang buhay na tinig. Hindi ko na rin napapansin ang pagsigaw ng mga estudyante sa baba. Naka-focus lang ako sa lalaking hawak ko at kung paano ko siya makukumbinsi na umakyat pabalik. "You are not alone, so please don't do this. It'll get better, I promise..." muli kong pangungumbinsi sa kanya. My chest ached so much, ngunit walang kahit na anong luha ang lumabas mula sa aking mga mata. "Don't do this..." halos pagmamakaawa ko sa lalaki. But his eyes were completely lifeless, tila ba handa na siyang lisanin ang mapanghusga at mapanakit na mundong ito. "If you save me now, I will never forgive you. Please let me go, so the pain can finally stop..." desperado niyang sabi. Doon ko pa lamang narinig at naramdaman ang sakit na dinidibdib niya noong mga oras na iyon. Napatulala ako sa kanyang mukha na nagmamakaawa na rin sa akin. How could I possibly let go of him, knowing that he'll die then? Nanatili akong tahimik. I totally understand the feeling.... of being hopeless. Iyong pakiramdam na wala nang ibang solusyon kung hindi tumakas na lamang upang mawala na yung sakit na araw-araw mong binibitbit. I knew how terrible it was to wake up everyday with a sack of burden weighing on your chest, and taking those pain aways seemed impossible to achieve, so we resort to self harm. I totally knew. Nagulat ako nang biglang hinawakan ng lalaki ang dalawang kamay ko gamit ang isa niyang kamay, saka niya pilit na tinanggal ang pagkakahawak sa kanya. Napaawang ang aking mga labi nang tuluyang dumulas ang aking pawisang mga kamay mula sa kanyang kamay kaya tuluyan ko na siyang nabitawan.... at tuluyan na rin siyang nalaglag. Narinig ko ang sigawan ng mga estudyante sa baba habang tila slow mo ang pagkakalaglag niya. Ako ma'y hindi kaagad naka-react ngunit nang mapagtanto ko ang nangyari ay napasigaw ako nang paulit-ulit hanggang sa masugatan ang aking lalamunan. Bago pa tuluyang bumagsak ang lalaki sa lupa, ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng paghirap kong huminga nang dahil sa takot na bumabalot sa aking dibdib. Maya-maya pa ay narinig ko ang pagdating ng mga re-rescue sana habang hawak ko pa yung lalaki kanina. Kaagad nila akong inalalayan na bumaba sa railings at pinaupo sa sahig ng rooftop. Sumandal ako sa railings habang naghahabol ng hininga. Alam ko na sa mga oras na iyon ay bumagsak na ang lalaki... whom I failed to save. Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na I wouldn't care sa kahit na kanino, na hindi ko kailangang tumulong o magligtas ng tao because I have already left that path. Ngunit kusang gumagalaw ang aking katawan sa ganitong mga sitwasyon, but I always failed. Nabigla ako nang maramdamang mayroong yumakap sa akin upang tulungan akong pakalmahin. Nakatakip pa rin ang aking mga mata kaya hindi ko alam kung ano na ang lagay rito sa itaas. Saka ko narinig na mayroong bumulong sa aking tainga. "He's alive and safe, thanks to you. You saved the boy," wika ng tinig ng isang lalaki. Natigilan ako nang dahil sa narinig. Nang humiwalay siya sa akin, dahan-dahan ko ring inalis ang aking mga kamay sa aking mga mata. Unti-unti na ring kumalma ang aking katawan. "What did you say?" nasambit ko at saka ko pinagmasdan ang lalaking yumakap sa akin kanina. Nagulat ako nang makitang isa lamang siyang katulad kong estudyante. May suot siyang puting polo shirt na nakabukas ang dalawang unang butones kaya kita ko ang puti niyang t-shirt na kanyang panloob. Nangunot ang noo ko nang mapatingin sa logo ng suot niyang uniporme—Maki Academy. Natigilan ako at muli iyong binasa sa pag-aakalang nagkamali lang ako ng basa, but the name still remained. Maki Academy, the school for ninjas. My alma mater.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD